Wednesday, February 9, 2011

TELL HIM Chapter 16

ROLLER COASTER 




"Your mind's in disturbia, it's like the darkness is light
Disturbia, am I scaring you tonight?
Disturbia, ain't used to what you like
Disturbia, disturbia"




“ahhh . . .” nahihiya kong simula habang binibitiwan ni Pete ang kamay ko.


“salamat Gab” sabi ni Cherry kay Gab ng maiabot ang bag kay


Hindi naman umiimik si Kuya Biboy at ni kumibo ay di nya magawa. Nanlilisik ang mata nya kay Pete pati si Gab ay ganun din. Napatingin naman si Pete kay Kuya Biboy na wari’y kilala nya ito at sa bagong taong nahagip ng kanyang mata.


”wooooohh ang init . . . .grabe wooohh nakakaloka” ang pagbasag ni Cherry sa katahimikan naming lima at pinaypay nya ang kanyang kamay sa kanyang mukha.


”ahhh… bestfriend tara na baka magsisimula na ang orientation saka balita ko puputok ang bulkang mayon halika na baka maputukan tayo dito mahirap na ang ganda pa naman ng mga suot natin. . .”


Napatingin naman ako sa mga suot nila at tama nga si Cherry mga bihis na bihis nga sila, sayang naman kung magrarambulan lang sila.


“ahhmm Pete I . . .intayin mo na lang a . .ako dito ha..”


“ok” ang matipid nyang sagot pero nakangiti pa din sakin.


“JN!” ang matigas na tawag sakin ni Kuya Biboy, ramdam ko ang galit sa kanyang tinig. Punong tapang ko siyang nilingon dahil alam kong wala naman akong ginagawang masama. Huminga siya ng malaim at ngumiti sa akin. ”sabay nako sa inyo pwede?” tanong nya sakin. Tumango lang ako at nginitian siya.


”Gab yong pinagusapan naitn. Sabi ko sayo diba” narinig kong sambit ni Cherry, mahina pero rinig ko pa din. Tumango it okay Cherry at lumingon sa akin. Ngumiti din ito sa akin kaya naman ngumiti din ako sa kanya.


Tumabi ako kay cherry habang tinatahak ang daan papuntang gymnasium, nasa likod ko si Kuya Biboy at Gab na kapwa walang imikan. ”bessy ang gwapo ni Pete ha… yummy nya talaga..dapat pala tinaggal mo yong buttons nya para mas kita yung chest nya lalo ahihih” si Cherry na maiihi sa kalandian. ”ssshhh wag ka ngang maingay dyan mamaya marinig kan ung nasa likod mo.” bulong ko sa kanya. ”haha yaan mo silang marinig.. ahmm alam ko na...” Tumigil siya at tumalikod sakin. ”aaaahmmm kuya Biboy, Gab, are you free mamaya after ng orientation?” tanong ni Cherry sa dalwa. Nagtataka naman ako sa gustong palabasin ni bruha, binigyan ko siya ng mapagtanong na titig.


”wala naman akong lakad . . . bakit?” si Kuya Biboy


”oo.. wala na kong gagawin pagkatapos eh” si Gab


”well  . . . gusto nyo lets go out! Para naman masaya... saka para makapagbonding tayo diba...” nanlaki ang maga mata ko sa sinabi ni Cherry. Mukang alam ko na ang gustong gawin nitong babaeng to ah. Hinila ko si Cherry ”gusto mo ba talagang mapadali ang buhay mo? Anong ginagawa mo?”naiinis kong tanong sa kanya. Hinawakan nya ako sa balikat at pinagpag na parang may inaalis na dumi ”chill dear… wala akong masamang intensyon . .  .well bukod sa pag ipit sayo eh wala na HAHAHAHAHA!” with evil laugh pa si Cherry. ”wag kang mag-alala . . . para malaman natin kung hanggang saan ang kaya nilang tatlong magtimpi mukhang magrarumble na sila kanina diba. . . ang sarap ngang gapgapin nyang buhok mo eh.. dinaig mo pa si rapunzel sa TANGLED eh . . . saka para makita natin kung anong tunay na kulay ng bawat isa kaya relax!” mahabang sagot ni Cherry.


”tara na guys… baka malate pa tayo” si Cherry, sumunod naman sila sa amin. Nang makarating kami pumunta na kami sa mga bakanteng chair, nakaseparate si Kuya Biboy samin kase 4th year na siya. Magkakatabi kami, si Cherry sa right ko at si Gab sa left ko na dulo nang chair.


