Wednesday, February 16, 2011

TELL HIM Chapter 20

TORN
  






"the truth . . . .
the promise . . . 
 . . . and the comeback"







Halo halong emosyon ang aking nararamdaman, takot, kaba, ar pagbilis ng tibok ng puso isama pa ang paghalingkat ng aking isip sa nakaraang panaginip, kung saan hinahabol din ako ng isang lalaking hindi ko makita ang mukha kagaya ngayon na pakiramdam ko ay hinahabol din ako ng hindi ko kilalang lalaki. Buong tapang kong nilingon ang taong humawak sa aking balikat kahit na nangangatog aking tuhod at parang gusto kong maihi sa sobrang nerbiyos.



“Pete!” agad ko siyang niyakap, unti unting tumulo ang kanina ko pa pinipigilang mga luha.


“anong nangyari?” sinuklian niya ng isang mapagkalingang yakap, ramdam ko ang kapanatagan at ang kapayaan sa kanyang dibdib, at patuloy parin ang pag agos ng aking masaganang luha.


“Pete may humahabol sa akin. . . .hindi ko kilala pero . . . pero huhuhu” hinagpis ko sa kanya


”tahan na.. nandito na ako. Wag ka ng umiyak hindi ka niya makukuha sa akin” pagpapakalma niya sa kin.


”halika na sumakay na tayo” inalalayan niya ako hanggang makasakay ako ng kotse. Ng masarado na niya ang kotse ay muling nagring ang telepono ko. natatakot akong makita kung sino ang tumatawag, nagdadalwang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Tinignan ko ang ang screen ng aking cellphone habang nanginginig ang aking kamay, ”si Cherry….” Nawala ang takot na aking nararamdaman.


“hello”


“hoy nasan kang bakla ka?” intrigerang tanong ni Cherry


”pauwi na ako..Cherry may humahabol sakin huhuhu….”


”ano?! Teka bakit nasan ka sinong kasama mo?”


”si Pete . . . dumating na siya, pauwina kami”

”teka ano ba talgang nangyari?” kwinento ko na kay Cherry lahat ng nangyari


---------------------


            Nakarating na kami ni Pete sa bahay, halos ayaw na akong iwan ni Pete, lagi siyang nasa tabi ko, hindi niya ako iniiwan. ”magpalit ka nang sim” mungkahi ni Pete. ”Pete sa tingin ko it’s no use… alam niya ang address ko, yang bulaklak na yan siya ang nagpadala” tinuro ko ang bulaklak na nakalagay sa flower base, ”Pete natatakot ako…” magsasalita pa sana siya ng biglang tumunog ang cellphone ko.


”siya ba ang boyfriend mo!” nakalagay sa mensahe. Ipinakita ko ang textmessage kay Pete. Nagkatinginan naman kami ni Pete, hindi ko alam pero parang napaisip din ako sa messagen a yon. ”boyfriend ko nga ba si Pete?” bulong ko sa sarili ko.


”wag mo na lang pansinin, matulog ka na, wag kang mag alala hindi ako aalis dito, babantayan kita” umupo ulit siya sa uluhan ng kama ko at sinanda lang katawan sa headboard kagaya ng posisyon niya kagabi. ”dito ka na sa tabi ko” ako. Tumingin naman siya sa akin na may matang nagtatanong kung ayos lang ba na tumabi sa akin.


”dito ka na please” pagmamakaawa ko sa kanya.


”sige….” humiga siya sa tabi ko. Hinaplos niya ang aking uluhan at hinagod niya ang mga buhok, muli kong naramdaman na panatag ang aking kalooban at unti unt ina sin akong dinalaw ng antok sa mga bisig nya.


