Thursday, January 27, 2011

TELL HIM Chapter 8

RETRIBUTION


"I'll play on your fears, I'll leave you in tears
You'll never be the same, my friend
You're walking a line, it's a matter of time
I've got the power to bring you down
You know something, you see it coming,
You know I will stop at nothing"







“hey!”



Isang pamilyar na boses ang nagpatigil sa aming paglalakad. . .



Hinanap namin kung san nagmula ang boses…


May lalaking umakbay kay Cherry ”oi kuya Biboy ikaw pala yan!” si Cherry

“hi Cherry! . . . oh sino to? Bagong boyfriend?”  tinuro ako ni kuya Biboy, nanlaki naman ang mata ni Cherry

“hoi  MR. BIBOY TOLENTINO di mo ko kilala?” at inilaki ko ang mga mata ko sa kanya
Nagulat si kuya ”kilala mo ko? . . . hindi . . .  sino ka ba?”

”hahaha . . . ”

”anong nakakatawa???” si Kuya biboy

”magkapitbahay lang tayo ano!” ako. Tinitigan nya ako ng lalapitan, hinawakan ang muka ko, ibinaling sa kaliwa, sa kanan, sa taas at sa baba.

“ . . . .J. . .JN?!” nanlaki ang mga maliliit nyang mata

”aba sino pa?!”

”whoa ikaw ba talaga yan?”

”kulit mo din ano? Sinabi
ng oo eh. . . ganun na ba ako kapangit at hindi mo na ako nakilala?”

”whoa wala akong sinabing pangit ka, im just . . . . . ” hindi nya mahagilap ang salitang gusto nyang sabihin. ”JUST????????” sabay pa kami ni Cherry na magtanong


Namula si kuya Biboy ”well im just . . . . amazed . . . yun nga im amazed . . . woohh hehe. . . “ 

“amazed daw . . . ang sabihin mo bagkacrush ka lang sakin . . . hahaha joke. . . “ ang pambibiro ko kay kuya biboy. Inirapan naman ako ni Cherry “yabang yabang” ang bulong ni bakla “hehe joke lang yun kuya Biboy ha . . “ hindi na siya sumagot at nilipat nya ang pagkakaakbay sa akin.


Nilapit nya ang bibig nya sa tenga ko ” . . . eh ano paano kung sabihin kong may crush nga ako sayo?” nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at namula, may kiliti pa naman ako sa tenga, agad din naman ito napansin ni Cherry. Nanigas ang aking mga paa at nanginig ang aking mga binti sa aking narinig. Di ako makakilos. Nakangiti naman siya sa akin ng pagkatamis tamis


”kuya Biboy we need to get into our class na. hiramin ko muna si JN ha!” at hinatak na ako ni Cherry at sumunod naman ako. Sinundan naman kami ng tingin ni kuya Biboy ng lingonin ko siya at ngumiti pa ng pagkatamis tamis sa akin, di ko tuloy napigilan ang mapangiti ako sa kanya at kumaway na din.


______________



“thanks Cherry...”

“you’re very much welcome. . . mukang alam ko na ang sinabi sayo ni Kuya Biboy ah...” namula ako dahil naalala ko nanaman ang mga sinabi nya ” . . . eh ano paano kung sabihin kong may crush nga ako sayo?”aayyyiiiieee kinilig nanaman ako day!


“teka nga muna ikaw ang daya daya mong bakla ka! Lahat na lang ng crush ko nasayo . . . una si Peter tapos ngayon naman si kuya Biboy! Mamigay ka naman teh! Aaarrrrrggghhh . . . ” tinakpan ko ang bibig nya dahil sa lakas nyang magsalita “ . . . ano ba! Sakit ha!” si Cherry


“ingay mo kase baka may makarinig sayo. . . at saka teka nga muna, FYI lang Cherry ngayon mo lang nakilala si Pete ko, ako . . .  kanina pa kami magkasama haha, saka malay ko bang . . . “ lumingon ako sa paligid ko at ibinulong kay Cherry “malay ko bang may crush sakin si kuya Biboy . . .” napatakip ng bibig si Cherry 

“OMG confirm . . . sinasabi ko na eh may gusto yan sayo  . . . .iiiihhhhh“ pinalo ako sa balikat ni Cherry hanbang kinikilig ang bruha 

