Friday, February 18, 2011

TELL HIM Chapter 21

CUE








"hindi kita bibitiwan...
...hindi kita isusuko"








“nasan na siya?!” patakbo kong tinungo ang banda. Lingon sa kana, lingon sa kaliwa, wala “kuya nasan nap o yung kumanta?” tanong ko sa lead guitarist. “huh? umalis bigla eh” nagtatakang sabi ni kya. Bumalik ako sa table kung nasaan naiwan sina Cherry, binigyan ko si Cherry ng mapagtanung ngunit may partatakang titig. Naintindihan naman niya ito, tanging iling lang ng ulo ang isinagot niya, hinawakan ako sa balikat ni Kuya Biboy, hindi ko napigilan ang nagtulo ng aking luha. Unti unti din ang pagbaksak ng aking tuhod sa lupa, “nasaan ka na?” tangi kong nasambit. Mga mapagtanong na titig ang ibinigay ng tao sa aking paligid, sino ba naman ang hindi mapapatingin sa inasal ko, para akong taong may hinahabol na sanggano. Ballot ng samut sarinh emosyon ang aking nararamdaman, parang may isang patalim ang tumatarak sa aking puso, naninikip ang aking dibdib, hindi ako makahinga, “masaya ako dahil nakita ko siya, pero . . . bakit . . . bakit ngayon pa, na handa na akong ibigay muli ang aking puso sa iba... bakit!” tudyo ng aking isipan. Agad naman akong itinayo ni Cherry at ipinasok sa loob ng bahay, kasunod din ang mga taong nag aalala sa akin.



------------------------------
          

                Gulong gulo ang aking utak sa mga nagdaang araw. Halos hindi ako makatulog, hindi makakain at hindi magawang magsaya. “anak, kumain ka na... tignan mo yang sarili mo, napapabayaan mo na ang sarili mo” nagmamalasik na sabi ni mama habang pilit akong pinakakain sa aking silid. “baby brother kumain ka na...hindi ka makakapag-aral kung ganyan ang gagawin mo sa sarili mo, saka alalahanin mo may photo shoot tayo mamayang hapon” pag aalo sakin ni ate Ahniz. “si Pete na lang at si Cherry ang gawin mong model,a....ayoko na” sagot ko kay ate, nagkatinginan naman sila ni mama.


“alright I’ll postpone your photo shoot for today, but I cannot cancel Cherry and Peter’s... i’ll be going now” pag papaalam ni ate sakin, umalis na sila ni Pete, si mama naman ay may kailangang lakarin. Minabuti kong maglalakad lakad din, para na rin makalanghap ng sariwang hangin. Hindi ko alam kung san ako dadalhin ng aking mga paa, halos naikot ko na ang village namin, ma nakita akong mga batang nagpipiko, naghahabulan, may naglalangoy at nagkakatuwaan sa village pool, may nagdadate ang sweet nila habang magkahawak ang mga kamay, narrating din ng paa ko ang pwestong katuwang ko sa mga oras na katulad nito. “kumusta pareng bench, pareng poste, kumusta mga lantang dahon...namiss nyo ba ako?  . . .haha sana sumagot no...”



