Saturday, January 29, 2011

TELL HIM Chapter 10

RETROSPECTION part 2




"We can not change the inevitable"






            Nilalamig ako, nanginginig, nanghihina. Tinawagan ko ang kaisa isang taong makapagpapakalma sa aking nararamdamang hirap ngayon.

Riiiiiinnnngggg.... riiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnng.....

“hello?” bati ng kabilang linya

“uhmm . . . ahh . . nasaa . . aann  kk . . aaah?” ako

“nasa kwarto ko matutulog na. . what do you expect nasa bundok nghihiking? . . . bat ganyan ang boses mo?”

“wala naman i . . ju . . uuss . . ttt wanna heeaaar yoouuur voice yun lang..ahhmm giniginaw laaannnggg aa. . . kkoo . . .” ako habang pinipilit makipagusap.

“oi ok ka lang ba? I think kindi yan basta ginaw lang. . . magsabi ka ng totoo! Kung hindi ibaba ko to at hindi na kita papansinin habang buhay . . ”
”he . . he he aagghhh aaghhh, excuse mmeee . .

“ma . .maay sakit ka ba? Teka… ano ba . . . bat hindi mo sinabi sakin?” ang natatarantang tanong niya

”aaggghhhh . . . aghhhhhh . . . no . . i . . i . i’m ok. . “ pagsisinungaling ko

“wow may ok na pa lang inuubo... wait . . . san sina tita at tito?

“waa . .aala sila eh..  aggghhh aaaghhhh . . . aghh . . . nasa semina . . aar . . aghh aghh out of the country. .  hmmmfff  . . . hmmmf . . “

“sinisipon kapa . . wala kang kasama jan?”

”wa . . a-ala nga eh . . ”

” Sige intayin mo ko pupuntahan kita jan . . . ” he ended the call

“Salamat JN . . . di ko alam kung mabubuhay pa kong wala ka sa tabi ko . . . salamat . .” at unti unting pumatak ang mga luha sa aking mga mata, mainit, masarap dahil alam kong siya ang dahilan at ang kaligayahan ko, unti unti na akong nakatulog sa sama ng aking pakiramdam.



Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha, gumalaw ang katabi ko kama,
Nagulat ako dahil may katabi na ako sa kama, “ahhhm m m m . . sino to?”
Tinitigan ko ng maigi ang aking katabi, napangiti ako sa mukang aking nakita..

”I LOVE YOU . . .” hinalikan ko siya sa noo

Sa hindi malamang kadahilanan ay nasa loob kami ng isang bahay na hindi ko kilala

”nasaan ba tayo mahal ko? ang weird”

Muli kong pinagmasdan ang kanyang natutulog na mukha, napaka sarap nyang titigan, isang 
anghel ang nasa aking harapan, walang kasing banayad ang kanya kahimbingan, pinagapang 
ko ang aking ilong sa kanyang mukha, sa kanyang noo, sa kanyang mga mata, sa kanyang 
ilong, baba at ang kanyang mga labi, ang mga bagay na inaasam asam kong mapasaakin .

Idinampi ko ang aking mga labi sa kanyang noo, sa kanyang dalawang mata, sa kanyang ilong, sa baba, at ang aking piananggigilang mga labi….Tinaagalan ko ang aking pagkakahalik sa kanyang mga labi, ninanam ko ang bawat sandali na magkalapat ang aming mga labi…

Iminulat nya ang kanyang mga mata, ngunit hindi ko inalis ang aking mga labi sa kanya, ilang oras pa, gusto kong malasap ang kanyang mga labi, ayoko nang matapos pa ang sandaling ito, ayaw kong mawala ang mga matang nakatitig sa aking mata habang angkin ko ang kanyang 
mga mapupulang labi.


Kumalas ako sa halik, ang halik ng aking pagmamahal.

