Tuesday, January 18, 2011

TELL HIM!
Chapter 1 - Resume

Isang araw sa ating buhay may mga bagay na biglang dumadating, may makikila tayo, may magpapabago sa buhay natin. magbibigay ng kasiyahan nandiyan ang halakhakan, mga ngiti sa labi, at mga panahong ikaw ay kikiligin, meron din naman malulungkot na sandali, ikaw ay iiyak, maawa sa sarili minsan pa nag parang roller coaster ride na ndi mo maintindihan. pero kahit ano pa man ang isipin natin ay meron at meron itong laging dahilan.


Ang kwento ko ay katulad ng tipikal na kwentong nababasa at nararanasan ng mga ktulad kong bisexual. Ako si JN Martin isang simpleng tao, may taas na 5 10, hindi masyadong maputi, hindi din katangusan ang ilong, may ichura din nmn kahit papaano (syempre kailangan mgbuhat ng bangko para naman hindi kawawa hehe) apat ang mata(nakasalamin), clean cut lagi ang buhok syempre bawal sa nursing ang magulo ang buhok eh DIBA? (Agree mga tsong?) mahiyain at higit sa lahat napakabait kong bata! haha. Isa akong nursing student sa isang unibersidad dito sa maynila. Gaya ng ibang student ang tangi kong gawain ay umiikot lamang sa paaralan-bahay, bahay-paaralan. Minsan pumupunta din naman ako sa mall pero tanging school supplies lng ang intensyoon ko sa pag punta doon.

Isang araw sa paglalakad ko papuntang library ng may umakbay sakin ”hoy!” si Gab.

Si Gab o Goliber Carlos ang bestfrend ko, kaklase ko, ang taong kaya akong amuhin na parang isang tupa, ang tanging taong nakakapagpa-payag sakin na sumama sa ga walang kwentang fieldtrip ng classmates namin, ang tanging tao napapasaya ako kahit malungkot ako, ang tanging tao na nakapilit sakin na gumawa ng walang kwentang account ko sa fb, ewan ko ba kung bakit ganun nalang ang epekto sakin ng taong to cguro nga may nararamdaman ako sa kanya pero di ko na lng ipapahalata kase ayoko syang mawala sakin even if it means to be he’s friend, lechen frend yan! hehe.

Mas matangkad sakin si Gab, 6’1 sya, chinito, with complete set of wite teeth, napaka ganda ng katawan nya dahil na din sa pag gygym nya at dahil din sa pagiging swimmer nya ng school namin at masasabing isang super hunk at isa sa mga head turner ng campus in short PERFECT. Ang layo layo ng agwat namin pero ewan ko ba kung bakit nya pinagsisisksikan ang sarili nya sa isang katulad ko. Madami naman syang kaibigan na katulad nya gwapo, maganda ang katawan at higit sa lahat eh tinitiliin ng mga babae, bakla, prof at kahit lalaki ay nagiging bi pag sila ang nakikitang mgkakasama.

 ”bat di ka sumama sa party ni Gero kagabi ha! Si Gab

”ano naman gagawin ko dun? Papanoodin ko kayo habang tumutungga sa bote ng alak?”

”edi uminom ka!”

”alam mo naman hindi ako umiinom diba”

”bakit alak lang ba ang pwedeng inumin?, meron namang softdrinks at juice don ah”

”eh alam mo naman na d ako papayagan ni mommy eh”

”edi sana pinagpaalam kita alam mo naman na malakas ako sa mommy eh…” nakangiti nyang tugon

huh? Ano?” ang kinikilig kong sagot

”sabi ko malakas ako sa mommy mo” sabay tawa ng malakas

”oo na ikaw na ang anak ni mommy”

Close kami ni mommy sa katunayan alam ni mommy na ganito ako at tanggap nya ito, kilala din nya yong ex ko, alam din nya na may nararamdaman ako kay Gab, ang lagi lng nyang sinasabi ay ”hindi naman kita pinagbabawalan, ang sa akin lang magtitira ka aras a sarili mo kase ayaw na kitang makikitang nasasaktan katulad noong nangyare sa inyo ni Kiko” (o diba ang sweet ng mom ko)peste yan naalala ko nanaman si Kiko….