“ i hate you friend mangaagaw ka . . . hahaha“ dugtong nya. Pumasok kami sa room namin, katulad eksena sa corridor at ng makita namin si kuya Biboy, nakatitig sila sa akin, may ilang nakatayo na parang nastroke, may tumulo ang laway, may nalaglag ang mga panga, may nakaupo sa armdesk at nahulog sa sahig at may ilan ang nagpacute . . .  “ANG GANDA MO TEH!”bulong ni Cherry, tinignan ko lang siya . . . wala naman talaga akong pakielam sa kanila eh, ang tanging tao lang na gusto kong makita ay . . . . siya . . . .

               
                Hinanap siya ng mata ko, ginalugad ang apat na sulok ng classroom, “Cherry sino yan? bagong bf?” nagsilapitan ang mga tao samin, may kumpol kumpol, may isa isa, at mayroong wala pa ring pakielam.. naubo naman si Cherry “ . . . aahhhhoooo  aahhhhooo . . . to bf ko? haha!! patawa kayo”


“huh sino yan . . . bagong transfer?”  “uhmmm hi I’m Trish”,  “hi im Rica” “hi i’m Jill” “hi i’m Maria Carla Domingez Alvarez. . . Carla na lang for short ahihi” kinilig pa si bruha habang nakikipagkamay



“hi . . . .I’m JN MARTIN nice to meet you guys” ang seryoso kong tugon habang nakangiti, habang si Cherry ay pinipigilan ang pagtawa. Natulala silang lahat ng ako ang magpakilala sa kanila, hindi maipinta ang mukha ng bawat isa, naloka na ata sila, sabagay sino nga ba naman ang mag aakalang ang dating uglt worm will turn into an elegant, gorgeous, dropdead body na butterfly hahaha choz!


Nahawi ang tao na nasa harapan ko, nagsilingunan sila sa likod . . . . sa isang nilalang na kilalang kilala ng aking buong pagkatao. Naglakad siya patungo sa kanatatayuan namin at ngayon siya ang nasa aking harapan. Isang eksena na sa hinagap ay di ko naisip man lang. Dadating din pala kami sa ganong katyuan…

Matapos ang mahabang panahon na hindi ko siya nasilayan . . . eto siya sa aking harapan
Ibang reaksyon ang isinambulat ng kanyang mukha, alam kong hindi ito gulat, bagkus isang imahe ng pananabik.

Sa tagal ng panahong hindi siya nagparamdam at sa sakit na kanyang iniwan,
hindi ko maiwasang mamuhi, magalit, malungkot, maghinanakit at . . . mamiss siya
Hindi ko pa rin maitatanggi sa aking puso’t isipan na siya pa din ang umoukupa ng pinakamalaking puwang sa aking puso, siya ang nagiisang laman ng aking mga panaginip, siya ang aking hinahanap sa bawat sandali.
Pero sabi ko nga sa sarili ko. . . tapos na ang bagyo kaya dapat ng magbago ”Mataas siya ngayon, di maabot, parang mga bituin sa langit,
Pero ipinapangako ko nay. . . .bukas . . . luluhod ang mga tala . . . luluhod siya sa aking harapan . . . . . . . ay pangit, ako pala ang dapat lumuhod sa kanyang harapan hahaha….
Oo namimiss ko siya, gusto ko siyang yakapin, gusto ka siyang halikan, gusto kong itanong lahat, kung bakit hindi siya nagparamdam, kung bakit hindi nya makuhang magpakita. . . . gusto ko siyang isalvage ng buahay, ipakagat sa mga leon, ipakain sa mga buwaya, ibitin ng patiwarik, lunurin sa isang timbang tubig, sunugin ng buhay, ipasagasa sa pison. . .


Wala pa din siyang imik kaya ako na ang bumasag sa katahimikan namin..


”hi . . . ” isang salita ngunit puno ng pait at pagkainis


              Ilang sandali pa ay nasa likod na namin ang aming prof. ”ok class go to your sit now…ano ba tong mga batang to para kayong nakakita ng multo diyan” si ma’am Montecillo pala, pumunta siya sa table nilapag niya ang kanyang laptop ”alright class since magkakakilala na kayong lahat no need na sa mga introductions right?”


