Wednesday, February 2, 2011

TELL HIM Chapter 12

THOUGHT'S OF YOU







"Holding on to the things you love, the things you are, the things you never want to lose"









“bat nandito ka?!”




Papalapit ang lalaki sa kinatatayuan ko, hindi ko alam ang aking mararamdaman, ang alam ko galit ako sa kanya, galit na galit, kung pwede ko lang siyang ipagpalit ay siguro ginawa ko na.
 ¨

Lumakad siya papalapit sa akin na puno ng pagkasabik.


“anak . . .” yayakapin sana ako ng papa ko pero lumakad na ako paalis.


“ma I’m in my room if you need me” natulala ang aking mama sa aking inasal, sabagay ano pa bang ieexpect nya sa isang anak na lumaking walang ama, na halos isang beses lang nasilayan ang kanyang itsura at pinaasang makakasama siya habang lumalaki, na nangako na sa bawat sandali siya ang makakasama, na  siya ang iidolohin.


             Pagpasok ko ng room ko ay di ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha habang nakasandal sa pinto ”ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkaganito! Ikaw! huhu . . .hu-hu . . . ” ibinato ko ang bag ko sa kama ”ikaw ang dahilan kung bakit nawala si Kiko sa akin . . . hindi kita mapapatawad! HINDIIII!!!!!!!” 



_____________



Rebecca’s part of the story..


”pagpasensyahan mo na lang Jimmy . . .”


Napabuntong hininga siya bago magsalit. ”ako ang dapat humingi ng tawad sa anak natin, alam kong malaki ang pagkukulang ko sa kanya . . . ”


”ahh Jimmy . . . ” napatigil ako sa aking pagsasalita, nagaalinlangan kung sasabihin ko ba sa kanya na alam na ni JN ang lahat. Tinignan nya ako at tumango tanda na ipagpatuloy ko ang aking pagsasalita.

”…alam na din nya na ikaw ang dahilan kung bakit tuluyang umalis si Kiko ng bansa, hindi ko alam kung kanino nya nalaman yon . . . ” napahawak ang dalwa niyang kamay sa ulo at nabalisa.


”Jimmy awang awa ako sa kanya ng panahong walang tigil ang kanyang pag-iyak at alam kong pag sinabi ko sa kanyang ikaw ang dahilan ng pag alis ni Kiko sa bansa ay mas lalo siyang mamumuhi sayo kaya itinikom ko ang aking bibig . . . pero isang araw habang nasa park kami nakarecieve sya ng isang tawag, hindi ko alam kung sino yon, nagtaka at tinanong ko siya . . . tumingin lang siya sa akin at tuluyan ng bumagsak ang kanyang mga luha . . . ” hidi ko na ding napigilan ang aking pagluha dahil sa pag gunita sa mga nangyari sa amin.
               

            Sariwa pa sa alala ko ang mga nangyari sa aking anak kahit na matagal na ito. Lagi siyang nagkakulong sa kanyang kwarto, ayaw nyang kumain, hindi din siya pumapasok ng school dahil sa kakaiyak, lagi siyang malulungkutin, laging tulala. Nadudurog din ang aking puso sa mga nagyayari sa kanya. Mahal na mahal ko ang aking anak.


”patawarin mo ako Rebecca, hindi na sana ako nakialam pa sa bagay na yon , pero siya ang aking kaisa isang anak na lalaki, hindi ko maatim na maging ganon siya . . . ” napaluha na din siya


”masakit din para sa akin ng umamin siya sa akin noon pero . . . ” hindi ko natapos ang aking sasabihin ng ako’y mapaiyak na din.


”kilala ko ang anak natin simula pa pagkabata . . . ramdam ko na iba siya . . . iba sa mga hilig ng isang normal na batang lalaki, pero nakikita ko sa paglaki nya na hindi siya katulad ng iba na lambutin at babastusin ang itsura kaya naman paunti unti hinanda ko ang sarili ko sa araw na kaya nya ng sabihin sa akin ang lahat.”


”patawarin mo ako, wala ako ng mga panahong dapat ako ang kasama nya . . . na ako ang kanyang naging sandalan, na ako ang kanyang nililingon, na ako ang kanyang dapat na tinutularan . . . patawarin mo ako. . . . naging makasarili ako . . .”


”Jimmy . . . alam kong masakit sayo ang lahat, pero mas masakit ito para sa ating anak, alam kong hindi nya din ito ginusto . . .” Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat ”alam kong hindi ito madali para sayo . . . naging mahirap din naman sa akin ang lahat dati . . . pero kung matutunan mong kilalanin siya,kung ano man siya . . . sana matanggap mo at mahalin dahil anak mo pa din siya . . .” hindi na siya umimik pa at tuluyang na lang umiyak.


_______________________

               
              Hindi ko na kaya ang nararamdaman kong galit sa puso ko ”aalis ako, ayaw ko siyang makita!” ang matapang kong sabi sa aking sarili. Nagpalit ako ng damit at bumaba ng bahay namin. Nakita ko siya umiiyak, wala akong pakialam sayo, mas matindi pa ang ginawa mo sa amin ng mama ko! sa amin ni Kiko at sa akin!


”ma im going out. “


“aah . . . san ka pupunta? Isama mo na si Peter . . . ”


”no ma, i can handle myself.” Nagbigay ako ng isang assurance na hindi ako gagawa ng kung anong kagaguhan. Lumabas ako ng bahay at tinungo ang isang parte ng aming village na nagging labasan ko ng sama ng loob.

                Umupo ako sa bench na malayo at madilim wala ng tao ang park pag ganitong kalaliman ng gabi, nasa kanikanila ng bahay ang mga batang nakikita kong laging naglalaro dito, wala na din ang mga nagdadate na magsyota at mga matatandang naglalaro ng chess.

Ilang minuto ko na din tinititgan ang kawalan habang patuloy ng pagdaloy ang aking mga luha sa aking mga pisngi at sinasariwa ang masakit na nakaraan.


_______________________

Third year higschool ako ng maging kaklase ko si Kiko, bagong transfer siya sa school namin from province, unang kita ko pa lang sa kanya naattract na agad ako sa kanya dahil sa itsura nyang maangas, ok fine gwapo siya! matangkad, gymfit na kahit highschool pa lang, matangos ang ilong, semikal, mapula ang labi na parang pag hinalikan mo ayaw mo ng tigilan, mabango dahil nasa harap pa lang siya ng hagdan ng 2nd floor eh maamoy mo na agad ang pabango nya kahit nasa kasuloksulukan ka ng room, makinis, at nakakaintimidate. Simula ng lumipat siya sa school na pinapasukan ko, siya na ang naging center of attraction, nandiyan na yong may kumpol ng babae at bakla na laging nakasunod sa kanya, may magpapapicture, may hihingi ng number, may magyayayang makipag date, pero ang nakakatuwa sa kanya ay pagiging tahimik nya at pagiging down to earth hindi nya pinagyayabang sa buong campus ang kanyang kagwapuhan, di katulad ng ibang nabiyayaan ng gwapo at yaman na kulang na lang maglagay ng poster sa ulo nila na may nakasulat na “ANG GWAPO KO! PAGKAGULUHAN NYO AKO!” kabaliktaran niya ang ganitong klaseng tao. Kaya nga siguro naintimidate ako sa kanya, dahil kahit alam kong hindi ko siya makakasundo ay nagkacrush pa din ako sa kanya, sino ba naman ako para pansinin nya diba?

                Nang matapos na kami ni Cherry mag ayos ng gamit, nagkwentuhan pa kami habang nagwawalis at naglilinis ng room namin, (punishment namin kase nahuli kami ng teacher namin na nagchichikahan sa pamamagitan ng mahiwaga at maalamat na notebook)

”oh God, buti na lang tapos na tayo, i can sleep na and thank God it’s Friday, saturday tomorrow, makakapagpahinga ako” Lumabas na kami ng room at nakita namin ang kumpol ng mga estudyanteng nasa hagdan sa 1st floor. ”ano to angry mob?”


“bessy OMG ang gwapo nya talaga, infairness bagay kami ahihi” at inalog pa nya ang balikat ko, may kasama pang hampas!

Hinanap ko kung ano ang pinagkakaguluhan nila,”tigilan mo nga ako Cherry, what’s beauty without a brain!” nasabi ko kay Cherry gayong hindi ako sigurado kung wala nga bang utak si Kiko, hayy bitterness nga naman.


“che! Hindi ka pa nga sigurado na wala siyang brains eh, ang sabihin mo naiinggit ka lang kase hindi ikaw ang nasa harap nya at kinakausap kunyari ka pa diyan, mamaya ilampaso ka pa nyan sa honor roll mong pinakaiingat ingatan.” Ang pagpapamukha ni Cherry sa akin


“trust me Cherry the likes of that guy will never make on the honor list, baka nga katulad din siya ng ibang gwapo na walang alam kung di  magcheat at magkopyahan.” Bumaba na kami Cherry sa hagdan kahit hindi naming alam kung pano kami makakadaan. Nakipagbuno pa kami sa mga malalanding babae na nasa harap nya para lang makadaan


”edsa revolution ba ngayon?”

”excuse me, padaan . . . aahhh aray ano ba . . .” di na nga kami pinadaan may tulak pang kasama. Ng makalabas ako sa fans club nyang mga babae mag isa na lang ako, ”aba nasan na ang kasama ko? Cherry!” nakita ko si Cherry na nakikisiksik din sa mga babaeng malalandi. ”Cherry! Tara na! I wanna go home please!” hinila ko si Cherry palabas.


“malandi ka talagang babae ka! Tara na!”  Bago ko maalis si Cherry ay tinignan ko ang kinaroroonan ni Kiko, nabigla naman ako sa aking nakita dahil nakangiti siya sa akin, hindi ko alam pero sa oras na yon ang unang beses na naramdaman kong tumigil ang oras na parang walang tao sa paligid at hindi mo marinig ang kahit anong ingay, na parang kayo lang dalawa ang buhay sa mundong ibabaw, ewan hehe


“bessy naman eh, malapit ko ng mahawakan eh . . . ” tinignan ko siya na wari’y nagtatanong kung anong muntik ng mahawakan.


“hoy kamay ang sinasabi ko! eto talaga ang dumi ng utak”


“ahh ok...kala ko kung ano na . . .” Umuwi na kami ni Cherry pero di ko pa din maalis sa isip ko ang nakita kong ngiti kanina. Hinawakan ni Cherry ang magkabilang dulo ng labi ko.

”ano ba!”

”baka kase mapunit ung labi mo, knina pa umaabot sa tenga mo hahaha!” nakangiti pala ako habang inaalala ang mga nangyare kanina, hmm bakit nga ba?
”ahhmmm . . . Cherry . . . ”


”oo wag kang mag alala nakita ko! che! Pero wag ka munang mag assume! Nandito pa ako! Sakin muna siya bago sayo hahaha . . .”

“seriously!hahaha . . . pero di pa din magbabago ang iniisip ko about sa kanya . . .”


“ewan sige na dito na ko, eto na si papa eh . . .”


”buti ka pam ay papa ka na laging sumusundo sayo . . . ” napabuntong hiniga ako.


”sabay ka na samin!”


”wag na dito na ko oh, ayan na yong compound namin” malayo na pala ang nalakad namin ni Cherry di ko namanlayan dahil sa kakaisip kay Kiko. Dumating ang gabi at yon pa rin ang iniisip ko.



Diiiiinnnngggg doooonnnngggg… ddiinnnnngggg doooonnnggg..



”sino naman kaya to? Gabing gabi na…” si mama. Binuksan nya ang gate at tinignan kung sino ang bwisita namin. Abala ako sa panonood ng TV ng pumasok si mama kasama si . . . .SI KIKO?????????


”anak may bisita ka . . .” si mama na parang kinikilig pa.


