Tuesday, March 29, 2011

TELL HIM Chapter 26

DAZZLING INCANDESCENT ROCK part 2









"i'm shining on 
all because of you"








“hello?”

“Cherry napatawag ka?”

“Kiko free ka ba ngayon? Labas tayo nakakainip kase eh”

“o sige... san tayo magkikita? ....................... o sige bye” END CALL



......................................


“teka Cherry bat ka nga pala nagyaya lumabas? Di mo kasama si JN?” takang tanong ni Kiko ng magkita kami sa labas ng mall


“ahhh wala hindi ko naman kase siya tinawagan eh..wala lang nakakasawa na kaseng kasama yon hahaha” palusot ko upang itago ang totoong matibo.


“para naman hindi kita kilala... alam ko naman na may sasabihin ka eh...” nakangiti niyang tugon sa akin.


“teka nagugutom ako... manong pabili nga po” lumapit ako kay manong na nagtitinda ng waffles. “anong gusto mo Kiko?” tanong ko sa kanya habang papalapit sa kinatatayuan ko.


“ikaw na ang bahala” matipid nyang sagot. Matapos kong magbayad ay naglakakad lakad kaming dalawa. medyo mag dadapit hapon na din ng magkita kami kaya naman pinili namin na umupo sa may harap ng dagat kung saan makikita ang paglubog ng araw. Madaming nakatamaby sa palibot ng mall na yon pati na din sa harap ng dagat, may mga magkakabarkada at may mga pair. Hindi kinikibo ni Kiko ang kanyang waffle, ako rin ay walang ganang kainin ang waffle ni manong. Masyadong tahimik ang pagitan naming kaya naman ako na ang bumasag sa katahimikan yon.


“Kiko kumusta ka...or should i say kumusta kayo ng bestfriend ko?” isang deretsong tanong ang aking pinakawalan. Ngumiti ito sa akin na tila ba ay alam na niyang iyon talaga ang pakay ko kung bakit ko siya gustong makausap.


“alam mo Cherry hindi ko alam kung anong sasabihin ko... masaya akong makita ulit ang kaisa isang taong minahal ko ng totoo sa tanang buhay ko..pero . . .” isang buntong hninga ang kayang binigay bago magpatuloy. “ . . . pero parang iba na ata ang nadatnan ko ngayon... parang ibang JN . . .”


“ano naman ang nagiba dun sa pangit na yon?sa appearance oo malaki ang pinagbago nya, sa ugali wala, sa ibang aspeto katulad nag pag aaral hindi rin.... sa sus siya pa rin ang taong yon Kiko” nakataas kong kilay na sagot sa kanya.


“nagbago na ang puso nya....” mahina niyang tugon sa akin. Hindi na ako nakaimik pa dahil totoo naman ang bagay na yon. “alam mo ban a kapag niyayakap ko siya . . . kapag naglalapat nag katawan namin... nararamdaman kong nandiyan siya pero wala ang puso nya, kapag hinahalikan ko siya, hindi ko maramdaman na humahalik siya sa isang taong minamahal nya bagkus para lang matugunan ang halik na binigay ko... hindi maramdaman ang init ng kanyang pagmamahal yong init na meron kami dati...” nakita ko na lang ang pag agos ng kanyang luha. Unang pagkakataon kong makakita ng isang lalaking maskulado na umiiyak sa aking harapan. Natatawa akong isiping kaibigan ko ang nagpapaiyak dito. “hay JN ang haba talaga ng pubic hair mo!” sabi ng isip ko.

“kinausap mo na ba siya tungkol dito?” isang pilit na ngiti ang kanyang ipinakita.

“ alam mo Kiko noong pinili mong iwanan si JN at hindi na magpakita, dapat inisip mo din na makakalimutan ka nya, hindi dahil sa hindi ka nya mahal.. bata pa tayo Kiko madaling mabago ang pag-iisip natin isa pa, alam naman natin na kapag may umalis siguradong may dadating...” lumingon siya sa akin at nagbigay ng isang pilit na ngiti. “alam mo kase kiko minsan kapag iniwan mo ang isang bagay sa kalye basura man  ito o isang magandang teddy bear may pupulot at pupulot nito...”


“alam ko naman yon Cherry tanggap ko naman na magmamahal at magmamahal siya ng iba, pero hindi ko magawang alisin siya sa puso ko. alam ko din naman na mabuting tao ang bestfriend ko, nararapat lang lay JN ang isang mabuting tao na mag aalaga at magmamahal sa kanya. Masakit man ito para sa akin dahil pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako ng mahal ko at ng bestfriend ko” halos magcrack ang kanyang boses habang nagpapaliwanag. “pero ikaw ang may gusto nito diba...” mahina kong tugon sa kanya. “oo kasalanan ko ito hindi ko kase nakita na maaring mahulog ang loob ni JN kay Gab, at ganon din si Gab kay JN... ang pagbalik ko ngayon at pagbawi kay JN ay parang isang suntok sa buwan na lang... mabait sila pareho at nararamdaman kong mahal nila ang isa’t isa. masakit pero tatanggapin ko yon..ang hinihintay ko na lang ay sabihin ni JN kung sino ba talaga sa amin ni Gab ang pipiliin nya. Kung si ako ang pipiliin nyang makasama muli kahit na nawala ako ng halos apat na taon pipilitin kong ibalik ang dati, ang init na meron kami pero kung si Gab..... tatanggapin ko.”


“hmm alam mo na palang si Gab ang tinutukoy ko.”


“simula ng maging magkaibigan sila ni JN at ng tumagal yon nararamdaman kong nagiiba ang kanyang pakikitungo sa akin, binalewala ko yon dahil baka lang sa bagong tao si JN sa buhay niya, pero ng makita ko ang mga pictures ninyo sa fb, nang makita ko kung pano ingatan ni Gab si Jn, ang mga titig nila sa isat’t isa nararamdaman kong may umuusbong na pagtingin sa pagitan nila. nagbulagbulagan ako kahit na alam kong possible ang naiisip ko at nakikita. Bumalik ako dito para malaman ang totoong score sa aming tatlo, kung sino ba o kung sino na ba... pero nong makita kong niyaka ni JN si Gab alam ko na ang kakalabasan nito..pero . . . pero ayaw kong sumuko mahal ko pa din si Jn at alam kong may nararamdaman pa din siya sa akin.”


“kung sino man ang piliin nya alam nating nanggaling yon sa puso nya... pareho kayo ni Gab na makakapag paligaya sa kanya pero kung ano man ang maging kalabasan sana matnggap natin ng maluwag” inaya ko na siyang umuwi dahil nagawa ko na ang aking pakay



...................................



Naisipan kong maglakad lakad sa aming village kahit na nakapajamas na ako. “ano ba eh maganda naman ang pajama ko. spongebob squarepants haha” sabi ko sa sarili ko habang papalabas ng gate. Naabutan ko si Kuya Biboy na papasok naman ng kanyang bahay, nginitian ko ito at ganun din ang kanyang ibinalik sa akin. Sumenyas siya kung gusto kong pumasok sa bahay nila pero isang iling lang at ngiti ang aking ibinigay, ngumiti din ito sa akin at saka pumasok, nakita ko din si Pete na naglalakad papunta sa amin, basing basa ng pawis at halatang pagod, nakajersey shirt and shorts at nangingintab sa pawis ang mga bisig nito. Naalala kong kanajersey din si Kuya Biboy at nangingintab din sa pawis ng makita kong papasok sa kanilang bahay. Nginitian ako ni Pete “naglaro lang kami ni Biboy ng basketball diyan sa court, magaling pala yon mag basketball hiningal ako” isang ngiti lang ang aking tinugon sa kanya at pumasok na siya sa loob ng bahay, “it looks like someone likes someone” tudyo ng madumi kong utak “hahaha oo nga... sayang dapat aking silang dalawa eh” “tado haha sinaktan mo nga pareho eh saka masyado kang advance mag isip naglaro lang sila noh!” “haha oo nga naglaro sila pero hindi naman sila close dati eh” “AYY NAKO TUMIGIL NGA KAYO!” awat ko sa aking sariling utak... “haha baliw baliw talaga ako, utak ko may sariling utak din haha”


                Medyo malayo layo layo na ang aking nalalakad ng naramdaman kong may sumusunod sa akin. Isang kotseng pamilyar sa akin. Mabagal ang patakbo nito na at patay ang mga head lights. Kasabay ng paglapat ng paa ko sa lupa ay ang pagkabog ng aking dibdib. Mabuti na lang at dala ko ang aking cellphone, pero dala na din ng takot ay kung sino na lang ang una kong makita sa dialled number ang aking tiwagan.


