Tuesday, February 15, 2011

TELL HIM Chapter 19

TREMORS




"In the midst of your greatest fear....
I'll be here......"






AKIN KA LANG......

AKIN KA LANG......

HINDI KA NILA MAAGAW SA AKIN!!!!!

AKIN KA LANG!!!!

SIGE TAKBO!!!

HINDI MO AKO MATATAKASAN!!!

TAKBO! TAKBO!!!!




”aaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!”

              Nagising akong basa ang aking buong katawan ng pawis, mga luhang tumutulo sa mata at habol kabayong hininga. Isang napakasamang panaginip nas a hinagap hindi ko naisipang mangyayari, ”sana naman hindi…” Nagbukas ang pinto at iniluwa ang humahangos na si Pete, agad nya akong niyakap ng makitang umiiyak ako ”anong nangyari?” pag aalala nyang tanong habang hinahagod ang aking likuran. ”tahan na...” pagpapakalma nya sa akin. ”hi-..hinaha—bo..bol nyaaaa akoooo, a..aya..aw nyaa..aa ako…oong pak-…pakawa…la..a….an…”


”sssshhhh….wag ka nang umiyak, hindi kita ibibigay sa kanya…. Mamamatay muna ako baga ka nya makuha sa akin….” patuloy nya akong pinatatahan.


”sa..ala…mat Pete” inihaga nya ulit ako sa kama at kinumutan. ”tulog ka na ulit, pagod lang yan aalis na ako, pahinga ka na”tumalikod na siya pero hinawakan ko ang kamay nya.


”Pete wag mo akong iiwan…”  


“sige dito lang ako sa tabi mo.” umupo siya sa tabi ko at sumandal sa headboard, hinagod nya ang aking ulo at sinuklay ang aking buhok, binantayan nya ako hanggang sa akoy makatulog.


              Pag gising ko ng umaga ay nakita ko siya sa aking tabi, nakasandal sa headboard ang kanyang ulo at nakhiga naman ang aking ulo sa kanyang braso. Mukhang isang anghel ang natutulog nyang kainosentehan. “salamat Pete hindi mo ako pinabayaan...” hinalikan ko ang kanyang noo at inyos ang kanyang pagkakahiga, nilagyan ng unan ang ulo at inayos sa komportableng posisyon. “tulog ka lang Pete....” hinalikan ko siya sa kanyang pisngi at nakita ko ang pag ngiti niya habang natutulog.
Bumaba  ako sa kusina at naabutan ko si Nay Minda na naghahanda ng almusal. “good morning Nay Minda.” Bati ko kay lola ahihi...


“Good morning hijo...nakita mo ba si Peter? wala kasi siya sa kwarto naming kaninang pag gising ko”


“nasa kwarto kop o siya Nay, binangungot kasi ako kagabi kaya po sinamahan niya ako sa kwarto hanggang makatulog.....kaya ayon siya naman ang tulog haha”


“ahh ganun ba..kaya pala nagmamadaling lumabas ng kwarto kagabi, nadapa pa nga pagbaba sa double deck eh hehe” masayang pahayag ni Nay Minda


“talaga po? Nadapa si Pete? Hahah nakakatawa siguro siya kagabi, sayang sana nakita ko yon haha” biro ko kay Nay Minda pero sa totoo lang ay kinikilig ako at sobra akong natutuwa sa sinabi ni Nay Minda. ”mahal talaga ako ni Pete…” bulong ng isip ko


”alam mo ba hijo . . .” tuminging muna siya sa gawi ng hagdan bago ipagpatuloy ang kanyang sasabihin ”lagi ka niyang kinekwento sakin, ikaw na nga ang bukang bibig niyan araw, araw, oras, oras haha… saka laging nakatingin sa cell phone, nag aantay ng text mo kung magpapasundo ka o hindi…” saad ni Nay Minda. ”hahahaha sinasabi ko na nga ba, SINASABI KO NA NGA BA EH!! Miss nya ako palagi haha talaga po? Natutuwa naman po ako sa inyong sinabi, alam nyo Nay Minda . . . masaya din po akong kasama si Pete.” ngumiti naman si Nay Minda ng makahulugan ”meh ganon???? Nay Minda echusera ka ha! joke lang love you Nay and future lola hahaha”


”Nay tulungan ko na po kayo, gusto kong pagluto si Pete, para naman makabawi ako sa pagbabantay niya sa akin.”


