Sunday, February 6, 2011

TELL HIM Chapter 14

DECLARATION




"how can i tell you . . .  
 . . . . maybe with this song"









But I know to whom you should belong.....


_____________________



Bumaba ako dahil naamoy ko ang napakasarap na niluluto ni Nay Minda. “ang bango, nakakagutom...” Pagpasok ko sa kusina nakita kong si Pete ang ang nagluluto, wow . . . ang gwapo nyang tignan habang nakasuot ng apron hehe. Humarap siya sa akin at binigyan ako ng isang ngiti.


“goodmorning Pete...” nginitian lang nya ko pero di siya ngbigkas ng kahit anong salita


“uhmm Pete . . . may problema ka ba?” hindi pa din siya umimik pero nginitian lang nya ako.


“kahapon ayaw mong magsalita tapos ngayon puro ngiti naman ang sagot mo...ano ba talaga ang problem Pete? Baka makatulong ako...” umupo ako sa mesa habang naghahain si baby este si Pete


“anak good morning...” si mama umupo na din sa mesa


”ma tignan mo si Pete ayaw akong kausapin” ang pagsusumbong ko kay mama na parang bata


”uh.. bakit naman Pete?” napatingin siya kay Pete habang nagsasalin ng juice sa baso ni mama


”wala po ma’am..” ngumiti lang si Pete kay mama sabay kamot sa ulo, tumingin naman siya sakin  habang nakangiti.


Alam ko namula ako kase naginit yung tenga ko, ”kase naman puro ngiti na lang ayaw akong kausapin, pag ako nasanay . . . baka . . . ” ang mahina kong bulong


”ano yon anak?”


”ahh wala po ma” ang pagmaaangmaangan ko. ”Yari ka sakin Pete pag di ka pa din nagsalita”  tumalikod naman si Pete at pumunta na sa kwarto nya.


Inilapit ko ang ulo ko paharap kay mama ”ma anong oras kayo uuwi?” bulong ko.


”5 bakit?”


”ahh ok po, hmmmm ma…pwedeng . . .”


”pwedeng ano?”


”pwede bang gabihin ako mamaya? Ipapasyal ko si Pete…”


”sus…. Magdadate kayo?”


”sshhhh ma wag kang maingay! Hindi yon date, hindi kasi ako kinakausap eh  kaya may gagawin ako sa kanya… please ma?”


”oh sige na… ayaw pang amining date eh… at saka ano yan? LQ? hihi”


”haha mama naman eh, LQ ka dyan di p anga kami masyadong close..ahihih” ang kinikilig kong tugon kay mama


Naputol ang usapan namin ng lumabas na si baby Pete. ”aahh ma’am nasa kotse lang po ako kung kailangan nyo ako.” tumingin lang siya sa akin at ngumiti pero di nanaman ako pinansin


”see ma? ayaw nya akong kausapin! Mamaya ka sakin Pete….HAHAHAHA!” pagalis ni Pete binulungan ko ulit si mama


”mama diba mas maganda kung may uniform si Pete?”


”uniform? Anong uniform?”


”uniform ng basurero ma! Syempre uniform ng driver”


”haha ok sige bilhan mo, ay oo nga pala nagbigay ng credit card si papa mo sayo, eto oh”


”wow . . . gagamitin ko na mamaya pambili ng uniform ni Pete k- . . i mean ni Pete”


”ok sige alis na ko anak” kumiss na ko kay mama at tuluyan na siyang umalis.Hinatid na ni Pete si mama at binalikan ako sa bahay. Kinuha nya ulit ang bag sakin at siya ang nagdala. As usaual di pa din nya ako iniimikan. Pagkapasok nya sa kotse ay humarap ako sa kanya.


”pete hindi mo ba talaga ako kakausapin?” pinihit nya ang susi at pinaandar nya ang kotse.


”Pete . . . Pete . . . . Pete . . . . . Pete . . . . . Pete . . . . ” ayaw talaga nya ako kausapin, tinapik ko siya sa balikat. ”oi Pete” tumingin siya sa akin at kinindatan ako. ”oohhh what was that?” namula ako sa ginawa nya. ”ahuh! Alam ko na . . .”