”oy natulala kana jan! Alam ko naman gwapo ako pero di mo na kailangan pang matulala sa harapan ko! haha” ang pagbasag nya sa aking pagmumuni muni, di ko namalayan na sa harap pala nya ako nakatulala.

”hoy Mr. Carlos nahihibang kana ata! May sumagi lng sa isip ko” pag aalibi ko”ang hangin hangin dito! Nadadala ata ako!” pahabol ko pa habang lumakad paunahan.

“haha, oh teka wag ka ng magalit joke lang naman yon!” Sabay akbay sa balikat ko di alintana na madaming tao ang nakatingin sa amin, ay mali sa kanya lang pala nagilusyon nanaman ako na tinitignan din ng mga tao. Kinilig ako sa ginawan nya. Pero di ko pinahalata, gusto ko nang magtatalon sa tuwa dahil sa nangyaring yon kaya lihim akong ngumiti. Pakiramdam ko naabot ko ang isang kalangitan na hindi pa naabot ng kahit sino na parang isang panaginip na ayaw ko ng gumising pa.

”ayan oh kinilig ka pa haha” si Gab

Inalis ko ang kamay nya, tumingin sa kanya ng masama at dali daling umalis para pumunta sa library para isoli ang librong hiniram ko.

”oy eto naman talaga hindi na mabiro” hinabol nya ko ”ang cute cute mo talagang asarin!” si Gab habang ginugulo ang buhok ko.

”ewan ko sayo Gabriel Carlos tigilan mo nga muna ako” ang naiinis kong tugon habang inaayos ang ginulong buhok ”kung wala kang ibang gagawin kung di asarin at guluhin lang ang buhay ko ay maari mo na kong iwan!” habang papasok ng library. Alam nyang pag buo na ang pangalan na binigkas ko ay galit at asar na ako.

Hinawakan nya ang kamay ko ”peace na tayo” sensero nyang sabi sakin

Wag mo kong tignan ng ganyan baka di ko kayanin at bumigay na ang mga tuhod ko ”ok pero please lang tantanan mo muna ang alter ego mo na napakayabang ha! Please lang.” mahinahong kong tugon, wala na, ayun na. natalo nanaman ako ng salawahan kong puso.

”opo boss” habang nakahawak pa din sa kamay ko ”takot ko lang sau” pahabol nya habang naka peace sign ang kamay.pag dating namin sa library,

”sir may penalty na po ang libro nyo, 4 weeks na po nasa inyo ito eh. Overnight lang po kasi itong libro na hiniram nyo” sabi ng Student Assistant sakin na halatang kinikilig dahil sa kasama kong si Gab. “ay ganon ba?” ako “how much did it cost ma’am?” si Gab “hoy ano kaba ako humiram nito kaya ako magbabayad” ako, “sinabi ko bang ako magbabayad? Tinatanong ko lang naman” si Gab, “sir it will be 200 pesos, 10 pesos po per day ang fine” “akmang dudukot na ako ng pera sa wallet ko ng biglang binayadan niya. “teka ma’am wag mong tanggapin yan ako po ang magbabayad” sabi ko sa SA “ no miss ok na yan” si Gab at kinidatan pa nya ang malanding SA para siya ang sundin “ wag kang makulit Gab ako magbabayad!” “wag ka din makulit at nabayadan ko na ok” si Gab habang nakangiti wala na akong nagawa dahil sa titig nya sa akin, nakakabaliw ang mata nya, parang isang anghel ang nakatingin sakin at handang ilipad ako sa kalangitan at pawiin ang aking mga alalahanin. Umalis na kami ng library at pupuntang cafeteria.

“bat binayadan mo yung penalty ko? Ayan nabawasan ka pa ng pera”

“wala naman yon konting halaga naman yon”

”kahit na” ang maikli kong tugon

”ok na yon tapos na MOVE ON na ok” habang tumatawa at nakaakbay pa din sakin.

Para kaming magsyota sa itsura namin, nakaakbay siya sakin na parang ayaw nya akong maagaw ng iba, dala nya ang knapsack ko na nakalagay sa isa nyang balikat, at kwento siya ng kwento tungkol sa. . . ewan ko,sa totoo lang d ko maintindihan ang sinasabi nya dahil busy ako sa pagtitig sa muka nya na napak perfect walang bahid ng pimple at napakakinis. Ako naman eh feeling ko ang haba ng buhok ko dahil sa ginawa nya, kulang nalang ng bouquet at perfect na ang ichura namin, feeling ko nga naiwan pa yung part ng hair ko sa library at nanatapakan na ng mga tao eh haha  masayang masaya ako sa mga nangyayari kung pwede lang patigilin ang oras ay ginawa ko na para makasama siya ng buong buhay ko.