“yes ma’am....” parang chorus ang buong klase namin

. . . nakita ako ni Ms. Montecillo “wait... may bago ba kayong classmate wala naman akong memo na may bago kayong classmate ah.... sir can you introduce yourself” pigil sa pagtawa ang mga classmate ko. dahil sa hiniling ni Ms Montecillo na mag introduce eh sinakyan ko na din silya, tinapik naman ako ni Cherry. “suamakay ka na lang Che. . “ bulong ko sa kanya. Pumunta ako sa unahan at nagsalita.



“E-EHEM EHEM  . . . Good afternoon Classmate I’m JN Martin your classmate since first year! BOW. . .  “ at di na napigilan ng mga classmate ko ang pagtawa



HAHAHA!! HAHAHA!! Kumunot noo naman si Ms. Montecillo sa akin



“Mr Martin? . . .  Ikaw si JN Martin...”

“well thats the name my mom gave me ma’am and yan din ang nakaprint sa I.D ko ma’am so I guess I AM JN Martin. . . hehehe”


               Natawa naman si ma’am sa aking inasal “wow what a transformation huh..."
"let's just say I'm sick of the old JN na nakilala nating lahat  ma'am" kumunot noo naman si ma'am sa aking sinabi at parang clueless


"well anyway since nagpakilala na ang bago niyong kakalase hehe, I want you guys to have your sitting arrangement...”

“aawwwhhh ma’am naman 3rd year na kami may sitting arrangements pa??” sigaw ng isa kong classmate


“wait wait wait . . . . well our school is going to an accreditation so talagang kailangan nyong sumunod sa sitting arrangement.”



“oh my oh my . . . magkatabi kayo hehehe. . .” bulong ni Cherry



“ok go class move it. . . “ si ma’am


“che! Ano naman, wala naman akong paki sa kanya. . .” lumipat na nga ako sa chair na naka assign sakin.



“hi JN!” bati ng katabi ko



“hi Rissy” ang matipid kong sagot.



“alam mo ang laki ng pinagbago mo, as in! pero sana wag magbago yung ugali mo, kase alam ko naman na mabait ka, saka sa mga kwento pa lang ni Gab sakin, alam kong mabait kang tao....” Nabigla ako sa kanyang rebelasyon..”ako ikinekwento ni Gab sa kanya......?” nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig at di maiwasang tignan ang kinaroroonan niya. Nakita kong nakatitig siya sa akin, agad ko ding binawi ang aking tingin sa kanya. Gustohin ko mag kontrahin si Rissy at sungitan ay di ko magawa dahil mabait nga siya sa akin sa nagdaang 3 taon na pagiging magkaklase namin.Nag orient si ma’am sa mga gagawin namin habang ang school ay under accreditation, hindi muna siya nag klase at nagpapass lang ng classcard.


”oo nga pala bago ko makalimutan nakapost na ang mga duty schedule nyo at mga bagong kagroup nyo. Eto na din ang group nyo hanggang magaffiliation tayo ok.” naghiyawan ang mga classmate ko


”i will read na din ok, making! for the group 1 – 4 may magti-Team Leadership sa inyong 4th year, 2 TL’s for every group.”


Kinakabahan ako sa kahihinatnan ng magiging kagroup ko, wag naman sana siya ang kagroup ko. LORD WAG NAMAN SANA SIYA!!!, nagcross fingers na ako ng basahin na ang group 1...wala ang apelyido ko. . . wala din ang sa kanya pero kasama si Rissy ang rumored girlfriend nya..


“Group 2 . . . .”


Cherryan Louise nabanggit pero ako hindi pa, hindi pa din siya... Diyos ko po 2 groups na lang...



                MAAWA KAYO SAKIN, Kung kailangan kong maglakad ng paluhod sa sibahan gagawin ko, kung kailangan kumain ng buhay na manok, tumulay sa alambre at lumakad sa nagliliyab na baga ay gagawin ko wag ko lang siyang makasama!


“Group 3. . . “ eto na po sana kasama na ako sa group 3 at sana sa group 4 siya. . . . cross fingers . . . pinagpapawisan na ako, nalalamig na ang mga kamay ko, para akong lalagnatin sa mga oras na to.