“hindi yan magsasalita...pero ako . . .” napalingon ako sa taong ngasalita, ngumiti ito sa akin, lumapit at umupo sa espasyo na binigay ni pareng bench habang ako ay nanatiling nakatitig sa kanya, hindi makapagbitiw ng kahit anong salita, naka nganga na parang nakakita ng isang multo, at higit sa lahat, kumakabog ang dibdib, walang pagbabago ang kanyang hitsura, nandoon pa din ang mainis nitong mukha, ang matangos nitong ilong, ang singkit nitong mata, pero nadagdagan ng manicured scruuf na nakapagpatingkad sa kanyang kagwapuhan. Itinapon niya ang tingin sa unahan namin kung saan nagsimula na din siyang magsalita. “i’m sorry...” isang makapangyarihang salita na nakapagpalitaw muli ng mga namumuong tubig sa aking mga mata, “patawarin mo ako dahil hindi ko natupad ang aking pangako, pangakong akala ko habang buhay kong mapaninindigan, pero nagkamali ako, natalo tayo ng tadhana, ayoko man lumayo at iwan ang kaisa isa kong taong minahal . . . ay napalitan pa din ako... patawarin mo ako...kung kayak o lang ibalik ang nakaraan, huhugutin ko at tatahiin ko ng magagandang alala, hindi ng pait at pagdurusang naramdaman mo ng nawala ko. Alam ko ang mga ito JN, dahil  . . .msimong ako ay nakapaglaban sa sakit na aking nararamdaman, sa poot ko sa sarili ko dahil hindi ko napatunayang hindi kahit kaylan na iwan ka. Araw araw lagging dalangin na sana. . . sana hindi na lang kita iniwan. Wala ni isang minute ang di ka laman ng nito.” Tumulo ang luha niya habang turo turo ang kanyang kaliwang dibdib. Tumigil siya at bumuntong hinginga “pero alam mo... itong sakit na to, eto ang ginamit ko para manatiling mabuhay at bumuo uli ng pangarap, pangarap na maksama kang muli.” Humarap siya sa akin at hinawakan ako sa mukha “JN mahal na mahal kita, kahit kaylan hindi nawala ang pagmamahal ko para sayo, ikaw lang ang nagbibigay sakin ng totoong saya...ngayong nasa harap na ulit kita hindi na kita ulit iiwan. Alam kong nangulila ka sakin, pero tapos na yon, nandito na ulit ako, hinding hindi na ako lalayo sayo.” Pareho kami luhaan ng iparamdam niya ulit sa mahabang panahon ang kanyang labi. Ang labing inasam kong makuha noon pa.



_______________________________



RRRRRRRRRIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGG!!!!


“JN!” tawag niya sa akin sa telepono


“ano!”


“i love you!”


“huh? ano?” kunyari hindi narinig (pero nakangiti naman hahaha)


“sabi ko pangit ka!”


“alam ko! wag mo ng ipaalala...”sagot ko na kunyari ay nagtatampo


“joke lang!” maagap niyang sagot


“no alam ko naman!”


“joke lang yun ikaw naman... di ka na mabiro!” halos nagmamakaawang tugon niya


“huh? joke lang pala na mahal mo ako?” nanghihinayang kong sagot


“ahhh....hahaha ikaw huh! kunyari ka pang hindi mo narinig tapos . . . “


“kiko!” pagputol ko sa kanya


“ . . . p- . . .po?” nagcrack niyang boses


“mahal din kita!” Masaya kong bawi sa kanya


“wohohohohooooo!!! Ibig bang sabihin!”


“oo”


“woooooooohhhh!!!!!!!! I love you i love you i love you i love you i love you i love you i love you!! hahaha wohohoho!”


“bat 7 i love you lang? Diba dapat 8 un?” medyo disappointed kong tanong


“tapos nab a ako? Tumingin ka sa labas” patakbo kong tinungo ang balkonahe namin at hayun, nakita ko sila? Anong ginagawa nitong mga to nasa harap ng bahay ang buong glee club namin naka costume pa, nakabarong at gown pa, mula sa  kumpol ng clubmember ko ay lumabas na siyang tanging nakaporma sa lahat, natulala ako ng magsimula siyang kumanta, kaya pala kasama niya ang glee club, “kiko talaga, kung ano anong naiisip” tudyo ng utak ko, habang hindi ko maipaliwanag ang sayang aking nararamdaman habang binibigkas niya ang bawat kataga ng kantang yon....

