Monday, January 31, 2011

TELL HIM Chapter 11

YOUR PRESENCE


"there's something in your eyes that makes me smile, in your laugh that makes me giggle and  in your presence that makes me feel safe and comfortable"






Beeepp!!!!!!! Beeeeepppppppp!!!!!!! May nagtext sakin


“aba si Pete nagtext ahihi”


“talaga? Ano sabi namiss daw nya ako?? Ahihih” ang malandi kong bestfriend


Binuksan ko ang message ng aking future . . . weh????????


“JN sorry medyo traffic, give me 30 minutes and i’ll be there...:)” – PETE


“ok nandito lang ako sa parking lot kasama si Cherry, iniintay ka nya hehe..” – MESSAGE SENT



Beeeppp bbeeeppp



“hehe...:)” – PETE


“aayyiiiee... oh tignan mo Cherry haha hindi siya interesado sayo, hehe lang ang sinabi”



“che! Nahihiya lang yon!” ang naiinis na sagot ni Cherry



“yeah yeah whatever!” ako



“wag ka ngang kumontra diyan! Baka puluputin ko leeg mo eh” si Cherry



”haha kasi naman Cherry wag ka ng umasa..akin siya!”



”gaga hindi ka sure . . . HAHAHA di pa nya ako nakikitang naka . . . ahihihi” kinikilig na turan ni Cherry



”aray! Sakit non ha!” si Cherry



”hoi ang landi mo! Akin si Pete hindi kayo bagay!”



”sa tingin mo bagay kayo? Duh! Bagay kami noh . . . para kaming milk and coffee . . .”



“haha o sige ako ang CREAMER!” aww parang ang sagwa ng naiisip ko.” Nagkatinginan kami ni Cherry at sabay na tumawa.



“bessy . . . uhmm i have a question . . . “ napatingin ako sa kanya dahil nagging seryoso siya “uhhmm talaga bang itutuloy mo yang iniisip mo?”



“iniisip? huh? . .”



“yong about kay Gab? ung mga plans mo”



“hindi ko alam Cherry, alam mo naman na hindi ko siya kayang nakikitang nasasaktan diba? kahit ako  sinaktan nya” ang bitter bitteran kong sabi



“so makikipagusap ka na sa kanya?” nanlaki ang mata nya at natuwa



“no way high way! Hindi ko pa kaya no, kung yun na ang magiging last episode ng aming love story eh di ko pa kaya, di ko kakayanin . . .at . . . wag naman sana . . .”



“eh ano gagawin mo? Magpapractice ka pa haha”



“ulol! Haha....”



Natahimik kami pareho, nagging seryoso ang aura ni Cherry



“ . . . bessy ala mo bang . . . . “ di pa man natatapos ni Cherry ang kanyang sasabihin ay dumating na ang aking bagong boyfriend este driver pala..



“ayan na ang sundo ko . . . “ ang masaya kong sabi kay Cherry



“oh my . . . ang prince charming ko!” ang kinikilig na sigaw ni Cherry. Sabay kaming bumaba ng car ni Cherry.  Bago pa man ako makalapit kay Pete ay agad ng umarangkada sa kalandian nya ang aking mahal na bestfriend.



“hi Peter namiss mo ba ako? Uhmm gusto magmirienda muna tayo . .  o kaya naman gusto mo magmall, manood ng sine . . o kaya gusto mo ng PSP? Laptop? Ipad? Ano?? Ahihi..” habang nakapulopot na sya sa mga biceps ni Pete ko, hmm sarap nun ah..haha


“hehe nakakahiya naman po” napakamot pa siya ng ulo



“ano ka ba ahihihi.. wag kang mahihiya sakin, ganito lang talaga ako kasweet ahihi” ang turan nya habang pilit iniipit pa din ang boses. Tinignan ko si Pete at inikot ko ung daliri ko sa may tenga ko na parang baliw at itinuro kay Cherry. Natawa naman siya sa inasal ko kaya naman unti unting tumingin sakin ng masam si Cherry. “what..?” ako, nagmake face pa sakin ang bakla kong bestfriend.