“ . . . . before nga pala”


aaaarrrggggghhh pabitin pa si ma’am, ano ba ma’am bilisan nyo! Babarilin na kita ng shotgun eh! Parang gusto kong mag CR!! Puputok na ang pantog ko sa kaba !


“ok class . . . gusto kong malaman nyo na ang mga kasama nyo sa group ang possible nyong maging kasama sa Thesis, kaya goodluck guys” nako nalintikan na. pano pag kami ang magkasama sa group? Possibleng magkasama din kami sa thesis, oh diyos ko nadoble pa ang aalalahanin ko, HINDI!!!


Erase . . . Erase . . . Erase... kailang maging positive ako relax lang ok. . .


Kailang makaatract ako ng positive energy . . .


Ok inhale . . .  exhale, one more time inhale . . exhale . . . . . . Hindi ko siya kasama . . . hindi ko siya kasama . . .  “Mr Martin. “YES! Natawag na din sa wakas. . . “and the last for group 3 is Mr carlos. . .” natigilan ako sa aking narinig.


“OH MY GAWD!!!!!!!!. . . . “parang gusto kong magpakamatay ngayon ngayon lang, kung sinong dalang baril peram, pahinging scalpel nalalaslas na ko ng pulso.



                Dahil sa pagkabanggit n gaming mga pangalan ng magkasunod ay naisipan kong tignan ang reaksyon nya, nawindang ako sa aking nakita. Nakaititig siya sa akin at nakangiti, isang napakasayang ngiti parang tumigil ang oras ng panahong yon, wari’y kaming dalawa lang ang tao sa mundo, hindi ko marinig ang hiyawan ng mga kakalase ko, pati ang ingay ng kapaligiran ay wala din . . . hindi ko alam ang aking magiging reaksyon kaya’t muli, ako ang pumutol sa titigan yon.


“ok class eto ang mga team leaders nyo.” Wala na akong magagawa sa bagay na ito, kailangan ko na lang wag magpaapekto pag magkasama kami sa duty, hindi ko man siya maiiwasan ang didistansya ako sa kanya, that’s the least i can do. . . huhuhuhu


“4 weeks din ninyo silang makakasama, sila ang little C.I’s nyo so maging mabait kayo sa kanila walang pasaway ha, mararanasan nyo din yan pag dating nyo ng 4th year, ayaw nyo naman sigurong makahandle ng pasaway na 3rd year din sa Team Leadership nyo diba?

“yes ma’am..” haha parang grade 1 lang....


“Group 1 ang TL nyo ay si Ms. Arlene Bernardo at Ms Katherine Perez . . .” wala na akong balak pang makinig sa sasabihin ni ma’am dahil sa kakaisip ng possibleng mangyari sa amin pag kami ay magkasama na sa duty hanggang sa marinig ko ang pangalang ... “Mr. Biboy Tolentino. . .” napatingin ako kay ma’am gusto kong ulitin nya ang kanyang sinabi para malaman ko kung tama ang narinig ko o nabingi lang ako


“ma’am paki ulit nga po” sigaw ng isa kong kagroup “ok . . .Group 3 listen! ang TL nyo ay si Mr. Adrian Punzalan at Mr. Biboy Tolentino” nagkatinginan kami ni Cherry, ngumiti sakin ng nakakaloko, nagtaas ng kilay at nangalumbaba...





BLLLEEEEPPPP BBLLLLEEEEPPPP!!





May dalwang nagtex sakin...





“Good afternoon JN, si Pete ito anong oras kita susunduin? :)” – PETE 




kinilig naman ako sa smiley nya...





At ang isa ay . . .




“hey! ako ang TL mo next week... haha ang saya . . . makakasama kita ng matagal hehe . . . i’m looking forward to be with you . . . .” –  HUNKY NEIGHBOR




Sinagot ko din ng nakakalokong ngiti si Cherry . . . . . . .



Tinignan ko ang kinaroroonan ni Gab . . . . nakatingin pa din siya sa akin . . .




Isang plano ang nabuo . . . . .



Sabi ko naman sayo diba.... luluhod ang mga tala . . . . . . . . . . . . .  HAHAHAHA!!!!




HMMMM.. THE BREEZE OF REVENGE...... IT MAKES ME SHIVER HAHAHA!!!!





 Itutuloy . . . . 

1 comment: