Monday, February 28, 2011

TELL HIM Chapter 24

MENDING


"Let no one who loves be unhappy…
even love unreturned has it’s rainbow"





“uhmm Cherry may gusto sana akong itanong....” tanong sa akin ni Peter


“ano yun baby?”


“pwede ko bang malaman kung sino. . . “ hindi pa niya naiituloy ang kanyang sasabihin ay mukang alam ko na ang kanyang itatanong, “nako baby nahuhurt ka ano? Tsk tsk kung ako na lang sana ang minahal mo hindi ka mahuhurt ng ganyan..choz! hahaha” tudyo ng malanding utak ko. malungkot ang kanyang aura ngayon hindi katulad ng kapag nandyan si JN sa tabi nya... “ang ganda talaga ng bessy ko...nakakainis ang sarap kalbuhin...bwisit hahaha” alam ko na ang kayang tinutukoy kaya panangunahan ko na siya


“si Kiko?” balik kong tanong sa kanya. Huminga ito ng malalim at saka tuamango sa akin at nagbigay ng isang pilit na ngiti. Nang matapos kaming magayos ay tinawag na kami ni ate Ahniz para sa evaluation ng shoot namin kaya naman hindi ko nagawang magkwento agad.


“good job guys... maganda ang outcome ng shots nyong dalawa kaya lang medyo malamlam ang aura mo Peter may problema ka ba?” tanong ni ate Ahniz sa kanya.


“sorry ma’am hindi po kasi ako marunong talagang magpopose eh ngayon ko lang ginawa to pasesnsya na po” paghingi niya ng tawad na halatang pinipilit lang na ngumiti sa kabila ng kanyang nararamdaman.


“no Peter hindi naman sa posing mo ang problema eh, ok naman yun pero yung mata mo, parang hindi ko maintindihan kung anong emosyon ang dumadaloy..pero ok na din magagawan pa naman to ng paraan sa editing . . . well yun lang you can go home, it’s little late na din naman.” Tumango na lang kaming dalawa at umalis na studio ni ate Ahniz.


“Peter gusto mong magdinner muna?” tanong ko sa kanya. Tumango naman ito pero bakas ang pag aalala at napipintong kalungkutan.


             Pumasok kami sa isang pizza parlor, siya ang humanap ng chair at ako ang nagorder since ako namana ang nagyayang magdinner, naawa talaga ako sa kanya. Mukha siyang nalugi sa sugal, nabagsakan ng martilyo sa ulo, nasagasaan ng pison, nirape ng isang daan babae, ay wait. . . ako lang pala ang may karapatang mangrape sa kanya, scratch that one, nasan na ba ako? Aun mukhan siyang kawawa..hayyy..bakit naman kasi si bessy lang ang nakikita mo? Ang ganda ganda ko naman, sexy, mabait, matalino, super sizzling hot ( wala kang magagawa ako ang gusto eh HAHAHA) leche ka bessy pati ba naman sa imagination ko sumisingit ka pa rin? Lumayas ka dito! (sorry bestfriend nakikidaan lang... hi sa mga fans ko! hahaha akin siya Cherry akin siya hahaha) che tumigil ka!! Akin na siya ngayon!

             
            Kinuha ni Peter ang tray namin, ng makaupo na kaming dalawa ay nagsimula na akong magkwento. Mataman naman na naghihintay siya sa salita at oaliwanag na aking sasabihin, ganun pa man hindi pa din nawawala ang lungkot ng kanyang mga mata. Ang mga kinang kapag kasama si JN ay naglalaho at init at lagablab nito ay unti unting nauupos na parang nag-aalab na baga na binuhusan ng tubig.


“ He’s name is Kiko” napakunot ang noo niya sa aking sinabi “pano ba to...” nag aalinlangan ako kung sasabihin ko ba ang totoo baka mapahiya kase si bessy pag sinabi kong isa siyang bekikay “eh ano naman hinalikan nga niya si Peter eh!! Nakakainis talaga ako dapat ang una eh!! Buset!” “haha kase nga bessy-“ “oh eepal ka nanaman sa imagination ko tumigil ka diyan baka sapatusin kita!” ito talagang beking to epal kahit sa imahinasyon ko eh “pwede ba tantanan mo ako!” “ok bessy peace... hahaha”


Natapos naming kainin ang inorder naming ng walang imikan, hindi ko alam kung ano sasabihin ko at siya naman ay naghihintay at ayaw din akong pangunahan. “Peter i have a better suggestion...” pagbasag ko sa katahimikan at tangi kong naisip na paraan para hindi ko mapangunahan si JN. Sinabi ko sa kanya ang naiisip kong suhetyon para malaman niya ang katotohanan, tumango naman ito na tanda na naiintindihan hiya ang sitwasyon at sumanasang ayon siya sa aking naisip na paraan. nagCR ako bago kami umalis pero sa katunayan ay iba ang nasa isip ko.


RRRRRIIIIIIINNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGG!!


“C’mon pick up the phone!”


“hello Cherry bat napatawag ka?” sagot ng kabilang linya


“hoy nasan kang bruha ka! We need to talk A-S-A-P!”


“i’m with Kiko nandito kami sa mall” takang sagot ng kabilang linya


“pumunta ka sa bahay pagkatapos mong makipag landian!” –END CALL



                Nag-ayos ako ng sarili ko at saka lumabas ng CR. Naabutan kong nililinis na ang mesa namin. Inaya ko siyang lumabas, sumonod na siya sa akin at habang naglalakad kami ay kinuha niya ang bag ko, “kilig naman ako dun, para kaming magbf haha” hindi pa din maalis ang lungkot nayon sa kanyang mga mata, sinabi kasi niya ikang araw na din niyang hindi nakakausap si JN, palagi kasi itong nagmumukmok sa  kwarto, lagging tulala, hindi din daw naman niya makausap dahil hindi niya alam kung pano sisismulan at lagi na lang daw malungkot “nag-iinarte nanaman ang bessy ko, sabaagy kung sakin yun nanagyari eh baka ganun din ako haaayy kawawa naman si JN...”



“oy!” isang tapik ang bumasag sa aking pagmumunimuni. Napatitig ako sa taong nasa harap ko. isang pamilyar na taong kilala ko. “kuya Biboy!”bati ko sa kanya. “anong ginagawa mo dito? Sino kasama mo?” biglang nalungkot ang kanyang mga mata. “is there something wrong? You look . . .” napatingin ako sa kanyang mga mata at nakita ko ang lungkot na bumabalot sa mga ito. “enormously sad....” pagpapatuloy ko. “ I think I know the problem...” isang pilit na ngiti din at kamot sa ulo ang binigay niya sa akin. “ay nako maloloka ang aking beauty sa inyong dalawa... tara kayong dalawa dali!” hinila ko sila papunta parking lot. “sakay dali!” nagtaka man ang dalawa ay agad din sumakay at pinaharurot ko ang sasakyan papunta sa pinakmalapit na amusement park.


                Nang makarating na kami sa amusement park ay agad akong bumili ng ticket. Naiwan naman ang dalawang nakutalala pa din. “anong ginagawa natin dito?”halos sabay nilang tanong sa akin, nagkatinginan naman sila at sabay ding tumawa. Mabuti naman at kahit papaano ay sumaya silang dalawa. matapos ang napakahabang pila ay nakapasok din kami, “sa wakas!” ang sabay nilang bigkas. Una naming pinuntahan ang carousel sa pamimilit ni Kuya Biboy, parang bata lang siyang namamangha habang nakatingin sa mga taong nanonood sa mga nakasakay, si Peter naman ay masigla ding nakangiti “alam mo Cherry nagyon na lang ulit ako nakapunta sa ganito . . .salamat ha!” sabi niya sa akin at binigyan nya ako ng isang maluwag na ngiti. “nako baby Peter wala yon, masaya nga ako at kahit papaano eh ngumiti na din kayong dalawa... tignan mo yung isang yon oh, nakakaloka parang baliw na nakangiti sa mga tao! kung makangiti parang wala ng bukas ” sabay turo kay Kuya Biboy. “hehe kung ako nandoon sa pwesto niyang yon ganun din ang magiging reaksyon ko nakakawala kasi ng stress... lalo na pag ganitong madaming Masaya sa paligid mo, parang nadadala ka na din...”
                

               Matapos naming sumakay ay naisipan nung dalawa na maghorror house, “ay nako wala naman kwenta ata mga mananakot dito eh, baka mamaya nakamaskara lang at mga hubad na thunder cats ang nandyan nakakaloka!” sabi ko sa kanila para hindi na kami pumasok pa dahil sa totoo lang ay natatakot akong pumasok. “takot ka lang ata eh” tukso sakin ni Peter “wag kang mag-alala Cherry dito ka sa aking piling ipagtatanggol kita sa mga mananakot diyan” kinilig ako sa sinabing iyon ni Kuya Biboy. “o siya pasok na tayo!” sabi ko sa kanilang dalawa habang pinapalakas ang loob ko at nakakapit sa kanilang dalawa!”
“kuya Biboy wala akong makita..ang dilim...baby Peter..natatakot ako...” sabi ko habang nakatungo.


Biglang.... “AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!” napasigaw ako dahil kay kuyang nakamaskara ng wolf at lumapit sa amin. Tumakbo kaming tatlo papunta sa kaloob-looban


“aaaahhhhhhhhhhhh oh my God ayoko na!!!”


“aaahhh takbo!!” may babaeng nakakatakot ang ichura ang lumabas sa taas naming “ang ganda ng costume mo teh!”


“fuck!! Ayoko na!!!!!!!!!!!”


“aaaahhhh aaaaaahhHHh AAAAAAAHHHHHH!”


“may mumu!!!” matandang nakawhite sout ng pang white lady...”chaka ng muk-ap mo teh”


“aaahhhh ano yan!!!”


“ayoko na!!! tama na!”


“lalabas na ako!” “amg ganda ng katawan mo kuya muka kang bouncer sa club! Tugs tugs tugs”


“sh*t ayako na!! lalabas na ako!”


“aaaaahhhhhhhh!” “kuya magdeodorant ka nga ang lakas eh..gumuguhit sa lalamunan pwe..ang baho! Nakakaloka kayong mga nanakot eh”


“AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!”


                Nang maabot maabot ko ang dulo ay mag-isa na lang ako at imbis na ako dapat ang maunang lumabas at magmadali dahil ako ang babae ay ako pa ang nahuli at naglalakad. “nakakainis kayong dalawa!” sigaw ko sa kanilang dalawa. “hoy ikaw Peter akala ko ba ako ang matatakutin at ako ang ayaw pumasok! At ikaw Kuya Biboy akala ko ba ako ipagtatanggol mo ako? Eh ako pa ang humapas ng taking sa mga nanakot satin! NAKAKALOKA! Kunyari pa kayong dalawang matatapang eh kayo pa ang nakakapit sa akin. IMBYERNA!!!!” sigaw ko sa kanilang dalawa. Nagkatinginan naman kaming tatlo at sabay sabay na humalakhak. Halos maubusan kami ng hangin sa baga dahil sa katatawa. “ay nako nakakaloka kumain na nga lang tayo ng ice cream, bwisit kayo daig nyo pa ang babaeng sumigaw at magwala haha” pangaasar ko sa kanila. Madami pa sana kaming gustong sakyan kaya lang may biglang tumawag. “hello?”


“hoy gaga ka kanina pa ako nandito sa bahay nyo!”


“ay sorry naman bessy..andyan na! pauwi na ako!” END CALL


                Inihatid ko ulit sila kuya Biboy at Peter sa mall na pinuntahan naming dahil naiwan ni Kuya BIboy ung kotse nya doon, isasabay na daw ni Kuya Biboy ang baby Peter ko dahil magkatapat bahay lang naman daw sila. Nagmamadali na akong umuwi, alam kong bubugahan ako ng apoy ng mabait kong bestfreind pag dating ko sa bahay namin. Ilang minuto pa ay nasa bahay na ako. Tumakbo ako papuntang kwarto ko doon kase ang rendezvous namin, pagbukas ko ng pinto nakita kong bukas ang TV bukas ang computer bukas ang ref bukas ang radio at bukas din ang aircon ko. “hoy bruha ka! Anong akala mo sa kwarto ko palipasan!” sigaw ko sa kanya habang naglalaro ng siya sa kama ko ng PSP. “hoy ka din! wag mo akong istorbohin i’m busy at the moment wait ka lang dyan!tetext kita pag ok pag tapos nako” naiirita nyang sagot “ayan game over! Aarrgggghhh bwisit ka. Tignan mo natalo ako sa level 1” inis nyang turan sakin. “level 1? Nasa level 1 ka pa lang? Hahaha kawawa ka naman!” pang aasar ko sa kanya. “tado pang  3 ulit ko na to! Hoi tatlong oras na kong nag-iintay dito!” balik nyang sigaw sakin. “ow sorry ha..may inayos lang akong gulong ginawa mo!” sagot ko sa kanya habang kumuha ako ng damit ko para makaligo at makapag palit. Halos kalahating oras din ang itinagal ko sa banyo at ng makalabas na ako ay kausap na niya si Kiko sa webcam.


“Kiko sandali lang pahiram muna kay JN” hinatak ko ang cord ng internet para mawala ang connection


“oh ano nanaman problema mo?” asar niyang tanong sakin


“ Hoy halika nga dito at magusap tayo” sigaw ko sa kanya, nakatingin naman ito sa akin na parang nawiwirdohan.. “oh bat ganyang ka makatingin?” taking tanong sa akin


“sigurado ka? baka kase gusto mo munang magdamit” sagot nito at saka tumayo at naglakad palabas ng kwarto ko. "andun lang ako sa garden kung bihis ka na! Nakatawa kang babae ka” sabay tawa ng malakas. Napatingin naman ako sa aking sarili at nahiya ako sa aking nakita. Tanging twalya lang pala ang aking suot at nakalimutan kong magdamit. “BRUHA KA TALAGA!” sigaw ko sa kanya. “nakakaloka kang babae ka bat ba makakalimutin ka na ngayon? Pati magdamit nakalimuta mo na! Nakakahiya ka talag..>” asar kong turan sa aking sarili.



..........................................................



                Halos tatlong oras na din ako nag-iintay sa loob ng kwarto ni Cherry. Grabe talaga ang kwarton ito, napakalinis, para nga ayaw kong pumasok eh, nakakahiyang madumihan, iyon ay kung sa lungga ka ng daga nakatira, hindi ko maisip kung babae ba talaga ang bestfriend ko oh taong gubat. Kung may award ng pinakamakalat na kwarto ay nako si Cherry ang makakarecieve non. Kaya naman sa loob ng tatlong oras nay un ay nag ayos ayos ako ng gamit ng taong gubat na yon, inayos ko ang drawer, cabinet, ang mga nakatambak na bag, mga nakakalat na papel sa sahig, medyo madami din ang mga yon kaya naman naisip kong magbukas ng radio at magpatugtog ng music, para naman hindi ako mapagod agad. Napagod ako kaya naman nagpahinga ako nanood ng TV, grabe ang tagal talaga nya kaya naman pinakaelaman ko na pati ang kanyang mga ibang gamit. Hay sa wakas dumating na din, nakuha pa nyang magalit gayong ako na nga ang halos manuti ang mata kakahintay. Makapag check na nga lang ng email.


