Friday, January 21, 2011

TELL HIM Chapter 2



 THE HUNKY NEIGHBOR

"Minsan ang isang biro ang maraming kahulugan at maaring purong biro lamang ito, maaring isa rin itong paraan para sabihin ang mga bagay na hindi kayang sabihin ng deretso sa isang tao at minsan isang paraan din ito para malaman mo kung mahalaga ka sa kanya."

”oi lutang ka nanaman jan! sabi ko upo ka na” habang pinapagpag ang kamay sa kalapit na nya.

”huh hindi ah” pagtanggi ko

”eh bat ka tulala?”

”sorry may naalala lang ako!”

“sus mahal ka non wag ka ng mag alala pa”

“haayyy sana nga. . . “ mahina kong tugon

“huh? Ano sabi mo?”

“sabi ko ano kakain natin? My treat since nilibre mo ko kanina sa library”

“kita mo na lutang ka nga nakaorder na ko idedeliver na lng dito eto number oh”sabay pakita sakin.

“kanina ka pa kaya nakatayo at tulala na nakangiti, sino ba kase iniisip mo?”

”ikaw!” ang wala kong kaabogabog na tugon

”ako? Bakit ako?” ang bulalas nya na nakangiti

”ha…ah . .  eh sabi ko ikaw ano inorder mo? Gutom na ko eh.” palusot ko habang namumula pa ang mga pisngi sa kahihiyan

”syempre yung hindi mo gusto para hindi ka kumain hahaha”

”edi sana di ka nalang umorder kung di ko naman pala makakain!” medyo naiirita kong sagot

”eto talaga ang sungit. . . hehe . .  Syempre yung paborito mo” si Gab. Inilapit nya ang muka nya sa may tenga “meron kaba ngayon?”

”huh!. . .  Ano!?. . .   Pano naman ako mgakakaron aber!” ang pasigaw kong sabi 

tumahimik siya at mukang naiinis, nahiya naman ako sa inasal ko kaya kinalabit ko sya
"oi sorry . .  oy . .  sorry na ,. . . " pagmamakaawa ko ”ang sungit mo kasi! Para kang babaeng malalaglagan ng matres sa tyan!” mejo naiinis na sagot nya at tinuon ang atensyon sa number ng meal namin. Nahiya naman ako sa ginawa ko kaya minabuti ko na lang na sakyan ang joke nya ”wala akong ovaries at wala din lumalabas na egg cells sakin! Haha” ang biro ko. Pero wala syang pinakitang reaksyon.”Shit hindi effective! Nako galit na sya! Ano ba kaseng problema mo JN! Bakit nga ba ang sungit mo! di ka na nahiya sa kasama mo!”ang saway sakin ng utak ko.

”oy. . . ” hinawakan ko muka nya para iharap sakin ”sorry na….” pagmamakaawa ko
Hinawakan nya ang kamay ko na nakahawak sa muka nya. ” ano ba kasing problema? Tell me.”

”Gab sa totoo lang wala talaga, hindi ko rin alam kung bat ako ganito ngayon”hawak par in nya ang kamay ko

”are you sure?” si Gab habang nakatitig sa mga mata ko

”opo boss ako pa! hehe” Gab wag ganyan. Wala naman titigan, talo ako dyan eh! ”uhhmm excuse lang muna CR lang ako” binawai ko ang kamay ko at tumayo. Aalis na sana ako pero hinawakan nya ulit ang kamay ko”sigurado ka ha”. Hindi pa ako nakakasagot ng may magtakip ng mata ko mula sa likod. ”aaahhh sino ba to! Hoy ano ba! ” ang pagpupumiglas ko. Binitiwan niya ang kanyang pagkakatakip sa mata ko at inakbayan ako ”oi ang sungit mo ngayon!” si kuya Biboy.

__________________________________

Katapat bahay namin si kuya Biboy, ahead saamin ni gab ng isang taon si Kuya Biboy fourth year sya at third year kami, katulad ni Gab isang super hunk din si kuya Biboy, singkit, matongos ang ilong, hayop ang ngiti, mabango, matangkad baka 6 footer din siya, super hot ang  bod with striking abs as in maglalaway ka pag nakita mo ang abs nya! (Bakit ko alam? Syempre sinilipan ko sya sa CR habang naliligo! Joke lang! Remember kapitbahay namin sya kaya nakikita ko sya pag magjojoging at pag nagbabasketball sya kasama ang mga kapitbahay namin at infairness to the maximum levelacious laging nakahubad syang maglaro ng basketballs huh, well may karapatan naman syang magpakita ng katawan nya, buti na lang at kahit papaano ay maganda ang village namin kaya konti lang ang mga malalading babae, talipandas na bakla at mga matronang nagsisigawan sa oras na hubadin nya ang shirt nya! Syempre sumisigaw din ang utak ko! magpapatalo ba ako sa mga pangit na to! No way highway! Pero hanggang utak lang ayoko maiskandalo noh! Hehehe

