Sunday, February 20, 2011

TELL HIM Chapter 22

SERENDIPITY part1
"Don’t look fate can only find you
You can’t choose for something to surprise you
Set sail without a destination
Just see where the wind will take you"



“pare...”


“pare...” batian nilang dalawa. nagtaka naman ako kung bakit ganoon ang turan nila sa isa’t isa. tanging mapagtanong na tingin ang ibinigay ko sa kanila. Nginitian lang ako ni Kiko at nakatungo lang si Gab sa akin.


“ma . . ma-mgakakilala kayo?” tanong ko sa dalawa. nanatiling nakatungo lang si Gab at nakangiti naman sa akin si Kiko.



............................................



                Umuwi na kaming tatlo sa bahay namin na walang kibuan, patuloy ko pa din sinusulyapan si Gab na nanatiling natitig sa malayo habang si Kiko naman ang nakaakbay sa akin. Naguguluhan man ako ay hindi ko na lang ipinahalata. Habang tinatahak naming ang daan ay parang tinatahak ko din ang pinakamalayong daan ng aking buhay at puro tinik ang aking natatapakan, napakahirap ng sitwasyon ko, hindi ako makapag-isip ng maayos, ayaw gumana ng utak ko, ayokong nakikitangmay nasasaktan at ayaw kong ako ang dahilan ng mga ito. Hindi ko naman kontrolado ang mga kilos at gawi ni Kiko at alam kong habang patuloy niya itong ginagawa ay nasasaktan si Gab, at unti unti din akong nasasaktan, gusto man sumigaw ng aking puso ay hindi nito magawa, para akong isang ibong nakakulong sa hawla, isang ibong walang kalayaan, ngunit sa isang banda ay hindi ko din naman magawang awatin si Kiko, dahil sa ilang kadahilanan, una ay upang makabawi sa mga taong nasayang, matahi ang mga napunit na sandali, tagpian ang mga butas ng nakaraan. Pangalawa ay hindi ko ding maitatangging may puwang pa ding umoukupa sa isang bahagi ng aking puso ang nakalaan sa kanya at pangatlo ay hindi ko maintindihan ang mga nagyayari sa akin na tanging kasagutan lamang niya ang makatatapos.



“si-sige pare una na ako.”pagpapaalam niya kay Kiko, hindi man lang siya tumingin o sumulyap sa akin.


“sige pare..salamat sa pag-aalaga at pagbabantay sa mahal ko habang wala ako. . . i owe you one...” tinapik niya ang balikat ni Gab at nagthug hug.


“yeah...you owe me . . . a big one...” nanghihinayang niyang tugon


“teka pare CR lang ako” umalis si Kiko at aktong aalis na din si Gab, tumalikod na siya sa akin, walang salita, walang kibo at walang sulyap. Awtomatikong gumalaw ang aking kamay at hinawakan ang dulo ng kanyang damit na dhilan upang mapahinto siya at tumigil. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang manatili sa tabi ko, gusto ko siyang makasama, ayaw ko siyang umalis at mawala na lang ganito, ayokong mangulila muli sa kanya.


“ . . . ibinabalik na kita sa tunay na nagmamay-ari sayo”bumitiw ang aking pagkakahawak sa kanyang damit at nanlumo ang aking puso sa aking narinig. Tanging hikbi lang ng puso ko ang kaya kong ipakita. Namumuo na ang mga tubig na hudyat ng aking pagluha, ayokong makita niya ang sakit na nararamdaman ko. humakbang na ako at bago pa man lumapat sa lupa ang aking paa sa lupa, there was this warm feeling who sheltered me, isang yakap mula sa aking likuran ang ibinigay niya. “patawarin mo ako... hindi ko sinasadyang mahalin ka ng ganito” kasabay ng huling salitang iyon ay ang pagbagsak ng luha sa aking mata, at tuluyan na siyang lumisan. Akala ko sasaya ako kapag narinig ko ang mga katagang iyon . . . akala ko lang pala. Mas malalim na butas ang iniwan nito sa aking puso. Hindi naming namalayan na may matang nakamasid sa amin. At tuluyan na niyang pinaharurot ang kanyang kotse hanggang sa naglaho na ito


“babe...” nagmamadali kong pinahid ang mga luha, luminga linga siya na parang may hinahanap ”oh nasan na si Goboy?” tanong niya sa akin. “teka umiiyak ka ba?” hinawakan niya ang mukha ko at pinahid ang natitirang luha.


