Friday, January 28, 2011

TELL HIM Chapter 9

RETROSPECTION part 1



"We can not change the inevitable"




Isang buwan bago ako tanggapin sa trabaho ko, binisita ko ang aking lola, namiss ko na si lola, hindi naman siya marunong magtext o gumamit ng computer kaya di ko alam ang kalagayan nya kaya napagpasyahan kong puntahan siya sa Maynila. Mahaba ang byahe mula Ilocos halos 10 oras din ako sa aking pagkakaupo sa bus. Dumating ako sa Maynila ng mga alas singko ng hapon, makulimlim at tila babagsak ang malakas na ulan..


Diinggggg dooooonnnngggg...


May magandang babae ang bumungad sa akin, malamang ito ang amo ni lola, napaka kinis ng kutis nya malaporselana at makikita din ang kanyang pagkamayaman dahil sa kanyang bihis at mga alahas na nakasabit sa kanyang katawan. Siguro mga nasa late 30’s na siya


”goodmorning ma’am is this Lauchenco residence? I’m Peter Ursia, lola ko po si Melinda Nakpil”


“ay hijo ikaw ba ang apo ni aling Minda? Halika pasok ka.. ako si Rebecca Lauchenco, sa akin namamasukan ang lola mo” pinatuloy ako ng ginang na nagpakilala sa akin na amo ni lola, mukang mabait siya.


Sa labas pa lang makikita mo na ang estado nila sa buhay, ang ganda ng bahay, hindi kalakihan kagaya ng mga mansion pero sapat na siguro para sa aking pamilya. Nang makapsok kami sa loob ay mas lalo akong namangha sa ambiance malinis, komportable, kaaya aya sa mata, kaunti lang ang mga matryales pero halatang mamahalin ang mga ito, at mga ganitong bahay ay sa mga magazine at telibisyon ko lang nakikita.


”maupo ka hijo at tatawagin ko lang si lola mo” tinungo niya ang parte ng bahay na malamang ay kusina at tinawag ang aking lola. Kahit ang mga kaibigan kong may kaya sa buhay ay hindi ganito kaganda ang kanilang bahay. Napakaganda talaga. Lumabas si lola sa kusina kasabay si Mrs. Lauchenco.


”Peter apo . . .” niyakap ako ni lola


”lola namiss ko po kayo . . .”


”aling Minda maghanda po kayo ng meryenda. Mukang malayo ang byahe ng apo nyo.”


”nako ma’am wag na po ok lang po ako, nakakahiya naman po. Gusto ko lang po kumustahin si lola, aalis na din po ako maya maya” ako


”nako hijo, Peter ayos lang yon.. buti pa ay dito ka na din magpalipas ng gabi. Malayo ang Ilocos sa Maynila kaya alam kong pagod ka, mabuti pang dumito ka na muna at para naman may iba akong nakikitang tao dito sa bahay.” si Mrs Lauchenco


”oo nga apo sandali at maghahanda lang ako ng meryenda” umalis si lola at tumungo sa kusina, si Mrs. Lauchenco naman ay umakyat sa 2nd floor ng bahay, ”hijo maiwan muna kita diyan at may kukunin lang ako, nandiyan sa mesa ang remote kung gusto mong manood ng tv wag kang mahihiya anak.”


Napakabait ni Mrs. Lauchenco sa akin, masaya ako at sa katulad ni Mrs Lauchenco si lola namamasukan, hindi na ako mag aalala dahil alam kong nasa mabuting kalagayan siya. Abala ang aking mga mata sa pagikot sa kabuoan ng bahay ng makita ko ang isang portrait. Magkasama ang isang babae na alam kong si Mrs. Lauchenco at isang batang lalaki, eto kaya ang anak ni Mrs. Lauchenco na sinasabi ni lola sakin. Lumingon ako sa isang side ng aking kinauupuan at nakita ang larawan ng isang lalaki, inabot ko ito at tinignan sa malapitan. ”yan si JN anak ni ma’am Becka” si lola, ibinaba niya ang tray sa mesa.