”hmm hmm hmm hmmmm hmm hmmmm please love me to coz i know you’ll never do, hmm hmmm hmmm hmmmm is waiting there inside for you . . . hooo maybe it’s wrong to love you more each day coz i know he’s here to stay...” tumigil siya sa tagiliran, nagulat at tumingin siya sa akin at halatang namumula at mukang nahihiya pa. “oh bat ka tumigil?”


“aa . . . .ahhh” ang nakanganga nyang bibig


“what? Ikaw ha may tinatago ka palang boses ha... but my love is strong,, i don’t know if this is wrong but i know to whom you should . . . belong . . . .” muli ko siyang tinignan at nakanganga siya sa akin. Hinawakan ko ang kanyang baba at itaas, “baka pasukin ng langaw ahehe”

“pa . . . pano mo nalaman na . . . ”


”well hindi ako makatulog kagabi kase hindi mo ako kinakausap, nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako ng kusina, aakyat na sana ako ng may marinig akong kumakanta, akala ko nga may multo eh, kaya nga hinanap ko ung boses tas aun turns out ang gwap- i mean ikaw pala yong multong kumakanta hehe”


”did i dusturb you?


nako naiinggit nga ako sa kinakantahan mo eh tsk no, not at all, pinanood pa nga kita habang kumakanta eh hehe galing mo palang kumanta” nakita kong namula si kolokoy hehe.


”sa. . salamat ikaw din naman”


”ikaw lang hehe wag mo na akong isali, tara na baka malate pa ko hehe” yes! Sa wakas nagsalita na din siya! Kinausap na nya ulit ako


”ahh Pete?”


”hmm?”


”mamaya agapan mo ang pagsundo mo sakin ha…”


”ok sige may pupuntahan ka ba?” ang pagtatanong ko sa kanya

“tayo..”


“tayo?”


“oo tayo! Tayo na Pete ahihi


”san naman tayo pupunta?” ang pag aalala nya


”sa . . . hmm secret . . .  hehe basta dun sa mahuhubaran kita! HAHA” lumuwag ang kanyang mga labi sa aking nabanggit, oo Pete huhubadan kita! Haha tapos aaaiiiii…….hahaha




------------------------------------------



”yes! uwian na!” ang excited kong sigaw, lalabas na kami ni Pete ahihi



”oh bat ang saya saya mo? Wala ng bukas???”



“haha basta . . .”



“HMMMM May nangyari ano?” ang pangiintriga ni Cherry



“haha ano naman ang mangyayari?” napaisip ako “ay oo nga meron! haha”



”ay ano yon? Siguro nirape mo si baby ko ano? Walangya ka talaga i hate you inagawan mo nanaman ako” ang maarte nyang balik sakin



“haha dream on bestfriend! Di naman siya naging sayo! Ahahah” kase akin siya..at kahit kalian hindi siya magiging sayo AHAHAHA (EVIL LAUGH)



“che! Malapit na kaya wag kang umeksena ahihi” ang kinikilig nyang tugon



“duh! Panong di ako eeksena eh kami ang magkasama araw araw!”  BBBLLLAAGGGG may nabagsak na libro, tinignan namin ni Cherry kung kanino yun. “si Goboy o nagpapansin sayo” ang bulong ni Cherry sakin. “ano ka ba, nahulog lang nag libro nya don’t make an issue out of it” ang pagkontra ko, “namimiss na kita Goboy . . . haaayyyy . . . kung pwede lang . . . kung pwede lang  . . . ”


“hmmm im sensing something here....”ang makahuluhang banat ni Cherry sakin



“ano yon madam Auring? Haha”



“che! Ganda ko para maging si Madam Auring . . . mukha atang nagbago na ang ihip ng hangin ah.. mukang wala ka ng balak gawin ang mga plans mo sa kanya ah...”


