Thursday, February 24, 2011

TELL HIM Chapter 23

SERENDIPITY part 2




"Don’t look fate can only find you
You can’t choose for something to surprise you

Set sail without a destination

Just see where the wind will take you"







Isang linggo pagkatapos ng kong magenrol ay naisipan kong mag ikot ikot, buti na lang at medyo hapon na kaya pinilo ko na lang maglakad. Liked ditto lakad doon, hanggang sa marating ko ang isang intersection road “saan ako pupunta ngayon?” nakakita ako ng isang bote ng Coke na nakalagay sa mismong pinageekisan ng daanan, may naisip ako kaya naman kinuha ko ito “ok lead to the place i need to be!” bulong ko sa bote. Inilapag ko ito sa lupa ng nakahiga at pinaikot ko “saan ako dapat pumunta?” sambit ko habang patuloy na umiikot ang bote ng softdrinks, ng tumigil ito ay tinahak ko ang daan na tinuro nito “aba sakto ah...dito talaga ako dapat pumunta?” pagtatanong ko sa bote ni Coke na parang bata “parang sasagot ang bote ah haha, ok then this way it is . . . Sto Dominico Village” pumasok ako habang ang mata ko ay nagmamasid sa mga bahay na nakatayo sa loob ng village, naglalakad na tao, nagmemeryenda habang nakaupo sa kalsada, naglalangoy sa swimming pool hanggang sa dalhin ako ng paa ko sa isang parke doon sa loob ng village na yon. May mga batang naglalaro, nagpapalipad ng saranggola, naghahabulan at nagbabasaan ng tubig mula sa gripo.


Nakita ko ang isang bench na di kalayuan kaya naman umupo ako doon. Masarap ang simoy ng hangin, maaliwalas at hindi mo iisiping may ganoon pala sa loob ng isang village, napakapayapa, malinis at higit sa lahat masarap sa pakiramdam “kaya pala dito ako tinuro ni Coca-cola eh, sarap sigurong tumira dito . . .” napabuntong hininga ako. Nang mapasandal ako sa kaliwang bahagi nahulog ang aking dalang swiss knife,pinulot ko ito, ng sumadal ulit ako ay may naisip akong gawin. “dahil maganda ang araw ko ngayon, ikaw ang magigng saksi haha..parang sira lang” inukit ko sa kaliwang bahagi ng bench ang date ngayon. Habang unuukit ko ang mga numero ay may napansin akong isang maliit na papel na tiniklop hanggang sa maging maliit ito. Nacurious ako kaya naman binuklat ko ito. “ano ba to ayaw magpabasa” sa sobrang higpit ng pagkakatupi at saka siguro dahil sa nabasa at naarawan na din. “ayan . . . ano naman to KUNG IBIBIGAY KO SIYA SAYO INGATAN MO SIYA. . . ingatan? Sino? wierd” itatapon ko na sana ang papel ng biglang lumakas ang ihip ng hangin na sanhi ng aking pagkapuwing. Kinusot ko ang aking mata ng pero di ko matanggal kinuha ko ang aking panyo sa loob ng bulsa para ipampunas sa luhang nabuo gawa ng pagkakapuwing.


Pagdating ko sabay ay agad akong nagtanggal ng aking mga damit. Isa isa kong tinaggal ang laman ng aking mga bulsa, wallet, cellphone, panyo, headset “teka ano to?” isang papel na kuyumos ang nakita ko, binuksan ko ito “KUNG IBIBGAY KO SIYA SAYO INGATAN MO SIYA bat nasa akin to?”takang tanong ko sa aking sarili. Inalala ko kung pano ito napunta sa aking bulsa, “pano ka napunta sa bulsa ko? . . . ah alam ko na siguro nung napuwing ako..oo tama yun na nga...” awtomatikong gumalaw ang aking paa at tinungo ang aking cabinet, agad din naman gumalaw ang aking kamay upang lagyan ng isang clip. “siguro nga sa akin siya . . . kung sino ka man nagsulat niyan at kung ano man yung tungkol dun sisiguraduhin kong iingatan ko yun” napangiti ako sa aking sinabi “haha ano ba tong naiisip ko...nasisiraan na ata ako ng bait. Nawiwirduhan na ako sa aking ginagawa kaya naman isinara ko na ang pinto ng cabinet at nanood na lang ng tv.



RRRRRRRIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGGG

Calling...


“hello!”


“oh pare kumusta?” bati ng kabilang linya


“ok naman ikaw pare?”


