Tuesday, January 25, 2011

TELL HIM Chapter 5

HEAD TRIP









Do not spoil what you have by desiring what you have not; 
remember that what you now have was once among the things you only hoped for.







“anak! anak!”

“ma?? A . . .a . . no ba yun? Ga. . bing g-gabi na po eh nanggigising pa ka . . y-yo . . “ ang pupungas pungas kong sabi

“anak gumising ka dali!! May bumanggang kotse sa harap ng gate natin!!”

“what!!!”ang sigaw ko, nagising ang isipan at buong katawan ko,  dali dali akong kumaripas ng takbo upang puntahan ang gate namin, hindi ko na din sinilip pa ang bintana at nagmadali na sa pagbaba. “ma buksan nyo ilaw natin!!” ”bat hindi ko man lang narinig yun? Di man lang ako nagising sa pagbangga sa gate namin? Mantika na ba talaga ako kung matulog”

“a .  . ahh ehh . . . “ tila wala si mama sa sarili kaya binuksan ko na lang yung pinto...laking gulat ko ng buksan ko ito . . ”a . . a-ano to . . . ” at napatakip ang isang kamay sa aking bibig.

isang carpet ng red petals ng rose ang nakita ko mula sa aking kinatatayuan papalabas ng gate, may mga puting nakasinding kandila sa tagilran ng rose carpet hindi ko makita si mama sa likod ko madilim ang loob ng bahay namin, ang lahat ay parang nakaset pati ayos ng garden namin ay iba na din ang kaysa sa nakita ko kahapon napakaelegante ng set up,. . . ang mas ikinagulat ko ay ang taong nakatayo ngayon sa harap ng gate. . . nakaformal siyang attire at may hawak ng isang bouquet ng red rosess. Napakasarap ng pakiramdam ko, et ona ang pinakaiintay ko sa buhay ko, ang mahalina ko ng taong pinakmamahal ko, ang taong handa kong pag alayan ng buhay ko. . .

“ . . . . G-Gab? . . . a . . a-ano to?” inahaba nya ang kanyang kamay patungo sa akin direksyon tanda na gusto nya ako lumapit papunta sa kanya. Kaya’t lumakad ako sa kanyang kinatatayuan. Para akong nahipnotismo sa kanyang tinuran kaya derederecho akong lumakad papunta sa kanya, nahahawi ang bawat piraso ng bulaklak sa aking dinadaanan ”eto magpropropose na siya sakin” I DO! I DO! I do cherish you from the depths of my soul it’s beyond my control i’ve waited so long to say this to you . . ho if you ask me do I love you this much baby i . . . . (umuga ang lupa. . .) lumilindol???

“JN. . .”



“ayan wala ng lindol . . . ok  . . OK take two! If you ask me do I love you this much . .  i dd . . . . lumilindol nanaman? Ano ba patapusin nyo naman muna ang kanta ko . . . ok!!! Wait lang wag kang lumindol ha! I love you this much baby. . . i . .


“JN . . !!”


Umuga nanaman ang lupa “ano ba naman bat lumilindol! naman eh!! Panira ng momentum, sige kung di ko matatapos ang kanta ko hahalikan ko na lang” hinawakan ko ang muka ni Gab at akmang ilalapat ko na ang aking mga labi sa kanya ng biglang


PPLLLLLAAAAKKKK!!!!

“ARAAAAAAAY!!!!!!!!”

BBBLLLAAAAAAAAAAAaAGGGG!!!!!!!

“aaaaaaaarrrraaaaaaayyyyyy!!!”

Nagising ako sa aking magandang panaginip sa isang napakalakas na palo sa aking pwet mula sa aking ina at dahil sa tuluyang napabalikwas ako sa sakit ay tulyan na din akong nahulog sa aking kama. “ma naman eh . . . ang aga aga mo naman manggising!”

“hoy! Tignan mo nga ang oras! It’s seven in the morning na! Akala ko ba may lakad kayo ngayon? wala ka bang balak mag enrol?”
enrolment day nga pala namin ngayon,

“uhmmm ma tumawag na po ba si Gab?” chineck ko ang phone ko at wala ni isang nagtex sakin

”anak hindi pa, diba sabay kayong mag eenrol?” si mama

”opo daw eh, sabi nya sakin nung isang linggo”

”tawagan mo kaya? Di na din yon pumupunta dito eh…” oo nga pala isang linggo na din pala siyang hindi nagtetex sakin at isang linggong hindi siya nangungulit, isang linggong siya lang ang aking hinahanap, laman ng aking utak… ayaw ko naman siyang tawagan sabihin naman nya na lagi na nga kami magkasama last week eh kukulitin ko pa siya.. hayyyy..

