Sunday, February 13, 2011

TELL HIM Chapter 18

ROUND 2 FIGHT!






"violence is not the solution for crying out loud! darn it!-JN"





Matapos ang pagrerelax eh balik na naman sa totoong mundo. “Hmmm duty nanaman, naeexcite akong magduty talaga, ilan kaya pasyente ko ngayon? Ano kayang case ang mapupuna sakin? Sana naman yung medyo bago, yung hindi ordinary para naman hindi paulit ulit....”


Bumangon na ako sa aking kama matapos umidlip ng konti pagkagaling sa laguna.


Tok tok!

“bukas yan” iniluwa ng aking pintuan si Pete.

”hey…” bati nya sa akin.

”hey…” sagot ko sa kanya.

”anong oras kita ihahatid? 10 o’clock na kasi.” masuyo nyang tanong habng umupo sa aking tabi.

”hmm maya mayang 12, malapit lang naman ang hospital eh”sagot ko habang nakatitig sa kanyang kamay. Hinawakan ko ito at hinila siya palapit sa akin. Humiga siya sa aking tabi at niyakap ako.

”Pete….” tawag ko sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata.

”yes?” mahina nyang sagot habang nakatitig din sa aking mga mata. Ang sumunod na eksena ang aking pinakaaasam, inilapat nya ang kanyang mga labi sa aking noo, pinagapang papuntang ilong at tinungo ang aking nagiintay na mga labi. Napakasarap nyang humalik, ibayong kaligayahan ang aking nadarama kapag ang aming mga labi ay nagiging isa… ”tama mahal ko nga si Pete . . . totoo ito . . . pero pano si . . .”


            Kumalas siya masuyong halikan at tumayo, hinila nya ang aking mga kamay, dahilan para ako’y mapatayo din sa kanyang harapan, lumuhod siya at tumingala sa aking mukha, mula sa aking pagkakatayo ay kita ko ang kanyang maamong mukha ”JN . . .” panimula nya, hindi ako nagsalita bagkus ay inintay ang kanyang sunod na sasabihin.


”simula pa lang nang makita kita hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, bago ito sa akin at talaga namang naguguluhan pa ako noong una, hindi ko din lubos maisip na makakaramdam ako ng ganito, isang kakaibang saya pag ikaw ang aking nakikita, isang ligaya na pati ang aking buong pagkatao ay nasakop na nito, pinilit kong itago ang aking nararamdaman dahil sa natatakot ako sa pwedeng sabihin ng iba lalo na si ma’am Becka, ayokong isipin nila na isa akong oportonista at ayoko din lumabas na ginagamit kita sa pansarili kong hangarin. Pero sadyang hindi ko na talaga mapigilan, natatandaan mo ba noong una kitang sinundo sa school mo, noong pumunta tayo sa mcdonalds, noon pa man gusto ng kumawala ng aking damdaming sabik sa pagmamahal, simula noon ikaw ang naging laman ng aking puso’t isipan, ikaw ang hinahanp ng aking mga mata pag ako’y mumulat sa umaga, ikaw ang iniintay na masilayan, laging masaya ang aking araw pag alam kong masaya ka, pag nakikita ko ang mga ngiti mo. Masaya ako pag kasama kita, pag inaalagaan mo ako, alam mo ba noong sinusubuan mo ko ng fries noon, gusto ko ng umiyak sa tuwa dahil sa unang pagkakataon may nagmalasakit sa akin, may nag-alala sa kalagayan ko. Kung papayagan mo ako JN, ipapakita ko sayo na mahalaga ka sakin at hindi ko kailanman kakayaning mawalay sa tabi mo.. Mahal kita JN..mahal na mahal… ”

              
             Hindi ako makapaniwala sa kanyang pinagtapat, hindi ko din naman namalayan ang pagguhit ng mga luha sa akin mukha, kaya naman tumayo siya at pinahin ang mga ito, gustuhin ko mang magbitiw ng mag salita ay hindi ito lumabasa sa king bibig dahil sa katuwaang aking nararamdaman. Napansin naman ito ni Petekaya naman nagsimula ulit siya


”hindi na kailangang banggitin pa ng mga labi mo ang iyong sagot… nararamdaman ito ng aking puso…” at muli nya akong siniil ng halik, hindi ko pa din maipaliwanag ang sayang aking nararamdaman, hindi ko man masabi sa kanya ang aking tunay na nararamdaman ay ipaparamdam ko sa kanya, ang bawat halik nya ay tinugunan ko hanggang sa maglapat na din ang aming mga dila, ninamnam ko ang bawat sandali ng pagkakalapat ng aming mga labi.