“o sige etong kanin eh gawin mong sinangag, paborito kase ni Pete ang sinangag”


“ahh Nay... pano kop o gagawing sinangag?”


“ay nako kang bata ka hahaha ganito..halika gawin mo sasabihin ko.” sinunod ko ang bawat instruction ni Nay Minda sa akin


“anak himala ata... Mayroon ka bang sakit?” bati ni mama sa akin


”good morning din ma” sarkastikong sagot


”good morning anak, ano nakain mo at naisipan mong magluto, the last time na natatandaan kong nagluto kay ay noong nagkasakit si Goliber, may sakit ba ulit siya ngayon?” biro ni mama sakin


”ma naman, hindi lang naman si Goboy ang pwede kong ipagluto diba….saka po walang may sakit”


”kung hindi yan para kay Gab para kanino yan?”


”kay . . . kay Pete po.” nahihiya kong sagot


”ahhh…”


”e, i, o, u? haha… binantayan nya po kasi ako kagabi nong hindi ako makatulog dahil sa nanaginip ako ng masama.”


”ganun ba, heheh ahmmmm ano… magkwento ka naman”si mama halatang kinikilig


”kwento po? Tungkol san? Sa panaginip ko?”tanong ko kay mama


”oo saka sa…ano . . .”


”anong ano?” takang tanong ko


”sa ano. . . sa . . . pagtulog ni Pete sa kwarto mo hihi” biro ni mama at mukhang alam ko na ang ibig nyang sabihin


”ma! Ano ka ba! Pete is a good man, bat mo naman naisip yang mga ganyan pero masarap siyang humalik huh! hahaha!” biro ko din


“haha so naka home run na ba siya? hahaha”


“hhhmmmm oo haha . . . joke lang po... natulog lang po ako saka binantayan lang niya ako . . . yon . . yun lang!” depensa ko kay mama habang nililipat ang sinangag sa plate at yung niluto kong longganisa at itlog sa plate na dadalhin ko sa taas para kay Pete


“saying nga eh yon lang...” dagdag ko pa


“ma kain na din kayo ako lahat nagluto niyan”


”ahh kaya pala basag lahat ang sunny-side up at medyo tustado na yung longganisa saka yung ham . . . ah ok naman pala yung ham” seryosong pang aalaska sakin ni mama


“haha ma naman.. ok na yan di naman nasunog eh.. mapapagtsagaan pa naman eh!” umakyat na ako sa kwarto ko dala ang tray ng pagkain para kay Pete


          Pagbukas ko ng pinto ay sakto naman na pagbangon ni Pete sa pagkakahiga. ”good morning!” bati ko sa kanya.


”goodmorning…” tumayo siya at akmang kukunin ang dala kong tray ”ako na”


”no no.. sit down....” nilagay ko ang tray sa tabi niya at umupo sa sahig. “pag pasensiyan mo na yang luto ko huh... hindi kasi ako marunong magluto kaya basak yung gitna ng itlog hehehe”


“talaga?? Pinagluto mo ako.... i mean ikaw ang nagluto nito?”


“oo, kaya ganyan ang nangyari hehe sorry” bakas sa mukha niya ang saya


“kahit sunog yan kakainin ko dahil ikaw ang nagluto niyan..”