_____________________________


               Dahil sa malabo ang mata ko gawa ng pagkakatakip nya ng madiin at idagdag mo pa na wala akong dalang salamin kaya hindi ko makilala ang umakbay sakin. Naamoy ko ang pabango nya ”Kuya Biboy? Habang kumukurapkurap ang mata ko ”galing ah! Bat ang sungit mo ngayon?”syempre ako pa?pinagpapantasyahan kaya kita kaya alam ko ang pabango mo. ”sino ba naman ang hindi magsusungit sa ginawa mo? Malay ko ba mamaya kidnapper na pala tapos balak akong dakpin tapos ipapatapon sa isang mabaho at madilim na bodega tapos igagapos na parang isang kriminal pagsasamantalahan at papatayin!” ang mahaba at malandi kong tugon

” Hindi ka lang masungit ngayon, may sayad ka pa! OA mo! Hahaha” ganito kami ni kuya Biboy dahil sa pagiging close na magkapitbahay namin.

”hahaha joke lang! Oh bat nandito ka? Wala kang class?” ako ”wala na, may sakit si prof eh. Boring nga eh baka umuwi na din ako maya maya”

”buti ka pa” ako “gusto mo samahan mo na lang ako sa mall? Gala tayo! Sagot ko!”

”E-EHEM EHEM!!” nagparamdam si Gab, oo nga pala kasama ko nga pala si mahal ko  nakalimutan ko na dahil kay papa Biboy

”ahh kuya Biboy si Gab nga pala classmate ko, Gab si kuya Biboy kapitbahay ko”

”oo kilala ko na si GAB right?, nakasama ko na sya sa Runway last Friday” si kuya Biboy

”oo kilala ko na din sya” ang maikling sagot ni Gab na may pagkairita

”oh pano got to go na mukang naistorbo ko pa ang date nyo, kita nalang tayo mamaya” si 
kuya Biboy.

”date ka dyan kita mong nasa cafeteria lang kami date na ba to? Sana nga kuya Biboy date na nga sana to!sige kuya Biboy ingat ka na lang”ako at umupo na ko.

”parang walang kasama ah . . . ” si Gab na halatang galit

”huh? Ano kamo?” patay malisya kong sagot

”sabi mo diba iihi ka? Bat umupo ka na?”

”ah… eh . . . ” di ko alam ang isasagot ko kase di naman talaga ako naiihi gusto ko lang naman 
tlagang umalis kanina kase parang matutunaw nako sa tingin mo,

”Dumating lang yang kapitbahay mo umurong na agad yang ihi mo? Ano siya Anti diuretic? At may pag akbay akbay pang nalalaman, ano sya lumpo kelangan ng saklay? At gusto pang lumabas at mablibre? Ano ka walng pera para ilibre nya?” ang mejo inis nyang banat sakin

Kung di ko lang to kilala iisipin kong nagseselos sya, SANA NAGKAAMNESIA AKO PARA DI KO SYA KILALA TAPOS IISIPIN KONG NAGSESELOS SYA HAHAHA (evil laugh) SIGE MAGSELOS KA! MAGSELOS KA!!, . . . . kaso hindi eh, sa tagal ng pinagsamahan namin eh malayong mangyari, tapos si kuya Biboy naman malabo din na may gusto sakin dahil sa sobarng babaero at ang dami dami ng humahabol na babae sa kanya kaya imposible ang mga iniisip ko! "nako inatake nanaman ako ng  Delusion.."
Inuntog ko yung balikat ko sa balikat nya ”oy ano bang ikinagagalit mo? Para kang sira hehe”

“wala!”

“oy sorry na kung di kita naisali sa usapna naming kanina mejo jolly kaseng kausap si kuya Biboy kaya . . . “

“kaya nakalimutan mo na ako ganun ba yon? Kung di pa ko magpapansinin baka di mo ako maalala!” seryosong baling nya sakin.”sorry na po boss (with matching paawa effect) wag ka na pong magalit sakin” with my two hands na magkahawak na parang nagdadasal at nakapatong pa sa balikat nya ang baba ko.