“babe... nakauwi ka nab a?”biglang nagpop out si Kiko sa screen


“hindi pa Kiko kakadating lang ni Cherry ayon nga naliligo pa”


“babe may cam ba loppy ni Cherry? Pwede bang magcam tayo? Namimiss na kita eh” paglalambing nya sa akin.


“yan accept mo na lang..”


“ok po.... ayan kita na kita i miss you babe...”biglang bumukas ang pinto “


“Kiko sandali lang pahiram muna kay JN” bigla nalang hinudot ni Cherry ang connection kaya naman nawala si Kiko sa screen.


“oh ano nanaman problema mo?” inis kong baling sa kanya.


“ Hoy halika nga dito at magusap tayo” sigaw nya sa akin, nagtaka naman ako sa ayos nya. Nakatapis lang ng twalya at basing basa ang buhok na gulo gulo.


“sigurado ka? baka kase gusto mo munang magdamit” nagpipigil na akong matawa sa itsura nya. Kaya naman bago pa nya mahalatang natatawa ako. ko..  ”andun lang ako sa garden kung bihis ka na! Nakakatawa kang babae ka.” Narinig ko pa siyang sumigaw pero hindi ko na inintindi pa kung ano man yon. Nang makarating ako sa garden may nakita akong taong nakasilip mula sa gate nina Cherry, bigla itong umalis ng magtama ang aming mga mata at sumakay ng kotse. “teka bat parang kilala ko yong kotseng yon ah.. hindi kaya . . .”



Bigla na lang nagvibrate ang cell phone ko..





“ako nga....”





- Marcus





Itutuloy.....

Saturday, February 26, 2011

TELL HIM poster




videokeman mp3
Fixing a Broken Heart – Azn Dreamers Song Lyrics

salamat po sa lahat ng nagbabasa ng aking first story... sa mga consistent commentors ko, sa mga napadaan at sa mga naglaan ng oras at inantabayan ang pagpopost ko maraming maraming salamat po...pati po kay enso na gumawa ng poster na ito..grabe kinilig ako talaga nung nakita ko to, sayang hindi ko mailagay ung flash.. maraming maraming salamat po talaga....sa natitirang mga chapters po ng TH sana suportahan nyo pa din, ung pong nagsabi sakin na dapat daw may book2 pagiisipan ko po ng mabuti kung gagawin ko....abangan nyo po sana ung susunod kong kwento, may pagkakahawig din po sa kakiligan ung next story pero magkaiba sa flow... anyway maraming maraming salamat po ulit........



:)

Thursday, February 24, 2011

TELL HIM Chapter 23

SERENDIPITY part 2




"Don’t look fate can only find you
You can’t choose for something to surprise you

Set sail without a destination

Just see where the wind will take you"







Isang linggo pagkatapos ng kong magenrol ay naisipan kong mag ikot ikot, buti na lang at medyo hapon na kaya pinilo ko na lang maglakad. Liked ditto lakad doon, hanggang sa marating ko ang isang intersection road “saan ako pupunta ngayon?” nakakita ako ng isang bote ng Coke na nakalagay sa mismong pinageekisan ng daanan, may naisip ako kaya naman kinuha ko ito “ok lead to the place i need to be!” bulong ko sa bote. Inilapag ko ito sa lupa ng nakahiga at pinaikot ko “saan ako dapat pumunta?” sambit ko habang patuloy na umiikot ang bote ng softdrinks, ng tumigil ito ay tinahak ko ang daan na tinuro nito “aba sakto ah...dito talaga ako dapat pumunta?” pagtatanong ko sa bote ni Coke na parang bata “parang sasagot ang bote ah haha, ok then this way it is . . . Sto Dominico Village” pumasok ako habang ang mata ko ay nagmamasid sa mga bahay na nakatayo sa loob ng village, naglalakad na tao, nagmemeryenda habang nakaupo sa kalsada, naglalangoy sa swimming pool hanggang sa dalhin ako ng paa ko sa isang parke doon sa loob ng village na yon. May mga batang naglalaro, nagpapalipad ng saranggola, naghahabulan at nagbabasaan ng tubig mula sa gripo.


