Sunday, July 24, 2011

Tears, Rain, and Haven Chapter 2



RAIN
first fall......




Isang nakakasilaw na liwanag ang nagpamulat sa aking mata. Kinuha ko ang aking cellphone para makita ang oras at para icheck kung nagtex na ang aking girlfriend, “nakalimutan ko, shit!” mag-isa na nga lang pala ako, wala na nga pala akong girlfriend. Parang hiniwa nanaman ang aking dibdib sa naalala ko kung pano tapusin ng aking mahal ang isang napakagandang pagsasamahn at pagmamahalan namin, hindi ko napigilan ang aking sariling humikbi sa lungkot ng aking nararamdaman, “mag-isa na lang pala akong titingala sa langit para tignan ang mga tala, mag-isa na lang akong kumain sa paborito kong kainan, ako na lang ang makikita ni mang Andoy na naglalakad sa may simbahan . . . .ako na lang” Kaya naman imbis na hanapin ko ang aking cellphone ay tumayo na lang ako para maghilamos.

             
          Muntik ng mabuwal sa pagkakatayo si Nick ng simulan nyang lakarin patungong banyo,

“puta ang sakit”

napahawak siya sa kanyang dibdib

“ahhhh.... ok hinga ng dahan dahan Nick....”

pinakalma nya ang kanyang sarili at saka huminga ng maayos, nagsimula na syang lumakad muli ng mapansin nyang hindi pamilyar ang lugar kung san naroron siya.

“what the! Nasaan ako?!” sigaw nya sa kanyang utak

Natawa siya sa kanyang sarili dahil sa unanag pagkakataon at nagpakalasing siya at hindi nya alam kung nasaan siya hanggang sa...... pinagmasdan nya ang kanyang sarili, walang saplot! Nagkalat ang kanyang mga damit sa sahig. Bumukas ang pinto ng kanyan banyo kaya naman napalingon siya at laking gulat niya ng makitang isang napakagandang babaeng lumabas sa banyo.


“good morning big boy!” panimula ng babaeng nakabihis ng kanyang pangitaas. Napahilamos palad siya sa kanyang nakikita. Di pa din siya makapagsalita dahil pilit niyang inaalala kung ano nga ba talaga ang nagyari sa kanya nung gabing iyon.


“your so drunk kaya naman i brought you here in my pad” lumapit ang babae sa kanyang kinatatayuan ng may nakakalokong titig sa kanyang kabuoan at ng makalapit ng tuluyan ay kinagat ng babae ang kanyang tainga “i enjoyed it big . . . boy” naramdaman niya ang pagbabago ng init sa kanyang katawan, kaya naman bago ito tuluyang lumiyab ay lumayo na siya sa babae. “ahhmmm miss ano . . .miss ano kase.. ahh whats your name?” bakas sa muka niya ang pagkagulo at tila asiwa sa kanyang kalagayan ngayon. “don’t you remember big boy, you were shouting it outloud last night ahmmhehe...” nilapat ulit ng babae ang kanyang dila sa tainga ni Nick at hinaplos ang kanyang buong katawan “it’s Sandy” hindi na nga nya nakayanan ang sunod na nagyari, tuluyan na siyang naalipin ng kamunduhang dala ng isang napakagandang babae na humahaplos ka kanyang kaselanan.


Matapos ang mainit na kaganapan ay nilisan na ni Nick ang bahay ng babae ng walang paalam at hinayaang mahimbing na natutulog. Nilakad niya ang kahabaan ng daan sa Pedro Gil hanggang tuluyang makapanik siya sa LRT station. Tinungo nya ang coin booth, bago pa man siya maghulog ng coin ay naalala nya nanaman ang masasayang araw nila ng gf nya, kung saan may malaking parte ang coin booth.


“ haba ng pila patay malalate naq” nakita kong wala masyadong tao sa coin booth kaya naman imbis na pumila sa makasaysayang ticket booth ng LRT ay lumipat ako sa coin station.