”Pete . . . maraming salamat…” ang tanging salita kong nabigkas, niyakap naman nya ako ng mahigpit at tinugunan ko din ito. Alam kong kahit may pag aalilangan pa ako sa king nararamdaman ay masaya ako dahil may isang Pete ang nagmamahal sakin.



_________________________



”naeexcite na ako…ilang oras na lang magkasama na kami ulit….”


------------------------------------------


”thank God magkakasama na ulit kami, pag nagkaroon na ako ng pagkakataon i will . . . Tell Him….”


__________________________



Natapos ko ng icheck ang aking duty bag, kaya nagbihis na ako ng aking white uniform ”parang sumikip ata…arrgghhh masikip talaga…uhhhmmmm”


TOK TOK TOK!!

”pasok!”


”hey ready ka na ba?”tanong sakin ni Pete. ”ahhh” nilingon ko siya at ”SSSHHHHRRRRREEIIIIKKKK!!!!” napunit ang pants ko. Ang ganda pa ng pagkakapunit, sa mismong puwitan, parang game na game ang pants ko ah.. nakakainis! Hahaha


”aaahhyy napunit..”naibulalas ko habang tinatakpan ko ang napunit na bahagi ng aking puwitan.

”akin na at tatahiin ko”alok ni Pete. Huhubadin ko na sana ang aking pantalon ng mapatingin ako sa kanya. Nahihiya ako dahil sa nakaharap siya sa akin, nakaramdam naman saiya na nahihiya ako ”ahh sige tatalikod ako” tumalikod siya at napakamot sa ulo. Bumaba siya at naghanap ng karayom at sinulid, bumalik din siya agad, ”siguro ay binigyan ni Nay Minda” bulong k osa aking sarili


”Pete eto na oh..”binigay ko sa kanya ang aking pantalon habang ako naman ay nakasando at nakaboxer na white. Napatingin naman siya sa aking itsura at napabuntong hininga ng malalim. Inabot nya ang pants ko at umupo sa kama ko, tinabihan ko siya at pinanood sa kanyang pagtatahi.


”hmmm Pete . . .” tawag ko sa kanya habang ipinatong ko ang aking baba sa kanyang balikat.


”oh?” malambing nyang sagot habang itinutusok ang karayom sa pantalon ko.


”pano ka natutong magtahi?” tanong ko sa kanya.


”tinuruan ako ni nanay, alam mo kasi bab- . . . JN, doon sa amin madaming laging ginagawa si nanay, madami siyang alam, saka diba madami kaming magkakapatid,ako ang panganay kaya naman nagpaturo ako ng mga ginagawa nya para naman kahit papaano ay matulungan siya at paran a din mabawasan ang gawain nya, di lang ito ang kaya kong gawin, kaya kong magluto, maglaba, mamamlantsa at kung ano ano pa.” di ko namalayan na  nakatitig pala ako sa kanya habang nagsasalita siya. Lumingon naman siya sa akin at nahuling nakatitig ako sa kanya, ”aahh ano…” binawi ko ang tingin ko “ . . . pano ba yan? Turuan mo ako…”


”ssigurado ka ba?” pag aalala nyang tanong sakin

”oo basta turuan mo ako” binigay nya sa akin ang pantalon ko

”ganito yan, hawakan mo dito tapos dito mo isuot…yan….” hinawakan nya ang kamay ko at ginaguide ako. Para naman akong nakuryente sa hawak nya, hindi ko mapigilan mamula dahil nararamdaman ko ang pag iinit ng aking mga tenga

”aray!” natusok ko ang aking daliri.. clumsy tsk..

“natusok kaba? Akin na” kinuha nya ang daliri ko at tinignan.