Nakita ko ang isang bench na di kalayuan kaya naman umupo ako doon. Masarap ang simoy ng hangin, maaliwalas at hindi mo iisiping may ganoon pala sa loob ng isang village, napakapayapa, malinis at higit sa lahat masarap sa pakiramdam “kaya pala dito ako tinuro ni Coca-cola eh, sarap sigurong tumira dito . . .” napabuntong hininga ako. Nang mapasandal ako sa kaliwang bahagi nahulog ang aking dalang swiss knife,pinulot ko ito, ng sumadal ulit ako ay may naisip akong gawin. “dahil maganda ang araw ko ngayon, ikaw ang magigng saksi haha..parang sira lang” inukit ko sa kaliwang bahagi ng bench ang date ngayon. Habang unuukit ko ang mga numero ay may napansin akong isang maliit na papel na tiniklop hanggang sa maging maliit ito. Nacurious ako kaya naman binuklat ko ito. “ano ba to ayaw magpabasa” sa sobrang higpit ng pagkakatupi at saka siguro dahil sa nabasa at naarawan na din. “ayan . . . ano naman to KUNG IBIBIGAY KO SIYA SAYO INGATAN MO SIYA. . . ingatan? Sino? wierd” itatapon ko na sana ang papel ng biglang lumakas ang ihip ng hangin na sanhi ng aking pagkapuwing. Kinusot ko ang aking mata ng pero di ko matanggal kinuha ko ang aking panyo sa loob ng bulsa para ipampunas sa luhang nabuo gawa ng pagkakapuwing.


Pagdating ko sabay ay agad akong nagtanggal ng aking mga damit. Isa isa kong tinaggal ang laman ng aking mga bulsa, wallet, cellphone, panyo, headset “teka ano to?” isang papel na kuyumos ang nakita ko, binuksan ko ito “KUNG IBIBGAY KO SIYA SAYO INGATAN MO SIYA bat nasa akin to?”takang tanong ko sa aking sarili. Inalala ko kung pano ito napunta sa aking bulsa, “pano ka napunta sa bulsa ko? . . . ah alam ko na siguro nung napuwing ako..oo tama yun na nga...” awtomatikong gumalaw ang aking paa at tinungo ang aking cabinet, agad din naman gumalaw ang aking kamay upang lagyan ng isang clip. “siguro nga sa akin siya . . . kung sino ka man nagsulat niyan at kung ano man yung tungkol dun sisiguraduhin kong iingatan ko yun” napangiti ako sa aking sinabi “haha ano ba tong naiisip ko...nasisiraan na ata ako ng bait. Nawiwirduhan na ako sa aking ginagawa kaya naman isinara ko na ang pinto ng cabinet at nanood na lang ng tv.



RRRRRRRIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGGG

Calling...


“hello!”


“oh pare kumusta?” bati ng kabilang linya


“ok naman ikaw pare?”


“ayos lang din naman, how was the plan going? Nakapag enrol ka na ba?” sabi ng kabilang linya


“ok na pare nakapag enrol na ko last week, and you wouldn’t believe kung sino nakita ko...”


“oh wait don’t tell me nakita mo agad siya?”takang tanong ng kabilang linya


“oo pare, may isang taong pagitan lang kami noong nagbabayad na ako sa accounting haha” masaya kong balita


“haha ok yon ah... pero ang bilis ah haha”


“haha baka pare destiny kami....hahaha” biro ko sa kanya


“tado! Haha akin yon pare... basagin ko bungo mo eh”


“haha ikaw naman sabi ko baka destiny kaming magkita sa school hahaha OA mo eh” pambabara ko


“haha siyempre destiny kayong magkita iisang school niyo eh haha” pagsakay nig ago sa biro ko


“haha pare pano kung destiny nga kami hahaha” hindi ko maintindihan kung bat yon ang lumabas sa aking bibig


“wag pare...mahal ko yon, pero kung kayo nga ang sa isa’t isa eh wala akong magagwa don, ako na ang magpaparaya...”seryoso niyang tugon.


“tado pare..biro lang yon haha” pagbasag ko ng kaseryosohan niya


“ulol ka pare saka hindi mo yon maagaw sakin saka mahal ako non haha” pagyayabang ni gago


“haha oo naman, wag kang mag aalala babantayan ko siya ng mabuti, di ko papaligawan sa iba, iingatan ko siya” pagbibigay assurance ko sa kanya


“ok pare ikaw muna bahala sa mahal ko ha...” END CALL


            Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos naming mag-usap, “destiny... haaayy puta sana magawa ko nga” bumukas ang pinto ng aking cabinet at muli kong nasulyapan ang papel na idinikit ko. napailing na lang ako, “ingatan ko siya wag kang mag-alala” napangiti ako sa aking naisip na yon



..............................................................



“ma alis na po ako,punta nap o akong school para makapg-enrol na po...”


“gusto mo samahan pa kita?” nag-aalalang tanong ni mama


“wag na po kaya ko naman po, saka may pasok pa kayo sa office diba” pagtutulol ko kay mama


“o sige ingat ka anak” yon ang huling sinabi ni mama at tuluyan na akong lumabas ng village namin para makapag-abang ng masasakyan. Ilang minuto lang ang itinagal ko sa paghihintay ng taxi at nakasakay na din ako. Medyo traffic ang nakikita kong madadaana ng taxi pero ng makarating kami sa traffic na yon ay biglang nagleft turn ang iba at ng right turn ang nasa kanan ko,kaya naman naging daan ito para makaiwas kami sa traffic. “mali si aye Guy, may himala....haha” tudyo ng utak ko. “sir swerte kayo ah.. mukhang gusto kayong papuntahin agad sa school ah” biro ng driver sakin. “hehe oo nga manong eh, it’s my lucky day ata hehe” balik ko sa driver ng cub. Wala pang 1 oras ay narating ko na ang aking school, buti na lang at maaga akong nakarating hindi pa pinipilahan sa takilya ang accounting office. Iilan pa lang ang nakikita kong nag papa-asses kaya naman agad na din akong pumila, hay nako ang daming instruction, punta ka ditto punta ka doon pero sulit naman kase ako ang kaunahang nakapila sa accounting hehe. “thank you ma’am” sambit ko dahil sa wakas ay natapos na ako. “ahh... nasan na...” tinignan ko ang kaliwa, wala, ang kanan, walan, ang likodan, wala, ang bag ko, wala “clumsy talaga... badtrip..mahalaga pa naman yon... babalikan ko na lang ang lahat ng dinaanan ko...” nagmamadali akong lumabas ng accounting office. Sinimulan ko sa gate, “aaarrggghh ang clumsy mo kase” “aba kasalana ko bang mahulog yon?” “aba eh sino pa yong guard?” “ok fine ako na...maghanap na lang pwede?” nagaaway nanaman ang utak ko, pumunta ako ng corridor hanap ditto hanap doon wala, umabot na ako sa nursing building pero wala din. “buset naman oh, sabi ko pa naman na hindi ko un iwawala tas ngayon mawawala na lang...aaarrgggghhhh...” naalala ko pa noong huling araw ng pagkikita namin.


            “aray...” napadapa ako dahil sa paghahabulan naming sa paborito naming tambayan, walang iba kung hindi sa park ng village namin. Nagasugat ang kaliwang tuhod ko, umaagos ang dog mula dito. “babe sorry..” paghingi ni Kiko ng tawad “bakit ka nagsosorry?” takang tanong ko habang nakangiti pa din sa kanya. “eh kase dahil sakin kung bat ka nasugatan” malungkot niyang sagot habang binubuhat ako “hoy ano ka ba? Ibaba mo ako” saway ko sa kanya pero sa totoo lang ay kinikilig ako sa ginawa niyang iyon. Dinala niya ako sa may faucet at nilinis niya ang aking sugat dahan dahan niyang inalis ang mga nakadikit na dumi na wari bay isang mamahaling diamante ang mag iyon. Hindi ko naman mapigilan ang aking sarili sa paghanga sa kanyan, ang perpektong itsura niya, ang sweet niyang katangian at ang pagmamahal niya para sa akin at tila isang mapag arugang hangin na bumubuhay sa aking buong pagkatao. “babe sorry wala akong dalan gauze eh pedeng ito na lang?” pagtatanong niya habang hinuhugot ang isang panyo sa kanyang bulsa. “babe ok lang kahit wag mo ng bendahan.” Nahihiya kong tugon “ok lang to kasalanan ko naman kase kung bat ka nadapa at nagkasugat” sagot niya sa akin habang kumikislap ang mga mata na animoy mga bituin sa kadiliman ng gabi. “hehe wla akng kasalanan eengot engot lang talaga ako hehe” biro ko sa kanya habang binabalot niya ng ng hanky niya ang sugat ko  “babe ingatan mo tong panyong to ha.. may dugo mo na yan..kapag nawala to ibig sabihin nawala na din ako sayo haha” biro niya habang tumatawa ng malakas. “tado! Hindi ka mawawala! Wag kang mag alala kung mawala ka man hahanapin kita at kung sakaling hindi kita baliktadin mo lang ang damit mo para makawala ka sa pagkakaligaw mo at makabalik sa akin”  mahaba kong tugon sa kanya “wag kang mag alala pati brief ko babaliktadin ko pag nawala ako hahaha basta ingatan mo toh ha, kase may dugo ko na din yan” bigla niyang itinaas ang kanyang kamay at nakita kong may sugat siya .



            Nakita ko na lang ang sarili kong lumuluha hanag binabalik tanaw ko ang mga nangyari. “bat mo kasi ako iniwan Kiko, sobra na akong nahihirapan” bulong ng puso ko . Buti na lang at walang tao sa aking kinatatayuan kung hindi ay iisipin nilang nababaliw na ako. Dinala ako ng aking mga paa sa isang lugar na di ko aakalain mayroon sa campus na iyon. Napakaganda, berdeng berde ang mga halaman, mapupulang rosas at may ibat ibag uri din ng bulaklak, nang lapitan ko ang garden ay may natagpuan akong balon “may wishing well nap ala sa university? Haha” tudyo ng utak ko. natahimik ako habang ginunita ang mga nangyari
“san galing yan, bat ka nagkaganyan?” takang tanong ko habang madali kong hinawakan ang kanyang kamay at tinapat sa umaagos na tubig. “nung binuhat kita napasasadsad lang sa lupa kaya nagkasugat pero wala to ako pa.” Hinigot ko din ang akin gpanyo sa bulsa at ibinalot ko sa kamay niya. “ayan ingatan mo din yan ha. Pag nawala yan magagalit ako sayo” nakangiti kong sagot sa kanya, hindi niya ako sinagot bagkus ay hinalikan niya ako sa labi. “mahal na mahal kita JN”



            Muli ay nadaig ako ng emosyon at tumulo nanaman ang aking mga luha “patawarin mo ako Kiko nawala ang panyo natin” mahina kong bulong. “patawarin mo ako dahil kahit ang panong isa sa mga ala-ala mo ay naiwala ko, nawala ka na nga sa akin pati ba naman panyo natin. Hindi ko alam kung sinasadya ba ng pagkakataon ang mga nangyayari dahil sa mismong pagpatak ng luha ko ay may narinig akong isang kanta na talaga naman nagpatindi ng aking nararamdaman.






Barbara Streisand - Some Good Things Never Last



It's three in the morning
You're nowhere in sight
And all that I wanted was
To be with you tonight
I've watched love get closer
And then fade away
I've seen you believe in me
I've seen you trying to stay
But what good is holding on
When you know that all
You can think about is letting go
They say if you love someone
Then set them free
If they come back again
Then in the end it was meant to be
I thought we were lovers
I thought we were friends
I guess when reality steps in
The dreaming ends
We live for the future
We learn from the past
No matter how hard we try
Some good things never last
All you can think about is letting go
Be true to yourself, my love
That's all I ever wanted you to be
Just don't forget to smile
When you think of me
I' II reach for the stars
I have got them in sight
There's someone who really needs me
Out there in the night
We'll live for the future
We'll learn from the past
No matter how hard we try
Some good things never last
Why can't they last?



“OA? Umiiyak habang kinakantahan kita ganun? MTV ba ito?” bati ng isang tinig mula sa aking tagiliran. Minulat ko ang aking mga basing mata and into my surprise it was a monster... ay si Cherry pala “besfriend naman bat ka nageemote emotan dito buti walang tao kung hindi nakakahiya ka hahaha” pag aalaska nito sa akin. Pinahid ko ang mga luha ko at nginitian ko na lang siya. “si Kiko ano?” tanong niya. Kilalang kilala talaga ako ng bestfriend ko. “bessy tama na ok...sabi nga dun sa kanta They say if you love someone then set them free if they come back again then in the end it was meant to be…  if your destined to be with each other eh kayo..pero maybe its time to set him free na masyado ka nang nasaktan at kahit hindi pa natin alan ang dahilan kung bakit umalis siya ay alam naman nating nasaktan din siya sa kanyang desisyon” pagpapaliwanag niya sa akin. “salamat Cherry…” niyakap ako nito at hinagod ang aking likudan. “be brave my dear bessy, tandaan mo when a part of your heart closes it doesn’t mean that the person occupying it will be gone forever. Just believe na babalik siya…. Pero . . . pero kung hindi man siya bumalik I assure you may dadating na mas higit sa kanya yung taong magfufulfill ng lahat para sayo..yung magpapakompleto sa buhay mo at magbibigay ng totoong pagmamahal” tumango ako sa sinabing iyon ng aking bestfriend, sabagay tama naman lahat ng kanyang sinabi. Hindi ko nga lang alam kung makakapagmove-on ako ng ganun kadali. Lumakad na kami ni Cherry palayo sa balon ng maisipan kong “oh bat ka tumigil?” tanong ni Cherry” “sandal lang” dumukot ako ng barya sa aking bulsa, buti na lang at may piso pa akong natira, pinikot ko ang aking mga mata at hinawakan ko malapit sa aking puso ang pisong iyon “LORD KUNG MAN PO BABALIK SI KIKO SA AKIN AY LUBOS PO AKONG NAGPAPASALAMAT . . .GAYON PA MAN PO . . . KUNG HINDI NIYO NA PO IPAPAHINTULOT NA BUMALIK SIYA  . . . BIGYAN NIYO PO SANA AKO NG SIGN  . . . ISANG SIGN NA KALIMUTAN ANG NAKARAAN AT MAMUHAY PARA SA KASALUKUYAN NA SANA MAY DUMATING NA TAO NA GIGISING SA AKING PUSO NA MAGMAHAL . . . MAGMAHAL NG BOUNG PUSO AT WALANG ALINLANGAN” bago ko ibato ang piso at hinalikan ko ito. “bessy ano ba ang tagal mo!” pagmamadali ni Cherry sa akin “teka sandali!” ibinato ko ito sa balon kalakip ang isang pag asa ngunit sa halip na sa balon ito mapunta ay lumampas ito at may narinig na lang akong “aahh fuck! Sakit nun ah!”  nanlaki ang mata ko at nagmadaling umalis “oh bat ka namamadali?” tanong no Cherry. “wag ka nang magtanong basta tumakbo ka na lang.” at umalis na nga kami ni Cherry.




“bessy anong winish mo?” tanong ni Cherry sa akin habanag nakaupo kami sa


“wi- . .winish?”