”JN . . .si . . .sino yung kasama mo kanina” tanong ni Gab sakin, hindi ko alam ang isasagot ko kaya pinagmasdan ko lang siya. Nang akmang ibubuka ko na ang bibig ko ”si Peter! Ang gwapo nya no..ang bago nyang friend!” inunahan pako ni Cherry sa pagsagot


”ahh ma . . maaay bago ka na pala…” malungkot nyang sagot, pinalo ko naman si Cherry sa binti. ”araw ano ba . . masakit ha, kung pukpokin kita ng heels ko gusto mo!”


”SSSHHHHHHHH!” sabi ng katabi nya. ”haha yan ang ingay mo kase”pang aalaska ko sa kanya. Muli kong binaling kay Gab ang atensyon ko na naghihintay ng sagot ko


”ahmm  . . . ano . . . apo siya ni Nay Minda . . . he’s staying with us sa bahay” ang tangi kong nasabi


”ahh…. Nan- . . .-nanliligaw ba siya sayo?” tanong nya na nakatungo sakin. Nagulat naman ako sa reaksyon nya at sa kanyang sinabi.


”huh??  . . . ano . . .hindi . . . ewan ko . . .” hindi ko alam kung bat ako nararattle sa tanong nya. Kahit hindi malinaw ang sagot ko sa kanya ay nakita ko ang pagliwag ng kanyang mukha nang tumingin siya sa akin. Siniko naman ako ni Cherry at tinuro ng kanyang nguso ang kinaroroonan ni Kuya Biboy, nakatingin ito sakin at parang natalo sa sugal lang itsura.



-------------------------------------------



                        Matapos ang boring na orientation ay tumayo na kami para lumabas sa gymnasium. Kasunod na namin si Kuya Biboy pumunta sa parking lot kung saan nagiintay si Pete. Tiniext ko siya, sinabi kong papunta na kami sa parking lot.


                        Nang makarating na kami sa parking lot ay bumaba na siya. ”ahhmm Gab, Kuya Biboy si Pete. Pete si Kuya Biboy at si Gab.” nakipagshake hands naman siya sa mga ito. ”good good tama yan para pag nagrambulan sila alam nila kung anong pangalan na mumurahin nila hahaha!” pang aasar sakin


                        Nilingkis nanaman ni Cherry si Pete ”baby Peter gusto mo sa akin ka na lang sumakay?” tinignan ko ng masama si Cherry ”sa aking . . . kotse!” inirapan pa ko ni bruha. ”mabuti nang nililinaw!” bulong ko sa kanya. ”che!” sagot ni Cherry


”uhmmm ganito na lang since lahat naman tayo may kotse eh mag convoy na lang tayo, tapos dun na lang tayo sa mall na malapit.” suggestion ni Cherry.




-------------------------------------------




                        Pagpasok naming sa mall para kaming f4 with san chai haha Oh baby baby baby haha. “san tayo shan chai este Cherry”


“shan chai ka diyan...ay oo nga ano! Tao ming Ze si Peter ko..baby Peter dito ka sa tabi ko” hindi pa nakakalapit si Pete ay sumugod na agad si Cherry sa pagpolupot sa mga biceps ni Pete.


“kain na muna tayo ng lunch it’s 10 minutes till 1 na din naman” suhestyon ni Kuya Biboy sabay kapa sa kanyang tyan.


“tara!” sagot ko, tutal lunch time na nga at gutom na din naman ako.


”san tayo?” tanong ni Gab


”hmmmm Peter . . . baby san mo gusto?”si Cherry


“nako kahit san pwede ako” ang nahihiya nyang sagot


”bessy san tayo?” tanong sakin ni Cherry


“hmmm san nyo ba gusto?”tinignan ko silang lahat


“hmmm alam ko na!” may bumbilya pang umilaw sa may uluhan  ni Cherry kumalas siya kay Pete at humarap sa mga food establishments.


”ikaw kuya Biboy sa Kenny Rogers, ikaw Gab sa Yellow Cub, ikaw baby Peter sa Pizza Hut, ako sa KFC, ikaw sa bessy sa Max’s ok lets vualt in” inilatag nya ang kanyang kamay. Sumunod si Gab, inilagay ko ang kamay ko, sabay naman inilipat ni Kuya Biboy at Pete ang kamay nila sa ibabaw ng kamay ko. nagkatinginan pa silang dalawa.


”para tayong bata neto eh…” ang reklamo ko kay Cherry


”ok! Game na???? Maiba . . . taya!” sabay sabay namin ibinaliktad ang kamay naming lima.