”napakabait ni JN ayaw nga nyang tawagin ko siyang sir, at alam mo bang NAY MINDA ang tawag nya sa akin” napatawa si lola, ”susko  napaka bibo ng batang yan saka alam mo bang walang kabisyo bisyo yan sa katawan, hindi marunong uminom at lalong hindi naninigarilyo” si lola


”oo nga lola halatang mabait ang kanyang pagkatao. Sa mga ngiti nya at sa mga mata nya makikitang maganda ang pagpapalaki sa kanya” ganun pa man sa likod ng mga matang yon ay nakikita ko ang lungkot.


”uhmm lola bat po parang wala sa mga litrato ang asawa ni Mrs. Lauchenco?” Natahimik si lola “ Ms. Lauchenco na lang ang itawag mo o kaya ma’am”


“bat po miss eh diba misis na siya?” naguguluhan ako sa pahayag ni lola


“nako apo mahabang paliwanagan yan saka hindi tama na ikwento ko sayo yan dito. Sige na kain na, oh eto ang juice” ng maubos ko ang sandwich na ginawa ni lola ay sakto din ang pagbaba ni Mrs. ay Ms. Lauchenco pala.

“hijo dito ka na maghapunan at magpalipas ng gabi ha, ipapahanda ko na lang kay manang Minda yun guest room”


“nako ma’am sa quarters ko na lang po double deck naman po yung higaan don” ang suggestion ni lola


“oo nga po maam para po makapagkwentuhan din po kami ni lola saka isa pa po nakakahiya naman po”


”o sige ikaw ang bahala” nakita nyang nasa tabi ko ang larawan ng kanyang anak ”ay maam pasensya na po pinakailaman ko po ung mga frames nyo. Kinuha nya ang larawan ng kanyang anak.


”diyos ko nasan na kaya ang batang ito, mag aalas sais na wala pa, hindi naman siguro ganun katagal ang pag eenrol nya.”


”ma’am baka po kasama ni Gab” bumuntong hininga lang si Ms Lauchenco. Nagtaka naman ako kung sino ang Gab na tinutukoy nila.


Tinulungan ko si lola sa pagluluto, nandon din si maam Becka at nakikipag kwentuhan sa akin, nakakatuwang kakwentuhan si maam Becka, para lang siyang teen ager kung makipagbiruan sa akin, pero nandoon pa din ang pag galang ko sa amo ng aking lola.


Matapos ang hapunan tinulungan kong maghugas si lola ng mga pinagkainan, nagpalabas din ng dessert si ma’am Becka at nagsabing salahun daw siya habang nanonood ng TV.


Makalipas ang ilang oras pa ay nakareceive si maam Becka ng isang tawag…


”ah manang Minda tumawag sa akin si Cherry baka daw po gabihin sila ni JN sa pag uwi, gisingin nyo na lang ako pag dumating na, nagaalala ako hindi ganito ang anak ko, di man lang siya tumawag o nagtext…” napabuntong hininga si maam


”oo nga po maam eh, mukang malulungkutin din siya nitong nagdaang mga araw, para nga pong hindi siya naglalabas ng kwarto nya”


”hayyy, mukang alam ko na kung anong nangyayari sa kanya, . . . wag naman sana . . . ”  at tuluyan ng umakyat ang ginang sa kanyang kwarto


            Ala dos na ng madaling araw wala pa din ang hinhintay ni lola, nakatulog na di nata ang matanda, hindi din ako dalawin ng antok, pabalibalikwas ako sa aking higaan. Hindi ko matanggal sa aking isipang ang mga matang iyon . . . napakalungkot . . .



Diinnngg dooonnngggg. . . . .  dinnnggggg dooooonnngggg . . 


Nagising si lola at tinungo ang pinto sa harapan, napasigaw siya ”maam . .  nandito na po si JN… Peter apo tulungan mo ako . . . ” dali dali akong tumakbo papunta sa aking lola.. Mula sa aking kinatatayuan ay nakita ko ang isang lalaking kahabag habag ang ichura, nakahandusay at walang tigil sa pagsusuka . . .


Lalapitan ko na siya para tulungan ng biglang . . . . .



____________________




             Bata pa lang ako ng makita ko ang bagong umuukopa ng bahay sa aming harapan. Isang magandang babae at isang batang lalaki na may hawak na teddy bear sa kanyang braso. Napakacute ng batang yon kahit na tumutulo ang sipon sa kaliwang butas ng ilong, siguro ay magkasing edad lang kami  sa aking tantya.


Sinabi sa akin ni mama na samahan ko daw siya sa tapat at makikipagkilala siya, para na rin daw masabihan na mgkakaroong ng house party para sa knila, si mama ang head ng homeowners assoc sa aming village kaya ganun siya kapursigeng makipagkilala sa bagong kapitbahay. Kaya naman wala na akong nagawa at sumama na ako sa kanya sa katapat bahay.


”goodmorning I’m Mrs. Chantal Tolentino head ng home owners assoc, diyan lang kami sa tapat nyo nakatira”


“goodmorning din halika pasok kayo ako si Rebecca Lauchenco”


”eto ang aking anak na si Biboy 7 yrs old grade 2 na siya diyan sa Holy Rosary . . ”


”hi biboy ako si tita Becka mo, sandali lang . . JN . . .  JN anak halika dito . . ”



JN pala ang pangalan ng batang uhugin na nakita ko kanina.


Bumaba ang bata sa hagdan tangan pa rin ang teddy bear nya pero wala na ang uhog nya, mukang nakapagpaliit na din ito ng damit at mukang malinis na.


”eto ang aking unico hijo si JN 6 yrs old grade 1”


”bata gusto mong maglaro?” ang tanong ko sa bata, nagtago naman ito sa likod ng kanyang mama


”anak maglaro muna kayo, siya si kuya biboy mo mas matanda sya sayo kaya dapat kuya ang itawag mo sa kanya.” tumango ang bata ngunit hindi pa din lumapit sa akin ang batang uhugin at humawak pa ito sa kanyang mama.


”ahh pasensya na mahiyain kase, upo kayo , at maghahanda lang ako ng meryenda.” ng tumalikod si Tita Becka ay naiwan ang batang uhugin sa kanyang kinatatayuan. Nang lapitan ko ito, ”bata gusto mong maglaro sa park?” agad din itong tumakbo sa kayang mama. ”ano ba yan . . para makikipaglaro lang . . .”


            Dumating ang gabi at nagsimula na ang party, halos lahat ng mga kapitbahay namin ay nagsidatingan, nakita ko ulit ang batang uhugin, wala na ang teddy bear nya at bihis na bihis siya ngayon. Nilapitan ko ulit siya ”JN takot ka ba sakin?” tinanong ko siya


”ha . . . hindi po . . ”ang naiilang nyang sagot. . .

”sige kung hindi ka takot sakin papayag kang makipaglaro sakin” ngumiti siya at sumama sa akin paglalaro. Simula noon ay naging magkaibigan na kami


Nasubaybayan ko ang paglaki nya, hindi kami pareho ng school na pinapasukan pero nakikita ko siya pag umuuwi na ng bahay nila, pag sumisimba, pag minsan nagswiswiming sa pool sa clubhouse ng aming village sumasaya ako pag nakikita ko siya. Naging magkaibigan pa din kami ng tumuntong siya ng highschool, magkaiba pa din kami ng school pero dumadalaw ako sa kanila minsan. Nang unang buwan ng aking 4th year, lagi ko nang nakikitang may kasama siya palagi pag uwi nila sa bahay siguro kaklase nya, gwapo, mayaman din dahil minsan hinahatid siya sakay ang koste, malaki ang katawan kahit na sa murang edad.


Isang araw paglabas ko ng terrace namin sa taas nakita kong papauwi na si JN, nanikip ang dibdib ko sa aking nasilayan, ang lalaking lagi niyang kasabay sa paguwi ay nakaakbay sa kanya at sweet na sweet sa kanilang paglalakad, nang makarating ito sa harap ng gate nina JN ay nagnakaw ito ng halik sa mga labi ni JN, nagpuyos ang aking kalooban sa nakita, hindi ko din maintindihan kung bakit ganoon na lang aking nararamdaman pero alam  ko sa sarili ko ayaw kong may ibang makakahalik sa mga labing iyon, ayokong may makakahawak sa mga kamay niya, gusto ko ako lang ang magpapasaya sa kanya. Nang tuamagal ay naging masuyo ang halikan nila, hindi ko kinakaya ang aking nakikita kaya naman nayupi ko ang coke in can na hawak ko, naibato ko din ito sa kalsada at natigilan sila sa kanilang halikan, nagising din naman ako sa aking pagkagalit at dali daling pumasok sa aking kwarto.’