“ayos lang din naman, how was the plan going? Nakapag enrol ka na ba?” sabi ng kabilang linya


“ok na pare nakapag enrol na ko last week, and you wouldn’t believe kung sino nakita ko...”


“oh wait don’t tell me nakita mo agad siya?”takang tanong ng kabilang linya


“oo pare, may isang taong pagitan lang kami noong nagbabayad na ako sa accounting haha” masaya kong balita


“haha ok yon ah... pero ang bilis ah haha”


“haha baka pare destiny kami....hahaha” biro ko sa kanya


“tado! Haha akin yon pare... basagin ko bungo mo eh”


“haha ikaw naman sabi ko baka destiny kaming magkita sa school hahaha OA mo eh” pambabara ko


“haha siyempre destiny kayong magkita iisang school niyo eh haha” pagsakay nig ago sa biro ko


“haha pare pano kung destiny nga kami hahaha” hindi ko maintindihan kung bat yon ang lumabas sa aking bibig


“wag pare...mahal ko yon, pero kung kayo nga ang sa isa’t isa eh wala akong magagwa don, ako na ang magpaparaya...”seryoso niyang tugon.


“tado pare..biro lang yon haha” pagbasag ko ng kaseryosohan niya


“ulol ka pare saka hindi mo yon maagaw sakin saka mahal ako non haha” pagyayabang ni gago


“haha oo naman, wag kang mag aalala babantayan ko siya ng mabuti, di ko papaligawan sa iba, iingatan ko siya” pagbibigay assurance ko sa kanya


“ok pare ikaw muna bahala sa mahal ko ha...” END CALL


            Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos naming mag-usap, “destiny... haaayy puta sana magawa ko nga” bumukas ang pinto ng aking cabinet at muli kong nasulyapan ang papel na idinikit ko. napailing na lang ako, “ingatan ko siya wag kang mag-alala” napangiti ako sa aking naisip na yon



..............................................................



“ma alis na po ako,punta nap o akong school para makapg-enrol na po...”


“gusto mo samahan pa kita?” nag-aalalang tanong ni mama


“wag na po kaya ko naman po, saka may pasok pa kayo sa office diba” pagtutulol ko kay mama


“o sige ingat ka anak” yon ang huling sinabi ni mama at tuluyan na akong lumabas ng village namin para makapag-abang ng masasakyan. Ilang minuto lang ang itinagal ko sa paghihintay ng taxi at nakasakay na din ako. Medyo traffic ang nakikita kong madadaana ng taxi pero ng makarating kami sa traffic na yon ay biglang nagleft turn ang iba at ng right turn ang nasa kanan ko,kaya naman naging daan ito para makaiwas kami sa traffic. “mali si aye Guy, may himala....haha” tudyo ng utak ko. “sir swerte kayo ah.. mukhang gusto kayong papuntahin agad sa school ah” biro ng driver sakin. “hehe oo nga manong eh, it’s my lucky day ata hehe” balik ko sa driver ng cub. Wala pang 1 oras ay narating ko na ang aking school, buti na lang at maaga akong nakarating hindi pa pinipilahan sa takilya ang accounting office. Iilan pa lang ang nakikita kong nag papa-asses kaya naman agad na din akong pumila, hay nako ang daming instruction, punta ka ditto punta ka doon pero sulit naman kase ako ang kaunahang nakapila sa accounting hehe. “thank you ma’am” sambit ko dahil sa wakas ay natapos na ako. “ahh... nasan na...” tinignan ko ang kaliwa, wala, ang kanan, walan, ang likodan, wala, ang bag ko, wala “clumsy talaga... badtrip..mahalaga pa naman yon... babalikan ko na lang ang lahat ng dinaanan ko...” nagmamadali akong lumabas ng accounting office. Sinimulan ko sa gate, “aaarrggghh ang clumsy mo kase” “aba kasalana ko bang mahulog yon?” “aba eh sino pa yong guard?” “ok fine ako na...maghanap na lang pwede?” nagaaway nanaman ang utak ko, pumunta ako ng corridor hanap ditto hanap doon wala, umabot na ako sa nursing building pero wala din. “buset naman oh, sabi ko pa naman na hindi ko un iwawala tas ngayon mawawala na lang...aaarrgggghhhh...” naalala ko pa noong huling araw ng pagkikita namin.


