Wednesday, January 26, 2011

TELL HIM Chapter 7

SURMOUNT



The dogmas of the quiet past are inadequate to the stormy present. The occasion is piled high with difficulty, and we must rise with the occasion. As our case is new, so we must think anew and act anew. 



Nagising ako sa aking pagkakahimbing sa lakas ng ulan, mukang pati ang ulan ay tumatangis din sa nangyari sakin. Wala akong gana bumangon mas matindi ang sakit na nadarama ng aking puso kesa sa bigat ng ulo ko. Maghapon akong hindi lumabas ng kwarto ko, wala akong ginawa kung di umiyak at mgmukmok.

Minsan naisipan kong lumabas ng bahay maglakad lakad at magpahangin. Pinili kong puntahan ang park sa loob ng aming village baka sakaling may mapaglilibangan ako. Umupo ako sa swing walang iniisip na kahit ano, ayokong makaramdam ng kahit anong sakit kaya minabuti kong wag mag isip ng kahit ano ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagtakbuhan ang mga batang naglalaro sa loob ng sandbox at pati na din ang mga batang naglalaro sa slide ay nawala na din. Pinili kong manatili sa swing at magpakabasa sa ulan, may isang eksenang nakapukaw sa aking buong katauhan.


Isang bata ang tumakbo dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan,
nalilito siya kung san siya pupunta,
hindi nya makita ang kanyang mga kasamahan, lumingon siya sa kanan pero wala
lumingon siya sa kaliwa pero wala, sa likodan nya, at sa iba’t ibang dereksyon pero wala
nakakita siya ang masisilungan kaya tumakbo siya doon,
sa pagtakbo nya hindi nya napansin ang batong nakaharang sa lupa.
Nadapa siya at umiyak dahil sa nakita niyang sugat na kanyang natamo
Umiyak siya ng umiyak, hindi niya inalintana ang taong makakakita sa kanya
Nilabas niya lahat ng sakit na kanyang nararamdaman sanhi ng sugat.
Tumigil ang ulan at ang kanyang pagiyak.
Kasabay ng pagtila ng ulan ay ang kanyang pagbangon mula sa pagkakaguho ng sarili.
Tapos na ang bagyo, tumingala ang bata sa mga ulap.
Nasaksihan nya ang pagliwanag ng kalangitan at ang iba’t ibang kulay ng bahag hari.
Tinahak nya ang kanyang daan na may ngiti sa kanyang mga labi kahit na nararamdamn ang kirot ng sugat.
NAPAISIP AKO AT NAPANGITI DIN


Tapos na ang bagyo ng aking buhay. Panahon na harapin ang bagong umaga, 
ang bagong ako . . . . .


Tinawagan ko si Cherry at nagpasama sa kanya..”friend buti naman naisipan mo tong gawin!” si Cherry ”hehe ayoko na kasi sa dating ako, nakakasawa na kaya nandito tayo ngayon!” ang tanging naisagot ko. ”wag kang mag alala  babaguhin ko ang lahat ng chaka sayo with my magic touch!” nilabas nya ang kanyang credit card at tulyan na kaming gumala sa mall. Pumunta kami sa salon, pinaextensionan nya ang buhok ko at inayos ni kuyang parlorista, ginupit ng bumagay sa muka ko, ”kuya wag po nyo masyadong habaan huh . . baka di na po ako makapasok sa school namin pag mahaba masyado hehe” ” ako bahala basta relax ka lang diyan” sabi ng parloristang bakla . Flip ng hair gupit ng mahabang bangs ilang sandali pa ay . . .PERFECT!


Fit dito fit doon, ”bakla eto bagay sayo dali!” si Cherry habang hawak ang napakaraming damit


Kain dito kain doon “sarap!”


”hoy bakla tara dito” hinatak nya ako papunta sa FITNESS FIRST ”hoy ano naman gagawin natin diyan?” ”matutulog! Gaga ano ba ginagawa sa gym? Nagpeplay station? che!” si Che 
”sige try natin! Pwede naman ah! haha” pambibiro ko kay bakla

”goodevening ma’am sir” aba tinignan ko ang relo ko, siya nga gabi na!

”good evening din ma’am, we would like to apply for a membership, the both of us” si Cherry

“fill up this form ma’am” si ate na nakaaddidas na tanks’


Nagging member nga kami ni Cherry sa FF noong una ay pilitan pa ang pag punta sa gym pero matapos niyang sabihin na “ano kaba bakla maggym na tayo, malay mo may makita tayo gwapo sa gym, makalalaki pa tayo saka para naman pag nakita ka ni Gab na maganda ang katawan eh magising at manghinayang sayo” nagspark ang aking mga mata sa aking narinig, DO I SMELL REVENGE!? HAHAHA, nakakapagod sa simula pero masaya lalo na pag may gym instructor ka na gwapo, haha enjoy! Sinamahan ko na din ng diet at extra supplements na sabi ni kuya gym instructor ay ok daw para mas mabilis gumanda ang katawan, ok naman katawan ko eh, di naman ako payat at di mataba pero sabi ni Cherry mas maganda na daw ang ganito para na rin daw sa akin to. 

Mabilis dumaan ang araw at linggo . Pasukan nanaman, hindi ko pa din kilala ang taong tumulong sakin ng gabing bagsak ang aking pagkatao, hindi pa din malinaw ang mga bagay bagay sa utak ko, hindi na din nagparamdam pa si Gab simula ng enrolment day, kahit si mama ay di na rin nagtatanong pa tungkol dito, naninibago man ako hinayaan ko na lang close kasi sila ni mama eh, lagi naman nandyan si Cherry para icheer up ako, labas dito labas don, malling dito, malling don, kahit sa mga bar ay pumupunta na din kami, pero take note hindi na ako uminom gaya ng nakaraan, ayaw ko na kase magmukang kawawa dahil lang sa kanya, muka naman wala siyang pakielam sakin eh kaya bat ako magpapakatanga ng sobra sa kanya. HINDI LANG SIYA ANG LALAKI SA MUNDO! DUH!!!!

Isang araw paggising ko may narinig akong nagtatawanan sa baba, iba’t ibang boses ang aking narinig, alam ko si mama yung isa, si nay Minda yung isa, pero sino yung kasama nila? lalaki yun, alam ko, “wag naman sanang siya, ayoko siyang makita dahil hindi pa ako handa, hindi ko din alam ang aking sasabihin o mararamdaman pag nagkita kami, baka magwala ako? Char! Di ko ugali yun pero who know’s malay mo diba!” Kaya napagpasyahan ko ng bumaba.

“goodmorning anak!” at humalik ako kay mama “goodmorning din ma!”

“goodmorning JN!” si nay Minda “goodmorning nay ano pong pagkain natin?”

“hmm eto kain na” bago ako umupo sa aking pwesto ay tinanong ko si mama “ma may 
kausap pa ba kayo ni Nay M dito? Para kasing may narinig akong isa pang boses eh” nagkatinginan sila ni nay M.

”ah anak halika muna dito sa labas may ipapakita ako sayo” si mama, nagtataka man ako kung ano yun eh sumama ako sa kanya, ano kaya to? Hindi naman siguro ito yung panaginip ko dati na may carpet ng red petals diba? Nako wag naman baka sunugin ko lang yun! Kaya lumabas kami, 

            Nawindang ako sa aking nakita isang bagong model ng gray SUV RAV4 2009 ang nabungaran ko, ”wow ma!kanino tong car na to?”

”ah wala sa kapitbahay yan nakipark lang . . . syempre satin ipapakita ko ba sayo kung hindi yan sa atin?” at humalakhak si mama

”eh ma pano to aandar eh di naman tayo marunong magdrive na dalawa diba?

”magic! Magickin natin para umandar! hehe”

”ma naman eh . . . binili mo? Kelan pa hindi mo man lang ako sinama pag bili eh sana nakapili na tayo ng iba malay mo may mura pa kesa jan saka maganda, o kaya naman pinacostumize na natin diba”

”hindi ko naman binili yan eh”

”huh ano yon binigay sayo? Sosyal ka ha!”

”haha to talagang batang to . . . ”

”eh kanino galing yon”

”sa papa mo . . . . ” nag iba ang timpla ng mukha ko at si mama ” . . . halika na sa loob”


” ah lola eto na po yong pinaluto nyong sinangag” Nadatnan ko ang isang lalaking nakapukaw ng aking atensyon napakagwapo, matangos ang ilong, bilugan ang mata at mareno, mas mataas sa akin siguro ng ilang pulgada, maganda ang hubog ng katawan at halatang naggygym din, may piercing sa kaliwang tenga at semikal ang gupit  . . . equals . . .  HUNK. . . YUMMY HUNK!!!