”good evening JN…” wwwwhhhaaaaattttt???? si Kiko nasa bahay namin?? Ang gwapo nya shiiiiiyet!!! Naka yellow na fitted tshirt na may print ng mukha ni doreamon, naka faded jeans at sneakers, grabe ang gwapo nya!


”Kiko . . .ahh . . .  bat nandito ka?”


”upo ka hijo…”si mama, sa tabi ng chair ni mama siya umupo.


”ako ba ang dinadalaw mo hijo? Haha hala at ako aakyat na muna.... anak offer your guest a drinks.” bago umakyat si mama ay kinidatan pa nya ako, si mama talaga. ”thanks ma…” bulong k osa sarili ko.


”ki . . .Kiko . . ano gusto mo? Juice? Coffee? Softdrinks? Oh . . . .(ako???? ahihihi ) water?”

”Juice na lang” may kasama pang ngiti ahihi. 
Naglabas na din ako ng cake para sa kanya.
”hmm Kiko bat ka nga pala napadalaw? Saka pano mo nalaman na dito ako nakatira?”

”ahhhmmmm nakita kase kita kaninang naglalakad kaya naisipan kong sundan ka . . . ok lang ba na nandito ako? Baka nakakastorbo ako?”


ano kaba kung gusto mo dito ka na matulog eh hindi naman saka sabado naman bukas kaya wala ako ginagawa . . . kung gusto may gawin tayo?? Ahihihi”


”uhmm aayain sana kitang lumabas . . .”

”nagayon??”


”no i mean bukas, gala lang tayo sa mall, sa park kung san mo gusto…”


Is he inviting me na makipagdate sa kanya?????? Aaaahhhhhh sure sure!!!!” uhmm magsasabi muna ako kay mama baka kase may puntahan kami bukas” pero ang totoo ay wala naman kaming lakad ni mama.


“uhmm ako na lang nag magsasabi kay tita, total ako naman ang nagyaya na mag da... i mean na lumabas eh” namumula nyang sabi sakin


ano daw?? da.... da.... DATE?????? Ahihihi sige tatawagin ko lang si mama” naglakad ako ng papuntang hagdan, nga di na nya ko kita ay tumakbo na ako paakyat…”aray!!” natapid pa ako sa hagdan “excited??? excited????” “hehe oo excited care mo che!”


                Naganap nga ang una naming date, nasundan pa ng isa, dalwa, tatlo, hanggang araw araw na kaming magkasama, sinabi ko din kay Cherry ang mga nagyayari hanggang sa naging kami, Masaya naming ginawa ang mga bagay bagay na magkasama, naghaharutan, we hug everitime na may chance at nagnanakaw pa siya ng halik pag kami lang dalawa, naganap din ang unang “totoot . . . .” hehe and the rest is history.


Inagapan ko ang pagpunta ng school, “happy anniversary na mahal ko!! hehehe ang saya!” inintay ko siya sa school gate dala kong ang regalong binili ko para sa kanya, pinagipunan ko ang binili kong silver dogtag na may nakaembed na maillit sa tagiliran ng date ng araw na naging kami ”sana magustuhan nya” ilang minuto na din akong nagiintay kaya lang wala pa din siya, minabuti ko ng umakyat sa room naming at dun na lang siya intayin, pag akyat ko ng 2nd floor nakita ko ang colr paper na  ginupit para magmukang paa, nagtaka naman ako kaya sinundan ko yun, natapos ang mga paper na paa sa nakasarang pinto ng room namin, binuksan ko to ay nakita ko ang lifesize na teddy bear na nasa harap ko, may nakalagay na boquet ng red roses sa tummy ng teddy bear, pumasok ako sa loob at hinanap kung may tao na ba sa loob ng room, “wala naman ta, naku baka may para sa ibang tao to aalin nako” tatalikod na sana ako  biglang nagsara ang pinto, nakita ko siyang nakangiti sakin nagtatago pala siya nasa likod ng pinto, “HAPPY ANNIVERSARY BABE” nilapitan nya ako hinalikan sa aking mga labi, kita ko ang kanyang saya pero pansin ko din ang lungkot sa kanyang mga mata, at tila maiiyak na siya, “babe is there something wrong? May problema ba?” tumingin siya sa akin at ngumiti, let’s enjoy this day babe, let’s skip the day’s class, please?” kita kong naiiyak na siya, nagtataka naman ako sa kayang inaasal ay sinunod ang kanyang gusto, umuwi muna kami para makapagpalit ng damit naming, isinakay namin ang lifesize na teddy bear sa kanyang kotse.