                        Pareho kami ni Gab na ibabaw ng palad ang naipakita “ohh... pano ba yan Bessy i think you have to SETTLE things with Gab” makahulugan ang sinabi ni Cherry sa akin pati ang pagemphasize nya sa “settle”, alam kong hindi lang ang pagpili ng kakainan namin ng lunch ang gusto nyang iparating sakin kungdi pati ang nararamdaman namin ni Gab para sa isa’t isa, tinignan nya ako sa aking mga mata at ganon din ang ginawa ko.


“ready ka na ba? Game na?” tanong nya sakin. Tumango lang ako.

”isang bagsak lang ha” sabi ko sa kanya.

”1,2,3!” bagsak. Pareho kaming papel

”isa pa . . .” sabi ni Cherry. ”bato bato pik!” Pareho naman kaming scissor

”hmmm isa pa…” ”bato bato pik!” pareho naman kaming stone

”ano ba yan…ayusin nyo nga!” ”bato bato pik!” bato ako, scissor si Gab tumingin kami kay Cherry. ”ok anong sayo bessy?”


”uhmm Max’s”


”then Max’s tayo!” lumakad na kami  papuntang Max’s. Umupo si Cherry katabi ni Pete, Umupo ako sa tabi Ni Pete (siyempre kasama ko siya eh, alangan naman iwanan ko sa kalandian ni Cherry), sabay naman hinawakan ni Gab at Kuya Biboy ang katabing upuan ko, nagkatinginan silang dalawa, natigilan at pati kami ay napatigin na din sa kanilang dalawa dalawa. “Bessy!” tinignan ako ni Cherry nang makahulugan at inilipat ang mga mata sa kaharap naming side. Tumayo ako at lumipat sa kabilang side ng table, ngayon ay kaharap ko si Pete, sa kanan ko si Kuya Biboy, sa kaliwa ko si Gab.


”pucha naman oh… ang gandang biro nito pareng destiny eh.. ayos ka din! Galing mo! Saludo ako sayo eh noh!” ang naiirita kong bulong sa sarili ko.


”bessy are you ok?” nakakalokong tingin sakin ni Cherry.


“can i take your order sir, ma’am?” tanong ni Kuyang waiter samin.


“JN anong gusto mo?”
“JN anong gusto mo?”
“JN anong gusto mo?” sabay sabay nilang tanong na tatlo sakin. Nanlaki naman ang mata ni Cherry sakin at inirapan ako.


“ahhh he . . . he . . .he OMG hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis...


“ahhmm sige na Cherry do the honor . . . mag si-Cr lang ako” tumayo ako at pumunta ng CR naghilamos 

“ano ba! Dapat ba akong matuwa?” “matuwa?? Hello siyempre tatlo silang nag aagawan sayo no!” “hoy! Tatlo nga sila, eh tiganan mo nga ang nangyayari naaipit ako!” “aba deal with it! Alalahanin mo malapit na ang duty days mo at magkasama kayo palagi ni Gab at Kuya Biboy not to mention ang paghatid at pagsundo sayo ni Pete! Good luck! kase you gonna need it!” “Damn!! you’re not helping!” “madali lang yan JN! Decide kung sino ba talaga!” “eh sino nga ba?” “aba malay ko, bat hindi mo pakiramdaman! Gamitin mo yang puso mo!” “ulol! Utak ang gamiitin! Alalahanin mo your brain is higher than your heart kaya yon ang gamitin mo!” “remember JN that your heart is the center of your body and the one who feels the right one!” “aaarrgghhh sana nakakatulong ha!!!!!”


                        Lumabas ako sa banyo na puno ng doubt. Pagbalik ko sa table ay nandoon na at sineserve ang food namin. “ganun na ba ako katagal nagbanyo?” bulong ko sa sarili. Sinantabi ko muna ang mga doubts ko at lumafang,  masarap kaya ang pagkain kaya lafang muna.


                        Dahil sa katakawan ko ay nabulunan ako. ”aahhhooo  aahhhhoooo.... tubig . . . ahooo aahhooo” binigyan ako ni Pete ng tubig, minasahe ni Gab ang dibdib ko at si Kuya Biboy naman ang humagod sa likod ko. maluha luha ako dahil sa sakit sa lalamunan ng pagkakaubo ko, isa pa ay hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil feeling ko para akong sandwich na naiipit sa paghagod ni Gab sa dibdib ko at paghagod ni Kuya Biboy sa likod ko, ano ba!!!. Matapos kaming makakain ay inabot na samin ang bill, sabay hinawakan ni Gab at Kuya Biboy ito.


“Golliber ako na”


“no Biboy ako na ngayon na lang ulit kami nagkasama ni JN kaya ako ang dapat magbayad”


“no Golliber it’s on me!”