”goodmorning . . . ” may ngiti sa kanyang mga labi

”goodmorning . . . I LOVE YOU!” ako

”I LOVE YOU TOO . . . ” lumapit siya at masuyo nya akong hinalikan. Ipinikit ko ang aking mga mata at nilasap ang aming pagmamahal, ng iminulat ko ay wala na siya, hindi ko din alam kung nasan ako.



Madilim . . . .



Malamig . . .



Walang buhay . . .



Nakakatakot . . .


Isang madilim na gubat . .


“JN!! . . . . JN!!! Nasan ka??? Sagutin mo ako” isang madilim na lugar ang aking kinalalagyan


Hiananap ko siya!



“JN maawa ka! Sabihin mo kung nasan ka . . .


”JN!!!!”


Tumakbo ako at patuloy siyang hinanap


JN!!! Please . . .  hindi ko kayang mabuhay sa mundo na hindi ka kasama . .  maawa ka sakin, hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala ka. . .”at unti unting pumatak ang mga masasaganang luha sa aking mga mata


” wala ng silbing mabuhay pako kung hindi ikaw ang nasa tabi ko . . . pakiusap lang . . . sumagot ka sabihin mong ayos ka lang” ang aking sambit sambit habang hinahanap ko siya.
Napatid ako sa isang sanga na aking nadaanan, nagkasugat ”wala ito . . . JN inatyin mo ako . . hahanapin kita”


“JN parang awa mo na.. mahal na mahal kita . . . wag mo akong iwan . . ”



Muli akong tumumba dahil sa batong nakahara sa daan, mas matindi ang sakit na aking natamo, dumugo ang aking binti, nabali ang aking tagiliran at nagkasugat sa aking mukha



“aaaaahhh . . . . “


“ahhh kaya ko to, para sayo kakayanin ko . . . .mamatay man ako ngayon. . . .  mahanap lang kita at malamang ligtas ka masaya na ako. . . isusuko ko lahat para sayo . . . maging ang buhay ko”


“JN PLEASE ANSWER ME . . huhu . . huh ”ang desperado kong pagmamakaawa

”you’re the the reason that i breathe. . . . you’re the reason why i eake up every morning . . . 
aahhh . . you’re the reason that i continue to live my life . . . .


aaahhhh . . .  you’re the reason i can endure every pain


 ikaw ang dahilan sa bawat ngiti ko . . .


  sa bawat halakhak . . .


sa bawat saya na aking nararamdaman . . .


ikaw ang dahilan kung bakit ako nabubuhay . . .


ikaw ang buhay ko . . .


please suamagot ka . . . . huh –u . . hu . . huhu


sabihin mong hindi mo ako iiwan . . .




J . . .N . . .!!!!




            Nagising ako sa bangungot, isang bangungot na pinapanalangin kong hindi kaylan man mangyayari. Tamang pagkakataon ang ibinigay ng maykapal na masilayan ko ang kanyang mukha ng ako’y magising, gusto ko siyang yakapin, hagkan, at damahin ng buong puso  ngunit sa kasamaang palad mahina ako, masakit pa din ang aking ulo, masama pa din ang timpla ng aking katawan, kaya napagpasyahan kong titigan na lang siya, sa paraang ito gumagaan na din ang aking dinadala. Inilagaan ny ako hanggan sa ako’y tuluyan ng gumaling. ”babawi ako sayo mahal ko”
           


            Lumipas ang mga araw at mas lagi kaming magkasamang dalawa, mas lalo ko siyang minahal sa mga ipinapakita nyang pag aalaga sakin, kaya para masuklian ko ito ginawa ko ang bagay na makapagpapasaya sa kanya sa paraang alam ko, lagi ko siyang dinadalaw, lumalabas din kami kasama ni mama este ni tita Becka, minsan naman dinadala ko siya sa isang lugar na pwede ko siyang masolo, malambing at kahit papaano ay mayakap ng palihim, natatakot pa din  akong magtapat sa kanya dahil ayoko siyang lumayo sa akin, ayoko siyang mawala sa akin, hindi ko kakayanin.


            Isang linggo bago ang enrolment day, napagisip isip kong magtapat sa kanya, kaya lang hindi ko alam kung pano.




Riiinnnngggg rriiiiiiinnnggggggg rrriiiiiiinnnnngggg..



”hello”

“hi Oliver” Oliver ang tawag ng mga relatives ko sakin, minsan Gab  minsan Oliver, minsan Goboy, pero ayokong tawaging Goliber, ewan ayoko eh…


”oh Rissy napatawag ka?”


”ahh Oliver nasan ka?”


” . . dito sa bahay, oi hindi ka na dumadalaw dito ha . . . kumusta na sina Uncle Chad? ”


”mabuti naman sila, ikaw couz’ musta ka na?”


”eto kakarecover ko lang sa sakit . . hehe buti na lang inalagaan ako ng angel ko”


”wow inlove ka talaga sa kanya ano . . aayyyiiiieee kinikilig naman ako . . . kaya ka siguro mabilis na gumaling ano . . . kilig much naman ako . . ”


”hehe . . . hindi naman . . magaling lang talaga ang angel ko . . . oh bat ka nga pala napatawag?”


” . . . uhmm couz are you free tonight? Let’s have a dinner, my treat!”


“hmmm parang i smell something . . . may kailangan ka sakin ano? hahaha”


“eehhh. . . .basta i’ll tell you mamaya . . so?”


“sige sige . . .san tayo mamaya? Ano oras kita susunduin?”


”ok pick me up mga uhmm like 7, sa Silvestre na lang tayo..”


“ok, sige magpapaalam lang ako sa angel ko . . .”


“wushuuu . . . angel angel ka pa jan, torpe ka naman . . . hahaha”


”haha wag kang mag alala magtatapat na ko bago matapos ang taon na to. Mark my words couz! Mark my words . . .”


”alright then, 7 ha! Bye couz!”


First cousin ko si Rissy sa father side, halos magkasing lapit lang ang birthday naming kaya naman sabay kaming lumaki at pumasok sa iisang school. Close kaming magpinsan, pati na din sa mga kapatid nya, halos kapatid na din ang turingan naming dahil sa nagiisa lang akong anak, sa kanya ko naramdaman na may kapatid pala ako, hanggang sa makilala ko ang aking angel.


Kapwa kami bago sa unibersidad at pareho kaming first year. Dahil na din sa bakasyon ko kasama sina mama at papa, nalate ako sa pageenrol. Nakatayo siya sa harap ng bulletin board ng glee club malapit sa may parking lot kaya naman naisipan kong siya ang tanungin



”brod pedeng magtanong?”



”a.....a..ano po yun?” habang nakatulala siya sa aking harapan  


”san ba yong Nursing Laboratory 1? . . . . . “ hindi pa din siya guamagalaw sa kanyang kinatatayuan at nakatitig na nakatitig sa akin


”ahh brod . . brod ok ka lang ba is there something wrong?? BROD!” mejo napataas ang boses ko.


“ayyyy brod na kalabaw” ang nagitla nyang tugon, medyo natawa ako sa reaction nya “ang cute”


”a......aahhh ano nga ulit yung tanong mo?”


“muka ba kong kalabaw?haha sabi ko san po ba yong Nursing Lab?”