“haha di naman ako nagplan talaga ah and i never will, sabi ko naman sayo diba hindi ko saiya kayang makikitang masasaktan, maha- wait” i got a call from . . . BIBOY


Constantly your on my mind
Thinking ‘bout you all the time
I can sleep no matter what i do
I just keep on thinking ‘bout you – “hello?”


“tingin ka sa labas!” tumingin ako sa labas at nakita ko siyang nakangiti at kumakaway sakin.


”I miss you!” sabi ng kabilang linya


”haha weh?”


”oo naman di ka naniniwala?”


”naniniwala po”


”hey may lakad ka ba tonight? Can we go out?”


          Napatingin naman si Cherry sa labas at nakita nya si Biboy “hoy anong pinaguusapan nyo ha! Ang landi mo bessy! Ahihihi” si Cherry na inilapit ang tenga sa phone ko para makichismis


”sorry kuya Biboy pero i have plans for tonight eh…


“ah ganun ba? May lakad ba kayo ni Cherry?”


“aahh eh..oo eh..”


“may lakad tayo bessy?” ang pagtataka ni Cherry, tinignan ko nalang siya ng masama. “ay oo nga pala may lakad tayo mamaya” nagets nya ang aking titig


”alright… hmmm sige intayin na lang kita mamaya umuwi”


”ok po…”


”hey  . . .”


”po?”


”i miss your lips . . . ” nanlaki ang mata ni Cherry sa narinig nya. Agad siyang tumayo at inilagay ang kanyang dalawang kamay sa bewang


”hoy!!! May nililihim ka na sakin!!” ang pang iintriga ni Cherry sakin


”aahh . . . ” ngumiti at napatigil ako, lumayo ako ng konti kay Cherry  ”kuya Biboy narinig ni Cherry hehe wag ka kasing maingay”


”oh sige na hehe see you later..” end call, kumaway ulit siya sakin. Kinawayan ko din siya at nginitian


“HOY JN MARTIN!!!!!!” ang bulyaw sakin ni Cherry


“haha bakit??” tumakbo ako palabas ng room ng di sinasadyang mabangga ko si Gab. muntik na akong mapahiga pero maagap pa siya sa alas kwatro para saluhin ako. Hindi ako makagalaw sa aking posiyon, nakahiga ako sa bisig nya habang sya naman ang nakayakap sakin ang isang kamay nya ang nakaalalay sa aking ulo. Nakatitig siya sa aking mga mata,wari’y tinitignan ang bawat delalye ng aking mukha hanggang sa ito’y rumehistro sa kanyang isipan at di na mabura.


“ayos ka lang ba?” ang tanong nya sakin habang nakatitig sa aking mga labi.


“superman . . .” ang tangi kong naisagot.” niligtas nanaman ako ni superman. Ang ilang segundo ng pagtititigan namin ay parang ilang oras na. Ang lahat ng masasaya naming sandali ay bumalik sa aking gunita. Namiss ko ang kanyang presenya, ang kanyang mukha, ang pangungulit nya, namiss ko siyang maglambing at magasar sa akin.


”hoy Lois Lane . . . ” ang pagbasag ni Cherry sa moment ni superman at lois lane bwisit ka talaga Cherry! Ngayon ko na nga lang ulit mapagmamasdan ang superman ko eh. Itinayo nya ako pero nakatitig pa din kami sa isa’t isa. ”OK ka lang ba?”


”aahhh. . . . ” napipi nanaman ako. Bat ganito na lang lagi!


”ahhmmm may masakit ba sayo” hinawakan nya ako sa kamay


“GAGAMBA!” ang pangigitla sa akin ni Cherry


“aaaahhhhh!!!!!” may trauma ako sa gagamba at hanggang ngayon ay di ko pa ito naoovercome kaya napakapit ak okay gab at napayakap sa kanya.


”whoa.. ” ilang sandali ng katahimikan ang namayani sa aming tatlo. Buti na lang at wala ng ibang tao sa room namin kungdi kami na lang kung nagkataon ay napakalaking eskandalo ng posisyon ko ngayon.


”hey . . . dont be afriad . . .hindi kita papabayaan. . .” napatingin naman ako sa kanya.