“ahhaa. . . eh . . ano nakakahiya naman po ma’am” Namumula na si kolokoy, shoot ang cute nya, kahit moreno siya kitang kitang namumula siya, OMG sarap nyang halikan at kagatin sa pisngi.


“ano ka ba wala ng ma’am ma’am, baby will be fine ahihi” ang maiihihi nyang kakiligan kay Pete habang pinalo pa ang mga chest nito “hoy Cherry di ko pa yan nahahawakan pinapalo mo na!! aaarrrggghh!!” naunahan ako dun ah.


Kinuha naman ni Pete ang knapsack ko, ayiieee kilig naman ako, isipin nyo ang hunk na to ang nagdadala ng bag ko, “ha! Ano ka ngayon malandi kang Cherry ka!” hehe di naman ako halatang galit no! .Tinignan uli nya ako ng masa, haha ano magagawa ko eh ako ang gusto (ASSUMING???)


Nasesense ko na gusto nyang makasama pa si Pete ng matagal kaya naman ako naman ang nagsalita.


”ah . . .Pete gusto mong kumain? Im sure di ka pa kumakain sa pagsundo mo kay mama”



”nako sir wag na po, im fine di nyo na po kailangan pang mag abala. . . masundo ko lang po kayo ok na ko . . .” ”OMG! ANO DAW????? PAKIULIT!!!!! REWIND MO NGA NG KONTI! . . .  masundo ko lang po kayo ok na ko . . .” waaahh  kinilig ako dun hehehe sarap pakinggan rewind ulit dali! ”tama na! OA na!” ”ok fine eto talaga panira ng moment eh, palibhasa KJ che!” nagaaway nanaman ang utak ko hehe.




”ahh hindi naman siya ang magbabayad Peter . . . my treat!” ang sabi ni Cherry habang nakatitig at nakahilig sa balikat ni Pete ko!” ”hhmmm OA OA, alisin mo yang ulo mosa balikat . . . baka pilipitin ko yang leeg mo” ang mahina kong sabi habang nakangiti kay Cherry. Natakot naman siya kaya tinggal nya ang ulo nya sa balikat ni Pete.


”talaga Cherry! Libre mo? Saan tayo?” ang masaya kong sabi kay Che, tuta gutom na din ako noh


”che! hindi ka kasali! si Peter lang!” ang mataray nyang balik sakin


”haha sa tingin mo naman kung di ako kasama eh sasama sayo si Pete?” tumingin sya sa akin, halatang nagiba ang mood ni Cherry at nginitian ako at sa akin sya pumulupot


”ahh bestfriend alam mo naman na mahal kita diba . . . san mo na gustong kumain? Sa mall ba? Saan??”ang panlalaming nya


”haha wag na uuwi na lang kami ni Pete”


”bestfriend maaga pa, gusto mo manuod muna tayo ng sine?my treat din!” ang sabi nya na may kasama pang maamong mga mata. ”haha kala mo ha! che! hindi yan sasama sayo kung di ako kasama HAHAHA”


”uhmm JN may pinapasabi nga pala si ma’am becka na umuwi ka na daw muna…may importante daw kayong pag uusapan” si Pete na mukhang seryoso


”ano daw yon?” ang nagtataka kong tanong sa kanya


”hindi ko alam pero may bisita kayo ngayon eh” nagkatinginan kami Cherry, nako sana naman hndi ang iniisip namin ni Cherry ang bisita ko.


”sige na bessy next time na lang tayo lumabas mukhang importante.”


”sige alis na kami” ang seryoso kong sagot


”teka teka, hindi kasama si Peter, magtaxi ka na pauwi hahaha!” ang pagbasag ni Cherry sa kaseryosohan ng mukha ko


”ano?? Haha gusto mong hatawin kita ng tubo?”


”joke lang bessy, sige na you can go home, bye baby Peter” at may flying kiss pa haha adik talaga tong si Cherry “bessy relax lang ha. . . “ bulong ni Cherry “thanks best! Wag naman sanang siya . . .”