Itinuro nya sa akin gang directions pero medyo naguluhan ako sa mga sinasabi nya kase nauutal utal siya, pero natutuwa din ako at the same time sa mga reactions nya, parang lagi siyang nagugulat at natataranta pag tinatanong siya. “haha ang cute nito!” bulong ng isip ko. nagpakilala ako sa kanya at ganun din siya.. “JN . . . looks like we’re gonna be friends . .”  Simula ng araw na iyon ay siya na ang aking kasakasama, minsan hinatid ko siya sa bahay nila, nagpumilit pa ako dahil ayaw nya, magtataxi na lang daw siya, pero kinulit kulit ko siya, kaya pumayag din. “haha sorry pero makulit tlaga ako.” Nakilala ko ang mama nya, masayahing tao si tita becka pero hindi ko nakilala ang kanyang asawa. Ipinakilala din nya ang kanyang isa pang bestfriend na si Cherry. Napakaingay nya at laging nakapulupot sa akin, titignan naman siya ng masama ni JN at hihiwalay na lang ito sa pagkakapulupot sakin na parang natakot sa titig ni JN, ang cute nilang mag away.


Tumagal ang panahon at mas lalo kong nakilala si JN, napakabait nya sakin, nararamdaman ko ang pagiging caring nya sakin, itinuring nya ko na halos parte ng kanyang pamilya. Alam ko sa panahong yon ay may nararamdamn na ako para sa kanya, noon ko lang din yon naramdaman, sa dinami dami ng girlfriends ko ngayon lang ako nahulog sa isang kapwa ko lalaki. Natatakot ako sa aking nararamdaman, ”abnormal na ata ako . . ”


Nang lumaon ay tumindi din ang aking nararamdaman. Naisipan kong magbrowse ng FB ko, puro picture namin ni JN, tita Becka, Cherry, may isang kuha na nakapagpangiti sa akin, kuha ito ng pumunta kami sa EK kasama si Cherry at tita Becka, nakaharap ako sa cam at nakawacky pose habang siya nakatitig lang sa akin at nakangiti. Kahit hindi nya alam ay yon ang ginawa kong wallpaper ng phone at laptop ko



__________



“alright we’re here”


“ano ba kasi ang favour na hihingin mo? May kasalanan ka kay na Uncle ano?”


“duh, ang bait ko kayang anak, intayin mo naman makapasok tayo bago ka magtanong” natapos ang dinner naming na walang imikan, hindi ko na din muna siya kinulit habang kumakain dahil alam ko naman na sasabihin din nya yun and for sure kasali na naman ako sa mga pakana nya.


“oh ano na? c’mon spill it out”


“Oliver . . . uhmm you’ve been very good cousin and friend to me, and for that i wanna say thank you . . . . in advance”


“dami pang sinasabi, dali na we don’t have all day!”


“well my ex has return from Canada at mag aaral na ulit siya dito . . . sa school natin”


“and?”


“i want him to see me na ok na ako. . . na i already moved on”


“oh? Tapos? . . .”


“uhmmm gusto kong makita nya ko na meron na ulit . . .”


”eh pano yon? You dont have someone naman right?


“yon na nga. . . kaya i want you . . to . . pretend . . . “ naubo ako sa narinig ko.


”wait wait! Im not getting this . . . do you want me to pretend your new one?”


“ parang ganun na nga. . . i mean yes . . 


”are you crazy? Ayoko ayoko . . . “


“cousin please... you’re the best option i got . . .please . . .”


“Riss look hindi maganda yang naiisip mo, may masasaktan tayong tao!”


“cousin please . . .” nagpapaawa ang kanyang mga mata. “kung si JN naman ang iniisip mo . . don’t worry ako ang magsasabi sa kanya when it’s all over . . please pumayag kana . . .”


“couz naman ang hirap naman nyang pinagagaawa mo . . . ayokong masaktan si JN pag nakita nya yang kalokohan mo”


“i’ll explain everything sa kanya . . kaya please pumayag ka na . . .”


“may choice pa ba ako?”


“yes!”


“but please let’s do it in a manner na hindi nya mahahalata o makikita man lang, ayokong masaktan siya ok!”


“wow Oliver parang kayo na kung magsalita ka ah, di mo pa nga alam kung he also have feelings for you eh . . “


“Riss diyan ka nagkakamali! I can feel it . . . mahal din nya ako, kaya nga magtatapat na ko sa kanya before this year ends . . .”


