Friday, February 4, 2011

TELL HIM Chapter 13

RIVALS





"Jealous of the one who'se arms are around you
If he's keeping you satisfied
Jealous of the one who finally found you
Made your sun and your stars collide"







Niyakap ako ng taong ngayon ay nasa aking harapan.



“Kuya” sinuklian ko ang kanyang yakap at tuluyan na akong humagulgol na parang batang inagawan ng laruan. Hinigpitan pa nya ang kanyang yakap sakin. Ramdam ko ang init ng kanyang katawanna pumawi sa aking panlalamig.



“kuya bumalik si papa... huh-u . . huhu”



”ssshhhh….” Hinaplos nya ang buhok ko habang patuloy ako sa pag iyak. “




______________________________




Pagkagaling ko sa school nakita ko ang kotseng nakaparada sa harapan ng bahay nina JN, sinipat ko ito, nakita kong iniluwa nito ang isang lalaking nasa early 40’s na. nang tignan ko ng maayos ang kanyang itsura ay nakilala ko kung sino ito.


Bata pa lang kami ni JN ng sabihin nya sa akin ang tungkol sa kanyang tatay. 4th year highschool sya ng ipagtapat nya sa akin ito ng nakita ko patakbong umiiyak sa park, nagalala ako sa kanya kaya minabuti kong sundan siya sa kanyang kinaroroonan.


            Tinabihan ko siya sa bench kung saan madilim at hindi napupuntahan ng mga taong tumatambay sa park ng gabi, lamigin si JN kaya naman nagdala ako ng jacket para kahit papaano ay mabigyan ko siya ng proteksyon sa lamig.


“kuya . . .” si JN, hindi ako magsasalita bagkus ay yayakapin ko siya ng mahigpit.


“kuya bakit ganun!” di pa din ako nagsasalita, hahayaan ko siyang maglabas ng sama ng loob,hahawakan ko lang ang ulo nya at susuklayin ko ng aking kamay ang kanyang mga buhok. Iintayin ko lang siyang tumahan at siya na ang mismong magkekwento ng kanyang sama ng loob.


“kuya Biboy . . . bakit ang unfair ng mundo . . . huhu-h . . uhu”


“bakit sa dinami dami ng bata na isisilang sa mundo . . . ako pa ang napili na….” umalis siya sa pagkakayakap sakin at sumandal sa bench


”bakit kailangan kong maging . . . anak sa labas ng papa ko . . . huhu . . uhu-hu” ramdam ko ang pait ng kanyang nararamdaman sa tono ng kayang boses.


”ang hirap lagi ng sitwasyon ko . . .huh-u..”


”lagi na lang pag may affair sa school at kailangan na kompleto ang family, lagi . . lagi na lang kaming kulang ni mama.... laging walang papa na magpapakita sa akin, laging walang papa na maghahatid sakin, walang ama na susundo, walang ama na mayayakap ko! Ni hindi ko siya nakikita pag kailangan ko siya! Wala manlang am ana gumagabay sakin! Wala! Wala! Huhu . . huhuh-u..:”


Wala akong ibang alam na paraan para maibsana ng kalungkutan na kanyang nararamdaman kung hindi ang yakapin siya, muli ay humagulhol siya sa aking dibdib, naawa ako sa itsura nya, hindi ko kayang nakikitang nagkakaganito siya, pero kailangan kong magpakatatag, kailangan kong hindi magpadala sa emosyon ko,huminga ako ng malalim bago ako magsalita.


”baka may rason ang papa mo kung bakit siya laging wala… baka may kailangan siyang asikasuhing importante..” ako


”labing limang taon kuya Biboy! Isipin mo sa loob ng labing limang  taon ko siyang hindi nakita! Pagkatapos ng labing limang taon saka lang nya naisipang magparamdam . . .ang masakit pa . . . siya ang dahilan!!!” galit ang kanyang boses, bahagya siyang tumigil.


”Siya ang dahilan ng pag alis ni Kiko . . .” hindi na ako nagulat sa kanyang pahayag dahil alam ko na ang tunay nyang pagkatao at kilala ko din kung sino si Kiko pero gusto kong manggaling sa kanya mismo kung sino ba si Kiko


”si . .sino si Kiko . . .” ang pag mamaangmaangan kong tanong sa kanya.


Nagulat siya sa aking tanong, hindi siya nakaimik agad. Nagpakawala siya ng isang mahabang buntong hininga bago siya magsalita.


”alam kong pag nalaman mo na ang tungkol dito ay lalayuan mo ako, alam ko din na mandidiri ka sakin pero . . . boyfriend ko si Kiko kuya Biboy . . .” tumingin siya sa akin at hinintay ang aking sagot. Tumingin ako sa kanya ng seryoso at hinalikan ko siya sa noo, tanda na hindi ako nandidiri o kinahihiya siya.


”hindi ka ba nandidiri sa akin kuya Biboy?” hindi ako umimik at inilapit ko ang ulo nya sa aking balikat


”salamat kuya…” muli ko siyang hinalikan sa ulo.


”hmmm . . . bakit . . . bakit siya umalis…si Kiko?” ang nagaalinlangan kong tanong sa kanya. Inalis nya ang ulo nya sa aking balikat at sinandal nya ang katawan nya sa bench.


”akala noong una . . . noong una ipinaliwanag nya na kailangan nya umalis ng bansa dahil daw mag ma-migrate na ang family nila. Pero isang araw . . . may, may tumawag sakin.. si  . . . si Ate Ahniz, ang panganay na kapatid ko... sila ang legitimate Martin Family. Sinabi nya sa akin na si papa ang dahilan kung bakit umalis si Kiko . . . inipit daw ni papa ang company nila Kiko . . . noong una ipinaglaban daw ng papa ni Kiko ang pagmamahalan naming ni Kiko pero . . .” hindi nya ulit napigilan ang paguhit ng masaganang luha sa janyang pisngi. “ dumaan ang company nila Kiko sa matinding crisis. . . na si papa ang may gawa! Huhu . . hu-hu . . . kaya kahit . . . kahit gusto ni Kiko na ipaglaban ang pagmamahalan naming ay napilitan siyang umalis sa bansa at sundin ang gusto ni papa...dahil pinagbantaan pa daw ni papa ang mga magulang ni Kiko na lalong papahirapan pag hindi . . . PAG HINDI DAW NYA AKO HINIWALAYAN... huhu....huhu” awang awa ako sa kalagayan nya.. hindi ko alam ang aking gagawin para lang maibsan ang kanyang kalungkutan.


“tapos ngayon gusto nya akong kunin kay mama . . . ayoko sa kanya! Siya ang sumira sa aking buhay . . . Hindi ko siya mapapatawad.... hindi!” niyakap ko siya. nang tumigil siya sa kanyang pag luha ay hinawakan ko ang mukha nya sa aking dalwang kamay.


“JN, it’s not the end of the world... if someone closes the door for you, it doesn’t mean it’ll be closed forever, tandaan mo na pwede natin ulit itong buksan... mawala man si Kiko sayo . . . madaming taong handang magmahal sayo, hindi mo lang sila nakikita . . .pero . . pero nandito ak- . . . nandito kami para sayo, si Tita Becka, si Cherry, mga kaibigan mo, ako . . . JN if you could only open your hear makikita mo na mahal ka ng mga tao sa paligid mo.” Hindi ko na napigilan ang aking sarili, unti unti kong nilapit ang aking mukha sa kanya.


Rriiiinnngggg Riiiinnnggg….


Kumalas siya, ”hello ma . . . opo. . . . nandito lang po ako sa park . . . .kasama kop o si Kuya Biboy . . . dont worry I’ll be home when your visitor is gone . . .


“anak..he’s still your father...saka ok na, hindi ka nya kukunin sakin, wala na din siya dito . . .you can go home. . .” sabi ng kabilang linya, nakita ko naman ang saya ng kanyang mukha.


“kuya hindi na nya ako kukunin . . . hindi na nya ako ilalayo kay mama.” ang masaya nyang balita sa akin


”halika ka na… hatid na kita.”