”ah anak eto nga pala si Peter apo siya ni Aling Minda siya ang magdradrive para sa atin” si mama

”anak, siya si Peter iniapply ko na kay ma’am Becka ng nalaman kong magkakaron na kayo ng kotse” iniabot nya ang kamay nya sa akin ”hi goodmorning po sir ako po si Peter Pete na lang po!” kinamayan ko siya ”hi i’m JN teka bat may po at sir din? Parang si nay minda ah ilang taon ka na ba kuya?”

”22 na sir”

”do i look like im 23?” ang pakikipagflirt ko

“huh hindi po sir”

“yun naman pala eh so stop calling me sir OK JN is fine saka wag na magpo at napakabata ko 
pa ok!”

“ok if you say so . . “ nabigla naman ako sa sinabi nya, marunong din siyang magenglish ha. . . 
Char! Ngumiti siya habang nakahawak pa din yung kamay nya sa kamay ko

“ahh Pete  . . . “

“po . . i mean bakit??

“ahh ehh i’m just wondering . . . hanggang kelan mo balak hawaka ang kamay ko?” ang panlalandi k okay papa Pete. “ow sorry . . “ binitiwan nya ang kamay ko habang kamot sa ulong namumula sa hiya. Namula din ako kase sa gwapo ba naman nya eh Y NOT!

”oh anak anong oras ba klase mo? 
Di ka ba malelate?”

”no ma, my class starts at 1 this afternoon so baka 11 30 ang alis ko, baka kase matrapik pako pag sakay ng taxi”

“taxi? eh may kotse na tayo diba magtataxi ka pa?” si mama

“oo nga pala ano hehe pero aren’t you going to your work ma? Baka gamitin mo yang bagaong kotse” nanibago ako sa pag imik ko ng kotse, wow dream come true ito ah . . .

“aalis na ko ngayon, pag dating ko sa office eh ikaw naman ang ihahatind ni Peter sa school mo, ganda ng buhok nating ngayon ah”

“ma naman parang di ako nakikita araw araw matagal nap o ito noh, gawa ni Cherry diba!”

“sus anak madalang na tayo magkita, lagi ka kayang nasa layasan kasama si Cherry”

“ai oo nga pala hehe. . .  eh ok ba naman ang buhok ko?”

”nako anak ok na ok, bagay sayo, anoo kaya magiging reaksyon pag nagkita na kayo ni Ga . . .” 
di pam an natatapos ang sasabihin ay iniba na ni mama ”Ga . .  .ng mga classmate mo?”

”ewan pero ma, sa totoo lang di ko din nakilala sarili ko nung una ko tong makita . . . gwapo ko no? Hehe” sabay turan ng dalwang daliri at nagpogi pose!

”hay nako anak kahit ano pang pagbabago ang gawin mo ang mahalaga hindi magbago yan” hinawakan ni mama ang dibdib ko ”mabait ka anak at ayokong magbago yon ha . . . ”

”ma naman di po yun mamngyayari” at niyakap ko si mama

”oh hala siya ako’y papasok na. Bago pa tayo magkaiyakan dito” at lumabas na si mama kasama ang bago naming HOT driver.

Makalipas ang ilang oras ay dumating na din sa Pete sa harap ng bahay, Lumabas ako dala ang gamit ko pero kinuha nya ang mga ito at inilagay sa passenger sit at binuksan ang backsit 

”oi san mo ko papaupuin?”

”ah . . . eh hindi ka ba dito uupo? Kase si ma’am Becka dito sa likod umupo kanina eh”

”si mama yun, gusto ko dito sa harap. . . ” binuksan nya ang front at kinuha ang gamit ko at nilagay sa likod, pinasakay nya ako at sinara ang pinto. . . ”hmm gentleman ha . . char!” ”gaga siyempre trabaho nya yan” ”che wag ka ng komontra, ganda ng araw ko eh sisirain mo pa” 
”gaga ginigising lang kita baka kase natutulog kapa eh”