”Congratulations in advance couz! Invite on your wedding day ha! Hehehe”


“gago! Haha sure . . .”


Isang lingo kaming naging busy ni Rissy sa pagpapanggap simula ng dumating ang ex nya, buti na lang hindi alam ng ex nya na magpinsan kami, nandiya yong lalabas kaming tatlo, manonood ng sine, magoout of town at kung ano ano pa, muka naming effective kase may bitterness ang ex nya tuwing magswisweet sweet kami. Hindi na din ako makapagtext sa mahal ko dahil sa lagi ng nakabantay samin ang ex nya “BADTRIP! Aaaaarrrgggghhhh!!!”


Matatapos ang huling act naming sa araw na ito, enrolment day namin at sasabihn na nya sa ex nya ang totoo dahil mahal pa nila ang isa’t isa, “ginamit pa ko mahal naman pala ninyo ang isa’t isa”
“hehe yaan mo na couz, atleast alam kong mahal pa din nya ako at mahal ko din siya... kaya let’s make this final act perfect para tapos na . . ok?!”¨


“ok.last na to ha”

“oh dali ayan na siya . . .” nagsweet sweetan kaming dalawa ng dumating ang ex nya. Nagpakaplastik lang ang ex nya ng tumabi siya sa amin na masaya, halata naman eh. Hindi maganda ang mood kahit nakangiti. Ilang saglit pa ay may napansin akong babaeng nakatitig sa akin, tinignan ko ito. Laking gulat ko na si Cherry ang nakatitig sa amin “oh shit kasama nya si JN . . . JN wag kang titingin please . . . wag kang titingin…”


Huli na ng mapagtanto ko na nakatingin na siya sa amin ni Rissy, para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig ng magtama ang aming mga mata ”please JN i can explain . . . wag kang maniwala sa nakikita mo . . .”
         
            Tumulo ang mga luha nya at nagmamadaling umalis, hinabol ito ni Cherry. Parang gusto ko ng mamatay sa mga oras na nakita ko ang mga luha nya.


”sabi ko na this is a bad idea” ang mahina kong sabi


“ha?” ang nasmbit ni Riss


“JN saw us . . .” at nanlumo ako sa aking kinatatayuan


“what? . . . oh my God sorry co . . i mean sorry Oliver . . .”


“kailangan ko siyang puntahan, sorry Riss I have to go . . “ tumayo ako at aalis na sana pero hinawakan nya ang kamay ko


”Gab im sorry, wag kang magalala everything will be alright”


“i hope so Rissy . . I hope so” at tuluyan ko ng sinundan si JN at Cherry.


            Papalabas na ako ng admin ng nakasalubong ko si Biboy. Sinugod nya ako at kwinelyuhan ”ANONG GINAWA MO?!” ang galit na galit nyang tinig at nanlilisik na mga mata. Hindi ko na siya sinagot pa dahil alam kong ako ang may sala. Binitiwan nya ako at binagtas ko kung nasan si JN. Hinanap ko siya pero wala sila sa parking lot,wala sa chapel, wala din sa canteen, isang lugar na lang ang alam kong maari nilang puntahan. Kaya tumakbo akong tinahak ang likodan ng university ng may marinig akong may kumakanta. Napatigil ako


How could an angel break my heart
Why didn't he catch my falling star
I wish I didn't wish so hard
Maybe I wished our love apart
How could an angel break my heart
 


            Hindi ko alam kung sino ang kumakanta, napakaganda ang boses nya pero puno ng sakit at hiangpis ang aking nadama ng pakinggang ko siya.


”bakit ganun? Isang linggong hindi siya nagparamdam tapos ganito?” nagsisimula tumangis  ang taong pianakinggan ko ”ano yung mga nangyari samin dati wala lang? Shit! Para akong isang laruang matapos pagsawaan eh isasantabi na lang nya”


“. . .si JN?? . . . si JN ba yun?” sinilip kos ila sa kanilang kinalalagyan


”friend i dont know din eh, pero malay mo di ka niya nakita .  . . .”