“ok lang yun, basta relax ha . . . ” ang pagpapakalma nya sa akin


           Pinagbuksan ako ng pinto ni Pete sa passenger sit, ”shocks haba ng buhok ko, oh Pete ipasok mo ang buhok ko huh! baka maipit ng pinto ” ayyiiiiieeee



______________




Habang nasa byahe kami kinulit ko si Pete ”uhmm Pete pagpasensyahan mo na yong bestfriend kong baliw ha, ngayon lang kase nakakita ng gwapo, hunk at matalinong driver na katulad mo” nabigla naman ako sa sinabi ko ”nadulas pa ata ako, nabuking na ako, tsk tsk” namula naman siya sa kanyang narinig at napangiti habang nakatingin sa kalsada.



”uhmm . . .ano  . . hehe  . . wag mo ng isipin yong sinabi ko . . ” ang pagbawi ko sa kahihiyan


”nako ok lang po  . . ahh i mean ok lang yon”



Nakakahiya!! ISIP NG PANG DIVERT! ”uhmmm Pete liko ka muna diyan sa drive – thru ng Mcdo” haha umandar nanaman ang maitin kong utak!! HAHAHA



”ok” ang matipid nyang sagot habang nakangiti pa din. Pagkaliko nya at pagtapat sa machine ay inlapit ko ang mukha ko sa window nya, ibinaba nya ang window, ”ahihi magkalapit na ang mukha namin wwoooohh!”




”good afternoon sir welcome to Mcdonalds drive thru can i take your order”



          Humarap ako sa kanya ”anong gusto mo Pete” haha VICTORY IS MINE! Ang gwapo nya sa malapitan hehe, mas mapula pala ang mga labi nya kapag tinitigan sa malapit



”ahh . . .eh . . ” ayiiiee napipi na ang driver ko . . .  ganito pa la ang feeling pag masyadong malapit ang mukha nyo sa isa’t isa, tipong ilang inches na lang lalapat na ang labi nyo sa isa’t isa, nagiinit ako, tubig!



”sir? “ ang ulit ni ateng nagsasalita sa machine



”ahh . . . i’ll have two Double Quarter . . . two twister fries . . . two large float . . . and TUBIG!! Ma . . . maraming tubig!” ang mabagal kong sabi sa machine habang magkatitigan pa din kami ni Pete.



”I’ll repeat your order sir, 2 double quarter, 2 twister fries, two large float”


“ye . . yes . . pa . . pa-ti yong tubig ha . . .” pautal utal kong pagconfirm sa machine


”alright sir you can pick your order”


 Hindi pa din ako umaalis sa posisyon ko, nastroke na ata ako, ok lang atleast may therapy agad . . . ang gwapo pa . . . ang dami ng tumakbo sa isip ko, hahalikan kaya ako ni Pete o ako hahalik? Hmmm ang init, halikan ko na kaya? ahihi



PPEEEEEEEEPPPP!! PPPPPPPPPPEEEEEEEEEEEPPPPPPP!!!!!!!!!



Nagising naman ako sa pagpapantasya ko dahil sa horn ng car na nasa likod namin “bwisit na kotse yon ah! Ang sarap pasabugin!” bumalik ako sa seat ko at inayos ang sarili



”E-Ehrrm” si Pete na kiniclear ang throat nya, tinignan ko siya, namumula at pinagpapawisan, medyo hinawakan pa nya ang neckline ng kanyang damit at inayos. Tumignin din naman siya sa akin at ngumiti ng pagkatamis tamis.



Pagkakuha namin sa inorder namin ay agad din naman kaming umalis, habang kumakain ako napansin kong hindi niya ginagalaw ang pagkain nya ”natural nagdadrive baliw ka talaga!” at binatukan ko ang aking sarili.



”uhmmm Pete hindi mo ba gusto yong order ko?”



napatingin naman sya sakin at ngumiti, “ah . . baka kase madisgrasiya tayo pag kumain ako habang nagdadrive . . .” at binalik nya ang atensyon sa kalsada.



“uhmm if  . . . if you want susubuan kita . . .” ang nahihiya kong tanong sa kanya



“nako sir sobra na po yun, nilibre nyo na nga ako eh susubuan nyo pako, mamaya na lang po sa bahay ko kakainin” namula pa si kolokoy. . .ahihih ang gwapo nya promis!