                Nagkwentohan kami ni Peter habang nasa byahe, nalaman ko na graduate na pala si Pete kaya pala nakapag english sya kanina haha, isa siyang graduate ng BS Education, my gawd kung ganito ka hot ang prof ko malamang lagi akong papasok araw araw at lagi pa akong sasagot sa oral quizzes mapansin lang nya. Panganay siya sa pitong magkakapatid dami noh, taga Ilocos sila, nanay nya ang anak ni nanay Minda kaya naging lola nya ito, walang asawa, walang anak, walang girlfriend in other words, walang sabit pag nagkataon hahaha. Masaya siyang kausap kase may sense siyang tao, di man siya palabiro pero madaldal siya. Infairness ang ang ganda ng ambience pag siya ang kausap ko. Binigay nya ang number nya sa akin at sinabing magtex na lang daw ako kung magpapasundo daw ako

”ahh sir  . . may dumi ba ako sa muka?” di ko namalayan na nakatitig pala ako sa kaya, kaya para hindi ako mapahiya ”oo meron eto oh, at pinidot ko ang pisngi nya, buti na lang at may nakita akong pilik na nhulog kaya SAFE ako.

”salamat po sir!”

”ayan nanaman ang sir at po mo . . pag di mo yan tinigilan HAHALIKAN KITA! Ang 
pambibiro ko. .

”ano PO SIR? Hahaha ” at tumawa siya ng malakas, ewan ko kung binibiro nya lang ako oh he’s just teasing me . . . well kung totoo eh di maganda. . .hahahaha



____________________



           Dumating kami sa school, nagpark si Pete sa may tabi ni BESTFRIEND!!!!!!
Bumaba si Pete ng kotse at binuksan ang pinto ng car kung san ako naroroon, ”salamat” pagkababa ko ay bumaba na din si Cherry ng kotse nya, ng magkita kami nawindang si bakla with matching paghulog pa ng gamit sa parking lot

”hi bessy! . . . . (nakipagbeso sakin)OMG! THAT’S HOT! 
REALLY REALLY HOT” ang malandi kong bestfriend, nilapitan ko siya  ”hi bessy . . . alin? Yung bago namin sasakyan o yung kasama ko?” ang malandi ko ding bati sa kanya

Di pa man nya ako sinasagot ay umarangkada na ang baklang babae sa panglaladi ”hi there I’m Cherryan Montes but you can call me Cherry for short, bestfriend niya!” at tinulak ako palayo sa kanya,

”aray! Ano ba! Wlangya ka. . “


“OWWH sorry bessy i didn’t mean it SORRY . . .”

“by the way what’s your name” ang pagtatanong nya na halatang inipit ang boses para magmukang matinis ang boses. . .

“Peter” maikli nyang sagot

“ah Peter may girlfriend ka na ba? Single ka ba o TAKEN ka na?” at tumingi ng masama sa akin si bakla


Riiiiinnnngggg riiiiiingggggg


“Hoy tara na may class pa tayo . . “ gaga to aagawan pa k okay Pete

“ah sige Peter alis na kami huh. . . nice meeting you!” at nakipagshake hands pa si bakla pero hindi kasing tagal ng paghawak naming ng kamay kanina sa bahay HAHAHA

“uhmm JN anong oras ang labas mo? Do i have to pick you up?” tumaas ang kiay ni Cherry sa narinig at inismidan ako

“uhmm may lakad ba tayo bessy mamaya?

inismidan muli ako ng gaga bago sumagot “malay ko! ewan ko sayo wag mo kong kausapin che!” hahaha akin kase yan bakla wag kang epal! Hahahaha!

“magtetex na lang ako mamaya ok. .  .”

”ok” at ngumiti siya sakin. . . shit gwapo talaga . . .sarap! naglakad na kami  papunta sa room assignment namin. ”ang hot nya talaga?” at tinapik nya ako habang kinikilig

”ahh si Pete ba? ang bago kong. . . . ”

”boyfriend????????” ang maagap na banat ni Cherry

”ulol! Bago namin driver . . . at oo ang hot nga nya!” hoy akin yun!! AKIN!!" Habang lumalakad kami ay napinsin ko ang mga taong nakatingin sa akin, may ilang kumakaway, may nagpapacute, at may ilan naman na deadma parin . . .  WOW nagbago ang ihip ng hangin! 
Kung noon ako ang hangin na di nila pinapansin eh iba na ako! MAGLAWAY KAYO! Ahahaha kaya inisnob ko silang lahat. Binatukan ako ni Cherry ”aray! what was that for?” “hydrocephalus eh.. ulo mo lumalaki”


“hey!”




Isang pamilyar na boses ang nagpatigil sa aming paglalakad . . . 




Itutuloy . . . . . 

No comments:

Post a Comment