“tama, si JN at Cherry nga ang naguusap”


”Cherry malabo lang ang mata ko pero hindi ako tanga, alam kong nakita nya ako pero ano. . . . binalewala nya lang ako . . . at parang hindi nya ako kilala! Napaksweet pa nila, may paghawak hawak pa ng kamay . . ” pinahid niya ang luha nya ” . . . sabagay ano nga naman laban ko dun? babae un eh maiibigay nya . . . lahat  . . . lahat lahat ng hahanapin ni Gab”


”hindi totoo yan JN ikaw ang mahal ko . . .wala akong pakialam kung lalaki ka man . . .please JN wag kang umiyak . . .nasasaktan din ako . . .please . . .” bulong ko sa aking sarili at nag umpisa na ding tumulo ang aking mga luha.


”FYI friend hindi lang siya basta babae, siya si Rissy Montes ang Ms. University natin remeber! Maganda siya, mabait, hmmm sexy din pero mas maganda ako sa kanya!”
”JN pinsan ko lang siya . . . please wag kang umiyak…nadududrog ang puso ko . . .”
”kaibigan ba talaga kita . . . ? Ako dapat kinakampihan mo diba!” ang patuloy niyang pagtangis


”gaga syempre sayo ako no! Im just stating the fact that Gab is still a man, maghahanap at magkakagusto sa magagangdang babae, saka i hate to break it up to you pero diba wala naman kayong relasyon?”


“hindi totoo yan JN wala na akong hahanapin pang iba, ikaw ang mahal ko, wala akong pakialam kung pareho tayong lalaki, ikaw ang tinitibok ng puso, ang laman ng aking isipan.. please . . . mahal na mahal kita . . . “


“ano yong nangyari nung minsan na muntik na nya akong halikan? Ano yun laro lang!!! So ginugood time nya lang ako ganon?”


Natameme ako sa aking narinig . . .


“ . . . totoo ang lahat ng yon . . . hindi kita kayang lokohin . . . ” Hindi ko na kinaya ang sakit na ang nadarama, iiwan ko na sana sila ng magpasya silang umalis at tumungo sa isang lugar na alam kong hindi kayang puntahan ni JN



_____________



           
Nasa malayo ako habang tanaw ko ang kanyang paghihirap, nagpapakalunod sa alak habang tumutulo ang pait ng kanyang nadarama, ”HINDI ITO SI JN, KASALANAN KO LAHAT NG ITO. . . JN tama na . . .” gusto ko siyang lapitan at pigilan sa kanyang ginawang pagpapakalasing pero nawalan ako ng lakas dahil alam kong ako ang sanhi ng kanyang pagtangis.


Nilakasan ko ang loob ko at tumayo, ”iuuwi na kita JN, hindi ko na kayang makita pa ang mga luha at paghihirap mo.”
”ooppss. .  shoorrry po . . .” tinitigan nya ako, pero parang hindi nya ako nakilala. Gusto ko na siyang yakapin at halikan pero nawalan ako ng lakas ng loob sa nakita kong malulungkot niyang mga mata, puno ng paghihirap, puno ng hinagpis. ”JN patawarin mo ako . . . ” pinili ko na lumayo at intayin siya.


”masaya ka ba sa ginawa mo sa kaibigan ko?” si Cherry na nasa likod ko na pala


”Cherry patawarin mo ako, hindi ko sinasadya . . . mali ang nakita nyo . . .”


”anong gusto mong palabasin? We’re not born yesterday Gab! hindi kami tanga! Ano yun ilusyon lang lahat ng nakita naming . . .na hindi mo kasama si Rissy at hindi kayo sweet kanina? THAT’S BULLSH*T GAB!”