”ayan natusok ka pa tuloy, sorry.. dapat di kita pinayagang magtahi nasugatan ka pa dahil sa akin” naguguilty nyang sabi sa akin, ikinabigla ko naman ang kanyang sunod na ginawa, isubo nya ang daliri ko at sinipsip ang dugo na lumabas. Unsterile pero ano naman di ako mamatay sa laway ni Pete, sa totoo ay mas ikinatuwa ko ito. Kitang kita ko ang kanyang pag aalala sa akin, ng alisin nya ang aing daliri sa bibig ay tumingin siya sa akin habang hawak pa din ang aking kamay ”sorry nasugatan ka pa dahil sa kagagawan ko…” umiling ako ”ano kaba ako may kasalanan, nagpumilit ako, nangielam ayan tuloy natusok ako” inilagay nya ang kamay ko sa kanyang mukha at dinama ang mga ito. ”Pete . . .” hinawakan ko ang kanyang mukha ng dalawang kamay at pinagmasdan ang kanyang inosenteng itsura. Hindi nagtagal ay namalayan ko na lang na hinahalikan na nya ako sa aking mga labi, marahan, mainit, basa at puno ng pagmamahal, hindi ko din napigilang gantihan siya sa bawat halik nya, ang lambot ng kanyang mga labi na tila nag aanyaya sa akin na huwag kong tapuson ang aking paghalik sa kanya, ang kiliti ng kanyang dila ang mas lalong nagbibigay sa akin ng isangkiliti at kanyang mga nakapikit na mata ang senyales na nagugustuhan nya ang aming ginagawa.


Ilang minuto ang ngtagal ay hindi pa din kami natatapos sa aming halikan kaya bago ito mauwi sa di inaasang pagpapaubaya ay kumalas din ako. Nakapikit ako at ng itigil ko ang paghalik sa kanya ”that was . . . unbelievably great..” sambit nya, minulat ko ang aking mga mata at nakitang nakapikit din pala siya habang nakangiti.


”hmm Pete . . .yong . . . pants ko…” nahihiya kong pag dadivert


”ahh oo nga pala. . .hehe” kinuha nya sa akin ang pantalon at pinagpatuloy ang pagtatahi


”hmmm JN, masaya ka ba?” seryoso nyang tanong


”masaya? Oo naman…. ngayon pang ok na lahat, ang family ko, ang masayang buhay, napakadaming dapat kong ipagpasalamat, lalo pa’t . . . ”napatingin ako sa kanya..


”lalo pa?” nagiintay nyang itsura


”hmmm . . .” tumigil ako at napatahimik ”secret! ahaha” tumayo ako at lumayo sa kanya, hinabol naman nya ako.. ”secret secret ka pa diyan ha” hinabol nya ako hanggang sa maabutan nya ang lampa. Tsk lampa ko talaga eh. Binuhat nya ako na parang babaeng bagong kasal, ang lakas nya, buruin mo nakaya nya akong buhatin haha despite na mas lumaki ako ngayon. ”I love you . . . ”ibinagsak nya ako sa kama ”bihis ka na malalate ka na nyan…” sayang nabitin ako dun hehe pero tama siya kelangan ko ng magbihis kase 2 hours na lang duty ko na, sa totoo lang mamimiss ko siya ewan..hehe




-------------------------------



”anong time kita susunduin?” tanong ni Pete sa akin habang tinatanggal ang seatbelt ko.

”hmmm tex na lang kita mamaya mga 9 baka kase maextend ang duty namin eh…”

”ok basta susunduin kita . . . ” nakangiti nyang mukha at bakas ang kasiyahan, kinilig naman ako sa kanyang sinabi. Hinatid nya ako hanggang makarating kami sa cafeteria. ”ok na ko dito Pete, bawal kasi ang may kasamang iba sa duty eh, salamat huh. Basta i’ll text you mamaya ok…” tumango naman siya at nilagay ang gamit ko sa isang table at tuluyan ng lumakad palayo. Bago siya lumiko papuntang parking lot ay sumulyap muna siya at kumaway sa akin.