“babe . . .”


“hmmm??”


“Masaya ka ba sakin?”


“tinatanong pa bay yon? Oo naman . . . IKAW LANG PO ANG MAMAHALIN KO HABANG BUHAY KO... hehe” hinalikan ko siya sa pisngi at nagpatuloy siya sa pagdadrive. Tumigil kami sa harap ng gate nag bahay ko “babe . . . pag namimiss mo ako . . .” tinignan ko siya, namumula ang kanyang mga mata at may tubig na nabubuo sa mga ito


” . . . sana . . . yakapin mo palagi yang teddy bear na yan ha . . . ”


”Oo naman. . . hehe saka ang cute cute nga eh” humarap ako sa backsit ng kotse at hinawakan ang mukha ng teddy bear. Pag lingon ko sa kanya ay nakatingin siya sa akin at tumutulo ang mga luha sa mata nya, ”babe bakit ka umiiyak” pinahid ko ang luha sa kanyang mga mata, hinwakan nya ang mga kamay ko na nakahawak sa mukha nya, hinalikan nya ang mga ito ”babe mahal na mahal kita . . . wag mo akong aalisin sa puso’t isip mo ha . . . ” naiiyak ako sa pinapakita nya sa akin, ”babe mahal na mahal din kita . . . wala nakong mahihiling pang ibang makasama kung di ikaw lang . . .”tumulo na din ang mga luha ko at hinalikan ko siya sa labi. Yumakap siya sakin ng mahigpit ”babe . . . pag may problema ka o masama ang loob mo sa mundo . . . ibulong mo lang sa teddy bear na yan . . . sa paraang iyon para mo na din sinabi sa akin ang problema mo hindi man siya makapagsasalita ay ibubulong nya sa puso mo ang sagot. . . pag . . pag nararamdaman mong nag iisa ka na lang at walang makasama . . .yakapin mo siya, dahil parang ako na din ang niyayakap mo, ipaparamdam nya sayo na nandito lang ako, na hindi ka kailanman nag iisa at mag-iisa, kapag di mo na alam ang gagawin mo at nararamdaman mong walang nagmamahal sayo, hawakan mo lang nag mga kamay nya na mahigpit. . .wag mong bibitiwan dahil kailanman hindi ka nya bibitiwan gaya ng pagmamahal ko sayo, hindi kita bibitawan, yakapin mo siya . . . ipaparamdam nya sayo na kaylanman  hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo . . .  hindi maghahanap ng iba at iibigin ka ng buong puso . . .” patuloy pa din ang pagdaloy ng mga luha sa aking mata dahil sa saya na nararamdaman ko ”masaya ako dahil ikaw ang minahal ko . . . masaya ak ona sinuklian mo ang bawat pagmamahal na binigay ko para sayo, masaya ako dahil tinanggap mo kung ano ako….”


”babe masaya din ako at nagpapasalamat . . . dahil sa ikaw ang kaisa isa kong minahal ng ganito, ikaw ang nagbigay ng buhay sa mundo ko kayo ni mama. Hindi mo ako iniwan at . . . ” hindi pa man ako natatapos sa aking pagsasalita ay hinalikan nya ulit ako, puno ng pagmamahal, ramdam ko ang kapanatagan sa kanyang mga labi.


”tama na nga tong dramang to . . .teka magbihis na tyo” lumabas kami at umakyat na sa kwarto ko, may dala siyang damit sa kanyang kotse ”wow handang handa ka ha..hehe”
”babe intayin na lang kita sa kotse ha, baba na muna ako” bago siya bumaba ay hinalikan uli nya ako. inilagay ko naman ang regalo nyang teddy bear sa kama ko, may nahulog na sulat na tummy nito.. ”ano to? ” binuksan ko ang sulat.