videokeman mp3
Tunay Na Ligaya – Ariel Rivera Song Lyrics



‘Di ko pansin ang kislap ng bituin
‘Pag kapiling ka, sinta
Kahit liwanag ng buwan sa gabi
‘Di ko na masisita
Iisa lang ang naghaharing tala sa mundo
Tanging ikaw ang liwanag sa buhay ko…
‘Di ko pansin ang bango ng Jasmin
‘Pag kapiling ka, sinta
Kahit ga-dagat ang dami ng rosas hindi matataranta
Iisa lang ang nagtataglay ng halimuyak
At ikaw nga, tanging ikaw, sinta
Ikaw ang tunay na ligaya
Tanging ikaw, sinta
Umaga, hapon kahit magdamag
Laging ikaw, sinta
Umaga, hapon, kahit magdamag
Laging ikaw, sinta
Hindi magsasawa sa piling mo
Hooh…
‘Di ko pansin ang bawat sandali
‘Pag kapiling ka, sinta
Bagyo’t ulan, kidlat o kulog man
‘Di napapansin, sinta
Iisa lamang ang hinihiling kong kasagutan
Ang ngayon at kailanma’y makapiling ka
(Ikaw ang tunay na ligaya)
(Tanging ikaw, sinta)
Tanging ikaw…
(Umaga, hapon, kahit magdamag)
(Laging ikaw, sinta)
Hindi magsasawa sa piling mo
(Ikaw ang tunay na ligaya)
(Tanging ikaw, sinta)
Tanging ikaw…
(Umaga, hapon, kahit magdamag)
(Laging ikaw, sinta)
Hindi magsasawa sa piling mo…

           


            Nang matapos ang kanta ay bumaba ako para harapin sila, ng makalabas ako ng gate ay parang bulang naglaho ang mga club member. Siya ang tanging nakatayo sa aking harapan, mula sa kanyang likuran ay hingit niya ang isang bouquet ng rosas na nakaayos para magmukang puso. Iniabot niya sa akin ang rosas at lumuhod sa aking harapan “hoy ano ka ba tumayo ka diyan mamaya may makakita sayo” ako, “diba sabi ko hindi pa ako tapos, JN Martin, ikaw ang tunay kong ligaya, iakw lang ang hanap ng puso ko sa lahat ng oras, hinding hindi ako magsasawa sa piling mo at tanging ikaw lang ang mamahalin habang buhay . . . maari ba kitang maging other half ng puso ko?” hindi ko alam ang isasagot ko, parang nahila ang aking dila at tanging luha at ngiti lang ang aking naipapakita. “ano!” medyo mataas nyang pagtatanong, natauhan naman ako mula sa pagkakalutang ko sa kalangitan “galit ka ba? Ano yang nagpopropose o nanakot?” tumayo siya at hinawakan ang aking kamay “mahal na mahal kita JN!” at naglapat ang aming mga labi, ang labing tanging sa panaginip ko lang inasam na makuha, pero alam kong hindi ito panaginip, totoong hinahalikan niya ako at totoong mahal niya ako dahil ramdam ito ng puso ko. kumalas kami sa isa’t isa “ikaw din ang tunay kong ligaya, mahal na mahal din kita Kiko!” at biglang naghiyawan ang mga ka-club member namin, “bessy im so happy for you!” biglang paglabas ni Cherry sa bushes na may dahon pa sa buhok, natapilok pa paglalakad, si bestfriend talaga kahit kalian panira ng moment eh. “salamat bestfriend”, “oh pano bay an, natupad na ang matagl mo ng pinapangarap...oi ikaw Kiko wag mong sasaktan to huh!” si Cherry. “siyempre naman, at wala akong balak gawin” kinabig niya ang aking balakng at hinalikan ulit, mas mapusok, basa, at mainit at mas puno ng pagmamahal, naghiyawan naman ang buong club na parang ngayon lang nakakita ng naghahalikan, sa bagay naghahalikan nga naman kami, kaya lang parehong lalaki.



...................................................