“let me pay the bill Biboy”


“diyos ko hanggang sa pagbabayad ba naman magaaway sila! Naman!!! Asar!!! Naghilahan pa sa harap ko!” Kaya naman para matapos ang awayan nila. Kinuha ko ang bill ”just!!!! Just let me the bill ok!” inilagay ko ang credit card ni binigay ni papa sakin at iniabot sa waiter. “my gawd naiirita na ko sakanila huh!”


                        Malaking tension ang nababalot sa paligid ko. napatingin naman ako kay Pete at nagbigay ito ng isang malungkot at nag aalalang tingin. Tingignan ko naman siya na para bang nagbibigay ng assurance na ok lang ako.


                        Matapos naming kumain ay umakyat kami sa taas. Inakbayan ako ni Gab hinawakan naman ako ni Pete sa kamay ko. kung makikita nyo lang ang itsura ko! ang pangit kong tignan mukha akong salawahan! ”hindi nga ba?” buti na lang at nag uusap si Kuya Biboy at si Cherry habang naglalakad dahil kapag nagkataon baka sa paa ko na hahawak si kuya Biboy ”aaaarrrrggggg!!!”


Nang magawi kami sa movie haus agad naman na umalis si Gab, nawala din si Kuya Biboy.


”JN ok ka lang ba?”hinawakan ni Pete ang dalawang kamay ko.


”hmmm Pete . . .” gusto ko na sanang yakapin si Pete kasi naiinis na talaga ako sa araw na to. Kung pwede lang magwala ay kanina ko pa ginawa.


Nang bumalik si Gab at si Kuya Biboy ay kapwa sila may dalang ticket.


”tara nood tayo! I bought us ticket!” sabi ni Gab


“teka i bought tickets too! Nananadya ka ba!” ang medyo mataas na boses ni Kuya Biboy kay Gab.


“guys, guys, guys.... ano ba...we could watch the 2 movies naman diba....”awat ni Cherry


“para kayong bata!” bulong ko sa sarili ko


”alright but we have to watch this movie first kase magstart na to within 5 mins.” Sabi ni Gab


“kuya Biboy yong sayo ba?” tanong ko


“well nagstart na siya kanina so sige let’s . . . haaayy let’s watch his movie first.” Mukhang nalugi si Kuya Biboy


                        Pagpasok naming sa loob trailer pa lang, umakyat kami sa taas, si kuya Biboy ang namili ng upuan kaya siya ang unang umupo, kasunod ako, si Gab, si Cherry at pinakadulo ay si Pete. Nang magsimula na ang movie kinilabutan ako kasi horror ang pinili ni Gab, “alam naman nya na takot ako sa mga mumu bat ito pinili nya? Uhuhhu!” napatingin ako kay Gab at ngumiti lang ito sakin. Along the story puro gulatan puro takutan, may time na babaling ako sa kanan, si Kuya Biboy ang makikita ko at mapapasandal ako sa balikat nya, hahawakan naman niya ang mukha ko at hihimasin para bang nagpapakalma sa takot kong itsura, may time din naman na sa kaliwa ako hahrap, dahil sa eksenang nakakatakot hindi ko mapigilang mapakapit sa balikat ni Gab, lagi naman siyang aakap sa mukha ko na katulad ng ginagawa ni kuya Biboy. Nang medyo wala pang takutan time, nandyan yung sasandal si Gab sa balikat ko, hindi naman magpapatalo si Kuya Biboy at sasandal din siya sa balikat ko.”ano kaya tumayo ako ng malaglag ang mga ulo nito! Aaaaahhhh!! Nakakaasar!” Kung anong gagawin nung isa yon din ang gagawin ng isa, para silang nasa wrestling at may battle royale na pinaglalabanan. Natapos ang movie na hindi man lang ako naging komportable sa pinapanood ko.


                        Lumabas kami at pumunta sa kasunod na movie. Pumasok kami at si Gab naman ang naghanap ng seats para samin, nang makakita na siya ay umupo na kami, si Gab, ako, si Kuya Biboy , si Cherry at si Pete. Nag umpisa na ang movie kaya naman natahimik na ang lahat, buti na lang at 3D ang pinili ni Kuya Biboy kaya naman hindi ko kailangan matakot at maglulupasay sa mga balikat nitong mga to.”buti naman tapos na ang wrestling.” Yon ang akala ko.