”nako ma hayaan nyo na lang po baka po busy lang siya.”

bbeeeeeepppp! bbeeeeeeeeeeeepppp!!

”ayan may nagtex. . .  ” agad kong binuksan ang message pero hindi siya.
Haaayyyyy



__________________



Somethings telling me it might be you
Yeah it’s telling me it might be you
And im feeling it’ll just be you
All of my life. . .may tumatawag!! ”hello?!” si Cherry lang pala

“hoy friend! Nasan ka? Sabay na tayong mag enrol!

“huh . . . ahh. . eh . . “ di ko siya masagot kase naalala ko si Gab

”hoy bat di ka sumasagot . . . si Gab ano?? Sabay kayo ano??” bukod kay mama alam din ni Cherry na may nararamdaman ako kay Gab, si Cherry ang bestfrend kong babae o si Cherryan Louise, isa siyang baklang babae na kung sa ichura pa lang nya eh hindi mo mapapagkamalang malading-baklang-babae dahil sa napaka ganda talaga nya at sa unang tingin at sa mga hindi nakakakilala sa kanya ay isa siyang di makabasag pinggan MASKARA lang nyang baklitang yan che!, nasa kanya na din lahat ng papangarapin ng isang lalaki, ganda, sexy, talino, mabait, mayaman . . . ewan ko ba kung bat ganito ang ugali ng kaibigan kong to, maganda naman pero di umasal na parang daig pa ang mga baklang parlorista, pero sabi nga nya ”KEBER masaya ako eh , care ko!” sa kanya ko yan natutunan. Alam nya ang lahat ng nangyayari sa buhay ko dahil magkakilala na kami since highschool pa lang at talaga namang close kaming dalwa ni Cherry, alam niya din ang tungkol sa kaisa isa kong ex bf na si Kiko, alam din niya na sobra akong nasaktan sa mga nangyari samin dati, kung baga siya ang ”SAKSI! BENTEKWATRO ORAS!..

”ah kase may usapan kami na sabay daw kami pero ewan ko ba kung bakit isang linggo na siyang di nagpaparamdam

”ano bang oras ng usapan nyo?”

”sabi nya 7 daw siya pupunta dito. . pero hanggang ngayon wala pa!

”hay nako… susunduin kita diyan sa bahay nyo, im on my way na ok.. i’ll be there just give me 30 mins ok!”

“ok . .” ano kayang nangyari kay Gab, bat hanggang ngayon wala pa din siya, nag aalala na ko sa kanya. Dumating na si Che sa bahay namin at hanggang ngayon ay wala pa ding Gab na nasipot.

 “hoy friend ano yang suot mo? Pupunta ka bang palengke?” panlalait ni Cherry sakin

“bakit anong masama sa suot ko?”

”nako nako major major chaka ng damit mo! Kulang nalang ng bayong at muka ka ng mamamalengke eh. . . hala akyat! Halika at ako magaayos nag ichura mo!”

“eto na! wala ako sa mood magpalit pa ng damit” pagmamatigas ko

“nakakaloka ka! hindi ka pwedeng lumabas ng bahay at mag enter the dragon sa school na nakaganyan! Hala akyat na! gorabells sa lungga!” at binihisan nga ako ni Cherry ng bonggang bongga

”etong baklang to! Bakla ka ba talaga? Bat wala kang sense of fashion sa katawan?

”baka gusto mong ikaw ang pag pasyonan ng mga manang diyan sa labas!” at inumang ko ng suntok si bakla ”ay nako Che wala akong pakielan sa fashion mo saka BISEXUAL AKO NOH! Hindi bakla. Basta komportable ako ok na sakin yun”,

”ay brutalism??? Ganun din yon no bakla o bi iisa lang yun pareho lang kayong sumusubo ng toootooot hahaha. . . ”  at ginewang gewang ang kanyang bewang sa harap ng salamin, ganyan kami magbiruan ni Cherry

“ayan ok na ang ichura mo bess! Gandara! Muka ka ng tao! Hindi ka na mukang pupunta sa sabong” sa totoo lang bilib din ako dito kay Cherry at sa sense of fashion nya, ang simple nagiging elegante. Ika nga may magic touch siya. .

”ok gorabells na tayo sa school at ng matapos na tayo agad . . . pero sa oras na to malamang block buster hit nanaman ang showing ni mam cashier at mam admin nito, halika na!