                Di ko napansin agad na may mga mata pa lang nagmamasid sa akin. ”JN..” lumingon ako sa kinaroroonan ng boses. ”kuya Biboy!” masaya kong bati
”hmm san tayo Duty ngayon sir Tolentino?” naalala kong Team Leader ko siya kaya naman sa surname ko siya tinawag. Lumipat siya sa table ko at inlapag ang gamit nya. ”sa NS (Nurse Station) 8” matipid nyang sagot. Bakas ng kalungkutan ang mahinahon nyang sagot.

”hmmm okay ka lang ba kuya i mean sir Tolentino?” pag aalala ko sa kanya at hinawakan ko ang braso nya.

”kayo na ba ni Pete?” halos maluha luha ngunit derecho niyang sagot. Hindi ko naman alam ang aking sasabihin kaya natigilan ako. ”dapat ko bang sabihin?” ”siguro naman kase may karapatan siyang malaman ang stado ng buhay mo?” ” eh bakit naman? ano ko ba siya?” ”ay nagmamaang maangan eh kung hampasin kita ng tubo? Ipinapaalala ko lang sayo na hinalikan ka nya 3x… oh wait let me correct that 4x!” ”ai oo nga pala, eh pero stan dna ba un na kailangan ko sabihin sa kanya? Sabagay siya lang naman ang may alam ng lahat sa akin eh….well maliban kay Pete at kay . . .” naputol ang pagiisip ko ng biglang may magtakip ng mga mata ko. Naamoy ko ang kanyang perf kaya nakilala ko ang taong ito, kinabahan ako, bumilis ang tibok ng puso ko at namawis ang aking mga palad, the fact na kasama ko siya buong walong oras at si kuya biboy plus ang tanong ni kuya Biboy sa akin plus! . . . nasalikod ko siya ngayon.

”Superman . . . ” nasambit ko.

”haha got me….” naramdaman ko ang maiinit nyang hininga na dumampi sa aking kanang tenga. ”I miss you like crazy…….” at kumalas na siya


Hindi ako makapaniwala sa aking narinig, totoo ba yon oh just a one of my imagination? Wala akong lakas ng loob para lingunin siya. hindi ko kaya kahit na magkasama kami noong sabado at parang ayos na ang lahat sa amin kahit walang paliwanag wala pa din akong lakas ng loob.


“sir Tolentino!.. oy JN, Goboy” bati samin ng mga kagroup namin.

“pare este Sir Tolentino tara na sa NS 8!” si sir Adrian pala.



----------------------------------------------------


                Magkatabi kami ng upuan ni Goboy habang nagoorient at nagfafamiliarize sa forms, policy, at kung ano ano pang kaasrtehan pag orientation, nakikita ko naman na lagging nakasulyap sa akin si kuya Biboy gamit ang kanyang malulungkot na mga mata. “kuya Biboy . . . . how can i tell you...” bulong ng isipan ko, nadadala ako sa kanyang mga mata, parang nilalamon ako ng kalungkutan ng mga iyon.


“ok let’s have a 30 mins, the time on my watch is 5, be back after 30 ok.” Pahayag ng aking C.I. “sa wakas nakahalata si ma’am na wala na sa kanyang nakikinig at gutom na ang mga bulate ko sa tyan.

“JN...”
“JN...” sabay na tawag ni kuya Biboy at Goboy
“huh?” hindi ko malaman kung sino ang saagutin ko, si kuya Biboy na nasa kabilang cahir o si Gab na nasa likod ko, para akong nawawalang bata na sa kaliwa at sa kanan lumilingon.

“tara kain tayo.” Pagyayaya ni Gab

”kain tayo, libre ko..”pahayag ni Kuya Biboy na papalapit na sakin. ”ano to round 2 ng Gab VS Biboy? Nako mabubuang ata ako nito ano ngayon ang sasabihin ko? sino ang sasamahan ko, pucha naman talaga…sarap tumakbo at kumain mag-isa”


”oh Mr. Martin hindi ka ba nagugutom?” pagtatanong ni Ma’am ng makitang hindi pa ako tumatayo sa upuan ko.


nagugutom na po ako, sumisigaw na ang mga alagad ng tiyan ko, nagmamakaawang pakainin sila pero etong dalawa parang tanga! Sigurado mag aaway nanaman to pag sumama ako sa kanilang dalawa. Ah ma’am hindi po, parang ayaw KO pong KUMAIN!” ang medyo sarkastiko kong sagot.