“bastos na piso to ayaw makisama” sambit nya ng paulit ulit nyang ipasok ang piso. “putik piso na lang ayaw pang makisama!!” isang ulit pa nyang ipinasok ang piso at bumagsak nanaman ito. “badtrip!” ng kukunin na nya ang piso ay biglang lumabas ang ticket nya. Nagtaka siya dahil hindi naman tinanggap ng machine ung piso nya. Kinuha nya ang ticket at lumingon sa kanyang likuran


“kung tao yan baka nasapak mo na hehe” sambit ng isang napakagandang babae. Hindi siya makapagsalita at parang tumakas ang kanyang kaluluwa mula sa kanyang katawan. “ok ka lang ba?” takang tanong ng babae


“ahh oo” kamot ulo nyang sagot sa babae “ah eto nga pala ung piso mo” namumula nyang pagbabalik ng piso


“keep it! You might need it. Hmm can i?” tanong ng babae.


“ahh sorry” umalis na sya sa coin booth ng bigla nyang maisipang balikan ang babae


“hmm ahh ano kase, salamat ulit sa pi-piso he-hehe” napangiti naman ang babae sa kanyang inasal.


“hmmm Nick” inabot nya ang kamay niya sa dalaga.


“Diane” at yun nga ang una nilang pagkikita ni Diane




“hoy ano ba kanina ka pa dyan!” sigaw ng aleng kasunod nya. Bumalik siya sa kanyang ulirat at hinulog na ang kanyang mga barya.



*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-


“oy pare kumusta!” bungad sa kanya ng kanyang kapit bahay


“ui Eul pare kalian ka pa dumating!”  bati din nya sa kanyang kapitbahay


“kahapon lang kumusta muka kang pagod na pagod ahh, pingod kaba ni Diane? Haha” biro ni Eul


“ulol!” nagbago ang timpla ng mukha niya


“oh Nick ayos ka lang ba?” pag aalala ng kapitbahay sa kanya


“pare wala na kami” matabang nitong sagot at tuluyan nang pumasok sa kanyang apartment. Ibinagsak nya ang sarili sa kama at saka nahimbing sa pagkakatulog



*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-



“Kuya sorry nagmamadali din ako.” Sigaw nya sa isip ny habang tinatahak ng taxi ang kahabaan ng edsa


“sir saan po tayo?” tanong ng driver


“sa Cubao po manong! Sobrang lakas ng ulan manong may bagyo ba?” tanogn nya sa driver


“wala nga sir eh kaya nga nagtataka ako kung bakit biglang lumakas ung ulan kanina nman eh hindi ganito.”


“oo nga po eh kanina lang parang sumusikat na ung araw bigla naman umulan”


“mukang bagong labas lang kayong trabaho ah, pang gabi ba duty nyo?”


“ahh opo manong kakalabas ko lang eh naiisipan kong maglakad hanggang dito sa mega mall ng biglang umulan ng malakas” kinapa nya ang kanyang bulsa. Nabalisa siya dahil wala siya ng hindi nya makita ang 
kanyang hinahanap


“sir ok ka lang?”

“ahh opo manong may hinahanap lang


“traffic na nanaman nito dahil sa ulan” huling tugon ng driver hanggang sa makatulog na siya



*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*


TOK! TOK! TOK!


“hmmm!”


TOK! TOK! TOK!


“hmmmmmmm!”


“hoy gumising ka dyan!pare labas tayo!”


“hmmm tulog pa ko!”


“ulol! May tulog bang nagsasalita haha tumayo ka na dyan at buksan mo ang pinto!” tumayo na nga si nick at tuluyang binuksan ang pintuan. “pare ang ingay mo kita mo ng may natutulog eh!”