“Cherry pinsan ko si Riss!” nanlaki ang mga mata nya.


”so you want me to believe that? I’m not yet a psychotic to believe you good for nothing asshole”


“please Cherry making ka sa sasabihin ko . . .”


“kung may dapat man making sa sasabihin mo it’s not me . . . hindi ako ang dehado dito.. nandun ang taong sinaktan mo ng sobra! Siya ang dapat makarinig sa mga explanations mo!”at tinuro nya ang CR. Lumabas si JN sa banyo kaya umalis  agad si Cherry at pumunta sa table nila.


___________



”uhmm this part is where we sing with the audience, kung sino man po ang gustong makijam ay maari pong pumunta sa stage”


            Nakita ko na lang na pumunta si JN sa stage, kukunin ko sana siya sa stage pero pinigilan ako ni Cherry


”pakinggan mo ang kakantahin nya! Yan ang nilalaman ng puso nya ngayon! Yan ang gusto nyang sabihin sayo!”


“this is the male versin of Already Gone by Kelly Clarkson pagpasensiyan nyo na po at nahihilo na ko . . .”


“dinedediacte ko po itong kantang to . . . sa . . .  aking SARILI . . .” umaapaw ang lungkot sa kanyang mga mata

Remember all the things we wanted
Now all our memories they're haunted
We were always meant to say goodbye

Even with our fists held high
It never would've worked out right
We were never meant for do or die

I didn't want us to burn out
I didn't come here to hold you, now I can't stop

I want you to know that it doesn't matter
Where we take this road someone's gotta go
And I want you to know you couldn't have loved me better
But I want you to move on so I'm already gone

Looking at you makes it harder
But I know that you'll find another
That doesn't always make you want to cry

Started with a perfect kiss then we could feel the poison set in
Perfect couldn't keep this love alive
You know that I love you so, I love you enough to let you go

I want you to know that it doesn't matter
Where we take this road someone's gotta go
And I want you to know you couldn't have loved me better
But I want you to move on so I'm already gone

I'm already gone, already gone
You can't make it feel right when you know that it's wrong
I'm already gone, already gone
There's no moving on so I'm already gone

Already gone, already gone, already gone
Already gone, already gone, already gone, yeah

Remember all the things we wanted
Now all our memories they're haunted
We were always meant to say goodbye

I want you to know that it doesn't matter
Where we take this road someone's gotta go
And I want you to know you couldn't have loved me better
But I want you to move on so I'm already gone

I'm already gone, already gone
You can't make it feel right when you know that it's wrong
I'm already gone, already gone
There's no moving on so I'm already gone

“JN you will always be in my heart hindi ko kayang mawala ka” ang aking nasabi, alam kong narinig yon ni Cherry dahil natulala siya sa aking harapan.



“kung gusto mong malaman niya ayan... dapat sabihin mo sa kanya” ang huling nasambit ni Cherry bago tuluyang umalis sa bar.



_______________________



            Hinatid nya si Jn ngunit di ako mapalagay kaya minabuti kong sundan sila.


            Nakita ko ang kalunos lunos nyang ichura habang nakadapa sa kalsada at patuloy na sumusuka.


”aaaarrrrkkkk . .  . aaarrkkkk . . . aarrrkkk. . . . .”


Bumaba ako ng kotse ko at tinulungan ko si JN.


”JN patawarin mo ako.” niyakap ko siya at hinalikan sa noo.


Wala akong pakialam sa mga taong nandodoon at nakikita ang aming postura, mahal ko si JN gagawin ko ang lahat paras a kanya.


Kinalong ko siya at dinala sa kanyang silid habang ang aking mga luha ay walang patid sa pagtulo.





” . . . . . sino ka? ” hindi ko siya sinagot bagkus ay niyakap ko saiya ang mahigpit.






“mahal na mahal kita JN”






Itutuloy . . . .








No comments:

Post a Comment