                        Syempre pag 3D ang movie nandyan na yong mga moments na kasweetan ng mga characters ng movie, ganun din ang dalawang nasa tabi ko. ang eksena sa movie ay hahawakan ni lalaking bida si babaeng bida sa kamay, aba ang hinayupak na mga katabi ko ginaya! Dahan dahang inislide ni Gab ang kamay nya sa aking kaliwang kaliwang kamay, si kuya biboy naman ay hinawakan na lang bigla ang kamay ko, pareho silang nakatingin sa screen kaya hindi nila alam na hawak din ng nasa kabilang upuan ang kamay ko. matapos ang eksenang yon ay nagCR ako, pag balik ko umarangkada nanaman ang dalawa. Inakbayan ako ni Gab, pagkatapos ay si Kuya Biboy naman ang aakbay sakin at ihihilig ako malapit sa kanya. Natapos ang 2nd movie na di ko din naabsorb. ”pucha naman sana nanood na lang ako ng pirate na dvd sa bahay eh!”


”oh bessy hahaha ok ka lang ba?!” pangaasar ni Cherry sa akin


”hay nako gusto ko ng tumalon sa 1st floor! Kung alam mo lang!” nakabusangot na ang mukha ko sa maga oras na to. Naglakad kami hanggang umabot kami sa may playland. Nagyaya si Cherry na mag bump-car, siyempre hindi ako marunong kaya naman 4 na ticket lang ang pinabili ko kay Cherry. Papanuodin ko na lang sana sila ng hatakin ako ni Pete at isinakay sa bump car ”Pete alam mo naman na di ako marunong diba?” tanong ko sa kanya ”don’t worry that’s why i’m here”


RRRRRRRRIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGGGGGGG!!!!!!! Start na ang pagbubump. Una iniiwas ni Pete ang car namin sa ibang naglalaro pero lagi kaming binabump ni Cherry, hindi na din nakatiis si Gab at kuya Biboy kaya binubump nila kami. 


“gaganti tayo JN!” inakbayan nya ako at nagsimula na nyang ibump sa ibang mga naglalaro ang car namin. Sobrang dikit na dikit na kami ni Pete dahil na din sa pagbump nila sa aming car, hindi ko na din maiwasang kung saan saan lumaglag ang mga kamay ko. “sorry po di ko po sinasadya!! Wala po itong malisya!!!”  ang huling pagbump ni Pete ang memorable haha, sakto ang pagkakalaglag ng kamay ko sa toooot ni Pete, nagtagal ang kamay ko doon kasi nagtawanan pa kami ni Pete. Ang di ko inaasahan ay ang pagtibok ng bagay na aking nakapa. Kinabahan ako hindi maigalaw ang kamay ko at katawan “OOHHHH THIS IS IT!! THIS IS REALLY IS IT!!!!!, hindi man lang siya tumulot sa pagkakalapat ng kamay ko ha!”


“sir tapos na po.” Sabi ng crew natauhan naman ako, buti na lang at hindi nya napansin ang pagkakalagay ng kamay ko. tinanggal ni Pete ang seatbelt ko, naalala kong naka slacks nga pala si Pete kung tatayo siya agad ay mahahalata yon.


 “aahhmm Pete . . . “ nahihiya kong tawag sa kanya di pa din kami tumatayo


“hmm?”


”ano kase . . . i think you need to . . . fix your . . .yourself”


“ohh sorry...” nahihiya nyang sagot sakin ng mapansin na nakatingin ako sa crotch nya.


“i . . .ituck out m-. . .mo  nalang para hindi ha. . . haalata” napalumod na ako sa nakita ko.dahil sa nipis ng slack ay naaning ko ang ang kanyan toooot. “pucha nag-iint ako! Kung pizza to sinunggaban ko na to meatlover pa naman ako!!!! HAHAHA” bago pa man ako mag-init ng tuluyan ay tumayo na ako, sumunod naman si Pete at tinuck out nya yung damit nya. Medyo wrinckly na yung lower part ng damit nya pero carry lang, hindi naman halata, ako lang naman ang tumitingin sa baba eh.. “sh*t talaga hindi ako makaget over! TUBIG!!”



                        Matapos nilang mag enjoy! OO SILA LANG ANG NAGENJOY SA MOVIE, SA PAGKAIN ay teka nag enjoy naman ako sa BUMPCAR EH HAHAHA. Eh we decided to go home na. Habang nasa kotse hindi ko na napigilan ang aking pagod kaya naman nakatulog na ako sa antok na din.


Nagising ako na nakasandal sa balikat ni Pete.



Nakangiti ito sa akin



Napakalapit ang kanyang mukha sa akin



Ramdam ko ang mainit nyang hininga



Unti unti nyang inilalapit ang kanyang mukha sa akin




Ng……….





ITUTULOY . . . . :p

No comments:

Post a Comment