“eto naman! maligo ka na dyan at lumabas tayo ngayong gabi! Para makalimutan mo yang problema mo!” muli nanamang nagbago ang timpla ng mukha nya “oh oh oh! Kita mo na! kailangan mong maglibang!”


“tado hindi kayang tanggalin ng alak ang nararamdaman ko ngayon! At saka alam mo namang di ako umiinom diba”


“wag kang mag alala pare pag di umubra ang alak isusulat natin ang buhay mo at ipapadala natin kay ate Charo! Ang drama mo eh! Sige na ligo ka na!” napag isip isip nyang tama ang kanyang kaibigan. Kesa sa masiraan siya ng bait sa kakaisip kung ano bang mali at kakaintay sa text ng kanyang gf ay mas mabuti pang lumabas na lang siya.



*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

“Nak tumawag si Leonard hinahanap ka...”


“anong sabi mo ma?”


“sabi ko may duty ka? Nag away ba kayo?


“po?”


“para kasing malungkot siya” Isang buntong hininga lang ang pinakawalan niya. Saka umakyat para makapag palit ng damit at binagsak ang katawan sa kanyang malambot na kama at tuluyang nahimbing sa pagkakatulog



ITUTULOY....... 

Tears, Rain, and Haven

CHAPTER 1


TEARS
first fall.....




“Badtrip na ulan to oh!” anas ko sa utak ko habang naghihintay ng taxi na masasakyan sa kahabaan ng edsa.


RRRRIINNGG!!


“hello” sagot ng kabilang linya


“babe sorry malalate ako, sobrang lakas ng ulan eh”  paghingi ko ng tawad sa aking pinakamamahal na girlfriend


“hmmm o-ok lang.. intayin kita dito, ta-take your time” sagot ng kabilang linya.


“ok.. love you babe”


“ok” END CALL
               


                Hirap talaga pag gabi ang shift mo tapos OT pa ng 2 hours, pagod ka na sa pakikipag away sa mga amerikano tapos antok na antok ka pa pakiramdam mo para na kong  isang zombie na walang buhay pero nakatayo at gumagalaw at higit sa lahat lutang na parang nakadroga.  Yan ang buhay na pinasok ko sa pagiging isang call senter agent. “putsa ayaw ko na ata ng ganitong buhay” sambit ko sa aking sarili, alam nyo ba naiinggit ako pag nakakakita ako ng mga nakaputi at naka scrub suit na dumadaan sa harap ko “bakit kasi sobrang dami namin wala tuloy mapasukan na hospital bwisit yan”.


Yan ang buhay ni Nick, isang rehistradong nurse pero lihis sa propesyon ang trabaho, isang  call center agent. Isang lalaking, may tangkad na 5’ 11, hindi kalakihan ang pangangatawan, bilugan ang mata, hindi katangusan ang ilong, malinis sa pangangatawan dahil na din sa pagiging isang nurse, may hawig sa isang artistang hindi na kasikatan, seyoso kung titigan at isang tahimik na tao. dahil nga sa kanyang pisikal na katangian talaga namang mapapatititg ka sa kanya at mapapalingon kung dadaan sa harap mo. Masasabi din siya din ang sentro ng atraksyon sa kanilang opisina, madami ang nagkakagusto sa kanya doon at madami din ang tumataas ang kilay at kumukunot ang noo, ngunit wala siyang pakialam sa kung ano man ang sasabihin ng tao sa kanya basta ang alam niya ay masaya sya dahil sa isang tao at yun ang girlfriend nya.