_________________



”JN maybe it’s time to forgive and forget. I mean . . . after all he’s still your father, saka siguro naman hindi ka na nya kukuni sa mama mo diba. Hindi mo naman din mababago ang nakaraan, the past is history the future is mystery and today . . today is a gift that’s why it’s called present.” Napatingin ako sa kanya


“Kung fu Panda? hehe . . . oo alam ko kuya, napatawad ko nanaman siya kahit papaano, tnaggap ko na din na . . . na hindi na babalik pa si Kiko...”


“oh iiyak ka nanaman . . . ayan tututlo na ang luha oh. . . hahahaha” ang pangaalaska sakin ni Kuya Biboy


“hindi ah.. haha ang kulit neto! Basta handa na ako . . . ” ang seryoso kong tugon habang nakatingin sa mga bituin.


”handa saan?”


”sa bagong bukas…. Ayoko na ding magtago kung sino ako, alam mo naman ang kung sino ako eh..kase lagi kang nandyna pag may problema ako . . . salamat kuya Biboy . . .salamat . . .” tinitigan ko siya sa mata, hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong humanga sa kanya. Hindi ko namalayan na papalapit na pala ang kanyang mukha sa akin, nagisng na lang ko na magkalapat na ang maing mga labi.



mainit . . .




masarap . . .



puno ng pagmamahal . . . wala na kong nagawa kung di damhin ang halik nya at tugunan din ito ng mariing halik.



kumalas ako sa kanyang mga labi… ”kuya Biboy . . .”



”you dont have to say anything” at muli nya akong hinalikan sa aking labi, mas mtagal mas masarap, mas puno ng pagmamahal. Katulad kanina ay sinuklian ko ito, dinama ko ang kanyang dila sa loob ng aking bibig, masrap, di ko napigilan ang kaing sarili at ginantihan ko ang kanyang dila. Tila isang batang nakatikim ng bagong kendi ang aking dila.



Constantly, you're on my mind
Thinking 'bout you all the time
I can't sleep no matter what I do
I just keep on thinking 'bout you
– “hello ma? Opo . . .uuwi na po ako...umalis . . .nandyan pa ba si papa? ok po . . .” nagbago na nga pala ako ng message tone ko..tsk..Goboy . . .



“uhmmm” nahihiya ako kay Kuya Biboy, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.


“come on hated na kita” kinindatan pa nya ako. Aaaiii sarap…



            Inakbayan nya ako habang naglalakad, hinawakan pa nya yong isa kong kamay, para na kaming magkayakp habang naglalakad, ang sarap isiping may ganitong kagentleman na tao na nakaakbay sa akin.



”uhmm Kuya Biboy . . . .”



”hmm?”



”kase ano . . .”



”kase?”



”yong ano… yong tungkol kanina sa park.”



”alin dun? Yung pag dradrama mo? Hahaha”



Siniko ko siya sa dibdib pero mahina lang ahihihi landi ”hindi . . .yong ano . . . ”



”alin?”



”yung ano . . . alam mo na . . . yung . . . “kinampay kamapay ko pa ang kamay ko habang nagsasalita.



“alin ba? Gulo nito”



“yung KI . . . KI-SS!”



“gusto mo pa?” bigla na lang nya ulit ako hinalikan sa labi ko, ang charaaaapppp..kaya sinuklian ko na lang ito, di ko na pinansin kung may mamakita pa sa amin.




CCRRRRRRREEAAAAAAAACCCCCHHHHHH



          Tunog ng pagsara ng gate ang narinig ko, kumalas ako kay kuya Biboy at tinigna kung kaninong gate iyon, ”si Pete ba yon?”



”Pete? Whos Pete…?”



”aahhh kuya Biboy tara pasok ka muna”



”sure..”



_______________________




Pinapasok ko si kuya Biboy sa loob at nakita kong nandoon pa si papa, lumapit sa akin si mama at niyakap ako, nagmano naman si Kuya Biboy kay mama ”oh Biboy hijo salamat sa paghatid sa aking anak, halika pasok ka”



”nako tita Becka salamat pop ero im going home na din naman po nakita ko lang si JN sa park kaya sinamahan ko nang umiwi.”