BABE,
                Wow! Hehe isang taon na tayo ngayon! Alam mo bang napakasaya ko!, i cant believe we actually made it! Kala ko kase magsasawa ka sakin, sa kakulitan ko, sa pangaasar ko sayo, sa pagtritrip ko at sa pagigi kong demanding kung minsan hehe. Alam mo ba babe na mahal na mahal kit . . . hindi ko alam kung pano ako mabubuhay ng wala ka, Life has no meaning without you, without your smile, without, your touch, hindi ko din alam kung magiging masaya pa ako pag nawala ka sa buhay ko, kung pano ako ngingiti ng di ka nakikita, kung pano ako ako makakatulog sa gabi pag di ko naririnig ang boses mo. Ikaw lang ang kaisa isang bagay na nagbigay ng reason para magkaron ng kahulugan ang buhay ko.
                Mamimiss ko ang mga masasayang bagay na ginagawa natin, ang mga pagnanakaw mo ng halik pag tulog ako, ang pagkiliti mo sa akin pag tinatamad akong bumagon, ang pagpapahid mo ng pawis ko pagkatapos kong maglaro ng basketball, mamimiss ko din yung lagi mong kinakanta sakin pag naiinsomnia ako, mamimiss ko ang paghahatid sa pinakamamahal ko, ang mga ngiti mo, ang mga yakap mo, ang mga halik at pag aalaga mo sakin.

”ano to! nagpapaalam na ba siya??” tumutulo ang mga luha ko habang binabasa ko ang letter nya.


                Masakit man sa akin ang gagawin kong paglayo sayo ay kailangan ko itong gawin, tandaan mo na hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo, hindi ko ipagpapalit ang mga masasaya nating sandali, hindi ni isang sandal ay makakalimutan ko na may isang katulad mo na nagmahal sakin at kung may isang pagkakataon pang ibibigay para sa atin ay ikaw lang ang aking mamahalin, ikaw lang babe, mahal na mahal kita . . .

Kiko



Bumaba ako ng bahay at uminom ng tubig, pinahid ko ang mga luha ko at lumabas na, “babe???” alam kong nagets na nya ang gusto kong sabihin

“let’s enjoy this day babe . . .please . .”inakbayan nya ako at isinakay na sa kotse nya, wala na akong nagawa pa kung di gawin ang sinabi nya, panandalian ko muna isinantabi ang kalungkutan ko. Gumala kami, nanood ng sine, kumain, tinuruan nya akong mag iceskate tapos kung ano ano pa,magkasama naming pinagsaluhan ang naititrang oras namin. Katahimikan ang bumalot sa amin hanggang dumating kami sa bahay.

“aahhh....”
“aahh..”

“sige ikaw muna” si Kiko, naaalinlangan ako kung itatatnong ko ba yong tungkol sa sulat
“uhmm babe . . . ano . . . ano kase . . . yong tungkol sa su. . .”di pa man ako tapos sa aking pagsasalita ay pinutol na nya


“im leaving....”


___________________


                Pinahid ko ang aking mga luha, masakit balikan ang mga masasayang alala na kasama si Kiko, kung pwede lang sanang ibalik ang mga ito,  kung pwede lang hugutin ang sakit sa aking pus ay matagal ko ng ginawa, kahit ang mga ito ay matagal ng nangyari ay sariwa pa din ito sa aking mga alaala. Dahil na din sa hamog at kalaliman ng gabi ay naramdaman ko ang lamig. Tumatayo ang aking mga balahibo sa lamig, niyakap ko ang aking sarili “ayaw kong umiwi, ayaw ko siyang makita ayaw ko”



Nabalot ng lamig ang aking katawan ng biglang may naglagay ng leather na jacket sa akin . . .



Hindi ko siya kilala dahil sa dailim ng gabi...




Umupo siya sa tabi ko . . . .




Natamaan ng liwanag ng buwan ang mukha nya . . .




Unti unti ko siyang nakilala . . . .





Itutuloy . . . . 

No comments:

Post a Comment