“weh bola! Sige na kain na…” inumpisahan na niya ang pagkain, kita sa kanyang mukha na sarap na sarap siyang kumain. Naglagay siya ng pagkain sa kutsara at isinubo sa akin. ”sarap naman pala..kala ko lasang sunog eh..hehe”


”this is the best sinangag my tongue ever layed on…hehe” pambobola nya


“bolero ka pala noh...ngayon ko lang nalaman eh haha”


”seriously JN ito ang the best sinangag…”


“sige na payag na ko... oh wag mo kadamihan ng kain may nilagay akong gayuma diya eh . . . any minute now baka ma inlove ka sakin haha” biro ko sa kanya at tumayo na ako mula sa sahig. Hinawakan nya ang braso “hindi kailangan non...” hinalikan nya ako!!!! Aaahhhhh!!!, ilang sandali pa di ko naramadaman ang mga labi nya smack lang pala ang ginawa nya kaya lang nakapikit pa din ako, minulat ko ang aking mga mata at nakita ang maluwag niyang ngiti sa akin.”shocks nakakahiya…baka sabihin nya nag iintay pakong halikan nya ulit” ”bakit hindi nga ba?” ”haha oo naman siyempre ang sarap kaya! Hahah!” ”oo nga ang sarap sige pumikit ka uli baka halikan ka ulit dali dali!!”


There was nothing to say the day you left
I just filled a suitcase full of regrets
I hailed a taxi in the rain
Looking for some place to ease the pain
Then like an answered prayer
I turned around and found you there
You really where start (you really know where to start)
Fixing a broken heart
You really know what to do
Your emotional tools
Can cure any fool
Whose dreams have fallen apart?
Fixing a broken heart–
–“hello!! bessy bakit ka naman tumawag wrong timing ka eh” pagbasag ng ringtone ko sa aking pag iimagine


“galit?? Sigawan ba ako! hoi nandito ako sa baba! bumaba ka na diyan!”


“ahaha sorry . . .” napatingin ako kay Pete. ”wrong timing ka kasi!” bulong k osa telepono


”wrong timing?? Hoi tanghali na wag mo sabihing natutlog ka pa?”


“ay nako kung alam mo lang.... sige na baba na kami...”


“kami . . .? sino kas-“ END CALL

Pagkababa ko ng tawag ay binuhat ako ni Pete. “hoy ibaba mo nga ako... hahaha ano ba Pete wag mo kong ibaba..ang sarap eh hihi


“gusto ko buhatin ka pababa ng bahay . . .pwede ba?” tuwang tuwa si kolokoy.


“huh?? aahh sge ba!” hamon ko sa kanya. “kaya lang pano yung tray...” natigilan kami at napaisip. “alam ko na!” biglang umilaw ang Philips Bulb sa kanyang uluhan.



----------------------------------



“ano ba ang tagal naman netong baklang to... siguro nag mamasturbate pa yon ay nako!”


“Cherry!!” kinawayan ko siya habang nakapiggy back ride ako kay Pete at hawak nya ang tray.


“Pete dahan dahan baka mahulog tayo ha...”


“wag kang mag alala . . . SAGOT KITA!” lumingon pa siya sa akin. Nakita ko naman ang reaction ni Cherry kulang nalang ay mag usok ang ilong, lumabas ang eye balls, at umiyak ng dugo dahil sa kaselosan hahahaha ”sorry bessy pero akin na talaga si Pete… hahaha!”tudyo ng aking utak


”hi baby Peter!” kuamaway kay Pete “hoy lalaki umalis ka nga diyan sa likod ng baby ko!” lumapit siya, hinawakan ang kamay kong nakayakap sa leeg ni Pete at pinapaalis ako sa likodan ni Pete. Wala akong ibang magawa kungdi ang tumawa, kasi ayokong umalis…. Ang sarap kaya try mo! Parang nescafe decaf lang ahh hahaha.


”hoy wag kang malikot pag si Pete nadapa! Sipain kita diyan eh! Haha” biro ko kay Cherry


”eh kase tignan mo nahihirapan si Peter ang bigat bigat mo kaya!umalis ka diyan! May dala akong scalpel! Hihiwain ko yang kamay mo pag di ka umalis diyan!” pananakot sakin ni bestfriend


”oo na oo na, Pete baba nako ha.” bumaba ako at tumuloy na sa kusina si Pete, kaya naman sinalubong ko ang umuusok nai long ni Cherry


”anong ibig sabihin nito MR: JN MARTIN! Bakit ka nakababa sa likod ni Peter ko! At bakit sabay kayong bumaba ng kwarto! Magkasama ba kayong natulog! Magkatabi ba kayong dalawa, anong ginawa mo kay Peter, bat ang saya saya ng mukha mo siguro nirape mo si Peter ano!” kulang nalang murahin ako ni Cherry


”aaatatata tatat, good morning bestfriend, you may take a seat… i’ll get you a drink, i’ll be back after a while, please wait for me ok.” Kinindatan ko si bestfriend at umalis na nakawide smile. Hahaha


          Pagkabalik ko ng living room ay nagsimula nanaman siya “hoy iakw na malandi ka! Anong ginawa mo sa baby Peter ko!”


“chillax bestfriend haha”pambibitin ko sa kanya

”anong chillax chillax ka diyan sapatusin kita diyan eh!”


”teka bat nakaduty uniform ka?” pag iiba ko ng usapan


”eh kasi nga makikipagchismisan pa ko sayo kaya ngduty uniform na ko para derecho na mamaya! O diba ang talino ko hahaha…..eh teka hindi yon ang gusto kong pag usapan anong meron at nakasakay ka sa likod ni Peter ko!!! MAGSALITA KA!” ang medyo mataas niyang boses. At yon sinimulan ko ang pagkekwento ng lahat ng kaganapan sa buhay namin ni Pete.
”oh my . . . bestfriend i hate you! Bakit ka ganyan! Sabi ko sayo akin si baby huhuhu, pero im happy na din... kahit kaplastikan lang... pero . . . . “


“haha salamat bat naman may pero?”


“sus alam na alam mo naman ang ibig kong sabihin eh diba...”


“hmmmm si . . .” nag aalilangan kong pagsagot


“oo si Gab! Aba nakakaloka ka naging sweet lang si Pete nakalimutan mo na si SUPERMAN!” nakapamewang nyang turan sakin


”hindi ko siya nakakalimutan Cherry” tumayo ako at lumapit sa pintuan ”pero alam mo ba na masaya ako pag nandiyan si Pete, alam mo yung feeling na komportable ka, yung . . .” napatigil ako sa aking pagsasalita ng may nagdoor bell. Sino naman kaya to.


”sir may delivery po para kay sir JN Martin” sabi ng delivery boy


”kanino galing? Anong delivery?” nakita kong inilalabas ni kuya delivery boy ang isang kahon sa likod ng pick up, ano kaya laman nito. Nabigla naman ako ng inilagay ni kuya ang kahon sa baba ng kalsada inilabas ang isang bouquet ng tulips at iniabot sa akin.


“oh kanino galing to, sosyal ha tulips pa ang pinadeliver sayo” si Cherry na nasa likod ko na.


“ayan may card basahin mo!” sabi ni Cherry


“sir pakipirmahan lang po ito”


“kanino galing to kuya?”


“hindi ko po kilala sir nagdedeliver lang po ako. Sige sir salamat po”


”sinong Marcus Enriquez?” takang tanong ni Cherry


“Marcus, Marcus .. .teka halika dali.” Hinila ko si Cherry paakyat ng kwarto ko at binuksan ko ang fb acct ko.