            “aray...” napadapa ako dahil sa paghahabulan naming sa paborito naming tambayan, walang iba kung hindi sa park ng village namin. Nagasugat ang kaliwang tuhod ko, umaagos ang dog mula dito. “babe sorry..” paghingi ni Kiko ng tawad “bakit ka nagsosorry?” takang tanong ko habang nakangiti pa din sa kanya. “eh kase dahil sakin kung bat ka nasugatan” malungkot niyang sagot habang binubuhat ako “hoy ano ka ba? Ibaba mo ako” saway ko sa kanya pero sa totoo lang ay kinikilig ako sa ginawa niyang iyon. Dinala niya ako sa may faucet at nilinis niya ang aking sugat dahan dahan niyang inalis ang mga nakadikit na dumi na wari bay isang mamahaling diamante ang mag iyon. Hindi ko naman mapigilan ang aking sarili sa paghanga sa kanyan, ang perpektong itsura niya, ang sweet niyang katangian at ang pagmamahal niya para sa akin at tila isang mapag arugang hangin na bumubuhay sa aking buong pagkatao. “babe sorry wala akong dalan gauze eh pedeng ito na lang?” pagtatanong niya habang hinuhugot ang isang panyo sa kanyang bulsa. “babe ok lang kahit wag mo ng bendahan.” Nahihiya kong tugon “ok lang to kasalanan ko naman kase kung bat ka nadapa at nagkasugat” sagot niya sa akin habang kumikislap ang mga mata na animoy mga bituin sa kadiliman ng gabi. “hehe wla akng kasalanan eengot engot lang talaga ako hehe” biro ko sa kanya habang binabalot niya ng ng hanky niya ang sugat ko  “babe ingatan mo tong panyong to ha.. may dugo mo na yan..kapag nawala to ibig sabihin nawala na din ako sayo haha” biro niya habang tumatawa ng malakas. “tado! Hindi ka mawawala! Wag kang mag alala kung mawala ka man hahanapin kita at kung sakaling hindi kita baliktadin mo lang ang damit mo para makawala ka sa pagkakaligaw mo at makabalik sa akin”  mahaba kong tugon sa kanya “wag kang mag alala pati brief ko babaliktadin ko pag nawala ako hahaha basta ingatan mo toh ha, kase may dugo ko na din yan” bigla niyang itinaas ang kanyang kamay at nakita kong may sugat siya .



            Nakita ko na lang ang sarili kong lumuluha hanag binabalik tanaw ko ang mga nangyari. “bat mo kasi ako iniwan Kiko, sobra na akong nahihirapan” bulong ng puso ko . Buti na lang at walang tao sa aking kinatatayuan kung hindi ay iisipin nilang nababaliw na ako. Dinala ako ng aking mga paa sa isang lugar na di ko aakalain mayroon sa campus na iyon. Napakaganda, berdeng berde ang mga halaman, mapupulang rosas at may ibat ibag uri din ng bulaklak, nang lapitan ko ang garden ay may natagpuan akong balon “may wishing well nap ala sa university? Haha” tudyo ng utak ko. natahimik ako habang ginunita ang mga nangyari
“san galing yan, bat ka nagkaganyan?” takang tanong ko habang madali kong hinawakan ang kanyang kamay at tinapat sa umaagos na tubig. “nung binuhat kita napasasadsad lang sa lupa kaya nagkasugat pero wala to ako pa.” Hinigot ko din ang akin gpanyo sa bulsa at ibinalot ko sa kamay niya. “ayan ingatan mo din yan ha. Pag nawala yan magagalit ako sayo” nakangiti kong sagot sa kanya, hindi niya ako sinagot bagkus ay hinalikan niya ako sa labi. “mahal na mahal kita JN”



            Muli ay nadaig ako ng emosyon at tumulo nanaman ang aking mga luha “patawarin mo ako Kiko nawala ang panyo natin” mahina kong bulong. “patawarin mo ako dahil kahit ang panong isa sa mga ala-ala mo ay naiwala ko, nawala ka na nga sa akin pati ba naman panyo natin. Hindi ko alam kung sinasadya ba ng pagkakataon ang mga nangyayari dahil sa mismong pagpatak ng luha ko ay may narinig akong isang kanta na talaga naman nagpatindi ng aking nararamdaman.