Simula noon ay ipinangako ko na sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para mapasa akin si JN, pumunta ba ako ng madalas sa gym, ilang oras din ang itinatagal ko doon para lang maabutan ko ang katawan ng lalaking yon, kailangan kong maging kasing laki nya kung ganun ang tipo ni JN na lalaki. Di na din ako makadalaw sa kanila dahil sa pagod araw araw sa gym. Nagbunga naman ito ng tumuntong ako ng kolehiyo, isang hunk na ako ngayon at maipagmamalaki ko na ito sa kanya.


Sisimulan ko na sana ang aking plano ng mapansin kong hindi na hinahatid si JN ng lalaki, hindi ko na din nakikita ang saya sa mata ni JN, di katulad ng dati noong panahong lagi niyang kasama ang lalaking yon. Naisipan kong dalawin siya ”ma wala na si Kiko . . . huhuhuh . . . iniwan na nya ako . . ” si JN umiiyak

”anak . . .tahan na . . .alam naman natin na may dahilan si Kiko sa kanyang pag alis diba . . .”

”ma ansakit sakit . . . ayoko siyang mawala sa tabi ko . . . mahal na mahal ko siya . . huhhu . . .”

”anak tahan na . . . kahit naman ako nahihirapan din eh.. kasi ayaw kitang nakikitang umiiyak . . . pati ako nasasktan . . . ”


Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, gusto kong makita ang Kiko na yon suntukin sa muka, gusto kong pagdusahan nya ang ginawa nya sa aking pinakamamahal, gusto kong ipamukha sa kanya ang sakit na nararamdaman ni JN. Di ko na din napigilan pa ang aking mga luha dahil sa mga narinig ko. Una dahil mahal na mahal ito ni JN at napakasakit nito para sa akin pangalawa hindi ko pwedeng ipilit ang sarili ko ngayon, ngayon pang napakahirap ng kanyang pinagdadaanan. Kaya iintayin ko na lang ang tamang panahon. Lumipas ang taon at nasa 3rd year college na si JN


            Enrolment ng college of nursing ngayon, “yes 2nd semester na! gragraduate na ako! Woohooo!” ang naisigaw ko habang naglalakad papuntang building ng admin para mag pa-asses ng natitirang subjects ko. papalapit na ako ng admin ng bilang nakita ko ang aking pinakamamahal na nagmamadali sa paglalakad



“JN!!” ang nakangiti kong sigaw sa kanya. Di nya ako napansin, at derederecho siya sa 
paglalakad


“Luha ba yong nakikita ko?” ang ngiti sa labi ko ay nawala..


“friend wait! Nakakaloka ka intayin mo ko!” hinabol siya ni Cherry


Nagsimula akong magtanong kung anong nangyayari sa kanya. ”ano ang mga luhang yon? Bat siya hinahabol ni Cherry at parang nagaalala din si Cherry sa kanya” ilang minuto ang ang lumpas ay lumabas si Gab sa admin building, ”mukang alam ko na…” nagdilim ang paningin ko at di ko napigilan ang aking sarili kwinelyuhan ko si Gab ”ANONG GINAWA MO?!” ang galit kong boses. Di siya lumaban sa akin, pinigilan ko ang aking sarili at pinakalma binitiwan ko siya at naglakad na siya papalayo.


             Buong gabi ko iniisip si JN binantayan ko siya hanggang sa siya’y makauwi.

10 . . .

11 . . . ”wala pa din.. di naman ganitong gabi umuuwi yon ah..kianakabahan ako sayo Jn 
umuwi ka na . .”

12 . . . ”arrghh wala pa din.. nasan ka na ba!!”

1 . . .

2 . . . 



Dinnnnnggggg dooonnnnggggg….




Hayon . .  napabalikwas ako sa aking kianuupoan at agad kong tinungo ang terrace . . . .



             Nakito ko si JN na nakahandusay at patuloy na nagsusuka . . . awang awa ako sa kanyang itsura . . . ”puta! Kasalanan mo tong lahat . . .di kita mapapatawad . . . !!



             Tumakbo ako papunta sa kanyang kinaroroonan para tulungan ang aking pianakamamahal. Papalapit na ako sa kanya ng biglang . . . . .







Itutuloy . . . . .



1 comment:

  1. napakagaling ng writer hahaha kulang na lang lumundag ako dito

    ReplyDelete