“yan si Marcus Enriquez” tinuro ko ang profile picture ng nag ngangalang Marcus Enriquez


“sino naman to? Ikaw ha! Bakla ka! Hindi mo sakin to shineshare. Sino to huh!” intrimitidang tanong ni Cherry


“aba hindi ko alam, inignore ko nay an nung isang gabi tapos nagfriend req uli kaya inadd ko . . . pero alam mo may nakita din ako sa hospital kahapon na Enriquez, M K sa private area... pero hindi pala siya ito, though pareho silang may itsura ha.”


“hmmm eh pano niya nalaman ang address mo? Nakapagpadeliver pa ng bouquet sayo oh” takang tanong ni Cherry


“im completely clueless bestfriend.”


There was nothing to say the day you left
I just filled a suitcase full of regrets
I hailed a taxi in the rain
Looking for some place to ease the pain
Then like an answered prayer
I turned around and found you there
You really where start (you really know where to start)
Fixing a broken heart
You really know what to do
Your emotional tools
Can cure any fool
Whose dreams have fallen apart?
Fixing a broken heart–
UNKNOWN NUMBER


“hello?”

“do you like it?”

“who’s this?”

“do you like the flowers?”

“who’s this?”

END CALL

Pinutol niya ang tawag. “sino yun?” tanong ni Cherry.


“I don’t know, number lang pero ang sabi niya kung daw nagustuhan ko ang flowers” kinakabahang sagot ko kay Cherry


“edi kung tinatanong niya yun malamang siya si Marcus diba!”


“baka nga, ewan”


“oh bat ganyan ang mukha mo?”

”i’m just a bit worried”


”worried saan?”


”sa kanya. Wala akong binibigyan ng address sa ibang tao even my cp number diba alam mo naman yan!”


“ano kaba malay mo old friend yang si Marcus na yan”


“oh c’mon Cherry you’ve been my bestfriend about 7 years, kilalang kilala mo na ko, di ko ugaling magbigay ng ganun info diba tapos biglang may ganyan.”


“hmm sabagay ay nako tara na nga sa baba gusto kong makita si baby Peter ko” malanding tugon ni Cherry


“excuse me??? Paulit nga ng endearment??”


“haha BABY PETER! bakit hindi pa naman kayo h.. so may chance pa ako!” bumaba na kami ni Cherry, naabutan namin si ate Ahniz.


“ate Ahniz!”


“hoy tumatawag ako sayo kanina pa huh! Busy ang phone mo sino naman ang kausap mo”


”wala ate Ahniz” di ko sigurado kung sasabihin ko ba ewan…


”hi ate Ahniz”


“Cherry? Is that you?”


“indeed”may nagmamagandang, nagiinosenteng mukha pa ang baklang babaeng to


“bat ka nga pa la nandito ate Ahniz? Wala kang work ngayon?”


“well im here to inform you about our photo shoot baby brother”


“photo shoot?” takang tanong ni Cherry


“yeah the three of you, i think you’ll gone be a fine model too Cherry.”


“ahh wag mo ng isali yang si Cherry panggulo lang yan hahaha!” pagkontra ko


“he! Tumigil ka diyan salamat ate Ahniz, teka tatlo sabi mo sino pa yung isa?”


”there he is” tinuro ang kinaroroonan ni Pete na abala sa pagluluto.


”si baby Peter? Oh my God! Aaahhhhh” kinikilig ang bruha hanep din to eh lakas ng tama kay Pete ko


Umalis muna ako at iniwan silang dalawang nagchichikahan, tinungo ko ang kusina kung san nakatayo ng patalikod si Pete, tinakpan ko ang mata niya. “JN haha tanggalin mo yan, nagluluto pa ko”


“haha pano mo nalaman” tinanggal niya ang kamay ko at inamoy amoy. “hoy ano bang ginagawa mo” tanong ko sa kanya. Inaamoy ko kamay mo bakit masama ba?” nagbigay pa siya ng isang pilyong ngiti. Kinilig naman ako dun haha. “anong niluluto mo?” tinakpan nya ang kawali ”secret hehe basta malalaman mo na lang mamaya. Sabi kasi ni ma’am Becka paborito mo daw to kaya to naisipan kong lutuin”


”hmmm paborito? Madami akong paborito, ano kaya yon?”