“ hmmmm . . . . Sige na . . . . magCR kana. . baka dito ka pa maihi” mahinahon nyang tugon habang ibinibigay ng helper yung meal na inorder nya “haha sabi ko na eh mahuhulog sa ginawa ko effective ang awa effect ko hahahaha” ang matalino kong utak

“sige wait lang” pumunta ako ng CR para maghilamos “my gawd ano ba to! Dalwang papable ang  nag aagawa sakin? Dinaig ko pa sa haba ng hair si mareng rapunzel” habang kinikilig na nakangiti sa harap ng salamin “ulol gumising ka nga! Kaibigan ka lang ni Gab at kapitbahay ka lang ni Biboy!” ”eh bat ganun sila? Imposibleng di nila ako gusto no!” ”dont make a big deal out of it! Wag kan gang hibang! at saka hello nag iilusyon ka nanaman” Ang pagtatalo ng aking ID at SUPEREGO “wow may away?? May away sa utak ko?” ang aking EGO na neutralizer.

Somethings telling me it might be you all of my life
Maybe its you
I’ve been waiting for all of my life. . . 

nagring ang cellphone ko. Si Gab tumatawag na, hala ganun na ba ako katagal na nakipagtalo sa utak ko? lumabas ako sa cr at dumirecho sa table naming dalawa. “tagal mo naman, akala ko nilamon ka na ng bowl dun” si Gab “HE. . HE . . HE. .  funny! Naghilamos lang po ako” ”ahh kala ko kinain ka na eh, tara kain na tayo” si Gab habang sumusubo ng burger. ”shharrap ttaallagaa dditto” sibi ni Gab habang punong puno ang bibig ng burger ”ayan ganyan tama yan, naiintindihan kita! Ang linaw linaw ng mga sinasabi mo! Ubusin mo muna yang nasa bibig mo bago ka magsalita”actually ang gwapo nyang tignan sa ganung itsura kaya pinicturan ko sya gamit ang cell phone ko. ”Got yah! hehe ang pangit mo dito Gab oh” pinakita ko ang picture nya na puno ang bibig. Inaagaw nya ang cellphone kop ero di ko bingay ”aaahhkinn nnnhhaaa yaahhnn.” ang pagmamakaawa ni kolokoy.
”haha ayoko nga! Ipopost ko to sa building natin! Itatag ko pa sa mga classmate natin saka gagawin ko pang wallpaper ko” (well kahit papaano ay nahuhumaling din ako sa fb, ang dami kayang nag aadd saking gwapo dun! Hahaha) itinaas ko ang cp ko at nabigla ako sa kasunod na nangyari..

 ”aarrhh arrh arhhhh ahhrhh” si gab na nabulunan

”haha yan katakawan!” panlalait ko

”aaahhhhrrrrrrr AAARRRRRHHH ARRHHHHH

”haha yan buti nga sau! Sabi ko kaseng . . . .” hinawakan nya ang kamay ko, namumula na sya at parang mawawalng ng malay sa kakaubo nya, ”hoy  . . . ok ka  lang ba! . .  hoy . . .   Oh shit  sandali, eto e . .to eto tubig inumin mo dali!” shocks mahal ko wag kang mamatay hindi pa ko handa! Hindi ka pa nagpropropose sakin, hindi pa tayo nagpapakasal, at hindi ko pa natitikman ang katawan mo! WAG!!! Hindi pa man niya nahahawakan ang baso eh humarap siya sakin na nakangiting nakakaasar.

”got yah! HAHAHAHA” ang pagbasag nya sa natatarantang katawan ko sa reaksyon nya kanina na parang babawian na ng buhay. Natigilan ako at napasandal sa backrest ng upuan na nagingilid na ang luha, ”gago ka! Akala mo ba maganda yang ginagawa mo!” maiyak-iayk kong sagot habang sinuntok ko ang braso nya. ”nakakainis ka talaga! Bahala ka sa buhay mo! Uuwi na ko!” tumayo ako kinuha ang gamit sa kabilang chair at nagmamadaling umalis. Hinabol nya ko at naririnig kong sinisigaw nya ang panagal ko pero mabilis pa sa kabayo ang takbo ko at nakasakay agad ng taxi. ”gago ka Gab papatayin mo ba ako sa nerbyos? Gago ka! Gago ka! Hindi ko kayang mawala ka, hindi ko kakayanin, parang mawawala din ang mundo ko pag nawala ka. Di kita mapapatawad pag iniwan mo ako! Hinding hindi!” Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako sa loob ng taxi.

_____________________________


”Ma I’m home . . . .” nagmano ako at humalik sa pisngi nya

”oh anak bat parang pinagsakluban ka ng langit at lupa! May nangyari ba sau? O may nagyari ba sa inyo?” ang sarkastikong bati ng mama ko sakin, lakas ng radar mo mama! Alam na alam mo!

”si mama talaga, pagod lang ako”

”sus itong batang ito ako pa ang nilako. Ano ginawa ni Gab? Oh ano may girlfriend na ba sya kaya ka ganyan o nakabuntis na?” si mama

”ano ba yan ma, OA un ha”, ”may pinagmanahan talaga ako”bulong ko sa aking sarili

“oh eh ano?” ang takang tanong ni mama. ”ma pwedeng magbihis muna bago chismax?”