“nagmamaang maangan ka pa… ano nga..”pangungulit niya sa akin


“hmm na kung babalik man si Kiko sa akin ay aalagaan ko siya . . . pero kung hindi naman eh . . . kagaya nga ng sabi mo nga sakin sana may dumaing na tao na magmamahal sa akin at mamahalin ko din” nakangiti kong tugon sa kanya.


“hmmm ganon ba… good luck bestfriend… teka lubos lubusin na natin…” hinalungkat niya ang bag na dala ko hanggang sa may nagliwanag ang kanyang mga mata dahil sa kanyang nakita. isang sticker na ginamit naming noong gumawa kami ng regalo para sa isa naming kaibigan. Ibingay niya ito sa akin.


“oh ayan..”


“ano to?”


“aba ano pa? edi sticker!”


“alam kong sticker pero para saan? At heart pa huh!”


“punitin mo?”


“ano?” takang tanong ko sa kanya


“basta!”


“mukang nabasa ko na ang iniisip nito, pinunit ko sa ibat ibang paraan ang sticker. Matapos ko itong punitin ay tinignan kosi Cherry


“ididikit ko ba to dito?” Tanong ko sa kanya


“galing mo pero dun naman sa hindi halata..tapos kung sino man ang makakakita o madidikitan nyan magiging partner mo hahaha!” ang corning idea ni Cherry, pero sinakyan ko naman that makes me corny din tsk..kaibigna ko nga to,,iisa ang ikot ng bituka naming haha.


“oh ayan ok na.. shall we go home na?” tanong ko sa kanya habang nilagay ko ang bag sa aking balikat.


“we shall! Hahaha!” pagsang ayon niya sa akin



            Makalipas ang isang lingo ay wala pa ding pagbabago “sabi ko na eh kalaokohan lang ang piangagagawa ko..may pawish wish pa tapos may padikdikit pa ng sticker wala din naman palang mangyayari” sabi ko sa sarili ko. Sumilip ako sa labas ng aming bahay at natanaw kong palubog na ang araw kaya naman minabuti kong maglakad lakad muan at puntahan ang pabrito kong mga katambayan.mula sa kalayuan ay may natanaw akong isang lalaking nakaupo sa pareng bench ko, kinalaunan ay umalis din ito at di ko malang namukaan kung sino. Kaya nilakad ko ang pwesto ng mga kabarkada ko. “oi kayo ha pinagpalit niyo na ako.. may iba nang umupo sayo pareng bench ha..selos ako niyan..” sabi ko sa upuan na para bang isang tao na kinakausap din ako pabalik. Nang umupo ako ay “aray!” napatayo ulit ako, tinignan ko kung ano yung bagay na tumusok sa akin. “swiss knife? Kanino to…infairness ang ganda huh… oi pareng bench kanin-“ napatigil ako sa pagsasalit ng makita ko ang nakaukit sa tagiliran nito. “siguro dun to sa lalaki ano, aba bastos na lalaki yun nilapastangan ang aking paboritong upuan… at dahil diyan akin na lang tong swiis knife na to..ganda huh..” inilagay ko sa bulsa ang nakitang bagay at umupo sa kandungan ng aking kabarkadang si pareng bech.



……………………………



            Bago ako umalis ng bansa ay dinalaw ko muna ang kaisa isang taong minahal ng lubusan, nasa loob lang ako ng kotse ko habang tinatanaw ang kanyang bahay mula sa malayo. “patawarin mo ako kailangan kong lumayo..sana maintindihan mo ako…mahal na mahal kita JN…” hindi ko na kinaya ang emosyon ko at umalis na ako. Habang binabagtas ko ang daanan ay nakita ko an gaming paboritong tambayan ni JN. Ipinarada ko ang kotse sat bi ng poste saka ako bumaba at pinuntahan ang paborito naming upuan. Inilapat ko ang aking katawan at dinama ang hampas ng hangin sa aking mukha. “patawarin mo ako JN….babalikan kita sa tamang panahon pero kung makakakita ka man ng taong iapaplit mo sa akin ay sana mahalin ka nya na gaya ng pagmamahal ko sayo, at sana ingatan ka nya.” Nilakad ko ang kinalalagyan ng aking kotse at kumuha ng isang papel at ballpen, bumalik ako sa aking inuupuan kanina at doon nagsulat. “KUNG IBIBGAY KO SIYA SAYO INGATAN MO SIYA diba ikaw lagi ang kinakausap ni JN pareng bench? Hehe kung ibibgay ko ba siya sayo aalagaan mo siya? para naman sasagot... oh eto kung sakaling hindi man ako makabalik kay JN, ihatid mo to sa taong magmamahal sa kanya ng totoo at hinding hindi siya iiwan  . . . hindi gaya ng ginawa ko... galingan mo sa pagpili ha...kung maling taong ang ibibigay mo sa mahal ko susunigin kita hahaha” ifinold ko ang papel hanggang sa magkasya sa konting awang. “ayusin mo ang pagpili kung hindi makakatikim ka sa akin!” yon ang huling salitang iniwan ko bago ko tuluyang iwan ang pilipinas at at kaisa isang taong pinagalayan ko ng pagmamahal.





Itutuloy....