“ah...eh... napuwing lang he . . . hehe. . .” palusot ko


“hmmm sigurado ka ba?” mukhang di siya kombinsido sa sagot ko


“oo naman saka ba’t naman ako iiyak? Para san? Wala naman dapat ikaiyak eh, saka ano naman ang dahilan para umiyak ako....”dederecho pa sana ang dila pero pinutol na niya


“whoa whoa... OW . . . KEI...slow down... hindi ka nga umiiyak” hindi kombinsidong sagot niya. Natahimik naman ako dahil sa alam kong nasobrahan nga ako...hayyy pasensiya hyper kasi ang dila ko. umupo kami sa sofa at dun ko naiisipang itanong sa kanya ang nasa isip ko.


“ah Ki-Kiko...” panimula ko. tumabi siya sa akin at inakbayan ako


“yes babe...” sinulan nanaman  niya akong halikan sa aking leeg patungo sa aking pisngi


“pano mo nakilala si Gab?” maagap kong tanong bago pa man umabot sa labi ko ang kanyang halik. Saglit lang ang kanyang pagtigil at ngayon ay dinerecho niya sa aking labi, huli na para umiwas ako. Isang mainit na halik ang binigay niya sa akin, ngunit isang malamig ang sa akin.


“what’s wrong babe?” takang tanong niya.


“im the one who’s asking the question” ang mahina kong tugon habang nakapikit.


“alright then...” umayos siya ng upo at ganoon din ang ginawa ko. “Gab and I grew up together in the province; he was my bestfriend to be exact, pumasok kami sa isang private elementary, we’re actually rivals back then, si Goboy na siguro ang kaisa isang tao na hindi ko matalo-talo kahit saan, he was mr perfect back then, si mr MVP, si mr. May-i-take-your-bag para hindi ka na mahirapan, at si mr ma’am-i-know-what’s-the-answer-for-that, pati sa babae hindi yan magpapatalo sakin pero dahil na din sa pagiging magkaribal namin sa halos lahat eh we became bestbud dahil sa iisa din naman ang gusto at hilig  namin” napaisip ako sa sinabi niyang iyon “we went to the same highschool din pero nag-iba yon when I transfer in your school remember?” Tanong niya sakin habang nakatitig sa mga mata ko. “yeah and you were Mr. Popularity back then.” Biro ko sa kanya. “haha good days... pero it’s meaningless...” sabi niya. “huh...bakit naman?” takang tanong ko. “it’s meaningless kung hindi kita nakilala” sabi niya at nginitian niya ako ng pagkatamis tamis, namula naman ako dahil sa tinuran niya. “then when my family was being exiled by your father hahaha” tawa nya ng malakas. Pinalo ko naman siya sa hita. “babe wag diyan baka may magalit at hindi makapagpigil hahaha” si Kiko “aba talagang gupitin ko yang magagalit na yan ” biro ko sa kanya. “ilang buwan matapos ang graduation nila ay nagbakasyon siya sa states kung saan ay kapitbahay lang pala namin, nagkita kami one time na nagjojogging ako then we update each other sa buhay namin” sabi niya at tumayo at pupuntang CR daw ulit. “binabalisawsaw ka ba? Akala ko kanina nag CR ka na?” takang tanong ko “ahh sabi ko iinom ako.” Si Kiko “right” takang pagsang-ayon ko. “kwenento ko sa kanya lahat ng nangyari sa pamilya ko, sa akin, satin... i even showed him our pictures together” sabi ni Kiko ng makabalik siya galing kusina “noong time din na yun i got a chance para makausap si ate Ahniz, i asked her kung san ka mag-aaral for college, when she said na doon ka daw mag-aaral sa school na yon naisip kong pakiusapan si Goboy na kung maari ay doon na din sya mag-aral, hiniling ko din na sa kanya na kung pwede ay bantayan ka niya na siya na muna ang bahala sayo, na alagaan ka niya habang hindi ko pa kayang bumalik, hiningi ko rin na lagi ka niyang proprotektahan sa lahat ng oras at wag na wag kang papabayaan at ipapaagaw sa iba. Dahil akin ka lang diba...”niyakap niya ako ng mahigpit “dahil mahal na mahal kita. Alam kong naging makasarili ako sa pabor na iyon pero yon na lang ang nakikita kong tanging pag-asa para malaman kong ayos ka lang at makasiguradong hindi ka mapupunta sa iba at manatiling ako lang ang nasa puso mo.” Humugot siya ng isang buntong hininga “patawarin mo ako dahil pati ang bestfriend ko ay dinamay ko sa mga nangyari satin, asahan mong hindi hindi na kita iiwan kahit kalian.”



                Gulong gulo ako sa mga rebelasyon na yon. “ang ibig bang sabihin . . . . kung ganon nga edi . . . . at kong totoo yon maaring . . . .  aaaarrrrrgggggggghhhh nasakit ang ulo ko!”



........................................



                Umuwi ako sa bahay kung saan binalikan ko ang masasayang sandali ko kasama ang taong pinakamamahal ko. hindi isang pagkakataon na si JN ang unang taong nakita ko sa school noong nag-enrol ako, kasama plano ang mga nagyaring iyon.


                Nagbakasyon ako noon kasma ang family ko bago ako magcollege, we stayed in our house kung saan ay may iniwan kaming katiwala kasama ang aso kong isang Alaskan Malamute na si Jijo. One morning inilabas ko si Jijo para naman makapag bonding kaming dalawa, inikot ko siya sa park sa likod ng church hanggang makabalik kami sa harap ng bahay naming, then i saw a familiar face, nilapitan ko ito para kumpirmahin kung siya nga ba talaga. Hindi nga ako nagkamali dahil kilala ko nga siya, mahaluan man ng itsura at pananamit ng isang amerikano ay kilalang kialal ko ang mokong na yon. “Kiko!” tawag ko. “Goboy?” takang tanong niya, “pare! Ikaw nga!” sabi ko sa kanya habang papalapit “pucha pare anong ginagawa mo dito? Your suppose to be in the Philippines!” sagot niya habang nagpapambuno kami “ulol! Bakit bawal nab a akong tumapak ditto? Nabili mo nab a to? Haha!” at sinakal ko na siya “pucha pare hindi ako makahinga, hindi ka pa din nagbabago ahh, your still strong as a monster hahaha” biro niya “tado! Kumusta hindi na tayo nagkita simula ng lumipat ka sa manila ah...tapos nandito ka pala” ako, “pare mahabang kwento... mahabang mahaba.” Si Kiko na nagiba ang timpla “tara doon tayo sa park! Makikinig ako.” “aarrrffff,, arffff, arrrrff” “oh pati din daw siya makikinig” biro k okay Kiko “sayo pala yan!” takang tanong ni Kiko “oo bakit!” takang tanong ko din “eh tado ka sa kalapit bahay ko lang pala ikaw nakatirang mokong ka haha”



“pare we were exile.....”panimula niya ng makaupo kami sa isang malaking bato, “ulol? Sino ka si Jose Rizal para ipatapon? Haha” tumingin ako sa kanya at mukang seryoso ang loko “seriously Gab” seryong tugon niya. “panong nangyari naman yon? At bakit?” at kwinento nga niya ang lahat ng nangyari, detalye kada detalye, nagugulat naman ako sa aking mga naririnig, hindi ko maipinta ang aking nararamdaman, gulat at paninibago, patuloy pa din siya sa pagkekwento ng hindi na niya kinaya at tumulo ang mga luha niya, puno ng senseridad ang laman ng bawat katagang binibitiwan niya. Hindi din ako makapaniwala sa mga sinabi niya, kilala ko iotng hayup na to, babaero to eh, at kahit nailing indecent proposal pa ng mga bakla ay hindi niya nagawang pumatol sa kahit isa manlang sa kanila pero sa mga naririnig ko ay talagang nakapagpalaki ng mga mata ko. pero sa kabila noon ay may nabuo sa aking isipan, pano nkaya nagawa ng taong iyon nag awing ganito si Kiko, isang babaero na naging matino, isang tarantadong naging masunurin, isang basag ulong takot sa isang lalaki din? at isang walang alam sa nararamdaman ng iba na ngayon ay baliw na baliw sa isang lalaki, sino ba talaga ang JN na yan, ng mabigwasan at mabalian ng buto. “pucha pare hindi nga? Ikaw ba talag yan!” ngumiti lamang ito “binago ka ng JN na yon? Wahahahaw...ibang klase ka din pala noh...teka sino ba yang JN na yan ng maturuan ko ng leksyon hahaha” hinugot niya ang kanyang billfold “eto siya oh...” pinakita niya sa akin ang picture nilang magkasama sa wallet niya, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, ang mata niya ay parang nangungusap sa akin, kahit ang kanyang mga labi ay parang ngumingiti sa akin “pucha ano ba to!” tudyo ng isip ko. “eto pa pare.” Ibinigay niya ang kanyang phone at halos litrato lahat ni JN ang nakalagy doon, may magkasama sila pero mas marami ang solong kuha. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, bumubilis ang tibok ng puso ko habang nagbra-browse ako ng pictures niya, parang habang tumatagal ay gumagaan ang loob ko pag nakikita ko siya, hindi ko maipaliwanag ang saya na aking nararamdaman pag nakikita ko siyang nakangiti, hindi man sa akin ang ngiting iyon ay parang tumatagos sa kalooblooban ko.