”ganon ba? Ah oh sige salamat ulit”



”kita na lang tayo bukas, salamat kuya Biboy” at nginitian ko siya, ibinlik din naman nya sa akin ang ngiting makalalaglag panga at panty…ay brief pala di nga pala ako nagsusuot ng panty. Umalis na siya at hinatid k osa labas ng gate.



”salamat kuya Biboy”



”dont thank me, it’s still up to you kung anong pipiliin mo about your dad.”



“don’t worry i know na kung anong pipiliin ko...i’ll forgive him pero malayo pa ata yong forgetting the things he’ve done, basta...i think ok na muna yung ganito”


“it’s still a process, in the long run makakalimutan mo din yon, basta . . .basta nandito lang ako.”



“salamat kuya Biboy.” Tumalikod na siya at isasarako n asana ang gate ng bigla siyang bumalik at hinalikan ulit ako, smack lang pero nabigla pa din ako.


“pang goodnight ko hehe” at kinindatan ulit nya ako. alam kong namula ako sa kanyang ginawa


“sira! Matulog ka na hehe” ang kinikilig kong sabi sa kanya.


Pagpasok ko sa loob nakita kong nag iintay si papa sa akin. ”pa . . papa” umupo ako sa harap nya ”so . . sorry po sa inasal ko kanina” lumapit siya sa akin at niyakap ako, hindi ko alam ang aking mararamdaman at magiging reaction, tinignan ko si mama at tumango lamang siya sa akin, niyakap ko din si papa, hindi na ako umiyak, saya at galak na ang nararamdaman ko sa aking kaibuturan.



“anak i’m sorry patawarin mo ako . . .”



“papa tama na po yon, we can never undo things but . . .we can always start a new one...” niyakap nya ulit ako at umiyak sa akin.


“papa tama nap o yan . . . dapat po masaya tayo.” sa gabing yon ay nagpahanda si mama kay nay Minda ng masasarap na pagkain, kasama namin si papang kumain, puro kwentuhan tungkol sa buhay namin ni mama ang naging topic, matanong si papa naninibago din ako na may tatay na nagtatanong at nangungulit sakin, ngayon ko lang kase siya naksamang kumain.



            Nang matapos kaming kumain ay nagligpit na si Nay Minda, hinanap ng mata ko si Pete pero walang Pete akong nakita, tinanong ko si Nay Minda kung nasan si Pete pero hindi daw nya alam kung nasaan, hinanap ko siya sa kanyang silid pero wala siya doon, umakyat ako ng 2nd floor pero wala din kaya naman naisipan kong lumabas para hanapin si Pete, nakita ko siya sa likod ng bahay nakaupo lang at nakaharap sa kawalan, lumapit ako “Pete . . .”


            Humarap siya sa akin, nakita ko ang lungkot sa kanyang itsura, ramdam ko din ang bigat sa paligid. Hindi siya nagsasalita pero alam kong may dinaramdam siya. Tinabihan ko siya.



”Pete ok ka lang ba? Hindi ka pa daw kumakain, masama ba ang pakiramdam mo?”



Hindi siya umimik pero nagiwan lang siya ng isang buntong hininga. Naramdaman kong hindi din siya tutuga kaya naman minabuti ko na lang na iwana siya sa kanyang  kinaroroonan.


Pagkaraan ng ilang oras ay pumasok na din siya ng bahay mula sa backdoor, initay ko talag siyang pumasok dahil doon ako nananonood ng TV sa kusina, nagaalala ako sa kanya na nahihiya na ewan basta ang lama ko gusto kong malaman kung anong dinadala nyang bigat.


”Pete . . kung may . . . maitutulong ako sabihin mo lang” napatigil siya sa aking gilid at humarap ang mukha nya sa akin, ngumiti lang siya pero alam konf malungkot pa din siya.



 -------------------



”aaarggggghhhhh ano ba! Bat hindi ako makatulog!!!!!” pabalibalikwas ako sa aking higaan dahil sa di ako dalawin ng antok.



