Tuesday, March 29, 2011

TELL HIM Chapter 26

DAZZLING INCANDESCENT ROCK part 2









"i'm shining on 
all because of you"








“hello?”

“Cherry napatawag ka?”

“Kiko free ka ba ngayon? Labas tayo nakakainip kase eh”

“o sige... san tayo magkikita? ....................... o sige bye” END CALL



......................................


“teka Cherry bat ka nga pala nagyaya lumabas? Di mo kasama si JN?” takang tanong ni Kiko ng magkita kami sa labas ng mall


“ahhh wala hindi ko naman kase siya tinawagan eh..wala lang nakakasawa na kaseng kasama yon hahaha” palusot ko upang itago ang totoong matibo.


“para naman hindi kita kilala... alam ko naman na may sasabihin ka eh...” nakangiti niyang tugon sa akin.


“teka nagugutom ako... manong pabili nga po” lumapit ako kay manong na nagtitinda ng waffles. “anong gusto mo Kiko?” tanong ko sa kanya habang papalapit sa kinatatayuan ko.


“ikaw na ang bahala” matipid nyang sagot. Matapos kong magbayad ay naglakakad lakad kaming dalawa. medyo mag dadapit hapon na din ng magkita kami kaya naman pinili namin na umupo sa may harap ng dagat kung saan makikita ang paglubog ng araw. Madaming nakatamaby sa palibot ng mall na yon pati na din sa harap ng dagat, may mga magkakabarkada at may mga pair. Hindi kinikibo ni Kiko ang kanyang waffle, ako rin ay walang ganang kainin ang waffle ni manong. Masyadong tahimik ang pagitan naming kaya naman ako na ang bumasag sa katahimikan yon.


“Kiko kumusta ka...or should i say kumusta kayo ng bestfriend ko?” isang deretsong tanong ang aking pinakawalan. Ngumiti ito sa akin na tila ba ay alam na niyang iyon talaga ang pakay ko kung bakit ko siya gustong makausap.


“alam mo Cherry hindi ko alam kung anong sasabihin ko... masaya akong makita ulit ang kaisa isang taong minahal ko ng totoo sa tanang buhay ko..pero . . .” isang buntong hninga ang kayang binigay bago magpatuloy. “ . . . pero parang iba na ata ang nadatnan ko ngayon... parang ibang JN . . .”


“ano naman ang nagiba dun sa pangit na yon?sa appearance oo malaki ang pinagbago nya, sa ugali wala, sa ibang aspeto katulad nag pag aaral hindi rin.... sa sus siya pa rin ang taong yon Kiko” nakataas kong kilay na sagot sa kanya.


“nagbago na ang puso nya....” mahina niyang tugon sa akin. Hindi na ako nakaimik pa dahil totoo naman ang bagay na yon. “alam mo ban a kapag niyayakap ko siya . . . kapag naglalapat nag katawan namin... nararamdaman kong nandiyan siya pero wala ang puso nya, kapag hinahalikan ko siya, hindi ko maramdaman na humahalik siya sa isang taong minamahal nya bagkus para lang matugunan ang halik na binigay ko... hindi maramdaman ang init ng kanyang pagmamahal yong init na meron kami dati...” nakita ko na lang ang pag agos ng kanyang luha. Unang pagkakataon kong makakita ng isang lalaking maskulado na umiiyak sa aking harapan. Natatawa akong isiping kaibigan ko ang nagpapaiyak dito. “hay JN ang haba talaga ng pubic hair mo!” sabi ng isip ko.

“kinausap mo na ba siya tungkol dito?” isang pilit na ngiti ang kanyang ipinakita.

“ alam mo Kiko noong pinili mong iwanan si JN at hindi na magpakita, dapat inisip mo din na makakalimutan ka nya, hindi dahil sa hindi ka nya mahal.. bata pa tayo Kiko madaling mabago ang pag-iisip natin isa pa, alam naman natin na kapag may umalis siguradong may dadating...” lumingon siya sa akin at nagbigay ng isang pilit na ngiti. “alam mo kase kiko minsan kapag iniwan mo ang isang bagay sa kalye basura man  ito o isang magandang teddy bear may pupulot at pupulot nito...”