“Sa wakas may taxi na akong nakikita, babe intay lang” sambit nya sa sarili nya. Habang bumabagal ang makina ng sasakyang papalapit sa kanya ay sinasalubong naman nya ito, ilang sentimetro na lang ang pagitan nya sa taxi ngunit isang lalaki ang tumulak sa kanya at inunahan sya sa pag sakay ng tax. “puta tarantado tong gagong to ah” mura nya sa utak nya. Tuluyan na ngang nakasakay sa ang lalaki sa taxi at umandar na papalayo sa kayna. “tarantadong gagong yun ah! Babasagin ko bungo mo pag nagkita tayo!” sigaw nya sa sariling isipan. Bago pa man siya lumakad muli sa dating kinatatayuan ay may napansin siyang isang bagay sa kanyang harapan, isang panyo na kulay dilaw “ naiwan ata ng tarantadong yon” wala sa sarili nyang pinulot ang panyo at sinilid sa kanyang bulsa, napailing na lang sya at tinahak muli ang kanyang dating kinatatayuan. Ilang minuto din at nakarating na siya sa garden sa trinoma kung san magkikita sila ng kanyang nobya. Kinawan nya ang kanyang nobya at buong galak niya itong nginitian.



=================================================



“babe ano nga pala sasabihin mo?” tanong ko habang nakangiti at pinagmamasdan ang mukha ng aking minamahal.


“ahhmm ano...ano kasi” nanginginig nyang tugon


“babe ok ka lang ba? May sakit kaba?” pag aalalang tugon ni Nick sa kanyang kasintahan. 


Hinawakan niya ang noon g kanyang girlfrined at pinakiramdaman kung mainit o may lagnat, kasabay ng paglapat ng  kanyang mga palad sa noon g babae  ay sya ding pagbagsak ng luha sa kanyang  mga mata habang dinadama ang palad ng ni Nick


“sorry Nick ayaw ko na.” isang nakabibinging pahayag ang aking narinig.


“I’m not the right one for you... yo-you deserve someone better than me..sorry Nick sorry.... I have to go.”  Dahan dahang tumayo ang dalaga at lumayo sa kintatayuan ng binata. Ilang Segundo pa at tuluyan na siyang nawala ang dalaga. Nakataas pa din ang kamay ni Nick, iniintay na magising kung isang bangungot man ang kanyang kianalalagyan.


                Hindi makapaniwala si Nick sa nanagyari sa kanya. Nakaupo pa din siya sa lugar kung saan nadurog ang kanyang puso ng babaeng kanyang pinakmamahal  at pinag alayan nya ng kanyang buong pagkatao sa loob ng isang taon at limang buwan. Ilang oran na din syang tulala, hindi alam kung ano ang gagawin at hindi makapagisip ng matino. Hindi pa din nya lubos na maisip na matatapos ng ganon ang kanilang pagmamahalan.


Binalikan nya ang kanilang nakaraan pero wala pa din syang maisip na dahilan ng pagbabago ng damdamin ng kanyang pinakamamahal. Binalikan nya ang masasaya nilang alaala kung saan tanging tawanan, kulitan at mga matatamis na sandali lang ang meron sila, sa bawat pagbabalik tanaw niya ay nakakaramdam siya ng sakit sa kanyang dibdib. Alam niyang ginawa niya ang lahat lahat para lang maging masaya sila at palaging magkasama pero ngayon . . . . magisa na lang sya.


Magisang nakatulala sa kawalan. Sumakit ang ulo nya dahil na din sa pagiisip ng maaring dahilan kung bakit sya magisa ngayon, “ano bang mali? Ako ba ang mali?” hinawakan nya ang kanyang ulo, sinalat at nagkamot,binalot niya ng kanyang palad ang kanyang muka at habang dumaadaan ang kanyang palad sa mukha nya ay naramdaman nya ang isang malamig na bagay, inangat nya ang kanyang kamay at tinitigan ng mabuti. Nakita nya ang isang pilak na bagay na nakapalibot sa kayng daliri, singsing nilang dalawa ng kanyang girlfriend, naalala niya kung pano nya binigay ang singsing na yon.


“babe nasan ka na ba? Malalate na tayo sa movie, first anniv natin tapos late ka pa” sabi ng girlfriend nya sa telepono.