“ayan may sir at may po nanaman . . “Kinuha ko ang burger na nasa plastic at binuksan ko.



“eto oh . . .” tinignan nya ako at ang hawak kong burger



“sige na . . .hindi na yan kase masarap pag hindi na mainit . . .” wala na siyang magawa kung di kumagat sa burger. “sus kakagat ka din pala, hehehe dami pang imik . .  ahihih”



Nagkwentuhan kami habang nagdadrive siya at nageenjoy akong subuan siya. . . sana ako din subuan nya ng  . . . ahihi ang bad ko talaga...” ang saya nyang kakwentuhan at kung kanina di siya nagbibiro eh ngayon ay madami na siyang jokes sakin



“open your mouth . . . “habang hawak ko ang isang fries.



”gusto mo lagyan ko ng ketchup?” tumago lang siya sa akin



”oh eto may ketchup yan ha . . .” ng isubo nya ang fries ay kinagat nya ang daliri ko



 ”ahh aray hehehe” nabigla ako sa pagkagat nya kaya dumulas yong fries sa may mukha nya bago nya maisubo at makagat ang daliri ko.



”hehe sorry . . . kala ko fries din eh . . hehehe”



”ang sakit ahh . . .” deep inside kinikilig ako, gusto ko ng sumabog sa kakiligan ahihi



”ayan may ketsup tuloy sa mukha mo”



”huh? Saan?” ang pagtatanong nya habang kinakapa ang mukha nyang napakagwapo, pinahid ko ng tissue ang parteng nagkaroon ng ketsup, napatingin naman siya sa akin at ng lumapat ang tissue sa mukha nya ay hinawakan nya ang kamay ko, ahihi.. aaaahhhhhh . . . . OMG OMG!! nakoryente ako sa pagkakahawak nya. ahihi



”aahhooo ahhooooo . . . ”



”tekaa eto ang softdrinks . . inomin mo . . .” inabot ko ang sofdrinks sa bibig nya habang mainamassage ko ang dibdin nya . . walang malisya to ha, para lang di siya ubuhin . . . oo na may konti . . .hahaha



Tinanggal ko din naman ang kamay ko kase nahihiya ako. Ilang minuto pa ay dumating na din kami sa bahay namin. Bago ako bumaba ng car ”ahh JN . . . ”



”hmm??”



”salamat . . . ” hinawakan nya ang kamay ko at may kasama pang smile, ”oh shoot! Wag mong tatanggalin ang kamay mo, kung gusto mo hawakan mo na lang yan magdamag! Sayong sayo na . . . ahihih."



”ahh wait wag kang ba-baba!” tinanggal nya ang seatbelt nya at bumaba sa kotse, agad din nyang binuksan ang door at siya pa ang nagtanggal ng seatbelt ko. Ang sweet nya! nagtama ulit ang maing mga mata.



”sige na baba ka na” inalalayan nya ako pag baba ko ng car, para akong babae na nakahawak sakamay nya na bumababa sa kotse, ang lambot ng palad nya, ang sarap hawakan, nakaramdam ako ng saya habang magkahawak kami, bumalik ang alaala ko kaninang umaga na magkakilala kami.


”salamat ulit sa libre . . bawi ako sayo next time . . .”siya habang nakahawak pa din sa kamay ko.



”wala yon, sige na pasok na muna ako baka naghihintay na si mama . . ”


”sige . .  .salamat ulit . . .” at nginitian nya ulit ako. OMG lalagnatin ata ako . . . sarap mong halikan Pete! Wag mo kong subukan!! HINDI KO YAN UURUNGAN! HAHAHA.



”sige pasok na ko . . . ” tumango naman siya at nilingon ko ulit siya bago ako pumasok, nakangiti pa din siya sa akin. Ayiiee . .




”ma i’m home . . .” binuksan ko ang pinto, ang saya saya ng araw ko, hehe . . . .






nakita ko si mama na nakaupo sa sofa . . . 








may kausap na tao . . .





nawala ang ngiti sa aking mga labi . . . 







nabigla ako sa nakita ko . . .





umakyat ang dugo ko sa akin ulo . . .






”bakit ka nandito . . . ” ang bulong ko sa utak ko








Itutuloy . . . .