Naalala ko tuloy noong una kami nagkita…

Kapwa kami bago sa unibersidad na yon at pareho kaming first year. Pero ako dahil sa maaga akong nagenroll 2 weeks before the class start eh nagkaroon na ko ng chance para malibot ang buong campus at alamin kung san ang mga room ko.
Nakatayo ako sa harap ng bulletin board ng glee club malapit sa may parking lot ng may tumapik sa balikat ko ”brod pedeng magtanong?”

”a.....a..ano po yun?” habang namamangha sa nakikita ko,  “si superman bumaba sa lupa para magtanong sakin? ahaha” sigaw ng utak ko, “nanghihina ang mga tuhod ko! Superman kaya ka ba nandito ay para saluhin ako? Sabihin mo OO dali! Sabihin mo OO! hindi ako makahing.. ahhh ahhhh mouth to mouth kelangan ko superman!”

”san ba yong Nursing Laboratory 1? . . . . . ahh brod . . brod ok ka lang ba is there something wrong?? BROD!” mejo sigaw nya

“ayyyy brod na kalabaw” pagitla kong tugon..”a......aahhh ano nga ulit yung tanong mo?

“muka ba kong kalabaw?haha sabi ko san po ba yong Nursing Lab?

“ahh kwan dumirecho ka dito tapos makikita mo yung canteen lumiko ka sa kanan may makikita kang telephone booth na malapit sa Deans Office ng Education tapos yong katapat non ay nursing building tapos  use the stairs pababa may makikita kang tatlong room yong 2nd room ang nursing laboratory 1” ang mahaba kong tugon

“salamat anyway im Goliber Carlos, Gab na lang, nursing, first year.” sabay abot ng kamay

”aa..aahh ako naman si JN Martin nursing din first year din” di ko maiabot ang kamay ko sa kanya kase nahihiya ako kaya siya mismo ang kumuha nito para makamayan ako, shoot! Ang lambot ng kamay nya, ano ba to babae o lalaki? “Pede bang akin nalang ang kamay mo? Ididisplay ko sa bahay ipapaframe ko pa!” sigaw ng haliparot kong utak,

“oh talaga? Edi ok yon! Anong section mo ba?” ang excited nyang muka na nakangiti! OMG heaven! “Isama mo na pati ngiti mo ipapafame ko din!” sigaw nanaman ng haliparot kong utak

“1-B” ako na nakangiti na din, nahawa nya ata ako sa ngiti nya.

“ako din! Whoa what a coincident! Hehe buti na lang pala ikaw ang napagtanungan ko! May 
kakilala na ako agad! Pede bang sayo na lang ako sumama?”

Sige sige! Gusto ko yan isasama na din kita sa bahay namin! Tapos pati sa pagtulog kasama din kita! ayyiiiee“ahh ok naman yon sakin walang problema.”

“so... friends?” si Gab

pwedeng boyfriend? “ha.. aahh.. ehhh.. sige prens..” ako.

“teka bat parang alam mo na ang pasikot sikot ditto sa school eh first year ka din lang naman?”

“eh kwan kase maaga kasi akong nagenroll kaya nakapag ikot ikot na ako”

“hehe buti ka pa! Ako kase kahapon lang ako nakapag enrol”

”bakit naman?” tumingin siya sakin, mejo kinabahan ako ” ah kung ayaw mo naman sagutin ok lang sakin”

”kase kakadating ko lang from the my vacation sa US kaya late na ako magenrol?” nakangiti nyan turan

Lumipad ka pa simula US para makasama ako? ”ah ganon ba? Kaya pala?” ang nakangiti kong sagot

”uhmm tara na magta-time na kase eh. Kelangan na natin pumunta sa class room natin” ako

”oo nga, sige tayo na” si Gab

”Tayo na? Di nga? Sige byfriend na kita! Hahaha” sigaw ng madumi kong pag iisip. At yun na 
nga kami na ang naging magkasama sa unang isang buwan ng aming class semester. 

Itutuloy. . .  

No comments:

Post a Comment