            Kumalas ako at nagsimula na ding magsalita. “sorry din . . . Kiko alam ko na ang lahat, alam kong umalis ka ng bansa dahil sa ginwa ni papa sainyong pamilya at hindi dahil sa doon kayo maninirahan talaga, patawarin mo ako dahil wala akong lakas ng loob na ipaglaban ka kay papa, sa mga panahong akala ko ay hindi ka tutupad sa pangako mo, na binitiwan mo na lang ako ng basta basta, patawarin mo ako dahil hindi ko nagawang pigilan ang ginawa ni papa patawrin mo kung napag-isipan kita ng masam na ang iniisip ko lang ay ang sarili kong nararamdaman at hindi ko isinaalang alang na naging masakit din ang lahat para sayo, na naghirap ka din ng magkahiwalay tayo , hindi ko naisip na tiniis mo ang ganitong klaseng hirap para sa akin, para sa pagmamahalan natin dati na sa puntong bumitiw na din ako sa pagmamahal mo at pag-asang babalik ka pa sakin ng may pagmamahal pang nararamdaman sa puso mo. Patawarin mo ako Kiko, patawarin mo ako.” Patuloy na pagdaloy ng aking buong emosyon.


“JN mahal na mahal kita . . . hindi kailanman nawala ang iyong mga alala sa aking puso, lagi kong baon ang mga masasaya nating sandali, ang mga ngiti mo ay nakaukit sa aking isipan, ang init ng iyong pagmamahal ang bumuhay at nagbigay ng pag-asang pag dating ng panahon ay maiituloy nating ang pagmamahal natin para sa isa’t isa alam kong nararamdaman mo din ito . . . wala sa atin ang may sala, naging madamot lang ang panahon para sa atin, pero ngayon kahit panahon ay kakalabanin ko maibalik lang natin ang dati ”


“Kiko...” tangi kong nasambit


“let’s start over... dugtungan natin ang naputol, ibalik natin ang kung ano man ang nawala. Mahal na mahal kita, hindi ko nakakayanin pag nawala ka pa sakin at ngayon ay ipaglalaban kita maging kapalit pa man nito ang buhay ko, pupunan ko ang mga araw, linggo, buwan at taon na nawalay ka sakin, ibabalik ko ang maga nagisnan kong mga ngiti sa labi mo, ang mga halakhak na nagbibigay ng saya sa akin, ang mga masasayang alala ay ipagpapatuloy natin” mahaba niyang sagot.


            Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya, natutuwa ako dahil sa pagbabalik niya, dahil sa naramdaman kong mahal niya ako, may pag-asa pa at nabigyan nag linaw ang mga bagay na matagal ko ng iniisip at nagparamdam muli ng isang sayang tanging siya laman ang nakapagbigay, ngunit sa isang banda, nagaalinlangan dahil sa isang taong tinitibok din ng aking puso, laman din ng aking puso at panaginip, na siyang sumambot sa aking pagkakalumo at nagbigay ng bagong pag-asa at inspirasyon para muling magmahal ng totoo at umibig ng walang pag aalinlangan, na ibigay buong pagmamahal at pagtitiwala muli sa kapangyarihan ng puso. Nanatili siyang nakatitig at nag iintay ng mag salitang bibitiwan ko, na siyang makakapagpasya sa aming naudlot na pagmamahalan. Tumayo ako at medyo lumayo ng kaunti sa kanya ngunit sunudan niya ito ng isang yakap mula sa aking likod. Kumalas siya at iniharap ako sa kanya.muli sana niya akong hahalikan ng...



“JN” isang tinig mula sa isang tao ang nakapagpatigil sa aming dalawa.



Lumingon kami pareho sa taong iyon.



“Gab....”



Kasabay ng paglubog nga araw ay ang pagsisimula ng isang bagong kaganapan sa aming buhay... ang simula ng pagpapatuloy o ang simula ng pagwawakas.....






Itutuloy.....



2 comments:

  1. kaka excite yung susunod na mangyayari!!!!!!

    ReplyDelete
  2. patay don.. huhuhu kawawa si gaboy....like po panaman sya...pero like ko din si kiko at pete si kuya biboy di masyado.... huh dami pagpipilian pero go for gab or pete and my KIKO...hehe

    ReplyDelete