“E-EHEM. . . akala ko gagamba langgam pala...” kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. “aahhmm sorry, nabig . . nabigla lang ako..”


Constantly your on my mind
Thinking ‘bout you all the time
I can sleep no matter waht i do
I just keep on thinking ‘bout you – “hello ma...   ok po . . . “ –END CALL


“excuse me” si Gab, tumango ako sa kanya. Tinapik naman siya ni Cherry sa balikat atinanguan na parang may gustong iapahiwatig pero di ko maintindihan ”mukang sila lang ang nagkakaintindihan ah” At tuluyan na siyang umalis.

”so Lois Lane kumusta ang pagkahulog mo sa 100 floor at ang pagcapture sayo ng Giant IMAGINARY Spider? Hahaha”


”kung ako si Lois Lane ikaw si Lex Luthor! Panira ka talaga ng moment kahit kailan eh” ang inis kong sabi sa kanya


”haha eh ganun talaga… kung may superhero may super villain HAHA” at tumawa ang demonyita sa pelikula


BBBEEEEPPPP BBBEEEEEEPPPP . . . binuksan ko ang message at dali dali akong umalis, di ko na naiitay pa si Cherry.


“hoy intayin mo naman ako. Ipukpok ko kaya sayo tong high heels ko” ang patakbo nyang sigaw sakin


haha sorry naman”



“bat ba nagmamadali ka?” umakbay na sakin si Cherry


“andyan na kasi si Pete” nagliwanag ang mga mata ni Cherry.


”andyan na ang baby ko? Tara na dali!” nauna pa siyang lumakad sa akin



-----------------------



”hi baby!” ang bati ni Cherry kay Pete habang kumakaway na parang kasali sa Ms. Not so Beautiful 2011. Ngumiti naman si Pete sa amin, kukunin na nya sana ang bag ko ng hawakan ni Cherry ang braso nya. ”baby do you wanna eat ME?“ tinignan ko siya ng masama “ . . . RIENDA! HE HE HE”


“ah wag na po nakakahiya naman po, saka po . . .” namumula nyang sagot kay Cherry.


“ahh Cherry uuwi na kami, tumawag si mama diba?”


“ay oo nga pala, oh sige baby next time na lang!” Kumalas si Cherry at bumeso na sa akin.



“oh bessy pano alis na kami, sorry di mo malalandi si Pete . . . NANAMAN HAHAHA!”



“ok lang yun may next time naman eh, BYE BABY! SEE YOU LATER, INGAT SA PAGUWI, DRIVE SAFELY, EAT YOUR DINNER MAMAYA, DONT SKIP MEALS, TAPOS SLEEP TIGHT, DONT LET THE BED BUGS BITE, SEE YOU IN MY DREAMS!”



“baka may nakalimutan ka pa?” ang sarkastiko kong tanognsa kanya.



”ay oo KISS KO BABY” susugudin na siya ni Cherry ng hawakan ko siya sa braso



”OFF LIMITS ZONE YON!”



”daya naman nito, DAMOT! CHE!”



“bye bessy! See you bukas!” pinasakay na ulit ako ni Pete sa front seat. “bye bestfriend!” kumaway pako sa kanya pero inismidan ny ako. Haha sira talaga


“uuwi na ba tayo?” ang tanong ni Pete ng makasakay ng kotse


“huh? hindi pa, diba sabi ko we’re gonna buy you your uniform?”


“eh kase sabi mo tumawag si ma’am eh kaya uuwi na tayo” ang pagtatanong nya


“ah hehe para lang makaalis na tayo kasi kukulitin ka pa ni Cherry eh SELOS AKO” ang bulong ko sa sarili.


“ahh heheh san tayo?”


“sa mall!”