”ayaw mong kumain? Diba sabi mo gutom kana?” takang tanong ni Gab.

”ahh ehhh…” hindi ko alalm ang aking sasabihin.

”well kung hindi ka kakainin di na din ako kakain, dito na lang ako sa tabi mo” si Kuya Biboy

”hindi ako kakain kung di ka kasama” sabi ni Gab at umupo sa tabi ko

”anak ng tinapang binilad ng ilang libong taon! Hindi na nga ako kakain makaiwas lang sa wrestling tapos gagawin nyo pa akong sandwich!!!!!  Diba gutom kana Gab? saka ikaw kuya Biboy halatang gutom ka na din.

”kung hindi ka kakain di din ako kakain” si Gab inakbayan ako.

”Mr. Carlos diba gutom ka na? Ikaw pa nga ang nagsuggest ng break tapos hindi ka kakain?” ang mayabgn na sambit ni Kuya Biboy, mabuti na lang at umalis na ang CI namin.

”anong pakialam mo mr. Tolentino? Eh sa nawalan ako ng ganang kumain eh” mayabang na sagit ni Gab

”aba ang yabang mo ah anong gusto mo!” tumayo na silang dalawa at nagtutulakan. ”ay hayop na buhay to. Ang haba ng hair ko pinagaagwan nila ako pero wag namang magrumbulan, kaya tumayo na ako at pareho ko silan itinulak.

”kung gusto nyong mag away sa labas pwede.!” at iniwan ko na silang dalaw. Walk out king nanaman ako dito! Ay nako sarap pag untugin.

“JN sandali...”
“JN sorry wait.”
 hinawakan nila ang magkabila kong kamay at pinatigil ako sa pagtakbo. Marathon?? Oo mahilig kase akong magwalk out pero tumatakbo??  ang gulo!! Ewan!

“kung gusto nyong mag away doon sa highway wag ditto nakakahiya kayo!” inis kong sabi sa dalawa

“sorry na... ang yabang kase nyang si Biboy”
”ako pa ngayon ang mayabang!”

“atttttt tatatat!!! Stop! Ok! I get it... gutom lang yan” hinila ko silang dalawa papuntang cafeteria pinaupo at iniwan ko sila “diyan lang kayo!” pagbalik ko dala ko na ang mga ice cream na binili ko

“KAIN!” inis kong banat “walang magsasalita!” kumain kaming tatlo na walang imikan, nakatitig lang sila sa akin, siguro nanibago kase sa tanang buhay ko hindi pa ako nagiging ganito, yung tipong inis na inis.


Natapos ang buong orintatation at nag hospital tour kami, ang dami daming pasyente, may mga TB, may mga Chickenpox, may trankaso, may naoperahan, may baliw, oops bawal nga palang tawaging baliw, hmm may nalihis sa katinuan, may nag iinarte, may buni, may alipung, may hadhad, sana nag nag-nizoral nalang sila, ang arte arte nagpahospital pa huh! ang huling area na napuntahan naming ay ang Private, kung saan nacoconfine ang mga nasa higher class ek ek. Hindi na kami nagikot sa mga suites pero hanggang nurse station ay pinayagan kaming makapunta. Naramadaman ko yong feeling ng may nagmamasid sa akin, tinginan ko ang mga kaklase ko pero hindi naman sila, inikot ko pa ang mga mata ko sa hindi halatang manner at natumbok ko ang mga matang yon. Pamilyar siya.. “teka parang kilala ko siya... san ko siya nakita?!”


            Lumapit siya sa amin at tinanong ang aking CI. Hindi marinig ang pinag uusapan gayong ilang pulgada lang naman ang layo sa akin ni ma’am at nung staff nurse. Nakita ko ang nakaembed sa aknyang uniform




ENRIQUEZ, M K. RN, USRN







Itutuloy……

No comments:

Post a Comment