            Mamaya ay natapos na ang niluluto niya at kumain na kaming lahat. ”wow kare kare!” tinignan ko si Pete, nguniti naman ito sa akin ng pagkatamis tamis, dinaig pa ang dessert sa tamis haha. “hoy Cherry luto toh ni Pete!” pagmamalaki k okay Cherry. Nanlaki ang mata niya at kumain ng madami, aba nalaman lang luto ni Pete eh balak na atang ubusin ang lahat ng pagkain. “Cherry gusto mo sa kawali na kumain?” biro k okay Cherry, pano ba naman parang nagyon lang nakakain ng kare kare, well special kare kare kasi si Pete ko ang nagluto eh.



­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­-------------------------



            Sumabay sa akin si Cherry pag punta ng hospital. ”hoy Cherry bat ba sumabay ka pa? May kotse ka naman ah.” Tinignan naman ako ng masam at saka nagsalita “o sige baba na ko, damot heto ngayon ko nga lang naexperience tong bagong kotse mo eh. Saka i have something to confirm kaya ako sumabay” sagot ni Cherry


“confirm what?”


“later” matipid na sagot at tinitigan nanaman si Pete.


“sige Pete tawagan na lang ulit kita pag uuwi na ako.” Sabi k okay Pete


“ok.” Binuksan niya ang pinto ko at inalalayan ulit ako pababa, bago pa man ako umalis ay hinalikan niya ang aking kamay. “shhh tama na nga yan naiinggit lang ako eh” tudyo ni Cherry “peter ako din halikan mo gusto ko sa chiks ha!” bago pa man siya makalapit kay Pete ay hinila ko na papasok ng hospital, “eto naman ang KJ talaga, para kiss lang eh pinagdadamot pa che!”


“hoy Cherry tigilan mo nga si Pete haha” natatawa kong sabi sa kanya “teka ano yung icoconfirm mo nga pala”


“muntik na daw mag away yung dalawa kagabi?”


“dalawa? aahh kung si Gab at si Biboy oo parang tanga lang silang dalawa nakakainis at eto pa, hanggang uwian gusto pang magsapakan.”



------------------------



“mr Enriquez this is your bill” napalingon naman ako sa cashier, ng makita ko ay matanda naman pala.


“JN may problem ba?” tanong ni Gab sa akin habang sinamahan naming ang pasysente naming


“wala naman may naalala lang ako” maang maangan kong sagot


”sigurado ka ba? Mukha kasing may problema eh”  nag aalala niyang tanong, hinaplos niya ang ulo ko ”kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako huh…. Natatndaan mo ba ang pangako ko sayong hindi kita iiwan, kung may problema ka nandito lang ako para sayo tandaan mo yan.” inakap naman niya ako kahit na nasa isang public place kami. ”aaahh Ga . . . Gab”


”hmmm?”


”pinag . . pinagtitinginan na tayo . . .” namumula kong sabi kay Gab. agad naman kumalas ito at bumalik na kami sa aming area.



-------------------------



”good evening doc Enriquez” sabi ng isang staff nurse, napalingon naman ako sa kinaroroonan ng doctor



”hindi siya….” bulong ko sa aking sarili


Nagvibrate ang cellphone k osa bulsa, lumayo ako at pumunta sa CR.


calling…..
0927*******


”hello?”


”hey... i’m sorry to cut off the line kanina... nag empty kasi ang phone ko... si Marcus to!”


“Marcus?..pano mo nalaman ang number ko?”


“hmm let’s just say i have many source of information about you.... hehe...”


“hmmm pati ba address ko sa source mo din nakuha?”


“ganun na nga…”


”teka kilala ba kita?”