Barbara Streisand - Some Good Things Never Last



It's three in the morning
You're nowhere in sight
And all that I wanted was
To be with you tonight
I've watched love get closer
And then fade away
I've seen you believe in me
I've seen you trying to stay
But what good is holding on
When you know that all
You can think about is letting go
They say if you love someone
Then set them free
If they come back again
Then in the end it was meant to be
I thought we were lovers
I thought we were friends
I guess when reality steps in
The dreaming ends
We live for the future
We learn from the past
No matter how hard we try
Some good things never last
All you can think about is letting go
Be true to yourself, my love
That's all I ever wanted you to be
Just don't forget to smile
When you think of me
I' II reach for the stars
I have got them in sight
There's someone who really needs me
Out there in the night
We'll live for the future
We'll learn from the past
No matter how hard we try
Some good things never last
Why can't they last?



“OA? Umiiyak habang kinakantahan kita ganun? MTV ba ito?” bati ng isang tinig mula sa aking tagiliran. Minulat ko ang aking mga basing mata and into my surprise it was a monster... ay si Cherry pala “besfriend naman bat ka nageemote emotan dito buti walang tao kung hindi nakakahiya ka hahaha” pag aalaska nito sa akin. Pinahid ko ang mga luha ko at nginitian ko na lang siya. “si Kiko ano?” tanong niya. Kilalang kilala talaga ako ng bestfriend ko. “bessy tama na ok...sabi nga dun sa kanta They say if you love someone then set them free if they come back again then in the end it was meant to be…  if your destined to be with each other eh kayo..pero maybe its time to set him free na masyado ka nang nasaktan at kahit hindi pa natin alan ang dahilan kung bakit umalis siya ay alam naman nating nasaktan din siya sa kanyang desisyon” pagpapaliwanag niya sa akin. “salamat Cherry…” niyakap ako nito at hinagod ang aking likudan. “be brave my dear bessy, tandaan mo when a part of your heart closes it doesn’t mean that the person occupying it will be gone forever. Just believe na babalik siya…. Pero . . . pero kung hindi man siya bumalik I assure you may dadating na mas higit sa kanya yung taong magfufulfill ng lahat para sayo..yung magpapakompleto sa buhay mo at magbibigay ng totoong pagmamahal” tumango ako sa sinabing iyon ng aking bestfriend, sabagay tama naman lahat ng kanyang sinabi. Hindi ko nga lang alam kung makakapagmove-on ako ng ganun kadali. Lumakad na kami ni Cherry palayo sa balon ng maisipan kong “oh bat ka tumigil?” tanong ni Cherry” “sandal lang” dumukot ako ng barya sa aking bulsa, buti na lang at may piso pa akong natira, pinikot ko ang aking mga mata at hinawakan ko malapit sa aking puso ang pisong iyon “LORD KUNG MAN PO BABALIK SI KIKO SA AKIN AY LUBOS PO AKONG NAGPAPASALAMAT . . .GAYON PA MAN PO . . . KUNG HINDI NIYO NA PO IPAPAHINTULOT NA BUMALIK SIYA  . . . BIGYAN NIYO PO SANA AKO NG SIGN  . . . ISANG SIGN NA KALIMUTAN ANG NAKARAAN AT MAMUHAY PARA SA KASALUKUYAN NA SANA MAY DUMATING NA TAO NA GIGISING SA AKING PUSO NA MAGMAHAL . . . MAGMAHAL NG BOUNG PUSO AT WALANG ALINLANGAN” bago ko ibato ang piso at hinalikan ko ito. “bessy ano ba ang tagal mo!” pagmamadali ni Cherry sa akin “teka sandali!” ibinato ko ito sa balon kalakip ang isang pag asa ngunit sa halip na sa balon ito mapunta ay lumampas ito at may narinig na lang akong “aahh fuck! Sakit nun ah!”  nanlaki ang mata ko at nagmadaling umalis “oh bat ka namamadali?” tanong no Cherry. “wag ka nang magtanong basta tumakbo ka na lang.” at umalis na nga kami ni Cherry.




“bessy anong winish mo?” tanong ni Cherry sa akin habanag nakaupo kami sa


“wi- . .winish?”


“nagmamaang maangan ka pa… ano nga..”pangungulit niya sa akin


“hmm na kung babalik man si Kiko sa akin ay aalagaan ko siya . . . pero kung hindi naman eh . . . kagaya nga ng sabi mo nga sakin sana may dumaing na tao na magmamahal sa akin at mamahalin ko din” nakangiti kong tugon sa kanya.


“hmmm ganon ba… good luck bestfriend… teka lubos lubusin na natin…” hinalungkat niya ang bag na dala ko hanggang sa may nagliwanag ang kanyang mga mata dahil sa kanyang nakita. isang sticker na ginamit naming noong gumawa kami ng regalo para sa isa naming kaibigan. Ibingay niya ito sa akin.


“oh ayan..”