”oh sige magbihis ka na at magpapahanda ako ng meryenda”

”ma! Wala po tayong katulong kanin oka naman magpapahanda ng meryenda?”

”ay oo nga pala ano ahihi” si mama, umakyat nako sa taas at nagbihis ng damit at yon nga kinwento kong lahat ang nangyari kanina.

”ma ang sarap nitong sandwich ha! Parang hindi ikaw ang gumawa! Heheh” pang aalaska ko sa nanay ko

”eh hindi naman ako ang gumawa nyan talaga eh, sabi ko sayo diba magpapagawa ako ng meryenda” si mama

” eh sino po? May katulong na tayo?” ang pagtataka ko?

”Ma’am Beca et ona po yong juice nyo” ang bago naming katulong

“ah aling Minda eto po ang aking unico hijo si JN, galing probinsya yan si aling Minda” tumayo ako at inakbayan si aling Minda. “ hi aling minda ako po si JN natutuwa po akong makilala kayo” ang excited kong pagpapakilala sa aming bagong katulong. Mejo may edad na si aling minda at mahahalata yon sa kanyang pangangatawan at balat.

“ah sir . . “ di pa man natatapos si aling minda sa sasabihin nya eh nagsalita nako “ JN na lang po, wag nyo na po akong tawagin ng sir naasiwa kasi ako eh hehe”

“sige po JN” si aling M

“ay ano bayan din a nga sir may po naman, ilang taon ka na po aling minda?”

“59 po”

“oh kita mo na aling minda mag na nineteen pa lang ako sa susunod na buwan eh kaya ako po ang nanganganopo sa inyo ok po ba yon? Ay nanay minda na lang ang itatawag ko sainyo”

”sige JN” at umakyat nako para ayusin ang mga gamit ko sa skul.

”nako ma’am Becky ang bait pala ng anak nyo at ang gwapo pa ha.” si nay minda

”i heard that! Nay Minda I love you na agad! Hehe”

”nako syempre aling minda san pa ba yan magmamana kung di sakin hehe” si mama na nagmamaganda

”ay ma’am matanong ko lang po, nasan po ang inyong asawa?” si nay minda
Tila nag iba naman ang mood ng nagmamaganda kong ina ”ay aling minda pakiligpit na nga muna itong pinagkainan namin dun na lang sa kusina natin pag usapan yan.”

__________________


Pagakyat ko sa kwarto nakita ko nang nagba-vibrate ang cp ko, nakasilent mode nga pala 
ako, tumatawag si Gab, ”BAHALA KA SA BUHAY MO! MANIGAS KA!” at binaba ko ang phone ko at inayos ko na lng ang gamit ko.

Nagising ako sa katok ni nay Minda, ”anak . . JN anak kakain na, pinapababa ka na ng mommy mo” nakatulog na pla ako, ”sige po baba na po ako” sagot ko kay nay Minda. Chineck ko ang phone ko may 21 na misscalls at may 18 na messeges. “wow maganda to! Aaraw arawin ko pa lang awayin tong si Gab ng mataranta siya haha, mamaya na kita babasahin at kakain muna ako! Nagrerebulosyon na ang aking mga bulate sa tyan!” kaya pinidot ko ang Cancel button at nawala ang misscalls at messeges, napangit naman ako nang makita ko ang wallpaper ko,"yan katakawan mo muka ka ng ewan hahaha .. .  hay nako Gab ulitin mo pa ang ginawa mo kanina at talagang makakatikim ka na!!"  ibinaba ko ang phone ko at bumaba na sa dining area


_______________________


“anak nakatulog ka ano?” si mama

”opo eh hehe”

”halata nga ayan oh may natuyo pang laway sa muka mo!” pang asar ni mama

”huh?! Hindi nga ma? Meron? Nakakahiya!!”

”haha anak joke lang, ikaw naman, sige na upo na”


Diiinnnnnnnnggggggg Doooonnngggggggg! DDiiiiiiinnnnnnnnnnngggggg doooonnnnnnggggggg!

”aling Minda, pakibukas na po ang gate natin at nandyan na yung bisita natin” si mama.

”Ma may bisita tayo? Mga amiga mo?”

“hindi anak pero magugustuhan mo ang bisita ko!”

”huh? Magugustuhan ko? sino ba yon?”

”malalaman mo din yon anak sige na upo ka na” si mama. binuksan ni nay minda ang pinto at pinapasok ang bisita,hindi pa man lumalapat ang pwet ko sa upuan eh nabigla na ako sa bisita ni mama.



”IKAW!!!!!!!!!!!!!!”



Itutuloy. . . . . 

No comments:

Post a Comment