”alam kong masaya ako kasi ok na kami ni papa. . . . masaya din ako kase . . . .”inisip ko ulit ang ginawa ni kuya Biboy ”kase . . .nakatatlong halik sakin si Kuya Biboy. . .ang saraaaaappp pero . . .bat ganun . . nawawala lahat ng saya ko pag si Pete na ang naiisip ko, ang ngiti nya saka ang mga mata nya napakalungkot. . .  di kaya . . nakita nya akong hinalikan ni Kuya Biboy? Nagseselos ba siya??? Hindi naman siguro, saka bat naman siya magseselos eh hindi naman kami, saka bago pa lang kami nagkakilala. AAAAARRRRRGGGHHHHHHHHHHH!!!! Bwisit naman oh!



Di ako dinalaw ni pareng sand man ng boung gabi, puro mukha ni Pete ang nakikita ko….


”pareng sandman nasan ka ba? Hindi mo ba ako dadalawin?? Ikaw ha! umaabsent ka sa trabaho mo! CALL YOUR MANAGER ipapasisante kita!”


”aaarrgggghhh para na kong baliw!!”


”basta kailangan bukas malaman ko ang problema nya… K-A-I-L-A-N-G-A-N”


         Hindi talaga ako dalawain ng antok, magaalsdos na ng umaga pero hindi pa din ako makatulog, binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at bumaba sa kusina. Medyo nagugutom na kasi ako eh, ng makuha ko ang pagkain sa ref at aalis na ko may narinig akong kumakanta.



There i was waiting for a chance 
hoping that you'll understand
the things i wanna say


Hinanap ko kung san nagmumula ang boses na yun


But my love
stronger than before 
i wanna see u more and more 
but you close the door


Maganda ang boses nya. Ang sarap sa tenga, hindi pilit ang pagkanta at puno ng emosyon


Why don't you try 
to open up heart
i won't take so much of your time.....

Maybe it's wrong to say please love me too
coz i know you never do
somebody else is waitin' there inside for you
maybe it’s wrong to love you more each day
coz i know he’s here to stay
but i know to whom you should belong....

            Sumilip ako sa likod ng bahay, nabigla ako sa aking nakita, si Pete si Pete si Pete... si Pete ang kumakanta, pinagmasdan ko siya habang kumakanta, ramdam ko ang gusto nyang sabihin, “napakaswerte naman ng taong kinakantahan nya . . . nakakainggit . . .” ang naibulong ko sa aking sarili, ang gwapo nya...



I believe what you said to me 
we should set each other free 
that's how you want it to be....


But my love
stronger than before 
i wanna see you more and more 
but you close the door


Why don't you try 
to open up heart
i won't take so much of your time.....


Maybe it's wrong to say please love me too
coz i know you never do
somebody else is waitin' there inside for you....
maybe it’s wrong to love you more each day
coz i know he’s here to stay....


but my love is strong 
i don't know if this is wrong 
but i know to whom you should belong
Maybe it's wrong to say please love me too
coz i know you never do (no no noyoul never do)
somebody else is waitin' there inside for you (somebody else is waaiting inside for you)
maybe it’s wrong to love you more each day(to love you mere each day)
coz i know he’s here to stay....

but my love is strong 
i don't know if this is wrong 
but i know to whom you should belong

but i know to whom you should belong........



“nakakainggit naman kung para kanino man yon.” umakyat na ako ng kwarto ko, kinain ko na ang kinuha ko sa baba, hindi ka maalis sa isip ko ang kanyang boses, parang nairecord na ng utak ko ang kayng kinakanta.



“maybe it's wrong to say please love me too, coz i know you never do, somebody else is waitin' there inside for you, maybe it’s wrong to love you more each day coz i know she’s here to stay, but my love is strong...i don’t know if this is wron but i know to whom you should belong....bagay din pala sa akin yong kinakanta nya . . .pero sa totoo lang nakakainggit talaga..ang swerte naman nung taong yun..isang Pete ang kumakanta para sa kanya! Nako! Pag nakilala ko yong taong yon iuumpog ko ang ulo sa pader...isang Pete ang pinalampas nya sa buhay nya...gaga...sayang talaga...kung pwede ko lang palitan kung sino man yon...hay...”



Humiga na ko sa kama pero hina- hum ko pa din yong kinakanta nya..” hindi ko namanlayan na nakatulog na pala ako.







Itutuloy . . . 


No comments:

Post a Comment