“ano to?”


“aba ano pa? edi sticker!”


“alam kong sticker pero para saan? At heart pa huh!”


“punitin mo?”


“ano?” takang tanong ko sa kanya


“basta!”


“mukang nabasa ko na ang iniisip nito, pinunit ko sa ibat ibang paraan ang sticker. Matapos ko itong punitin ay tinignan kosi Cherry


“ididikit ko ba to dito?” Tanong ko sa kanya


“galing mo pero dun naman sa hindi halata..tapos kung sino man ang makakakita o madidikitan nyan magiging partner mo hahaha!” ang corning idea ni Cherry, pero sinakyan ko naman that makes me corny din tsk..kaibigna ko nga to,,iisa ang ikot ng bituka naming haha.


“oh ayan ok na.. shall we go home na?” tanong ko sa kanya habang nilagay ko ang bag sa aking balikat.


“we shall! Hahaha!” pagsang ayon niya sa akin



            Makalipas ang isang lingo ay wala pa ding pagbabago “sabi ko na eh kalaokohan lang ang piangagagawa ko..may pawish wish pa tapos may padikdikit pa ng sticker wala din naman palang mangyayari” sabi ko sa sarili ko. Sumilip ako sa labas ng aming bahay at natanaw kong palubog na ang araw kaya naman minabuti kong maglakad lakad muan at puntahan ang pabrito kong mga katambayan.mula sa kalayuan ay may natanaw akong isang lalaking nakaupo sa pareng bench ko, kinalaunan ay umalis din ito at di ko malang namukaan kung sino. Kaya nilakad ko ang pwesto ng mga kabarkada ko. “oi kayo ha pinagpalit niyo na ako.. may iba nang umupo sayo pareng bench ha..selos ako niyan..” sabi ko sa upuan na para bang isang tao na kinakausap din ako pabalik. Nang umupo ako ay “aray!” napatayo ulit ako, tinignan ko kung ano yung bagay na tumusok sa akin. “swiss knife? Kanino to…infairness ang ganda huh… oi pareng bench kanin-“ napatigil ako sa pagsasalit ng makita ko ang nakaukit sa tagiliran nito. “siguro dun to sa lalaki ano, aba bastos na lalaki yun nilapastangan ang aking paboritong upuan… at dahil diyan akin na lang tong swiis knife na to..ganda huh..” inilagay ko sa bulsa ang nakitang bagay at umupo sa kandungan ng aking kabarkadang si pareng bech.



……………………………



            Bago ako umalis ng bansa ay dinalaw ko muna ang kaisa isang taong minahal ng lubusan, nasa loob lang ako ng kotse ko habang tinatanaw ang kanyang bahay mula sa malayo. “patawarin mo ako kailangan kong lumayo..sana maintindihan mo ako…mahal na mahal kita JN…” hindi ko na kinaya ang emosyon ko at umalis na ako. Habang binabagtas ko ang daanan ay nakita ko an gaming paboritong tambayan ni JN. Ipinarada ko ang kotse sat bi ng poste saka ako bumaba at pinuntahan ang paborito naming upuan. Inilapat ko ang aking katawan at dinama ang hampas ng hangin sa aking mukha. “patawarin mo ako JN….babalikan kita sa tamang panahon pero kung makakakita ka man ng taong iapaplit mo sa akin ay sana mahalin ka nya na gaya ng pagmamahal ko sayo, at sana ingatan ka nya.” Nilakad ko ang kinalalagyan ng aking kotse at kumuha ng isang papel at ballpen, bumalik ako sa aking inuupuan kanina at doon nagsulat. “KUNG IBIBGAY KO SIYA SAYO INGATAN MO SIYA diba ikaw lagi ang kinakausap ni JN pareng bench? Hehe kung ibibgay ko ba siya sayo aalagaan mo siya? para naman sasagot... oh eto kung sakaling hindi man ako makabalik kay JN, ihatid mo to sa taong magmamahal sa kanya ng totoo at hinding hindi siya iiwan  . . . hindi gaya ng ginawa ko... galingan mo sa pagpili ha...kung maling taong ang ibibigay mo sa mahal ko susunigin kita hahaha” ifinold ko ang papel hanggang sa magkasya sa konting awang. “ayusin mo ang pagpili kung hindi makakatikim ka sa akin!” yon ang huling salitang iniwan ko bago ko tuluyang iwan ang pilipinas at at kaisa isang taong pinagalayan ko ng pagmamahal.





Itutuloy....

No comments:

Post a Comment