“ahhmm babe sige na pumasok ka na, reserve ka na ng seat for us, medyo traffic kasi eh sorry....”


“ok sige dun mo ako hanapin sa taas huh”


“yes boss! Hehe! Tawagan moko pag nakaupo ka na huh, love you” pagputol ni Nick sa usapan.


Ilang minuto din ang lumipas ng muli nyang i-dial ang numero ng telepono ang kanyang nobyo. Ngatataka siya dahil biglang dumilim ang sinehan na dapat ay nagpapalabas ng mga trailer ng mga bagong pelikula. Nang marinig nyang maring ang linya ay  nagsimula din tumunog ang ring tone ng kanyang boyfriend



I wanna make you smile

Whenever you are sad

Carry you around when you arthritis is bad

Oh all I wanna do is grow old with you


Hinanap nya kung nasan ang tunog na yon, humarap siya sa kanan, sa kaliwa pero isang 
liwanag ang nakita nya sa sentro ng movie haus.


Biglang bumukas ang spot light at isang lalaking may hawak ng mikropono ang kanyang nakita, napanganga siya dahil kilala nya ang lalaking iyon, may hawak ng isang pulang boquet ng rosas. Sinagot ng lalaki ang tumutunog na  telepono. “babe HAPPY ANNIVERSARY I LOVE YOU sagot ni Nick habang nakatutok din ang mikropono sa kanyang bibig, kaya naman rinig ng buong sinehan ang mga katagang binitiwan ng Nick. Nagsihiyawan ang mga tao sa ginawang iyon ng lalaki, ang iba ay kinilig at ang iba ay nadala sa kasweetang pinakita ni Nick. Pinagpatuloy nya ang kantang kanina lamang ay tumutunog habang tinatahak ang daan patungo sa kinalalagyan ng kanyang nobya


I’ll get your medicine when your tummy aches

Build you a fire if the furnace breaks

It could be so nice, growing old with you

I’ll misss you

Kiss you

Give you my coat when you are cold

Need you

Feed you

Even let you hold the remote control

So let me do the dishes in our kitchen sink

Put you to bed when you had too much  to drink

Oh i could be the man, who grow’s old with you

I WANNA GROW OLD WITH YOU



Inabot nya ang dalang bouquet sa kasintahan at patuloy ang pagtili ng tao sa loob ng sinehan. Hindi naman mapigilan ng nobya ang patuloy na pagdaloy ng masasaganang luhang umaagos sa kanyang mapupulang pisngi. Lumuhod siya sa harap ng nobya at pinunasan ang luha sa muka. Nagsitayuan ang mga tao sa kanilang paligid at lumiwanag ang screen ng sinehan nag flash ang katagang “BE MINE FOREVER” sa loob ng limang Segundo at nagsihiyawan ulit ang mga tao. pagkatapos ng limang Segundo ay tanging spotlight lang lowanag na nagsisilbing tanglaw sa loob ng sinehan at ngayon ay nakatutok na sa nakaluhod na lalaki.


“babe will you be mine forever?” tanong ni Nick sa babae


“yes... I’m yours forever.....”


                Isang malutong na palakpakan ang narinig sa apat na sulok ng sinehan at nagyakap ang magbyo at binigyan ng isang halik sa labi ni Nick ang kanyang mahal na babae.




ITUTULOY.......

Sunday, July 17, 2011

Tears, Rain, and Haven




Ilang libong patak ng luha . . . 



isang malakas na buhos ng ulan . . . . 



at ang aking tanggulan . . . . . . .




isang kwento ng pagpapahalaga, pagmamahal at paglisan . . . . pangalawang beses na magmahal ng tunay at totoo sa isang hindi perpektong pagkakataon at sa isang di inaasahang taong kailanman sa hinagapa ay di nya akalaing mamahalin.....





pasenxa na kung napakaikli ng aking introduction.... sana intayin nyo ang aking pagbabalik kung may babalikan pa hehehe......