“hello bessy napataaw-“ hindi ko na pinatapos magsalita si Cherry


“nandito si Marcus... sinusundan ako Cherry”


“huh? nasan ka?” si Cherry na nabilaukan pa ata dahil sa pagkataranta


“nandito ako sa village naming kaya lang malayo na to sa bahay naming” tarantang sagot ko sa kanya


“bilisan mo na lang ang paglakad tapos dumirecho ka sa guard house!” suhestyon niya, kaya lang nasa kabilang side ang guard house at napakalayo ko kung tatakbuhin ko yon at siguradong maabutan nya ako kung mangyayari yon, naka apat na gulong siya samantalang dalawang paa lang ang akin. Pero wala na akong ibang maisip na gawin kaya naman tumakbo na ako, narinig kko din ang pagbilis ng makina ng kanyang sasakyan at pagtama ng umiikot na gulong sa kalsada. Para nag pang marathon ang takbo ko hinhingal na din ako at basing basa na ang aking katawan dahil sa magkahalong kaba, takot at pagod. May nakita isang maliit na eskinita kaya naman doon ako tumakbo, hindi kasya ang sasakyan niya doon kaya kumaripas muli ako ng takbo papalayo sa kanyang sasakyan. Nang maabot ko ang dulo ay nakita ko na agad ang saakyan niyang nag-iintay sa akin kaya naman tumakbo ulit ako papalayo sa kanya, ibang dereksyon naman ang aking tinahak halos hindi ko na alam ang parting ito ngayon lang ako nakarating sa dulong lugar ng village namin, habol pa din ako ng sasakyan niya at hindi ito ganon kabilis na parang ayos lang sa kanyang tumakbo ako papalayo na parang alam nyang hindi ko siya matatakasan. Maiihi na ako sa kaba na aking nadarama. Parang lalagnatin na ako sa takot ko sa kanya. Nang makaliko ako bagtago ako sa isang malaking halaman. Hindi ko na naririnig ang takbo ng makina at parang wala ng humahabol sa akin. Huminga ako ng malalim at nagpalakas ng loob, sumilio ako upang makasiguro na wala na siya talaga. Hindi ko nakikita ang kanyang kotse at tahimik na ang lugar. Pinasya ko ng umuwi at ng mapanatag na aking kalooban kaya naman buong ingat akong umuwi sa amin maligaw ligaw kong tinahak ang aking mga dinaanan kanina. Nakikita ko na ang daanan patungo sa aming bahay. Napanatag na ang ako natahaking daan. “salamat po Lord at nakabalik ako ng buhay haaaaayyy ilang bahay na lang at makakaui nako yehey!” sabi ko sa hangin habang masaya kong binabagtas an gaming daan ng biglang nagtakip ng aking bibig at ilong, amoy ko ang isang mbaho at maskit sa ilong at ulong nakalagay sa pinantakip sa aking ilong at bibig isang gamot ata yon, hindi ko makita kung sino dahil nasa likod ko ito nagpupumiglas ako para makawala at makahingi ng tulong pero huli na dahil nanghihina ako dulot na din ng gamot. Unti unti kong nararamdaman nag pagbagsak ng talukap ng aking mga mata, ang panghihina ng aking mga tuhod at pananakit ng aling ulo. Hanggang sa nawalan na ako ng ulirat.



              Isang mainit na hangin ang aking nararamdaman sa aking baba ang nagpagising sa akin. Iminulat ko ang aking mata, pawing malabo ang kapaligiran ng idako ko ang aking mata sa buong lugar, maliwanag pero hindi ko pa din maaninag ang kabuoan nito, masakit pa din ang aking ulo pati na din ang aking binti at buong katawan. Nang makapag adjust na ang aking mata sa liwanag ay nakita ko ang isang lalaking nakatingin sa akin, “kilala kita ahh..” tatayo sana ako pero nahilo ako kaya naman inalalayan niya ako. “wag kang tumay kung di mo pa kaya...”  tugon ng lalaki sa akin