--------------------------- 



Pagkadating namin sa mall ay agad na kaming gumala. Pumasok kami sa isang kilalang boutique para hanapan siya ng uniform siyempre hindi ordinaryong uniform yon na katulad ng mga taxi driver hahaha, Iba ang balak ko! I want him to be like my boyfriend pag susunduin nya ako at ihahatid, para mas lalong maglaway si Cherry at lalong mainggit hahaha



Kumuha ako ng ilang long sleeves at ilang slacks.  Iba’t ibang kulay ibat ibang style at alam ko naman na lahat yon ay bagay sa kanya. Ipinasukat ko sa kanya pero hindi ko tinignan,gusto ko kasing masurprise bukas, ipinaubaya ko na sa sales lady ang pagcheck. ATE WAG MONG SISILIPAN HA BAKA DUKUTIN KO YANG MATA MO!


Lumabas ako at pumasok sa footwear, tumingin ako ng kicks, chuck taylor at vans na babagay sa mga kinuha kong damit, ayoko kase na magblack leather siya, mag mumuka na siyang executive pag yon ang footwear nya. Bumalik ako at sakto naman na tapos na siyang magfit. Pumunta kami sa footwear na pinuntahan ko at pinasukat ko ang mga napili kong shoes.


“ayan.. bagay sa mga damit mo.” Bumili kami ng dalwang pair para may pampalit siya na bagay naman sa mga damit na nabili namin.



”ang dami naman nito, ang mamahal pa, ibawas mo na lang sa sweldo ko JN”ang nagaalinlangan nyang sabi sakin


”hey . . , you dont have to worry, alam ni mama  ang tungkol dito, kaya wala ka ng dapat alalahanin, saka hindi ko ipapabawas sa sweldo mo to. Basta galingan mo lang pagdradrive (SA BUHAY KO)  ok na yon”


”nakakahiya naman ang dami ko ng utang sayo”ang nahihiya nyang pahayag


”anong utang?”


”yong sa mcdo tapos itong lahat na to”


“haha di naman ako naniningil eh.” kinuha nya ang mga bitbit ko kahit na ang dami dami na nyang dala.


“basta babawi ako sayo . . .” 


”oy ang dami mo nang bitbit akin na yan!”ng akmang kukunin ko na ang mga bag ay hinawakan nya ang kamay ko,


”wag na, kaya ko na to.” Nilagay nya ang dala nyang bag sa kaliwa nyang kamay at umakbay sakin. Napatigil naman ako sa kanyang ginaw, parang nakuryente ang aking buong pagkatao sa paglapat ng kanyang katawan sa akin. Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa isang videoke machine




”alam ko na! Diba sabi ko gusto kong bumawi!” nakatitig siya sa akin habang nagtatanong



”hmm di mo na nga kailangan pang bumawi hehe kulit mo” pinisil ko ang ilong nya. hehe one point!



”basta, gusto ko bumawi kahit sa ganitong paraan lang.” agad siyang pumunta sa token booth



”sige eto.  042589” kinuha nya ang mic





”para sayo to . . . . ”





”pinondot nya ang buttons at lumabas ang title ng song”



SOMEWHERE IN MY PAST




I met you just tonight
but i keep wonderin why
it seems i've always known you all my life
I held you only once
but i keep wondering why
it seems i've held you forever

Can it be true
Could i be wrong
that somewhere in my past
i fell in love with you

can it be true
could i be wrong
that somewhere in my past
there was also me and you

i kissed you only once
but i keep wondering why
it seems i've kissed your lips so many times
i know you only now 
napatingin siya sa akin habang kinakanta nya ang linyang ito
but i keep wondering why
it seems i've known you forever


Sa totoo lang kinikilig ako habang kumakanta siya. Hindi ko mapigilang mapaisip sa kinakanta nya, swak na swak kase  . . .yon ay kung may gusto siya sa akin na mukha namang malabo hayy ewan,..

Can it be true
Could i be wrong
that somewhere in my past
i fell in love with you

can it be true
could i be wrong
that somewhere in my past
there was also me and you

oh yeah
ah-ha

Can it be true
Could i be wrong
that somewhere in my past
i fell in love with you oohhh

can it be true
could i be wrong
that somewhere in my past
there was also me and you
Ohh hoo yeah yeaahh

I love you only now
but I keep wondering why
it seems i've loved you forever

somewhere...
there was you and i...
somewhere...



Itutuloy...

No comments:

Post a Comment