“alam ko naman yon Cherry tanggap ko naman na magmamahal at magmamahal siya ng iba, pero hindi ko magawang alisin siya sa puso ko. alam ko din naman na mabuting tao ang bestfriend ko, nararapat lang lay JN ang isang mabuting tao na mag aalaga at magmamahal sa kanya. Masakit man ito para sa akin dahil pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako ng mahal ko at ng bestfriend ko” halos magcrack ang kanyang boses habang nagpapaliwanag. “pero ikaw ang may gusto nito diba...” mahina kong tugon sa kanya. “oo kasalanan ko ito hindi ko kase nakita na maaring mahulog ang loob ni JN kay Gab, at ganon din si Gab kay JN... ang pagbalik ko ngayon at pagbawi kay JN ay parang isang suntok sa buwan na lang... mabait sila pareho at nararamdaman kong mahal nila ang isa’t isa. masakit pero tatanggapin ko yon..ang hinihintay ko na lang ay sabihin ni JN kung sino ba talaga sa amin ni Gab ang pipiliin nya. Kung si ako ang pipiliin nyang makasama muli kahit na nawala ako ng halos apat na taon pipilitin kong ibalik ang dati, ang init na meron kami pero kung si Gab..... tatanggapin ko.”


“hmm alam mo na palang si Gab ang tinutukoy ko.”


“simula ng maging magkaibigan sila ni JN at ng tumagal yon nararamdaman kong nagiiba ang kanyang pakikitungo sa akin, binalewala ko yon dahil baka lang sa bagong tao si JN sa buhay niya, pero ng makita ko ang mga pictures ninyo sa fb, nang makita ko kung pano ingatan ni Gab si Jn, ang mga titig nila sa isat’t isa nararamdaman kong may umuusbong na pagtingin sa pagitan nila. nagbulagbulagan ako kahit na alam kong possible ang naiisip ko at nakikita. Bumalik ako dito para malaman ang totoong score sa aming tatlo, kung sino ba o kung sino na ba... pero nong makita kong niyaka ni JN si Gab alam ko na ang kakalabasan nito..pero . . . pero ayaw kong sumuko mahal ko pa din si Jn at alam kong may nararamdaman pa din siya sa akin.”


“kung sino man ang piliin nya alam nating nanggaling yon sa puso nya... pareho kayo ni Gab na makakapag paligaya sa kanya pero kung ano man ang maging kalabasan sana matnggap natin ng maluwag” inaya ko na siyang umuwi dahil nagawa ko na ang aking pakay



...................................



Naisipan kong maglakad lakad sa aming village kahit na nakapajamas na ako. “ano ba eh maganda naman ang pajama ko. spongebob squarepants haha” sabi ko sa sarili ko habang papalabas ng gate. Naabutan ko si Kuya Biboy na papasok naman ng kanyang bahay, nginitian ko ito at ganun din ang kanyang ibinalik sa akin. Sumenyas siya kung gusto kong pumasok sa bahay nila pero isang iling lang at ngiti ang aking ibinigay, ngumiti din ito sa akin at saka pumasok, nakita ko din si Pete na naglalakad papunta sa amin, basing basa ng pawis at halatang pagod, nakajersey shirt and shorts at nangingintab sa pawis ang mga bisig nito. Naalala kong kanajersey din si Kuya Biboy at nangingintab din sa pawis ng makita kong papasok sa kanilang bahay. Nginitian ako ni Pete “naglaro lang kami ni Biboy ng basketball diyan sa court, magaling pala yon mag basketball hiningal ako” isang ngiti lang ang aking tinugon sa kanya at pumasok na siya sa loob ng bahay, “it looks like someone likes someone” tudyo ng madumi kong utak “hahaha oo nga... sayang dapat aking silang dalawa eh” “tado haha sinaktan mo nga pareho eh saka masyado kang advance mag isip naglaro lang sila noh!” “haha oo nga naglaro sila pero hindi naman sila close dati eh” “AYY NAKO TUMIGIL NGA KAYO!” awat ko sa aking sariling utak... “haha baliw baliw talaga ako, utak ko may sariling utak din haha”


                Medyo malayo layo layo na ang aking nalalakad ng naramdaman kong may sumusunod sa akin. Isang kotseng pamilyar sa akin. Mabagal ang patakbo nito na at patay ang mga head lights. Kasabay ng paglapat ng paa ko sa lupa ay ang pagkabog ng aking dibdib. Mabuti na lang at dala ko ang aking cellphone, pero dala na din ng takot ay kung sino na lang ang una kong makita sa dialled number ang aking tiwagan.