            Naramdaman ko ang pamimigat ng aking pantog kaya minabuti ko ng dumilat, tumayo ako at nagtungo sa CR. Nang mapalingon ako sa bintana ay nakita ko ang isang kotseng hindi ko kilala. Nahiwagaan ako kaya naman sinilip ko kung may tao ba sa loob nito, dahan dahan akong lumapit sa sliding window at sinilip ng maayos ang kotse. Laking gulat ko ng magbukas ito ng window shield lumabas ang isang kamay nito at kumaway sa aking kinaroroonan, bigla bigla ding nagring ang cellphone ko.


Calling….
Marcus Enriquez


Sinagot ko ang tawag para malaman ko kung siya nga ba ang tumatawag. ”he . . hello”


”hi JN….”


”Marcus please sino ka ba! Tinatakot mo ako”


”Bakit ka natatakot? Hindi naman ako masamang tao…”


”kung hindi ka masamang tao bat mo ako sinusundan!”


”dahil mah-….dahil akin ka lang…”


”please Marcus sino ka ba talaga, ayoko ng ganitong natatakot!”


”wag kang mag-alala malapit mo na akong makita…. Malapit na malapit na…. at saka . . . please . . . wag kang matakot…” END CALL



--------------------------------------



Natapos ang isang linggo, isang napakagulong linggo…buti na lang nandiyan palagi si Pete… hindi nya ako pinabayaan, hindi niya ako iniwan… isang linggo na ding hindi nagparamdam si Marcus…



hello” bati ni Cherry


“happy birthday bestfriend! I love you!!!!” bati ko sa aking pinakamamahal na bestfriend


“thank you bessy…… ano nasan ka na?”


“papunta na po diyan… hehe..”


“kasama mo si Pete?” tanong niya sa akin, nanibago ako kasi parang may bakas ng pag aalala.


“oo, teka teka teka, bat parang hindi ka kinikilig? Si Cherry ka ba talaga?” takang tanong ko


“huh. . . ah eh . . . siyempre naman kinikilig ako ano kaba” hindi ako kumbinsido sa sagot niya


“o sige na, intayin kita huh!” paglilihis niya ng usapan.


“sige happy birthday ulit!” END CALL



            Nang dumating kami sa bahay nila Cherry madami ng guest ang nakaupo sa mag hinandang chairs and table sa garden nila. “grabe ang yaman talaga ni Cherry” naibulong ko sa sarili ko. May live band na tumutugtog, may video ni Cherry mula pagkabata hanggang present, wow ako yun ah! Hehe. Napasama pa ako, may buffet table din. Mukhang lahat ata ng schoolmate naming makikikain kena Cherry haha. Ang ganda ng setting grabe, talgang mapapawow ka sa engrandeng design, parang sosyal-rakista ang dating. Pagkita naming ni Cherry ay nagyakapan kami.


“happy birthday bestfriend! I got you a present! Si Pete ang nag isip niyan” nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa nabanggit ang pangalan ni Pete.

“talaga! Salamat Peter!” bati niya kay Pete at bineso din.


            Umupo na kami sa table na nakalaan sa amin, kumain, nagkwentuhan, nagkatuwaan. Pansin kong lima lang ang nakalagay na chair at ang dalawa ay bakante. Hindi ko na lang masyadong pinansin at pinagtuunan ko ang bandang kumakanta, nagkwentuhan naman si Cherry at Pete, may ilang bumabati kay Cherry at lumalapit sa table namin. Nandun din pala ang dean naming at ang iba pang faculty, pati ang mga CI namin sa hospital.nakaramdam ako ng isang pakiramdam na may nakatingin sa akin. Kinabahan nanama ako, para na akong may trauma sa nangyari dati. Hinanap ko ang posibleng nakatingin sa akin nang biglang may umupo sa tabi ko.


“hey” bati niya sa akin na aking ikinabigla lalo na ang porma niyang naka v


“hey . . .”


“pwede ba tayong mag-usap?”tanong niyang nagmamakaawa sa akin.


“si . . . si-sige” matipid kong sagot. Nakita ko naman na nakatingin si Pete sa bagong dating


“mag . . .mag-uusap lang kami” sabi ko kay Pete at Cherry, nakita ko naman na parang masiglang nakatingin si Cherry sa taong ito.