“teka nasan ako?” maingat niya akong ibinalik sa pagkakahiga. Bago siya magsalita “nandito ka sa resort namin” tugon nya “halika kumain ka muna kailangan mong kumain para magkalakas ka” sabi nya sakin habang hinahain nya ang pagkain sa aking harapan... napaisip naman ako dahil kung isang kidnap ito aba sosyal na kidnapper siya ha..ang ganda ng kwarto nya, pinakakain pa ko ng agahan, Inalalayan pa ako, bago na din ang damit ko na halatang mamahalin ang tatak at isa pa ang gwapo niya para maging kidnapper! “kung ganito ba naman ang kidnapper nako araw araw akong magpapakidnap! Hahaha” tudyo ng utak kong malandi


“teka Marcus anong ibig sabihin nito?” tanong ko sa kanya


“Kidnap....” napakamot siya sa ulo nya at natawa sa kanyang sinabi “kumain ka na muna mamaya ka na magtanong...”  isang matamis na ngiti ang kanyang ibinigay nya a akin. Pero dahil na din sa sakit ng ulo ko ay di ko magawang iangat man lang ang kubyertos, napansin nya yon kaya naman lumapit sia sa aking likuran, isinandal ako sa kanyang katawan, hinawakan ang kutsara  at siya ang nagsubo sa akin ng pagkain. Natapos akong kumain ng sinusubuan niya “teka Masrcus... bakit mo ba ako kinidnap? Hindi naman ako mayaman, at mukang mas mayaman ka pa sa akin, at isa pa . . .”


“ano???” nakangiti niyang tanong sa akin.


“isa pa . . . wala sa itsura mo ang gagawa ng ganito...” natawa siya sa sinabi ko


“wala akong pakialam sa pera o ano pa man... ang mahalaga ay nasa akin ka! Hahaha”


“sisigaw ako ng dito!” pananakot sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko


“bakit ka natatawa? Sisigaw talaga ako”


“haha muka ka kasing batang nawawala at hindi nambabanta sa isang kidnapper haha” natatawa niyang tugon sakin, napahiya naman ako at alam kong namumula ako. Hinanap ko ang cellphone ko sa aking bulsa, wala kaya hinanap ko sa paligid pero wala din.. bigla nyang itinaas ang kanang kamay niya at nakita ko ang aking cellphone


“akin na yan!” utos ko sa kanya pero uniling iling lang ito na parang isang batang nagiingi ng laruan.


“diba kidnap nga to kaya walang cellphone haha”lumabas na siya at naiwan akong nakaupo sa kama niya


“TULONG TULONG!!!!” pagsisisgaw ko agad naman siyan pumasok tatakpan niya sana ang aking bibig ng makita nyang nakangiti ako sa kanya


“bat ka sumisigaw!!”


“eh diba kidnap to? Kaya ako sumigaw!”



TOK TOK TOK!



Nakita kong may pumasok sa pinto



Teka kilala ko yon ah...



Hindi ako pwedeng magkamali...





Itutuloy...

10 comments:

  1. grabe! super marathon ako sa pagbabasa ulet! nakalimutan ko na kasi ung story! kaya nag start ako ulet sa umpisa! :DD sana mabilis na i deliver ung chaps bakasayon naman e! plss robo the great! |:) *deliver talaga??*

    ReplyDelete
  2. akala ko kuya after holy week magagawa mo na ito?
    ang tagal nmn ng kasunod.

    ReplyDelete
  3. Kuya di ka pa rin nag-uupdate? Pareho tayo.

    -Half

    ReplyDelete
  4. author sna po mg update kna pls.......tnx..... :))

    -reggie-

    ReplyDelete
  5. sa lahat po sorry busy lang talaga... half ikaw din magupdate ka na hehe

    ReplyDelete
  6. ganda ng story nato, just new here, sana me next chapter na (",)

    ReplyDelete
  7. calling mr. author!! update na po!!!! please? hehehe...

    ReplyDelete
  8. kailan nyo po kaya ito madudugtungan?? ganda po kasi. sayang lng kung hindi matatapos :))

    ReplyDelete
  9. hi chris... salamat sa pagbabasa i appreciate it.. im working on it.. hehe

    ReplyDelete
  10. Mr. Robo kelan po update nito? malapit na mag-one year ito... huhuhuhu


    Cheers!:)

    ReplyDelete