“hello bessy napataaw-“ hindi ko na pinatapos magsalita si Cherry


“nandito si Marcus... sinusundan ako Cherry”


“huh? nasan ka?” si Cherry na nabilaukan pa ata dahil sa pagkataranta


“nandito ako sa village naming kaya lang malayo na to sa bahay naming” tarantang sagot ko sa kanya


“bilisan mo na lang ang paglakad tapos dumirecho ka sa guard house!” suhestyon niya, kaya lang nasa kabilang side ang guard house at napakalayo ko kung tatakbuhin ko yon at siguradong maabutan nya ako kung mangyayari yon, naka apat na gulong siya samantalang dalawang paa lang ang akin. Pero wala na akong ibang maisip na gawin kaya naman tumakbo na ako, narinig kko din ang pagbilis ng makina ng kanyang sasakyan at pagtama ng umiikot na gulong sa kalsada. Para nag pang marathon ang takbo ko hinhingal na din ako at basing basa na ang aking katawan dahil sa magkahalong kaba, takot at pagod. May nakita isang maliit na eskinita kaya naman doon ako tumakbo, hindi kasya ang sasakyan niya doon kaya kumaripas muli ako ng takbo papalayo sa kanyang sasakyan. Nang maabot ko ang dulo ay nakita ko na agad ang saakyan niyang nag-iintay sa akin kaya naman tumakbo ulit ako papalayo sa kanya, ibang dereksyon naman ang aking tinahak halos hindi ko na alam ang parting ito ngayon lang ako nakarating sa dulong lugar ng village namin, habol pa din ako ng sasakyan niya at hindi ito ganon kabilis na parang ayos lang sa kanyang tumakbo ako papalayo na parang alam nyang hindi ko siya matatakasan. Maiihi na ako sa kaba na aking nadarama. Parang lalagnatin na ako sa takot ko sa kanya. Nang makaliko ako bagtago ako sa isang malaking halaman. Hindi ko na naririnig ang takbo ng makina at parang wala ng humahabol sa akin. Huminga ako ng malalim at nagpalakas ng loob, sumilio ako upang makasiguro na wala na siya talaga. Hindi ko nakikita ang kanyang kotse at tahimik na ang lugar. Pinasya ko ng umuwi at ng mapanatag na aking kalooban kaya naman buong ingat akong umuwi sa amin maligaw ligaw kong tinahak ang aking mga dinaanan kanina. Nakikita ko na ang daanan patungo sa aming bahay. Napanatag na ang ako natahaking daan. “salamat po Lord at nakabalik ako ng buhay haaaaayyy ilang bahay na lang at makakaui nako yehey!” sabi ko sa hangin habang masaya kong binabagtas an gaming daan ng biglang nagtakip ng aking bibig at ilong, amoy ko ang isang mbaho at maskit sa ilong at ulong nakalagay sa pinantakip sa aking ilong at bibig isang gamot ata yon, hindi ko makita kung sino dahil nasa likod ko ito nagpupumiglas ako para makawala at makahingi ng tulong pero huli na dahil nanghihina ako dulot na din ng gamot. Unti unti kong nararamdaman nag pagbagsak ng talukap ng aking mga mata, ang panghihina ng aking mga tuhod at pananakit ng aling ulo. Hanggang sa nawalan na ako ng ulirat.