            Dinala niya ako sa may pool area na nasa likod ng bahay nila Cherry, walang tao pero may liwanag na naggagaling sa pool. Naupo kami sa tabi ng pool, tinanggal niya ang kanyang sapatos at medyas, itinupi niya ang kanyang sout na pants hanngang tuhod kaya’t ganun din ang aking ginawa, inilapat naming an gaming mga paa sa mahinahong daloy ng tubig sa swimming pool. Malamig ang simoy ng hangin at ramdam na ramdam ko ang pagbalot nito sa aking katawan dagdag pa ang pagdampi ng tubig sa aking mga paa at binti. Hindi naman ito nakaligtas sa mga mata niya. Hinubad niya ang kanyang leather jacket na sout at nilagay sa akin. Tinigtigan niya ako na para bang ngayon lang niya ako nakitang muli, na sabik na sabik siyang makita ulit ako. Kita ko ang lungkot ng kanyang mga mata na wari’y ba’y kinawawa ng buong mundo. Hindi siya nagsalit tanging mga mata at ngiti niya lang ang tanging nangusap. Pinaglaruan niya ang tubig na dumadaloy sa aming paa, sinipa sipa niya ito na para bang bata na sabik makapaglaro sa swimming pool, hindi nagtagal ay nagsimula na din siya magsalita.
“kumusta ka na?” tanong niya


“ummmm ayos lang….” nakangiti kong sagot habang nakatingin sa aming mga pang naglalaro sa tubig


“I miss you” napangiti  ulit ako sa kanyang sinabi, nagdiriwang ang aking kalooban sa mga katagang iyon.


“alam mo JN… masaya ako dahil pinagbigyan mo akong makausap ka ngayon” pagpapatuloy niya. Hinawakan niya ang aking kamay at ikinadena sa kanyang kamay. “alam mo . . . hirap na hirap ang aking kalooban noong mga panahong hindi tayo nagkikibuan, I want to tell you everything but I don’t know how . . . naging duwag akong harapin ka, dahil alam kong nasaktan kita . . .” nagsimula ng bumuhos ang kanyang luha “ang isang araw na wala ka sa tabi ko ay parang isang taon na hindi ka kapiling, para akong hinihiwa sa puso sa tuwing naiisip kongako ang gumawa sayo ng sugat . . sugat sa puso mo, hindi ko sinasadyang gawin ang bagay na yon sayo, nakita ko ang iyong pagtangis . . . ang pasakit na dinadala mo, hindi mo lang alam pero kasabay ng iyong pagtangis ay unti unting pagdurog at pagkamatay ng aking puso… parang gusto ko na ding bawiin ang aking buhay dahil sa nagawa ko sayo . . . pero . . . pero nangyari na ang mga bagay na yon, hindi ko na kailanman maibabalik pa… alam mo bang ni kahit na katiting na sandali ay hindi ka nawaglit sa aking puso’t isipan, ikaw din ang nag-iisang laman ng aking mga panaginip, hindi ko maisip kung anong mangyayari sa buhay ko kung mawawala ka sakin, hindi ko kakakayanin, laging ikaw ang nakikita ko, hindi ko na nagawang maging Masaya habang alam kong naghihirap ka. Alam ko din na ang pagbabagong nangyari sayo, saksi ako sa lahat ng iyan. I’ve been watching you . . . sobra akong nagapi ng kalungkutan at pagsisis ng makita ko ang pag kagumo mo ng gabing yon” patuloy pa din ang pag guhit ng mga luhang bumabagsak sa kanyang mata. Itinaas niya ang aking kamay hanggang sa umabot ito sa kanyang mga labi, walang sawa niya itong hinalikan at inaruga na para bang wala ng bukas na darating at wala ng tsansa pang magawa ulit niya yon. “patawarin mo ako JN, pinagsisihan ko ang mga ginawa ko . . . hindi ko intensiyon na gawin yon sayo, I hope you find it in your heart to forgive me. Hindi ko alam kung makakaya ko pang gumising at harapin ang bukas na alam kong may galit na nararamdam ka sa puso mo para sakin.” Sinsero niyang pakiusap, hindi ko namamalayan na habang nagsasalita siya at pagluha ay kasabay din ng pagpatak ng sarili kong luha. “matagal na kitang napatawad . . . hindi ka man humingi ng tawad pero . . .  simula ng makita ka ulit ng aking mga mata ay nawala ang galit na nararamdaman ko.” Hinawakan niya ang aking mukha at tinitigan ako ng kayang maaliwalas na mukha, wala na ang kalungkutang bumabalot sa kanyang mga mata, napalitan ito ng saya, alam kong pareho lang kaming nasaktansa mga nagyari pero. . . ng simulan kong baguhin ang aking sarili ay sinimulan ko na din ang pagpapatawad, mahirap man at mahaba ang proseso nito ay pinilit ko pa din, dahil sa alam ng aking puso na siya ang aking mahal. Pinahid niya ang aking mga luha, sa kaunaunahan pagkakataon ay ipinaramdam niya sa akin ang kanyang nararamdaman. Isang halik ng tunay at wagas na pagmamahal ang aking ngayon ay dinarama.
“hindi ba nangako akong palagi lang sa tabi mo . . . tutupadin ko yun . . . mahal na mahal kita . . .”



---------------------------------



Pagbalik naming sa garden ay nakita namin si Kuya Biboy na kasama ng dalawa, napatingin sila sa akin hindi alintana na may kasama ako. Iba ibang titig ang binigay nila, isang titig ng pagkatalo ang ibinigay ni Pete, gayon din si Kuya Biboy pero isang titig ng pangamba at pag aala ang binigay ni Cherry habang may nagsimulang magsalita sa gawi ng banda.


“Para po ito sa isang taong iniwan ko at nasaktan… mahal na mahal kita . . .  hanggang ngayon…”


Pangako mo saaki'y 'di magbabago
Ngunit bakit nagkaganito
Ako'y iyong nilisan
Wala man lang paalam
Ano ba ang naging dahilan ?

umaba sa puso ko
Nais kong malaman mo
Pagmamahal ko ay 'di magbabago


Maghihintay na lamang ba
Sa iyong mga pangako, woh
Pangako woh oh hoh
Pangako woh oh

Ano ang gagawin ?
Ako ba'y maghihintay pa
Ngunit bakit lumisan ka ?
Magbabalik ka pa ba
Dito sa piling ko ?
Pangako mo sa'ki'y
Asahan ko

Maghihintay na lamang ba
Sa iyong mga pangako, woh
Pangako woh oh hoh
Pangako woh oh

Maghihintay na lamang ba
Sa iyong mga pangako, woh
Pangako woh oh hoh
Pangako woh oh



napako ang mga mata ko sa tanong ngayon ay nakatingin sa akin . . . kilalang kilala ko siya...



hindi ako pwedeng magkamali!



bakit ngayon ka lang... bakit ngayon pa . . . 





Itutuloy...





videokeman mp3
Pangako – Kindred Garden Song Lyrics

1 comment:

  1. hi mr. author nice story as in super marthon ginawa ko wala akong ginawang buong araw kung di basa ng basa hehehe haba nman ng hair ni JN abot hangang dito sa pampanga.... hehe nako lahat yummy para kay JN pati ako naguguluhan gusto ko kay gab kay pete at kay kiko at kay kuya biboy pero kay gab or kiko ako pero pano si pete....huhuhu di korin alam para kanino si JN PERO NO. 1 BET KO SI GAB....PERO SAYANG YUNG PAGMAMAHALAN NI PETE AT JN AT JN KIKO....KASALANAN MO TO MR. WRITER IKAW ANG DAPAT SISIHIN HEHEHEHHEE....mike

    ReplyDelete