___________________________



             Buong way papuntang school ay si Gab lang ang laman ng utak ko, kung nasan na ba siya, kung anong nangyari sa kanya, kung naputulan na ba siya ng daliri kaya di siya makapagtex, napipi na at di makatawag o nalumpo kaya d i nakapunta sa bahay… 
”aarrrgggggghh, mababaliw ako sa kakaiisip eh”

”eh sino ba kase nagsabing isipin mo siya?” si Cherry

”eh kasi naman an ona bang nangyare si kanya!”

”aba malay ko! Yaan mo dadaan tayo kay madam auring ipapahula ko sa kanya! . .  bat kasi hindi mo tawagan tapos gumaganyan ka! nakakaloka ka!”

”ok fine!” rrriiiinnnggggg riiiiiiinnnnnnnngggg rriiiiiiiiiinnnnnnggggg rrrrrrrrrrriiiiiiinnnnnnnnggg!!!!!!!!!!!! At di na ako nakatiis ” . . . bat walang sumasagot?”taka kong tanong

”nako hayaan mo na si papa Gab im pretty sure tulog pa yan! At malamang lasing! At ang masams pa may kasamang babae sa pagtulog! Kaya pagod siya! Hahahaha!!!!!!!” demonyitang tawa nya!

”gaga wag mo nga akong demonyohin! Hindi ganun si Gab! Kilala ko yon hindi nya gagawing yon . . ” pero at the back of my mind ay yon nga ang nasa isip ko ”AAARRRGGGGGHHHH ERASE ERASE! Magtiwala ka nga kay Gab! hindi siya ganun” ” eh pano kung lasing nga? Tapos may kasama ngang babae ngayon sa bahay nila? Pano kung ng toootoooot na sila?? Super ouch yon!!! ” ”ulol hindi ganun si Gab!” aaaaaaaahhhhh!!!!!

             Dumating kami sa school pero tulala pa din ako, ”hoy itigil mo muna yang kakaemote mo friend! Pagkatapos na natin saka ka mag emote.. sasamahan pa kita! Mageemote din ako!! Iwan mo muna yan dito kay manong guard balikan nalang natin!” kaya panandalian ko munang iniwan ang aking iniisip sa bagage counter na si manong guard, mamaya ko na lang iclaclaim pag uwian na at pumila agad kami para magpa-asses ng aming mga subjects. Tama nga si Cherry blockbuster hit nga ang pila dinaig pa ang MMFF sa crowd, siksikan kami na parang sardinas, ang init init kahit na may aircon, pero infairness naman kay kuyang nasa likod ko, GWAPO ang kolokoy na ito at ever siksik siya sa likod ko, hmm ang bango . . . amoy lalaki . . .ahh  sige kuya siksikin mo pako kung gusto mo diyan ka na din tumira! ahihihi ”aray!” binatukan ako ni Cherry na nakitang nakatingin ako kay kuyang gwapo ”ano ba panira ng moment eh!” ”gaga nawala lang si Gab may pinapantasya ka ng iba! Jombagin ka ni papa Gab sige ka!” ”gaga tinitignan ko lang! Eto talaga OA, saka ano naman hi . . .inddd . . i naman ka . .ami diba”ang malungkot at pautal utal kong tugon. Matapos ang halos isang oras ng pag pila ay natapos din kaming dalwa



”oi” Niyogyog ako ni Cherry sa siko ng habang mega paypay ako dahil sa init, eto naman kasi may pagdododble pang pinasuot sa aking polo at shirt eh! NILALAMIG BA AKO TEH? ” ano ba Cherry! Ang init init na nga e hang likot mo pa” at di pa din siya tumigil

”oi . . !!” ano ba Cherry!” napatingin ako sa kanya, nakatingin siya sa isang dereksyon na parang may nakitang multo at parang gulat na gulat ang lola!

”sino bang tinitignan mo?” kaya’t tinignan ko ang dereksyon ng tinitignan nya. Malabo ang mata ko pero kilalang kilala ko ang taong yun! ”shit! Namamalikmata lang ako! Malabo ang paningin ko! hindi siya yun” pagbubulagbulagn k osa aking sarili. Hinanap ko ang aking salamin sa bag at isunuot ito.




”siya nga! Teka sino yun?”




Nagkatinginan kami ni Cherry at tinignan ulit ang pwesto dalawang taong sa palagay namin ay kilalang kilala namin




 ”shit!!”



Nangingilid na ang aking mga luha sa eksenang aking nasasaksihan . . . .


 . . . ilang sandali pa’y bumagsak na ang mga masasaganang luhang aking kanina pa pinipigilan.


Itutuloy . . . . 

1 comment:

  1. Si Gab at Kiko, magkasama? Choz!
    Hahaha.

    Next na. Keep it up. :D


    follow mo din ako. kahit nde pa ko ng lalagay ng kung ano sa blog ko. hehe

    ReplyDelete