              Isang mainit na hangin ang aking nararamdaman sa aking baba ang nagpagising sa akin. Iminulat ko ang aking mata, pawing malabo ang kapaligiran ng idako ko ang aking mata sa buong lugar, maliwanag pero hindi ko pa din maaninag ang kabuoan nito, masakit pa din ang aking ulo pati na din ang aking binti at buong katawan. Nang makapag adjust na ang aking mata sa liwanag ay nakita ko ang isang lalaking nakatingin sa akin, “kilala kita ahh..” tatayo sana ako pero nahilo ako kaya naman inalalayan niya ako. “wag kang tumay kung di mo pa kaya...”  tugon ng lalaki sa akin


“teka nasan ako?” maingat niya akong ibinalik sa pagkakahiga. Bago siya magsalita “nandito ka sa resort namin” tugon nya “halika kumain ka muna kailangan mong kumain para magkalakas ka” sabi nya sakin habang hinahain nya ang pagkain sa aking harapan... napaisip naman ako dahil kung isang kidnap ito aba sosyal na kidnapper siya ha..ang ganda ng kwarto nya, pinakakain pa ko ng agahan, Inalalayan pa ako, bago na din ang damit ko na halatang mamahalin ang tatak at isa pa ang gwapo niya para maging kidnapper! “kung ganito ba naman ang kidnapper nako araw araw akong magpapakidnap! Hahaha” tudyo ng utak kong malandi


“teka Marcus anong ibig sabihin nito?” tanong ko sa kanya


“Kidnap....” napakamot siya sa ulo nya at natawa sa kanyang sinabi “kumain ka na muna mamaya ka na magtanong...”  isang matamis na ngiti ang kanyang ibinigay nya a akin. Pero dahil na din sa sakit ng ulo ko ay di ko magawang iangat man lang ang kubyertos, napansin nya yon kaya naman lumapit sia sa aking likuran, isinandal ako sa kanyang katawan, hinawakan ang kutsara  at siya ang nagsubo sa akin ng pagkain. Natapos akong kumain ng sinusubuan niya “teka Masrcus... bakit mo ba ako kinidnap? Hindi naman ako mayaman, at mukang mas mayaman ka pa sa akin, at isa pa . . .”


“ano???” nakangiti niyang tanong sa akin.


“isa pa . . . wala sa itsura mo ang gagawa ng ganito...” natawa siya sa sinabi ko


“wala akong pakialam sa pera o ano pa man... ang mahalaga ay nasa akin ka! Hahaha”


“sisigaw ako ng dito!” pananakot sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko


“bakit ka natatawa? Sisigaw talaga ako”


“haha muka ka kasing batang nawawala at hindi nambabanta sa isang kidnapper haha” natatawa niyang tugon sakin, napahiya naman ako at alam kong namumula ako. Hinanap ko ang cellphone ko sa aking bulsa, wala kaya hinanap ko sa paligid pero wala din.. bigla nyang itinaas ang kanang kamay niya at nakita ko ang aking cellphone


“akin na yan!” utos ko sa kanya pero uniling iling lang ito na parang isang batang nagiingi ng laruan.


“diba kidnap nga to kaya walang cellphone haha”lumabas na siya at naiwan akong nakaupo sa kama niya


“TULONG TULONG!!!!” pagsisisgaw ko agad naman siyan pumasok tatakpan niya sana ang aking bibig ng makita nyang nakangiti ako sa kanya


“bat ka sumisigaw!!”


“eh diba kidnap to? Kaya ako sumigaw!”



TOK TOK TOK!



Nakita kong may pumasok sa pinto



Teka kilala ko yon ah...



Hindi ako pwedeng magkamali...





Itutuloy...

Monday, March 14, 2011

TELL HIM Chapter 25

DAZZLING INCANDESCENT ROCK part 1






"i'm shining on 
all because of you"






“hoy ano tinitignan mo dyan?” bungad sakin ni Cherry habang nakatulala ako sa kawalan


“a-ah wala naman, a-ano nga pala ang paguusapan natin?” paglilihis ko ng usapan.


Saglit siyang tumahimik naupo sa mat na inilatag niya at nagbigay ng isang buntong hininga sa akin bago siya magsalita. Sinenyasan nya ako na maupo sa tabi niya kaya naman agad akong nagtanggal ng sapatos at umupo. “bessy kumusta ka na?” seryoso niyang tanong sa akin habang nakatingin sa langit. Puno ng bituin ang kalangitan ng gabing iyon, halos mga buhangin sila sa dami ng nagkalat sa kalawakan. Napakaganda nilang pagmasdan, parang nakakawala ng pagod at stress. Buntong hininga lang ang isinagot ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin dahil sa wala akong naibigay na matinong sagot sa kanya. Siya na ulit ang nagsalita “naguguluhan ka ano...” tumingin ako sa kanya na may isang pagsangayong ngiti “tama nga ako.....” si Cherry, “bessy alam kong kahit nagbalik na siya hindi ka masaya...tama ba ako?” tanong niya sa akin habang himihiga siya “kase alam natin pareho kung sino ba talaga ang nagmamay-ari niyan” bumangon at umupo ulit siya at tinuro ang aking kaliwang dibdib saka humiga ulit. “alam mo bessy hindi masarap sa pakiramdam ang magpanggap na masaya kahit alam mong hindi naman talaga...” seryoso nyang sabi sakin hindi ko na din nakaya ang pananahimik ko kaya naman nagsimula na din akong magsalita. “Cherry ang hirap kasi ng sitwasyon ko.... kase alam ko na sa sarili ko naman na matagal ko nang natanggap na wala na sa buhay ko si Kiko at may nagoocupied na din ng puso ko pero bakit noong nakita ko siya ulit parang nasabik ako sa kanya” seryoso kong tugon habang inilalapat ang aking katawan sa nakalatag na tela. “kase kailangan mo ng paliwanag” maikli pero malaman niyang sagot sa akin. “alam mo kase bessy kahit alam na natin ang mga dahilan sa mga bagay bagay pinipili pa din natin na intayin marinig mula sa kanilang bibig ang pagpapatunay.... na kung ano ba talaga ang nangyari, na ano ba talaga ang mali, ang hindi nagawa at dapat solusyonan, na kung nasabi nya ng maaga dapat nasolusyonan ninyo... DIBA” pagpapatuloy niya. “alam mo bessy magawa mo mang lokohin ang ibang tao pero yan...yang puso mo nako..hinding hindi... magmuka mang nananabik ka sa yakap nya, sa halik nya, sa presensya nya...iba pa din ang hahanap hanapin nyan.”



“pero pano siya.... si Kiko... pano sila....” tanong ko sa kanya.


                Isang buntong hininga lang nag binigay nya. Itinuon nya ang atensyon sa kalangitan. Ganon din ang aking ginawa, “tignan mo bessy...ang dami nila ano...” si Cherry “oo nga..nag ganda nga eh... iba’t iba ang kulay, may malaki, may maliit” sagot ko. “anong nakikita mong pinakamaliwanag diyan?”tanong niya sa akin “yon!” turo ko sa pinakamaliwanag sa lahat. Bigla naman akong napaisip, tumayo ako at ngumiti. “bestfriend salamat...” ngumiti ito bago magsalita. “naiisip mo ba ang naiisip ko B1?” tanong nya sa akin “oo B2 salamat B2 alam ko na ang sagot.”masaya kong turan sa kanya. “sige B2 aalis na ako. Salamt ulit bestfriend” pagpapaalam ko “good luck B1 basta tawagan mo ko kung kailangan mo ng back-up bessy ha” si Cherry na nakatayo na at nililigpit ang kanyang mat. Niyakap ko siya at umalis na.


                Nilisan ko ang village nina Cherry na may galak sa aking puso, isang desisyon ang aking dala dala sa aking isipan. Ilang oras din at nakarating na ako sa aking destinasyon. Tinext ko siyang pumunta sa aking kinaroroonan. Halos ilang minuto lang ang itinagal ng aking pag-iintay at dumating na din siya.


“JN...” tawag niya sa kin ng may ngiti sa kanyang labi. Isang ngiti din ang binigay ko sa kanya, niyakap niya ako ng mahigpit na animoy sabik na sabik sa kanyang minamahal.


“akala ko hindi ka pupunta....salamat ha..” tugon ko sa kanya


“maari ba naman yon? saka kahit ano man ang mangyari lagi lang akong nandito sa tabi mo, hinding hindi kita iiwan” at isang yakap ulit ang kanyang ginawad sa akin. Mainit at puno ng pagmamahal. Umupo kami sa bench na nakalaan para sa mga tao na gustong tummbay at magpalipas ng oras sa parkeng iyon.


“kumusta ka na? patawad hindi kita masyadong nakakasama” ako


“oo nga eh... hehe pero ayos lang ako.. ikaw . . . kum-. . kumusta ka na?” tanong niya sa akin na may halong bigat sa kanyang damdamin.


“hmmm eto masaya ako...” nakangiti kong tugon sa kanya


“da- . . .dahil bas a pagbabalik ni Kik-o?” ang boses niya ay tila kinapos sa pagbanggit ng katagang iyon


Napabuntong hinnga ako bago magsalita “hmmm” pailing iling kong tugon, napalingon naman ito sa akin ng may pagtataka sa kanyang mga mata.


“alam mo masaya akong nakilala kita, naging kababata, ikaw ang naging tagapag tanggol ko sa mga nangbubully sa akin, ikaw din yong tanging batang bakikipag laro sa akin at ikaw nga minsan ang nagpupunas ng sipon ko noon diba haha” masaya kong tugon sa kanya


“hindi ko alam kung paanong paraan kita mapasasalamatan, siguro kung hindi kita nakilala hindi ako magiging isang taong katulad ngayon at lagi na lang akong magtatago sa likod ni mama. Alam ko na may nararamdaman kang pagmamahal para sa akin” hinawakan ko ang kanyang mga kamay, nakangiti siya sa akin habang binibigkas ko ang mga ito “alam ko din na handa kang gawin at ibigay ang lahat para makitang masya ako . . . . i know you can give anything just to see me smile to hear my laugh pero . . pero hindi ako ang taong nararapat sa busilak mong pagmamahal... dah-dahil kahit gaano man kabusilak at katotoo ang nararamdaman mo . . . hindi ko kayang suklian ang mga ito, hindi ko kayang ibigay ang mga bagay na kaya mong ibigay para sa akin. Patawarin mo ako pero alam kong lalo lang kitang masasaktan kapag hindi ko ito ginawa ngayon, mas magiging mabigat din ito sa akin kung ang isang katulad mo ay magiging malungkot dahil sa isang taong tulad ko dahil importante ka sa akin... at mahal kita . . . dahil ikaw ang kuya ko. gusto kong lumigaya ka, gusto kong may magpahalaga sa nararamdaman mo at may taong mag alaga para sayo at and cherish every ounce of your love. Mahal na mahal kiya Kuya Biboy and you will always be my big brother”  tuloy tuloy ang pag guhit ng masasaganang luha sa kanyang mukha habang hinihiwa ko ang kanyang puso sa mga salitang aking binitiwan, ako man ay nasasaktan sa mga nasabi ko, but i know that this will set him free, free from the misery that love created between us, “alam kong makakahap ka ng taong magmamahal sayo, mabait kang tao at hindi ka mahiap mahalin Kuya Biboy kaya alam kong may taong nakalaan para sayo kaso hindi ako iyon, patawarin mo ako kuya Biboy” patuloy pa din ang kanyang pagluha ngunit ngumiti ito sa akin at nagsalita “lahat kaya kong gawin para sayo JN,  pero hindi kayang turuan ang puso ko na hindi kita mahalin, ikaw lang ang laman nito, patawadin mo din ako pero hindi ganon kadaling bitiwan ang pagmamahal ko sayo” hinwakan niya ang aking mukha ng kanyang dalawang palad at hinalikan ako sa aking labi, mainit at puno ng pagmamahal, ngunit siya din ang unang bumitaw, “pero kung magdudulot ng sakit sayo ang pagmamahal ko, susubukan kong mahalin ka na lang sa malayo.” Niyakap ko siya nag mahigpit. “tandaan mo kuya Biboy ikaw lang ang kuya ko...wag mo akong iiwan kuya huh..” gumanti na din siya ng yakap sa akin.



.............................................................



“hey...” bati ko sa taong naghihintay sa akin sa garden.


“hi” matipid ngunit nakangiti nyang tugon. Tumayo ito sa pagkakaupo at initay akong makalapit sa kanya.


“kanina ka pa ba? Sorry natagalan ako” paumanhin ko sa kanya


“ok lang ako..kumusta ka na?” nakangiti ngunit mababanaag ang kalungkutan sa tanong niya sa akin


“im doing good..kumusta ang pagpopose mo, ang mga shots mo?hehe model!idol..” Biro ko sa kanya


“hmm... hindi kasi ako sanay sa ganon eh..” nahihiya niyang sagot sa akin


“may itatanong ka daw sa akin sabi ni Cherry” ako


“hmmm gusto ko sanang itanong sana kung sino yung- . . .” hindi niya maituloy


“si Kiko?” tumingin lang ito sa akin at tumango. Humugot muna ako ng isang malamin na hinga bago ko simulan ang aking litany. Habang sinasariwa ko ang mga nagdaang kaganapang hindi ko pa din mapigilan ang magbuhos ng aking emosyon, ang saya, lungkot, pagkamuhi at pangungulila, mataman naman siyang nakikinig sa bawat kwento ko, nakikita kong ang pagagos din ng damdamin sa kanyang mga mata at pagtarak ngito sa kanyang mukhana wariy bawat isang detalye ng aking sinabi ay ninanamnam niya at pinipilit na unawain.isang napakahabnag paglalahad ang aking ginawa upang maiparating ko sa kanya ang sanhi ng aking pagbabago sa nakaraang araw hanggang umabot na ako sa puntong kailangan ko na din klarohin ang nararamdaman naming para sa isa’t isa. hindi ito madali sa pagitan naming dahil unang una ay pareho kaming may nararamdamn para sa isa’t pangalawa dito ay siya ang naging sandalan ko sa panahong halos masiraan ako ng bait sa kalungkutan at sa sobrang depression.


“Pete....”


“hmmm?” sagot niya, kinabahan ako sa akng sasabihin kaya naman tumayo ako at lumayo ng konti sa kanya. Eto lang ang alam kong paraan para masabi ko kahit hindi deretsahan


Ayaw ko mang saktan ang iyong damdamin
Ngunit kailangan malaman mo
Puso'y kumakaba
Sana'y matapos na
Di' makapag-umpisa
Yakap, yakap kita
Ngunit ang luha'y dagling dadaloy
Ngunit paano ko sasabihin ito
Puso'y tiyak na masusugatan
Kaya mo bang maunawaan
Paano ko sasabihin ito


Ayaw ko mang saktan
Ang iyong damdamin
Ngunit kailangan malaman
Puso'y kumakaba
Sana'y matapos na
Di' makapag-umpisa
Ngunit kahit nais ko man pilitin
'Di na kayang ibigin
Paano ipadarama
Sa 'yo sinta na
Puso'y ari na ng iba



Labis, na pinadarama
Bakit sa'kin pa manggagaling
Paano ko sasabihin ito


Ayaw ko mang saktan
Ang iyong damdamin
Ngunit kailangan malaman
Puso'y kumakaba
Sana'y matapos na
Di' makapag-umpisa
Ngunit kahit nais ko man pilitin
'Di na kayang ibigin
Paano ipadarama
Sa 'yo sinta na
Puso'y ari na ng iba


Pa'no, pa'no ko sasabihin
Pa'no ko sasabihin




Mula sa aking pagkakatalikod ay naramdaman ko ang isang mainit na yakap, isang yakap ng pag-intindi, ramdam ko din ang tibok ng kanyang puso, napakalumany nito at tila ba nagpapahiwatig na nauunawaan niya ang aking ipahiwatig. Tumingala ako sa kanyang mga mata, akala ko ay umiiyak ito ngunit nagkamali ako, isang ngiti ang ibinigay nito sa akin. Iniharap niya ako sa kanya at ginawaran ako ng halik sa aking noo.

I can still remember yesterday
We were so in love in a special way
And knowing that you loved me
Made me feel oh so right
But now I feel lost, don’t know what to do
Each and every day I think of you
Holdin’ back the tears, I’m trying with all my might

Because you’ve gone and left me standing All alone
And I know I’ve got to face tomorrow On my own….
But baby….

Before I let you go
I want to say I love you
I hope that you’re listenin’ ‘Coz it’strue,baby
You’ll be forever in my heart
And I know that no one else will do,
yeah So before I let you go
I want to say it…..
I love you


I wish that it could be just like before
I know I could’ve given you so much more
Even though you know I’d given you all my love
I miss your smile, I miss your kiss
Each and every day I reminisce
‘Coz baby it’s you That I’m always dreaming of…


Because you’ve gone and left me standing All alone
And I know I’ve got to face tomorrow On my own….
But baby….
Before I let you go
I want to say I love you
I hope that you’re listenin’ ‘Coz it’strue,baby
You’ll be forever in my heart
And I know that no one else will do,
yeah So before I let you go
I want to say

Letting love go is never easy
But I love you so That’s why I set you free And I know
Someday
Somehow
I’ll find a way to leave it all behind me
Guess it wasn’t meant to be but baby.

Before I let you go
I want to say I love you
I hope that you’re listenin’ ‘coz it’s true, baby
You’ll be forever in my heart
And I know that no one else will do,
yeah So before I let you go
I want to say it…..

So before I let you go I want to say…it



I LOVE YOU....


Isang kanta din ang tugon niya sa akin. Hindi ko napigilan ang aking sarili kaya naman niyakap ko siya at humagolhol sa kanyang dibdib. Mahal ko ang taong ito ngunit kailang ko siyang palayahin dahil magiging sakim lang ako at alam kong masasaktan ko din lang siya ng sobra at yon ang hindi ko kayang gawin. Alam kong makakahanap siya ng taong mas karapatdapat sa akin, mas magpapahalaga sa kanyang nararamdaman at isang taong higitan ang maiibigay ko. Tangin hiling ko lang ay maging masaya siya sa piling ng taong iyon at wag na huwag siyang sasaktan gaya ng ginawa ko sa kanya.


“Pete... mahal kita, ikaw ang naging sandalan ko pero kailangan na nating gawin ito. Maiintindihan ko kung aalis ka at iiwan mo na ako, patawarin mo ako dahil hindi ko na masusuklian pa ang pagmamahal mo, i guess it wasn’t meant for the two of us.” Patuloy pa din ang pagdaloy ng mga luha ni iyakin. Itinaas niya ang aking mukha at inilapat ang kanyang noo sa akin.


“JN minahal kita at hindi ko pinagsisihang ginawa yon. nasaktan ako pero ganoon talaga kapag nagmamahal ka ng totoo, lagging kaakibat ng pagmamahal ay sakit at pagpaparaya. Hindi ko pinaghihinayangan ang pagpaparaya ko dahil alam kong sa kanya ay sasaya ka... alam ko na hindi ako ang makakapagkompleto sa buhay mo.. pero tandaan mo palagi na may isang Pete ang nagmahal sayo ng totoo at hinding hindi ka iiwan kahit kailanman, nandito lang ako at mananatili sa iyong tabi, lagging aagapay sayo, dahil mahal kita. At isa pa . . . . hindi ba’t ako ang driver mo... may pangako pa akong turuan kang magdrive at may pangako din ako sa sarili kong tutuparin ko. Hindi ako aalis hangga’t hindi mo ako pinapaalis.” Mahaba at sinsero niyang tugon. Ilang sandal pa ay ginawadan niya ako ng halik, puno ng pagmamahal at puno ng pagtanggap. Mainit at masarap kaya naman gumanti na din ako, ito man ang huling halik na ibibigay niya sa akin, susulitin ko ito at ipapadama na minahal ko din siya ng totoo.



“salamat Pete, you will always be in my heart no matter what. I will always remember the good things we shared and i will cherish the things you made just to bring back the smile on my face. You’re a good man and a good friend and you deserve a good partner. Salamat kung hindi mo ako iiwan..” duguan kong sagot sa kanya.. “grabe naman epistaxis kung epistaxis ang sagot mo” “yaan mo na minsan lang ako sumagot ng englisss” “tama nab aka maubos wala kong baong englissssssssssss” ang mga utak ko nanaman, infairness di sila nagaaway ngayon. “siyempre naman no drama ang episode mag aaway ba naman kami, pero alam mo sayang si Pete..” “hoy maggugulo ka nanaman! Exit muna tayo. May drama pa sila” “ok fine!”


“nasabi mo na ba sa kanya?” tanong niya sa akin


“hindi pa... ngayon ko pa lang sasabihin... sana hindi pa huli ang lahat..”



“sa pagmamahal walang nahuhuli, lagi itong nagiintay.”



“salamat Pete”





Itutuloy