“pare tama na baka mainlove ka pa sa babe ko hahaha” pag aagaw niya sa phone niya


“u-ulol!” at tumawa kami pareho “arrrffff!” nakitawa din si Jijo. Pero sa likod ng tawang iyon ay isang pangamba.


“pare san ka mag-cacollege?”seryosong tanong niya


“sa manila...” maikli kong tugon


“pare pwedeng humngi ng pabor?” nakatungo niyang tanong


“oo pare kahit ano basta ikaw! Para naman makabawi sa tagal nating hindi nagkasama hehe” sagot ko sa kanya


“pede bang doon ka na lang mag aral sa papasukan ni JN na school” seyoso niyang tanong sa akin habang nakatitig


“huh? ba-bakit?”


“sige na pare... gusto kong malaman ang mga nangyayari sa kanya, gusto ko sanang punana mo ang mga bagay na hindi ko na nagagawa ngayon para sa kanya, gusto ko sana na alagaan mo muna siya habang nanadito pa ako, protektahan siya, ilayo siya sa kapahamakan, gusto kong may isang taong tatayong ako sa mga oras na hindi niya kaya ang lahat, sa mga panahong wala siyang malapitan, gusto kong ikaw ang maging sandigan niya, ikaw ang maging tagapagligtas niya pansamantala, i know t’s too much pero im desperate... ikaw lang kasi ang kilala kong malalapitan ko ngayon, pakiusap pare, kahit ano gagawin ko basta sundin mo lang ang pabor na hinihiling ko sayo...pakiusap pare” buong senseridad niyang pakiusap sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko, perodahil nga sa matalik ko siyang kaibigan ay hindi ko siya magawang matanggihan pa.


“sige pare...pero . . .”pagsang-ayon ko


“pero?” takang tanong niya.


“wala basta ikaw ang may ideya nito ha!”


“oo pare, basta ingatan mo lang siya at gagawin ko ano man ang gusto mong kapalit!” pagmamakaawa niya


“ulol! Haha ngayon lang kita nakitang magdrama eh.”


                Bumalik na nga ako sa Pilipnas dalawang linggo bago mag enrolment, isang linggo ko din pinagaralan lahat ng gagawin ko. pagkadating ko ay nagenrol na din ako, kakaunti pa lang ang pila, nakapila na ako ng may mapulot akong isang blue na checkered na panyo, hindi ko alam pero ng hawakan ko ito ibang kaligayahan ang naramadaman ko. natapos ang nasa unahang pila ng umalis ito sa linya ay agad kong nakilala “fuck! Nandito din siya, patay na! hindi ako dapat makita nito!” bulong ng isip ko, magtatago sana ako ng bigla itong lumabas at nawala. Nakahinga naman ako ng maluwag. Natapos ang pageenrol ko at iikutin ko na ang buong campus para mafamiliarize ako sa mga building. Naglalakad lakad ako sa corridor sa may isang garden ng may biglang may lumaglag na bagay sa ulo ko “aahh fuck! Sakit nun ah!” hinanap ko kung anong bagay ang tumama sa ulo ko. “piso? Tarantado yun ah.. sinong nambato nun” lumingon ako at naghanap pero wala namang tao. Umalis na ako sa may garden para hindi na uminit pa ang ulo ko. timungo ako sa isang bench para doon umupo at magpahangin. Inilagay ko ang isang kamayko sa sandalan ng may maramdaman akong isang madikit na bagay naisip kong baka bubble gum “sh*t kadiri yun ah..” inaangat ko ang kamay ko and to my surprise it was a sticker, isang sticker na hindi ko maintindihan kung anong itsura basta alam kong halatng ginupit yun. Pinagmasdan ko ito at ng kinalaunan ay nakikita ko na lang ang aking sarili na diinikit ito sa aking wallet. “ano ba tong ginagawa ko”




Itutuloy.....

1 comment:

  1. ang galing mong magsulat, actually inumpisahan ko kahapong basahin ang tell him, at ngayong gabi ko lang natapos hanggang dito sa chapter na to. nakakatuwa at mrami ng mga taong, nag lalabas ng kanilang mga talento sa pagsusulat, nakakakilig nakakalungkot, nakakatawa, nararamdaman ko ang nararamdaman ng lahat ng mga karater sa kwento... pag patuloy mo pa at maraming salamat sa kwento mo... pero grabe rapunzel si JN. i really wanna see him, i wanna know kung anu ba talaga ang itsura ng taong sa picture palang eh magiging bi na ang straight... hehehe. joke... congratz robo. keep it up.

    ReplyDelete