”sa palagay ko hindi… pero ikaw kilalang kilala ko!” ang boses nya ang may halong pagkaangas at pagmataas


”Marcus i need to go back na… sige next time ka na lang tumawag ok”


“ok..uhmm pwede ba kitang sunduin sa duty mo?” nabigla ako sa kanyang tanong


“pa . . papano mo nalaman nasa duty ako?” kinakabahan na ako


”hmmm” – END CALL



            Lumabas ako ng CR na kinakabahan, sumalubong naman si Kuya Biboy sa akin. ”ok ka lang ba?” nilapitan niya ako at hinawakan nya ang aking mukha sa kanyang mga palad.


”ok lang ako..” pag tanggi ko sa problema


” sigurado ka ba? Namumutla ka”


”ok lang ako kuya Biboy salamat”



Buong Duty time wala ako sa sarilik o, hindi naman ako pinababayaan ni Gab, lagi siyang nasa tabi ko, pati si Kuya Biboy kahit na may ib apa siyang hawak na student nurse ay hindi niya ako pinabayaan.


”ako na gagawa nyan JN” – Gab



”ako na magdadala niyan sa pharmacy” – Biboy



”ok ka lang ba nagugutom ka ba?” – Gab



”relax ka nalang diyan sa tabi akong bahala sa CI natin” - Biboy




            Natapos ang walong oras ng duty ko na pakiramdam kong lutang ako. Nagpapasalamat naman ako kasi ibang Gab at ibang Biboy ang pinakita nila ngayon hindi katulad kahapon. ”thank you Lord” nasabi ko sa aking sarili.


           Nakalimutan kong tumawag ng mas maaaga kay Pete kaya kailangan kong maghintay sa may parking lot, gusto man akong isabay nung dalawa ay tinanggihan ko naka magkaroon pa ng round 3 ang away nila, kaya pinili kong maghinatay. Inilagay ko sa General ang ringtone ko para pag tumawag si Pete maririnig ko agad.



There was nothing to say the day you left
I just filled a suitcase full of regrets
I hailed a taxi in the rain
Looking for some place to ease the pain
Then like an answered prayer
I turned around and found you there
You really where start (you really know where to start)
Fixing a broken heart
You really know what to do
Your emotional tools
Can cure any fool
Whose dreams have fallen apart?
Fixing a broken heart–
 UNKNOWN NUMBER


“he . . . hello” kinakabahan akong sagutin ang phone ko


“pwede bang sa akin ka na lang sumabay” biglang may nagpaandar ng makina, napalingon ako, may bumusina, may umilaw na headlight. Kinabahan na ako ng sobra, nabubuo na ang mga pawis sa aking noo, sa kamay at sa likod. Ramdam ko din ang paghampas ng lamig ng hangin na nakadagdag pa ng kaba sa aking dibdib.


“please Marcus sino ka ba”


“ako? Malapit mo na akong makilala . . . malapit na….”


”please leave me alone . . . ” nilakasan ko ang king loob at lumingon sa mga kotse. May umabanteng kotse at inintay ko kung saan ito pupunta.


“hmm yan ang gusto ko... sige JN hanapin mo ako….” mapangmataas niyang sagot sa akin.


            Papalapit na ang kotse, mahina lang ang takbo nito, nararamdaman ko ang pag akyat ng kaba sa aking katawan, pinili kong lumakad na papalayo. Nagilaw ang headlights nito at bumusina, kinabahan ako ng husto kaya binilisan ko ang lakad hanggang sa nararamdaman kong tumatakbo na ako.


“oh bat ka tumatakbo?” sabi ng nasa kabilang telepono.


“tigilan mo na ako!”


“hindi ko magagawa yan...” may isa pang kotseng papalapit sa akin, mahina din ang takbo nito ramdam ko ang panlalamig ng aking labi ng biglang may  humawak sa balikat ko....








ITUTULOY.....

No comments:

Post a Comment